Chapter18: Mark's Birthday
Maaga akong nagising ng maramdaman ko ang sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Napatingin ako sa gilid ko at nakitang mahimbing na natutulog si Jiro sa tabi ko. Dahan-dahan akong tumayo at naramdaman ko ang pananakit ng pagkababae ko.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sa nangyari sa'min o malulungkot ako dahil ginawa namin ito dahil lang sa kalasingan.
Agad kong pinunasan ang luha ko at pilit na tumayo kahit parang binugbog ang aking katawan.
Ayokong makita niya ako.
Ayokong makita na magbago ang pagtingin niya dahil sa nangyari. Hindi ko na alam.
Natatakot ako.
Agad na akong nagbihis at iniwan siya sa lugar na iyon. Sinabi ko rin sa isa sa staff doon na kung hanapin niya ako ay umuwi na ako dahil may pasok pa ako sa school.
-
"Hoy! Samantha! Kanina pa kita kinakausap, ah! Tulala ka?" sambit ng kaklase ko at kumaway pa sa harap ko.
"Ha?" sambit ko at napakurap-kurap pa.
"Okay ka lang ba?" Tanong muli nito.
"Oo," malamyang sambit ko sa kanya at pilit na ngumiti.
"Mabuti pa umuwi ka na Samantha. Kanina ka pa tulala at wala sa sarili." sambit niya at hinawakan ang noo ko.
"Wala ka namang lagnat..." Dugtong pa nito.
"Okay lang ako. Sige, uuwi na ako." sambit ko at tulalang naglakad.
Napatalon ako sa gulat habang naglalakad pauwi ng makarinig ako ng busina.
"Hoy, Samantha! My bestfriend, kailan ka pa naging palaka?" Rinig kong sambit ng isang lalaki na nakasakay sa motor. Nilingon ko kung sino ito at itinaas niya ang salamin sa kanyang helmet at nakita ang nakangising mukha ni Hiro.
"Aray ko naman!" Reklamo niya at hinimas ang mukha niya.
"Dapat lang sa'yo 'yan," Natatawang sambit ko.
"Ano ba kasing iniisip mo?" sambit niya at ini-stand ang motor niya.
"Wala naman," Sagot ko sa kanya. Bahagyang kumunot ang noo niya matapos ko iyong sabihin.
"Wala daw? Pero grabe kung makasimangot? Alam kong may nangyari ano 'yun?" Tanong niya pang muli.
"Nothing. Hatid mo nalang ako pauwi ng lalong mainggit ang mga fans mo sa'kin na pinapatay na ako sa tingin nila ngayon." Natatawang sambit ko sa kanya.
"Hmm... Whatever it is, malalaman ko din yan. Tara na sakay ka na ng katayin ka na ng mga fans ko." Natatawang sabi niya din sakin. Agad akong sumakay sa motor niya saka siya niyakap mula sa likod niya.
I don't care kung patayin na ako ng mga fans niya but I badly need my bestfriend right now.
But this is not the time na malaman niya.
Dinala ako ni Hiro sa isang coffeeshop na dati na naming pinagtatambayan lagi noong trainee pa siya.
"Ano ba kasing problema mo?" Tanong niya pagkababa ng kape na hawak niya.
"Wala nga," sambit ko at ngumiti.
Tinitigan niya lang ako ng matagal saka huminga ng malalim.
"Alam mo namang kilalang-kilala kita, 'di ba? And I know, base on what I see now on you kahit anong pilit ko ko sayo ay hindi mo sasabihin kaya hihintayin ko nalang na ikaw ang magkusang magsabi sa'kin. Kumain ka na ba?" sambit niya bilang pagsuko.
"Hindi pa nga ako nag-aagahan." Pagkasabi ko no'n ay sumimangot siya saka ako binato ng tissue.
"Baliw ka talaga. Mahalaga ang breakfast sa umaga kaya ka ata lutang dahil 'di ka pa kumain simula kanina." sambit niya at tumango nalang ako.
"Wait! Order lang ako ng food natin." sambit niya at tumayo muli. Tinignan ko lang siya umalis ng may lumapit sakin.
"Stay away to my Hiro," inis na sambit sa'kin ng babae pagkalapit niya.
"Why would I? Sino ka ba?" Walang kabuhay-buhay kong tanong. Maybe she's one of his fan or must I say sasaeng fan.
"Ako? Ako lang naman ang fan niya." sambit niya at nagpakawala ng tawa not a normal one.
"And so?" sambit ko at nagpalumbaba pa. Wala pa naman ako sa mood para maging mabait sa kanya.
"Anong and so? Huh! Baby ko, 'yon. Don't you—"
"Don't you understand that I don't care whatever you want to say. Hiro is my bestfriend and if you don't understand get lost." Walang buhay na sambit ko at nakita ko ang pangungunot ng kilay niya.
"What's happening here?" Tanong ng bagong dating na si Hiro.
"H-Hiro," Gulat na sambit ng babae.
