Chapter16: Busy Schedule

Naagaw nila Yohan at Baymin ang atensyon ng lahat at nagtawanan sila dahil sa kakulitan nila.

"Matagal pa bo ba, Father?" Natawa kami dahil sa tanong ni Yuri.

"Oh, pasensya na. You can kiss the bride." Natatawang sambit ni Father.

Pagkarinig ni Yuri sa sinabi ng pari ay agad niyang hinalikan ang asawa at nahiyawan ang mga kaibigan niya.

"Sabik na sabik na si Yuri." sambit ni Jackson.

"My gosh! My eyes." sambit naman ni Baymin at nagtakip pa nga ng kanyang mata.

"Excited lang Yuri?" sambit naman ni Mark.

"Wala na hindi na nakapaghintay. Hindi na ako magtataka na sa honeymoon na agad kayo dumiretso kaysa sa reception." Natatawang sambit ni Jayvee.

"Tara na sa honeymoon..." Tumatawang sambit ni Yuri at binuhat in bridal style si Kie saka lumabas sa simbahan.

You can see clearly see in their eyes that they are madly inlove with each other. After their wedding ay hindi na kami nakasama ni Jiro dahil pupunta kami sa K-Awarding. May award kasi na matatanggap sila Jiro at Yohan sa kanilang kanta na 'Tommorrow'.

"Bro, ingat kayo..." sambit samin ni Yuri bago sila sumakay sa kotse ni Kie.

At kung gusto niyo alamin kung sino nakakuha ng bulaklak na hinagis ni Kie ay napunta iyon kay Yohan. Hahaha! Grabe ang pagkagulat niya ng masalo niya iyon ng hindi sinasadya at napakalakas ng tawa niya. Pagkatapos ay hinagis nila muli at kay Baymin naman tumama! Laugh trip nga si Baymin dalhin nagmakeface siya ng makuha iyon sabay bigay kay Chalseyah ng bulaklak dahil ayaw niya pa daw ikasal.

Ayaw na ayaw eh! Hahaha...

--

"Tomorrow is very amazing song that tell us where they want to go o go home. Right?" Tanong ng MC na si Mino sa kanyang co-host na si Shine

"Yes, napakaganda ng kanta nilang iyan at syempre ang mismong music video. It's an amazing collaboration." sambit naman ni Shine at nagpakawala ng magandang ngiti sa harap ng camera na sinabayan pa ng pamumula ng mukha.

"Hala! Ang cute ng naman ng lalaking MC!" sambit ko ng makita si Mino sa LCD ng monitor sa pasilyo kung saan nanunuod din si Jiro at Yohan.

"Okay lang sabihin mo iyan sa harap naming dalawa basta kami ang pinakagwapo..." sambit ni Yohan sa nagtatampong tono pagkatapos ay nagpakawala ng halakhak.

"Yohan naman," sambit ko sa kanya.

"Hindi joke lang. Ayos lang. Ito naman hindi na mabiro." sambit niya at tinapik ang balikat ko.

"Weh! Yung totoo?" Tanong ko kay Yohan.

Si Jiro naman ay nagseselfie doon sa gilid ayaw man lang ako isama para may first ever picture na kaming mag-asawa. Hahaha! Charing!

"Let's all welcome Jiro and Yohan here in our stage." sambit ni Mino at naghiwan na ang mga manunuod.

"Later nalang Samantha." sambit ni Yohan sa'kin at tinapik ako sa balikat.

Si Jiro naman ay tinanguan ako at sabay na silang lumabas sa stage.

"Hello!" sambit ni Jiro at Jayvee na kumakaway-kaway pa habang nagba-bow.

Pinakita sa camera na ang ibang manonood ay kinilig ng lumabas sila. Hindi naman nakatakas sa aking paningin na nakatingin lang si Shine kay Jiro mula ng lumabas ito hanggang nasa tabi niya na ito.

"Nakakaasar! Dapat ako lang makakatingin sa kanya nyan," Nakangusong sambit ko habang tinitignan silang apat na nagkakamustahan.

"Mukhang natulala na sa inyo si Shine, ah?" Natatawang sambit ni Mino.

Mukha namang naagaw ni Mino ang atensyon ni Shine dahil bahagya itong namula at nagulat dahil sa sinabi niya.

"Haha, hindi naman masyado." sambit niya at nagwave pa ng kamay na senyales na humihindi siya.

"Here's your trophy. Congratulations." sambit ni Shine at inabot ito kay Jiro.

