Chapter19: Back to My Daily Life
Tumingin ako sa kanyang mukha at siyang pagtibok ng mabilis aking puso.
Damn! I miss that voice. I miss him. Do you feel the same, Jiro?
"Ah, hello?" Sambit ko sa kanya at halos matuod sa kinatatayuan ko.
I look straight to his eyes. Gaya dati ay gano'n pa din ang nakikita ko sa mata niya. Nothing more, nothing less. My heart is wishing for something. Wishing for something new about us. We seat on our table as the party started. Maraming guest si Mark ngayong araw at nanonood lang kami. Hanggang nakisayaw sila sa gitna at kaming dalawa nalang ni Jiro ang naiwan sa mesa.
"Oh, bakit ayaw mong makisaya doon?" Tanong ko para basagin ang katahimikan sa pagitan namin saka ako lumingon sa kanya.
"I just don't like it. Isa pa, kaninang umaga pa ako nakatayo." Napatitig ako sa mga mata niya ng sabihin niya iyon. Kalaunan ay binawi ko rin dahil tila hinihigop ako ng mga mata niya.
"As far as I remember, the last time I saw you ay noong nag-celebrate tayo about my drama." Rinig kong sambit niya sa'kin. Napahawak naman ako ng mahigpit sa tinidor na hawak ko at napalunok. Is he going to tell me what happen that night? Are we going to talk about it?
"Oh! Three days na pala ang lumipas," Sambit ko at saglit na tumingin sa kanya ngunit kalaunan ay napaiwas din. Nakapalumbaba siya ngayon habang hawak ang bote ng wine at isinasalin iyon sa baso.
"What exactly happen that day? Nagising nalang ako wala ka na. Then, sabi ng staff umalis ka na. Did I do something wrong or something strange?" Tanong niya sa'kin.
"What do you mean on 'what exactly happen that day?', Jiro?" Kunot-noo kong tanong sa kanya. Umayos siya ng upo bago nagsalita muli.
"Tuwing sumosobra kasi ako sa inom ay kung ano-anong kalokohan ang ginagawa ko. Wala naman akong ginawang stupid things, hindi ba?" Tanong niya sa'kin.
I felt happy, sad, hurt and dissapointed at the same time. Happy because hindi namin mapag-uusapan iyon. Sad and hurt because it means nothing. Dahil hindi niya alam kung ano bang ginawa niya sa’kin ng gabing iyon. Naguguluhan na ako sa sarili ko. Hindi niya ba talaga naalala ang nangyari ng gabing iyon o ayaw niya lang alalahanin? Kung ano-ano ang pumapasok sa utak ko.
"Hindi mo ba talaga maalala?" Tumingin siya sa'kin ng nagtataka matapos kong sabihin iyon.
"Did I really do something?" Tanong niyang muli. Tumingin ako ng diretso sa kanyang mata saka nagbigay ng tipid na ngiti.
"Ano ba? Sinukahan mo lang naman ako ng gabing iyon. Iyon lang..." Sambit ko sa kanya at nakita ko kung paano nanlaki ang mata niya. Paano pa kung nalaman niya mismo kung ano pa ang ginawa niya baka labis pa diyan ang reaksyon niya.
"Hala! pasensya na—"
"Jiro," Tawag sa kanya mula sa hindi kalayuan. Sabay kaming napatingin sa nagsalita at nakita namin sila Jina at Lisa na palapit sa lugar namin.
"Hello," Masayang bati ni Jiro sa kanila.
Bahagya naman siyang niyakap ni Jina at itong si Jiro ay yumakap din pabalik. Bakit kailangan may yakapan pa? Kapag magkatrabaho kailang nagyayakapan kapag nagkakamustahan? Tsk. Nakakainis may tao kaya dito.
"Who is she?" Tanong ni Jina at tinuro ako.
