Chapter20: Am I pregnant?
Nagising ako ng maramdaman kong para bang hinahalukay ang tyan ko. Agad akong dumiretso sa banyo at pinilit na sumuka kahit wala naman akong maisuka. Matapos kong sumuka ay naghilamos ako upang mahimasmasan ang pakiramdan ko.
"Oh? Bakit ganyan ang mukha mo, Samantha?" Tanong sa’kin ni Tita ng makita niya ako. Nakasimangot kasi akong umupo sa hapag kainan.
"Ang sama po kasi ng pakiramdam ko tapos ang sakit pa ng tyan ko paggising ko, Tita." Sambit ko at lalo akong napasimangot ng makita kong ham at itlog ang ulam.
"Wala na po bang ibang ulam?" Tanong ko at ngumuso pa.
"Bakit ayaw mo ba ng ulam?" Tanong sa’kin ni Tita.
"Parang hindi ko po kasi feel kumain ng ham and egg." Nag-aalangan kong sambit.
"Ang arte mo naman. Wala ng ibang ulam na maluluto si Mama." Sambit ni Glyren na kalalabas lang sa kusina.
"Sa ayaw ko, eh. Paki mo ba?" Sabi ko at nagkibit-balikat pa. Pumunta nalang ako sa kusina at niluto ang noodles na nakita ko. Naabutan ko sila na kumakain na nang matapos ako at napailing-iling ang pinsan ko mg makita ako.
"Tsk! Ang arte talaga. " Sambit ni Glyren atsaka nagpatuloy sa pagkain niya.
Napaismid nalang ako dahil sa kanya bakit ba? Sa ayaw kong kainin iyon, eh. Sinimulan ko ng kainin ang noodles na niluto ko at kalaunan ay tinigilan ko din dahil para bang ayaw ko na itong kainin. Nawalan ako ng gana ng maamoy at malasahan ito.
"Alis na ako." Pagpapaalam ko sa kanila.
"Aalis ka na? Halos hindi mo nga nagalaw iyong niluto mong pagkain," nakakunot-noong sambit ni Tita.
"Pasensya na po, talagang wala akong ganang kumain," walang ganang sambit ko.
"Nagsasayang ka talaga ng pagkain," sambit ni Glyren na napapailing-iling pa.
Agad namang nag-init ang ulo ko dahil sa sinabi niya ngunit mas pinili kong itikom na lang ang bibig ko. Umalis na lang ako agad ng bahay kaysa makipag-away pa sa kanya. Wala na talaga ako sa mood pero wala akong choice dahil kailangan ko pumasok sa trabaho kundi wala akong sasahurin.
"Goodmorning, Samantha." Masayang bati ni Mr. Kim sa’kin ang photographer naming ngayong araw.
"Morning," walang ganang bati ko pabalik pero pinilit ko pa ding ngumiti sa abot ng makakaya ko.
Agad akong naupo sa gilid at nag-earphone upang walang kumausap sa’kin habang naghihintay kami sa iba. Maya-maya lang ay dumating na din sila kaya itinabi ko na muli ang cellphone ko sa aking bag.
"Okay, let's start ng matapos na tayo ng maaga. Ikaw muna ang uunahin ko Samantha mahuhuli daw kasi si Mark dahil sa trapik. So, solo ka muna," sambit ng photographer sa’kin kaya tumango ako bilang sagot sa kanya.
"Halika rito ng maayusan kita, iha," sambit ng stylist kaya agad akong lumapit sa kanya.
Matapos akong ayusan ay inabutan niya ako ng isang magandang damit. Isa itong kulay blue na off-shoulder dress at lagpas ng konti ang palda nito sa tuhod. May design din ito na maliliit na beads na nakapagdagdag ng ganda sa dress.
All I can say is... I LOVE IT! WAAH!
"I'm sorry, I’m late— woah! Ganda natin, ahh. " Sambit ni Mark na napatigil pa sa paglalakad ng makita ako.