"Woahh!" sambit ni Jiro pagkakuha sa trophy at binigay kay Yohan.

Nakafocus ang camera kay Jiro at Yohan ngayon at ang gwapo-gwapo nilang dalawa. Nakita ko kung paano lumawak ang ngiti ni Shine ng magtama ang kamay nila ni Jiro kanina sa pag-aabot ng trophy. Tsk!

Pasalamat siya malayo siya.

Waahh! Akin si Jiro! Mygosh!

"Anong message niyo sa inyong fans Jiro at Jayvee?" Nakangiting tanong ni Mino sa kanila. Ang cute talaga ng nilalang nito.

Penge nga pambalot ng mabalot ang nilalang na ito. Hihihi...

Shh! Kailangan loyal pa rin kay Jiro.

"Uhmm... Salamat po sa trophy na ito lalong-lalo na sa mga fans namin na walang sawang sumusuporta sa'min. We love you guys para sa inyo ito." Nakangiting sambit ni Yohan sa kanila.

"Hi! This trophy is for you guys. Kung wala kayo wala rin kami dito. Don't get tired to support and love us because we will never tired loving you. Thank you!" sambit ni Jiro at nagflying-kiss pa sa camera. After that ay nagpicture-picture sila.

"Congrats!" sambit ko pagkabalik nila galing sa stage.

"Thank you din sa pagtulong mo sa'min..." sambit ni Yohan at tinapik ng mahina ang balikat ko.

"Pa-selfie kasama kayo at ng trophy niyo pang-Inspiregram." Natatawang sambit ko.

"Sure!" Mabilis na sagot nila ni Jiro.

Nagpicture ako gamit ang cellphone ko at tinag ko silang dalawa. Tulad ng inaasahan sumabog ang notification ko ng samutsaring comments. May positive at syempre may negative. Bahala kayo dyan ang importante may picture ako ni idol ko. Wahahah...

--

Three weeks passed by, ang bilis lumipas ng mga araw. Si Kieseyah ay nasa honeymoon pa rin. Ang alam ko ay 1 month silang magtatagal sa Amsterdam. Ang iba naman ay may solo activities.

Si Mark ay nasa China para sa kanyang photoshoot para sa isang sikat na magazine. Si Jackson ay nasa Australia for his new solo song and ofcourse his photoshoot. Si Jayvee naman ay busy sa mga offer guesting sa kanya. Samantalang si Yohan naman ay busy din makipagdate kay Coco makikita mo ang ka-sweetan nila sa Inspiregram ng alaga niyang aso. Charot! He's busy with his new solo song and sa pagkakaalam ko ay may ka-collab siya sa kantang ito. Si Baymin naman ay busy sa mga commercials at endorsement. Syempre di rin mawawala ang guesting at photoshoot. Minsan marequest nga kay Baymin na hair color dye naman i-endorse niya hahaha.

And lastly, My Bebe Loves Jiro is busy with me. Char! But seriously he's busy with his career, too. Sa photoshoot, guesting at pag-aartista. May latest drama nga iyan pero script reading palang. Busy din siya sa pagiging MC nakakainis nga at kung hindi si Jessa ang kasama niya ay si Shine or any other girls. Bihira lang ang lalaking nakakasama niya.

Tss! Kaso I don't have a choice.

I'm just a fan and a personal assistant.

Tatanggapin kahit masakit!!

--

After ng event na pinuntahan namin ay umuwi na rin kami. Napagod na daw siya basta ako masaya na di na sila magkasama ni Sheena. Si Sheena ang bagong babae ng Jiro ko sa kanyang drama. Basta ako ang original na asawa huwag nga sila. Hahaha...

Ako ang kasama niya sa bahay so ako ang original. Naglevel-up na pagiging ambisyosa ko. Sorry self pero sa tingin ko malala ka na. Huwag ka na magpa-admit susukuan ka lang ng mga taga-mental. Hahaha...

"Nakakapagod!" sambit ko saka umayos ng upo at sumandal sa inuupuan ko.

"Tsk! Napagod ka na puro pagtulala lang ang ginawa mo? Akala ko ba nag-aaral ka?" sambit ni Jiro at binalik ang librong hawak niya sa shelves.

"Hoy, nag-aaral ako, hanu," sambit ko sa kanya.

Nandito kasi ako sa mini library niya kaya ayan magkasama kami haha. Chareng! Pinayagan niya lang ako na gumamit nito dahil may assignment ako sa literature. Ayaw niya nga akong pahiramin ng libro akala mo naman sisirain ko ang mga gamit niya.