"She said that I need to stay away from you. Pakisuyo iyang bebe mo." sambit ko at kinuha ang pagkain ko.
Nakita ko naman ang pamumula ni Ate girl. Bahala ka dyan. Kinausap siya saglit ni Hiro pagkaraan ay nagpicture sila at umalis ito.
"Ang sungit mo daw sabi no'n." sambit ni Hiro pagkaupo sa upuan.
"Kasalanan niya siya nauna, eh." sambit ko at uminom sa kape ko.
"Kamusta naman pala ang pagiging personal assistant mo kay Jiro?" Tanong nito na naging dahilan ng pagkasamid ko.
"Ano ba yan Samantha? Ayos la lang ba? Dahan-dahan lang sa pag-inom." sambit niya at inabutan ako ng tissue.
"Ah... Ano ayos naman." Sagot ko sa kanya.
Nakita kong kumunot muli ang noo niya saka umiling sa'kin.
"Siguro di ka pa rin pinapansin ni Kuya Jiro, ano? Kaya ka nasamid, ano? Kawawa ka naman wala kang pag-asa." sambit nito at nagpatuloy na sa pagkain. Kung alam mo lang Hiro ang nangyari sa'min ay baka itali mo na ako pauwi.
"Ewan ko sa'yo. Magsi-cr lang muna ako bagal mo kumain." sambit ko sa kanya at tumayo na.
Hindi ko na siya hinintay sumagot at dumiretso na ako sa banyo. Pagbalik ko ay nakita kong kasama niya na sila Yohan. Shit! Bakit nandito sila? Baka nandyan din si Jiro? Anong gagawin ko? Waah! Ayoko pang magkita kami. Dahil sa pagkataranta ko ay umalis na ako doon at tinext si Hiro na sumama ang pakiramdam ko kaya umuwi na ako ng maaga. Sa bahay namin nila Glyren ako umuwi dahil ayoko munang magpakita kay Jiro dahil natatakot ako.
Natatakot ako na malaman ang reaksyon ni Jiro ukol sa nangyari sa'min. Natatakot ako na baka wala lang iyon sa kanya. Natatakot ako na baka magbago ang pakikitungo niya sa'kin ngunit may parte sakin na umaasa na ito na siguro ang simula para sa'min.
Ano bang magiging reaction niya pagnagkita kami? Maraming konklusyon na pumapasok sa utak ko ngunit nangingibabaw ang kaba. Argh! Ano ba kasi itong pinasok ko! Bakit ba kasi ang rupok mo, Samantha? Napasabunot ako sa sarili ko dahil sa halo-halong emosyon na nadarama ko.
"Oh? Samantha! Himala narito ka? Wednesday palang, ah.." Narinig kong sambit ni Glyren kaya napatingin ako sa kanya.
"Namiss ko kasi kayo dito ite-text ko nalang si Jiro na dito muna ako sa'tin. Namiss ko kayo nila Tita, eh." sambit ko kay Glyren.
"Akalain mo iyon? Namimiss mo pala kami?" Natatawang sambit niya.
"Glyren naman?" sambit ko na ikinatawa niya.
Four day passed. Noong una ay gumagawa lang ako ng dahilan para hindi kami magkita ni Jiro hanggang sa naging busy na talaga ako sa school. Hindi na ako nakakapasok sa work as personal assistant ni Jiro kaya puro sorry nalangang nasasabi ko sa Manager niya. Thankfully, naiintindihan nila ako.
But I feel sad because Jiro didn't approach me or should I approach first?
He didn't even ask me about that night. Baka hindi lang talaga mahalaga sa kanya ang gabing iyon? Kung tutuusin it's just a one night stand. Ika nga nila.
"Paabot naman nung screw, Samantha." Rinig kong sambit ni Kian isa sa kaklase ko.
"Ito, oh.." sambit ko at inabot sa kanya ang screw na nakuha ko sa sahig.
Kinuha ko naman ang cellphone ko sa bulsa ng maramdaman na nagvibrate ito.
"Oi, Mark napatawag ka," masayang sambit ko.
"Ikaw kasi di ka na napapadalaw dito." sambit niya sa malungkot na tono.
"Sorry na, busy sa school, eh," sambit ko narinig ko naman na napabuntong hininga siya.
"Hayst, namimiss na kaya ki— I mean nami-miss na namin ang pag-aalaga at pag-aaskaso mo sa'min." sambit niya muli sa malungkot na tono.
"Babawi nalang ako next time."
"Promise?" sambit niya at halata sa boses niya na natuwa siya dahil sa sinabi ko.
"Oo, ikaw pa? Malakas ka sa'kin, eh." Natatawang sabi ko sa kanya.
"Then, you should go to my birthday tomorrow. The party starts at 5 pm gagawin kitang clown." Natatawang sabi niya.
"Hala? Birthday mo na bukas? Mygosh! I almost forgot." sambit ko at napatakip pa sa bibig ko.
Narinig ko muli siyang nagbuntong-hininga.