"Thanks to this dress napuri mo ko," Natatawang sambit ko.
"Seriously, Bagay sa’yo ‘yan," Sambit niya at pinakawalan ang nakakasilaw niyang ngiti.
‘Ano ba, Mark? Ang eyes ko nabibiyayaan ng magandang view.’
Sa hindi ko malamang dahilan ay lumapit ako sa kanya at kinurot ang kanyang mukha.
"ARAY!" Reklamo niya at iniilagan ang pagkurot ko sa pisnge niya.
"Waah! Pakurot lang! Ang cute mo, eh." Naka-pout kong sambit sa kanya.
"Ayoko nga! Ikaw ha! Kung hindi mo ako palaging hinahampas ay kinukurot mo ang mukha ko kapag nakikita mo ako. Crush mo ako, ano?" Sambit niya at humalukipkip pa sa harapko.
Hindi ko mapigilang mapangiti dahil ang cute niya para bang ang sarap niyang ilagay sa box at i-display sa bahay o hindi naman ay yakapin ng mahigpit saka kagatin ang kanyang pisngi.
"Asa! Hindi, ‘no! Gusto lang kitang kurutin…" Sambit ko at kinurot muli ang magkabilang pisnge niya ng makakita ako ng pagkakataon.
"Arway kwo!" Reklamo niya at lalo ko pa siyang pinanggigilan. Mangiyak-ngiyak siya ng bitawan ko ang mukha niya.
"Aray ko. Laylay na ata ang mukha ko. Sinisira mo ang ka-gwapuhan ko," Sambit niya at nakangiwing hinilot ang mukha niya na kinurot ko.
"Tsk! Ano ka si Kie?" Pagpapatuloy niya pa habang hinihilot ang pisnge niyang namumula na kakakurot ko.
"Huh? Anong meron kay Kie?" Tanong ko ng nakakunot noo pa.
"Hindi mo ba alam? Buntis si Kie. Naglilihi siya at si Baymin ang pinaglilihihan kaya niya. Ayon pinagtataguan siya ni Baymin." Sambit niya at umayos na ng tayo. Napahinto naman ako sa sinabi niya ng may ma-realize ako.
"M-Malabo naman atang paglihihan kita, ‘no?" Nauutal na sambit ko at pinalo ko pa siya ng mahina sa braso.
"Siyempre malabo talaga wala ka namang jowa, eh." Natatawang sabi niya na ikinaputla ko.
Tiningnan ko lang siyang lumapit sa mga staff at kinamusta ang mga ito. Nanginginig ang tuhod ko at naka-tulalang napa-upo. When Mark said na naglilihi si Kieseyah ay may na-realize akong isang bagay na hindi ko napansin dahil sobrang busy ko sa mga nagdaang panahon. Never pa akong na-delay sa menstruation ko and the worst is… its been three months at hindi pa ako dinadalaw ng regla ko.
Napakagat-labi ako ng maalala ko ang pagbabago ng moods ko, kakaibang panlasa ko at kakaibang eating habits ko. Pati na din ang pagsusuka ko sa umaga at ang kakaibang pang-amoy ko. No, maybe nagkataon lang ang lahat?
"Samantha? Okay ka lang ba? Namumutla ka," Sambit ni Mark pagkalapit sa’kin.
"Ha?"
"Tinatanong kita kung ayos ka lang ba?" Sambit niya at hinawakan pa ang noo ko at matapos ang ilang minuto ay tinanggal rin niya.
"Wala ka namang lagnat. " Marahan ko namang tinapik ang kamay niya at tumayo na.
"Ano ka ba? Wala akong sakit, hahahah…" Sambit ko at awkward na tumawa.
Nagmamadali akong pumunta sa gitna ng studio at pinilit pakalmahin ang sarili ko. Nagsimula naman kami kaagad at kung anu-ano ang post na pinagawa sa’min sa loob ng isang oras na may five minutes break naman sa pagitan.