"She's Samantha. My personal assistant." Nakangiting sambit ni Jiro sa kanya. Nakakaasar! Sa'kin ka lang pwedeng ngumiti ng ganyan.
"Yeah. I'm just his personal assistant." Mahinang sambit ko at napaiwas ng tingin sa kanila.
"Hi, Samantha." Nakangiting bati niya.
"Hi," bati ko pabalik.
Since, dumating sila ay hindi na ako pinansin ni Jiro, na siyang nakadagdag sa inis at lungkot na nararamdaman ko. Inubos ko lahat ng wine sa mesa bago umalis doon at lumipat sa table ng Slaykids kung saan alam kong hindi ako mababalewala.
"You're drunk," sambit ni Felix sa'kin pagkaupo niya sa tabi ko.
"And he doesn't care," Sambit ko at napasandal sa balikat niya dahil sa sobrang hilo na nadarama ko.
"I miss this..." Sambit niya at naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko.
"Tsk. Then, enjoy this moment in 10 minutes hanggang mawala ang hilo ko." Sambit ko sa kanya at pinikit ang mga mata ko.
"Okay." Rinig kong response niya at nag-adjust pa siya sa level ko upang makasandal ako ng maayos sa kanyang balikat.
After ten minutes ay umalis na rin ako sa pagkakasandal kay Felix. Kinusot ko pa ang aking mga mata bago lumingon sa kanya.
"Feel better?" Tanong niya sa'kin.
"Yeah." Sambit ko at tumayo na kahit medyo hilo pa ako.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya at hinawakan ako sa kamay para pigilan.
"Dyan lang..." Sambit ko at tinanggal ang pagkakahawak niya sa'kin. I saw pain in his eyes but I don't feel sorry for it. This is one of the way para i-let go niya ako.
"Thank you sa ten minutes." Nakangiting sambit niya sa'kin kaya hindi ko maiwasang ngitian din siya pabalik.
"Saan ka pupunta?" Rinig kong tanong ni Hiro.
"Dyan lang..." sambit ko sa kanya.
---
Pumunta ako sa terrace para magpahangin pero saglit akong napatigil ng makita si Jiro.
"Jir—" Naputol ang tangkang pagtawag ko sa kanya ng makita ko si Jina na lumapit at yumakap sa kanya. Nakita ko din ang pagyakap niya dito pabalik.
A tear escape from my eye. Hindi ko alam kung anong nangyayari at magkayakap sila. My stupid heart. Nasasaktan na naman. Wala naman akong karapatang magselos dahil walang kami pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Gusto kong magwala sa mga oras na ito at itulak si Jina dahil niyakap siya nito. Kaso kung gagawin ko iyon, ako ang magmumukhang tanga dahil wala namang namamagitan sa'min. Nakatitig sila ngayon sa isa't-isa at bago pa iyon mapunta sa sitwasyong mas ayaw kong makita ay tumakbo na ako papaalis sa party. I went straight to our house and straight to my room. I cry all night wishing it will help to relieve my pain.
---
"Oh! Goodmorning, Samantha. Bakit bigla kang nawala kagabi? Saan ka pumunta?" Tanong sa'kin ni Glyren.
"Umuwi. Sumama kasi pakiramdam ko..." Pagsisinungaling ko sa kanya.
Nakapag-isip isip na ako na magre-resign na ako bilang personal assistant ni Jiro. Hindi magandang magtrabaho lalo na at alam kong bawat kilos ni Jiro ay nakakaapekto sa'kin.
"Hinanap ka namin. Nag-alala kaya kami sa'yo." Sambit ni Glyren sa'kin.
"Sorry. Nakalimutan ko na rin magtext kasi nakatulog na ko pag-uwi ko." Pagdadahilan ko.
"Kailan ka ulit babalik sa pagtatrabaho kay Jiro? Tinatanong kasi niya..." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang sinabi ng pinsan ko.
"Hinahanap niya ko? Siya mismo ang nagtanong?" Hindi ko napigilang itanong sa kanya.