"Sabi na, eh. Nakalimutan mo kaya dapat bumawi ka talaga sa'kin bukas," may pagtatampo sa boses niya.
"Teka? Anong clown? Ganda ko namang clown?" Nakangusong sambit ko sa kanya.
"Just kidding. Yes, you're too beautiful to be my clown. Basta pumunta ka, ah?" sambit niya pa muli.
"Opo, pupunta ako promise." Paninigurado ko sa kanya.
After that he hung up dahil may lakad pa daw siya. Pupunta ko doon bukas? Ibig sabihin magkikita kami ni Jiro?
Naiisip ko palang iyon ay nangangatog na ang mga tuhod ko at nanginginig na ang mga kamay ko. Paano kung hindi nalang kaya ako pumunta bukas? Pero nakapangako na ako kay Mark. Hayst, bahala na nga. For now, kailangan ko mag-isip ng ireregalo kay Mark kaso parang lahat naman ata nakukuha niya na.
--
Kabado ako habang papasok ako sa loob kung saan gaganapin ang kaarawan ni Mark. Makakaharap ko na si Jiro ngayong araw.
"Samantha bakit parang kabado ka?" Tanong ni Glyren sa'kin.
"Mukha kang hindi matae sa totoo lang." She said then chuckled.
I just rolled my eyes on her. Be patient Samantha, she doesn't know anything.
"Let's enjoy this night also thank you for coming." sambit ni Mark at bumaba sa stage ng makita ako.
"Goodevening beautiful ladies." sambit ni Mark at ngumiti sa'min pagkalapit niya.
"Goodevening, handsome birthday boy." sambit ko na ikinatawa niya. Iyan kasi lagi ang tawag ko sa kanya lalo na kapag may kasalanan ako sa kanya.
"Hmm.. Mukhang sinisimulan mo na ang pangbabawi mo, ah." Nakangiting sambit niya sa'min at kinuha ang mga inaabot naming regalo.
"Here..." sambit niya at inabot sa'kin ang isang baso ng champagne.
"Thanks. Nasaan iyong iba?" Tanong ko sa kanya at nilibot ang mga mata ko.
"Nandyan lang ang mga iyan baka nangchi-chicks." sambit niya at uminom sa basong hawak niya.
Parang kumirot naman ang puso ko sa narinig ko. Si Jiro nangchi-chicks? I don't want to see that. Ini-imagine ko palang nadudurog na ako. How come kung totoo na?
Napakagat-labi ako sa isiping iyon. Naalala na wala akong magagawa kung totoo man iyon dahil wala naman kaming relasyong dalawa.
"So, your one of them nangchi-chicks ka din no?" sambit ko at ini-straight ang laman ng basong hawak ko upang mabawasan ang kaba ko.
"Hindi no! Goodboy 'to." sambit niya at naghands-up pa.
"Sus! Sige, maniniwala na ko birthday mo, eh." Natatawa kong sambit sa kanya.
"Mabuti nalang pala birthday ko. By the way, welcome ko lang iyong ibang bisita ko. Enjoy." Sabi niya at umalis na.
Pagkaalis niya ay hindi ko mapigilan ang mga mata ko na hanapin si Jiro. Ayaw kong magkita kami pero sh! t! I can't stop my eyes searching to his handsome face. Masyado na siyang nakapasok sa sistema ko sa kabila ng ginawa niya, I still love him. Love fools. Huminto ang mga mata ko sa lalaking nakatalikod hindi kalayuan sa pwesto ko. He's wearing a V-neck brown shirt and d*mn he's built a body fit on it plus a fitted jeans.
Why does he look hot on that?
Well, to be honest, kahit anong damit naman ata ang isuot niya ay bagay sa kanya. He's talking to Jayvee and Baymin right now while drinking.
"Samantha, come here..." Narinig tawag sa'kin ni Glyren na kasalukuyan ng kasama si Jayvee ngayon.
Natuod ako ng magtama ang paningin naming dalawa ni Jiro kasabay ng 'di maintindihan na pakiramdam sa tyan ko. Hindi iyong pakiramdam na didiretso ka sa restroom para magbawas kundi iyong pakiramdam na para bang kinikiliti ka sa tyan mo na nagiging dahilan ng pagngiti mo. Naramdaman ata nila na wala akong balak lumapit sa kanila kung kaya't sila na ang lumapit sa'kin.
"Long time no see, Samantha." Sabay na sambit ni Baymin at Yohan sa'kin saka ako sabay na niyakap kaya niyakap ko din sila pabalik.
"Long time, no see." Ngiting sambit ko at nagpakawala ng mahinang tawa.
Mula naman sa peripheral vision ko ay tinitignan ko si Jiro. Kahit hindi siya nakatingin sa'kin ay ramdam ko na nanginginig ang mga tuhod ko. He's talking with Jackson right now. Their talking about photoshoot, something like that.
"Hi, Samantha." Tawag niya sa'kin na nagpahinto saglit sa pagtibok ng puso ko.