"Last shot and done!" Masayang sambit ng photographer sa’min.
"Yey! Makakain na ako." Masayang sambit ko dahil nagugutom na talaga ako.
"Ay! Gutom na gutom lakas maka-yey!" Natatawang sambit nila kaya nagpeace-sign ako sa kanila.
"Bihis lang ako," Sambit ko kay Mark dahil ihahatid niya daw ako pauwi.
Tumango naman siya sa’kin at sinagot ang tumatawag sa kanyang cellphone. Pagkatapos magbihis ay lumabas din ako ngunit hindi pa man din ako nakakalayo ng nakaramdam na ako ng hilo. Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko sa sahig at pagpikit ng aking mga mata.
Mark's Point of View:
"Ang tagal naman ni Samantha lagpas kalahating oras na, ah?" Bulong ko sa sarili ko at sumandal sa pader habang nakatingin sa relos ko. Papunta na ako sa restroom ng mapansin kong parang nagkakagulo ang mga tao doon. Nang makalapit na ako ay nakita kong buhat-buhat ng isang staff si Samantha kaya agad-agad akong lumapit sa kanila.
"Anong nangyari sa kanya?" Nag-aalala kong sambit habang nakatingin kay Samantha.
"Hindi po namin alam. Naabutan nalang po namin siya na wala ng malay," sagot ng staff na kasalukuyang buhat si Samantha.
"Ako ng magbubuhat sa kanya. Ako nang bahala sa kanya," sambit ko at maingat siyang kinuha sa nagbubuhat sa kanya at dineretso sa kotse ko.
Dinala ko siya sa pinaka-malapit na ospital. Bago ko siya ipasok sa ospital ay nag-mask at sombrero muna ako for my privacy and her safety. Lagot sa’kin ang babaeng ito paggising niya lagi kasing nagpapagod. Ayan tuloy. Pagkarating namin sa emergency room ay agad naman siyang inaskaso ng mga nurse at doctor. Ako naman ay bumili ng makakain niya paggising niya habang hinihintay siyang lumabas doon. Pagbalik ko ay nasa VIP room na siya.
"Kamusta po siya Doc?" Tanong ko matapos niyang ayusin ang kung ano mang inaayos niya sa dextrose ni Samantha.
"Okay na siya, Sir. Masyado ba siyang nagpapagod?" Tanong ng Doctor sa’kin.
"Yes, lately kasi naging busy kami sa trabaho." Sambit ko at napakamot pa sa ulo.
"Dapat hindi mo hinahayaang mapagod at mapuyat ang girlfriend mo. Makakasama iyon sa kalagayan niya," Sambit ng doctor at may sinulat sa papel.
Napagkamalan pa akong boyfriend ng babaeng ito. Ano ba ‘yan?
"What hindi ko po siya—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng taasan niya ako ng kilay at mapailing-iling siya.
"Naku! Itatangi pa. Ito ang reseta ng gamot niya. Kailangan mo bilhin ang mga vitamins niya para maging healthy ang baby niyo lalo na at lagi kayong pagod sa trabaho niyo." Huminto siya saglit saka nagpatuloy sa pagsasalita.
But wait? Did I hear the word baby?!
"At oo nga pala, habang maliit pa ang tyan niya ay maari niyo pang gawin ang bagay na iyon. Iyong alam mo na? Pero kapag malaki na ang tyan niya ay huminto na muna kayo o kaya naman ay bawas-bawasan niyo dahil makakasama iyon para sa baby niyo." Napanganga ako dahil sa sinabi ng doktor at nagloading ito sa utak ko.
What the—? What? Baby? Baby namin? Buntis si Samantha at ako ang pinagkamalang tatay ng doctor na ito? Porque ako ang kasama ako agad ang tatay?
At anong gawain iyong alam ko na? Jusme naman! Bakit ko gagawin sa kanya ‘yon? Eh, hindi nga pumasok sa utak ko iyon!