"Oo, tinanong niya. Tinanong niya rin kung kailan ka babalik sa unit mo para daw alam niya. Hindi mo na rin daw kasi siya ina-update kaya ako na daw ang tinanong niya." Sambit ni Glyren at tumingin sa'kin.
Hindi Samantha. Hindi ka dapat madala hinahanap ka lang niya dahil personal assistant ka niya iyon lang iyon. Dahil boss mo siya at empleyado ka niya.
"Magre-resign na ako bilang personal assistant niya kaya hindi na ako babalik." Sambit ko sa kanya na siyang ikinagulat niya. Marahil ay hindi niya inaasahang sasabihin ko iyon sa kanya dahil alam niyang isinuko ko ang pagmo-model kaysa ang pagiging personal assistant ni Jiro.
"Sigurado ka?" Hindi makapaniwalang sambit niya at lumapit pa sa'kin.
Agad naman akong tumayo saka tumango sa kanya. Iniwasan ko ang mga tingin niya dahil natatakot ako na baka malaman niya na may mali sa mga ikinikilos ko. Nagpaalam na ako sa kanya at pumunta na ako sa kwarto bago niya pa ako paulanan ng mga tanong niya. Humiga ako sa kama ko at pinikit ang mga mata ko. I don't know kung ano nga bang ginagawa ko pero ewan hindi ko talaga alam. Naguguluhan na ako. Maaring dahil sa wala siyang maalala sa nangyari sa'min. Nakikita ko na wala siyang pakialam. Nasasaktan ako pag may kasama siyang iba. Ayoko ng mas masaktan pa. Gulong-gulo na ang utak ko. Kung kami talaga sa isa't-isa kami talaga.
Kasalanan ko naman kasi talaga lahat. Una palang ay ako na ang dapat sisihin. Bakit ko kasi pinakilaman ang sarili kong tadhana? Nasasaktan tuloy ako ngayon.
--
"Bakit naman bigla mong naisipan magresign?" May pagkadismaya na sambit ni Jonathan.
"Hindi ko na kasi kaya isabay sa pag-aaral ang pagtatrabaho ko. Plus, may kumukuha pa sa'kin sa pagmomodel." Pagsisinungaling ko na may halong katotohanan.
Nandito ako ngayon sa opisina ni Jonathan at pinaalam sa kanya ang tungkol sa pagre-resign ko sa trabaho. Nakikita ko na hindi siya naniniwala sa sinasabi ko ngunit matapos ang ilang minuto ay nagbuntong hininga siya saka tumayo.
"Alam kong may dahilan ka. Matagal ka ng nagtatrabaho sa'kin kaya kilala na kita pero dahil iyan ang desisyon mo. Wala akong magagawa." Sambit niya pagkaraan ay ngumiti sa'kin.
"Salamat." Sambit ko at ngumiti rin sa kanya pabalik.
"Ako na ang bahala magpaliwanag kay Jiro." Sambit niya na lalong mas nagpalawak sa ngiti ko.
Lumipas ang tatlong buwan at nagpaka-busy ako sa school at tumatanggap na rin ako ng kabi-kabilang offer sa pagmomodel, para huwag lang siya maalala, pati nga mga commercial at pag-eendorse ay pinasok ko na rin. Hindi din ako masiyadong gumagamit ng social media para hindi ako maging updated sa buhay niya at sinisikap na hindi siya makasalubong sa mga photoshoot ko.
"Hey! Samantha. This past few weeks ay masyado ka nang busy, ah! Baka mas sumikat ka pa sa'kin." Sambit ni Mark at nakipag-apir pa sa'kin.
"Naku! Mark, malabong mangyari iyon wala pa nga sa kalahati ng sahod mo ang sahod ko." Natatawang sambit ko sa kanya.
"Sus! Malay mo naman sa susunod mangyari talaga ang sinasabi ko, ‘di ba?" Sambit niya at inayos ang mga gamit niya. Siya kasi ang partner ko sa photoshoot kanina. Nasabi niya din na siya ang nagre-rekomenda sa'kin sa mga kakilala niya kaya pala ang daming kumukuha sa'kin na sikat na magazine dahil sa kanya.
"Ewan ko sa'yo," naiiling na sambit ko at tumayo na.
"Ayos ka lang?" Sambit niya at agad akong inalalayan. Napakapit naman ako sa kanya at napahawak sa ulo ko ng maramdaman kong umikot ang paligid ko.
"Nahilo lang ako," Sambit ko at inalalayan niya ako para umupo.
"Sabi ko naman sa'yo magpahinga ka, eh. Try mo din 'yon minsan hindi nakakamatay 'yon," Sarkastikong sambit niya. Natawa lang siya ng akmang hahampasin ko siya.
"Tsaka hindi pa ako kumakain," nakangusong sambit ko at kinunutan niya ako ng noo.
"Sus! Magpapalibre ka lang ata sa'kin, eh." Sambit niya at ngumiti sa’kin. Grabe ang pogi talaga ng lalaking ito.
"Ay! Masyado bang obvious?" Sambit ko saka tumawa na ikinatawa niya rin.
"Oo, kaya," Sambit niya at ginulo ang buhok ko. After kong mag-ayos ay dineretso niya ako sa isang mamahaling restaurant.
"Wow! Ang ganda naman dito." Namamanghang sambit ko.
"Syempre, nakakahiya sa'yo baka madisappoint ka." Natatawang sambit niya kaya hinampas ko siya ng mahina. Lagi nalang niya akong binibiro feeling ko tuloy minsan nagpapasikat na ito sa'kin, eh.
"Hoy! Ikaw, ah. Dumadalas paghampas-hampas mo. Nanananching ka lang ata sa'kin, eh." Sambit niya at umilag muli ng akmang hahampasin ko siya.
"Oh! Ayan na naman. Tama na nakakailan ka na sa'kin. Konti nalang iisipan ko na kaya ka gumaganyan ay sumi-simpleng hawak ka sa abs ko." Sambit niya at nagpakawala ng tawa.
"Mukha mo! Asa ka naman na cha-chansingan kita." Sambit ko sa kanya. Maya-maya lang ay dumating na ang in-order namin.
"Ito na 'yong beef steak mo." Sambit niya at inabot sa'kin iyong hinihiwa-hiwa niya kanina.
Wiee! Si Mark pinagsisilbihan ako? Boyfriend material talaga. Kinikilig talaga ako. Ahaha.
"Thanks." Sambit ko sa kanya at inabot iyon.
"Welcome! Ikaw pa, malakas ka sa’kin. Oh! Ito pa chicken curry favorite mo ‘yan, ‘di ba?" Sambit niya at nilapit sa’kin ang chicken curry. Napakunot naman ang noo ko at napatakip ng ilong ng ilapit niya ito sa’kin.
"Ang baho! Layo mo nga sa’kin ‘yan," Sambit ko sa kanya na ikinagulat niya.
"Mabaho? Hindi naman, ah?" Sambit niya at inamoy pa ito.
"Mabaho kaya. Tsk!" Inis kong sambit sa kanya.
Ang weird naman. Lately, napansin ko ayaw ko na ng amoy ng chicken curry at maymga bagay na ayaw ko na gawin ngayon na dati ko namang ginagawa. Tinawag naman niya ang waitress at pinatanggal na ang chicken curry. After naming kumain ay umuwi na rin kaming dalawa. Siyempre hinatid niya ko. Sulitin natin pagmamagandang loob ni Mark. Hihi.
"Bye, Mark. Thank you sa ride. Ingat you." Sambit ko habang kumakaway sa kanya.
"Welcome. Ikaw din," Sambit niya at pinaandar na ang makina.