"Hindi niya po ako boyfriend at anong baby?" Shock kong tanong sa doctor at pakiramdam ko ay pulang-pula na ang mukha ko. Nakita ko naman na napailing siyang muli.
"Naku! Talagang itinatanggi! Ano bang masama kung aaminin niyo? Matapos niyong gawin iyan mahihiya kayo? Mga kabataan nga naman." Saad nito at nilayasan ako ng umiiling-iling.
Loko itong doctor na ito. Malamang itatanggi ko, eh, hindi naman talaga ako ang tatay ng dinadala ni Samantha. Hindi lahat ng kasama ng buntis tatay ng nasa tyan nila. Grabe to!
Nang makaalis ang doctor ay umupo ako sa gilid ng higaan ni Samantha na himbing na himbing pa rin sa pagtulog.
'She's pregnant? Sino naman ang tatay ng dinadala niya? Atsaka nag-aaral pa siya, ah? Wala din naman siyang nababanggit na boyfriend niya kaya sino?'
"Is she really pregnant?" Tanong ko sa kapapasok palang na nurse.
"Ayon po sa lumabas na result sa urine niya, yes buntis po siya. You can also double check it by using pregnancy test, Sir." Sabi nito at lumabas na matapos i-check ang dextrose niya.
Who’s the hell is the father of her child at pinahihirapan niya si Samantha ng ganito?
Whoever he is, hindi ko siya mapapatawad kapag may nangyaring masama kay Samantha.
Samantha's Point Of View:
Nagising ako ng maramdaman ko na para bang hinahalukay ang tyan ko kaya agad akong tumayo. Hindi ko na tinignan ang kung sinumang umalalay sa’kin basta ang mahalaga ay gusto ko lang ang sumuka.
"Mag-ingat ka naman," sambit ng pamilyar na boses at itinali ang buhok ko. Matapos ko sumuka ay tinignan ko ang tao na iyon at nakita ko si Mark. Nakatingin siya ng nag-aalala sa’kin.
"Oh, tissue..." Sambit niya at inabot ito sa’kin na agad ko namang kinuha para punasan ang aking mukha.
"Salamat pero bakit ba ako nandito sa ospital?" Tanong ko ng sa kanya ng ma-realize ko na nasa hospital ako pala ako.
"Hinimatay ka kahapon kaya sinugod kita dito," Sambit niya sa’kin at inalalayan ako palabas ng banyo.
"Sana inuwi mo nalang ako. Ayaw ko dito sa ospital, Mark." Sambit ko sa kanya.
"Kung inuwi kita kahapon ay hindi ko malalaman iyon..." Mahina niyang sambit na nagpakunot ng nook o.
"Ano iyon?" Tanong ko dahil may ibinubulong siya.
"May gusto ka bang kainin? ‘Yon ang sabi ko baka nagugutom ka na kasi dahil kahapon ka pa hindi nakakakain." Sambit niya at inalalayan akong maupo.
"Uhmm... Parang gusto ko ng spicy chicken feet, tapos strawberry cake at strawberry milk," Masayang sambit ko sa kanya habang navi-visualize ko ang mga sinasabi kong pagkain na kulang nalang ay maglaway ako.
"Dyan ka lang bibilhin ko ang mga sinabi mo," sambit niya matapos niya akong bigyan ng tubig.
"Hi, Ms. Samantha. Magandang umaga," masayang bati ng doktor sa'kin pagkapasok niya sa loob.
"Kamusta naman ang pakiramdam mo?" Tanong niya sa’kin.
"Nahihilo po at nasusuka," Sambit ko sa kanya at napahawak pa sa tyan ko.
"Normal lang iyan sa nagbubuntis," Sambit ng doctor na ikinasamid ko. Muntik ko pa ngang maibuga sa mukha ng doctor ang tubig na iniinom ko dahil sa sinabi niya.
"What? It can't be!" Pasigaw na sambit ko habang nanlalaki ang mga mata ko.