Pumayag lang siyang gamitin ko ang mini library niya dahil nandito din siya, para daw mahiya akong sirain gamit niya. Hmp!

"Sabi mo, eh." sambit niya at umalis na ulit.

Nakakainis hanggang ganyan lang lagi convo namin or tungkol sa work related matters.

Wala na bang ilelevel up to?

Medyo busy na rin kasi ako sa school pero nasasabay ko pa rin ang pagta-trabaho ko kay Jiro. May pagkakataon na hindi ako nakakasama sa kanya kaya sinesend ko nalang ang mga schedule niya sa kanya. Malapit na din ang final exam namin for first semester kaya ayon work at aral ako. Wala na talagang time para mag-usap kami dahil busy din siya sa drama niya. Ayun bagsak lagi pag-uwe madalas pa nga sa sala na kami nakakatulog. Tinapos ko na ang ginagawa ko at inayos na ang gamit ko para makatulog.

-

Kinabukasan maaga ako nagising ngunit wala na si Jiro. Umalis na siguro siya dahil ngayon ang unang araw niya sa taping niya. Hindi kasi ako makakasama sa kanya dahil ngayon ang final exam ko.

"You have one hour to answer your part A test paper. Any kind of cheating is prohibited kapag may nahuli akong nangongopya sa katabi ay pupunitin ko agad ang papel at bibigyan ko ng singko. Nagkakaintindihan ba tayo?" Tanong ng prof namin at umupo sa upuan niya.

"Opo," sagot naming lahat.

"Good! Now you can start answering your test paper." sambit niya sa'min at sinimulan na ang oras.

"Pst! Samantha pakopya." sambit ng isa sa kaklase ko kaso hindi ko siya pinansin.

Bahala siya dyan. Kasalanan niya iyan 'di siya nagreview. Ako din naman hindi nagreview ginulo ko ba siya? Stock knowledge lang sapat na damay-damay na kung babagsak haha.

After ng kalahating araw na exam namin ay pinauwi na din kami. Sa kalahating oras na iyon ay para bang isang linggo na akong nagtest.

"Samantha!" Rinig kong tawag sakin mula sa likod.

"Yes?" sambit ko at lumingon sa kanya.

"Personal assistant ka pala ni Jiro?" Sambit sakin ni Jammy.

"Paano mo nalaman?" Kunot-noong tanong ko sa kanya. Wala naman kasi akong sinabihan na iba pwera kay Kie at Glyren.

"Nakita kaya kita sa fan meeting ng Sync's Entertainment. Kausap mo si Jiro and you even wipe his sweat at gave him a water." sambit niya sa'kin ng nakangiti.

"Oww, kaya pala..." sambit ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"I also ask Baymin kung personal assistant ka ba ni Jiro and he said yes. Confirmed! Sana all nalang, girl." Masayang sambit niya.

"Close kayo ni Baymin?" Gulat kong tanong sa kanya.

"Sana gano'n kaso hindi, eh. Tinanong ko lang siya noon sa fan meeting and nakikita ko siya minsan sa coffeeshop na pinagta-trabahuhan ko." sambit niya at ngumiti muli.

"Ahh.. Okay." sambit ko sa kanya.

"Sige, una na ko." sambit niya at sumakay sa motorsiklo na huminto sa tapat namin.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko ng naramdaman na nag-vibrare ito at binuksan ang text message.

From: Mr. Jung

We have a celebration later para sa success na pinaghirapan natin. Sinet ko talaga ito this day para makasama ka. :)

I know you want to come too.

Napangiti naman ako sa nabasa ko dapat kasi last week pa ito kaso nalaman nila na may exam ako kaya inurong nila.

I'm so lucky to be part of this team.

*beep*

Napatalon naman ako sa gulat ng may nagbusinang sasakyan sa gilid ko. Muntik ko na nga mahagis iyong cellphone ko mabuti nalang ay nahawakan ko ng mahigpit.

"Ano ba?! Ang laki-laki naman ng daan, ah. Bakit ka bumubusina dyan? Kung atakihin ako sa gulat may magagawa ka ba?" Sigaw ko sa kung sino mang nagmamaneho ng kotse na iyon.

"Get in." sambit niya ng sumilip siya sa bintana ng kotse.

Napanganga naman ako ng makitang si Jiro pala ang nagmamaneho. Mygosh! Buti nalang at hindi ko minura kundi lagot ako. Bakit kasi bigka siyang bumubusina? Kaasar, ha?

"I said get in. Dalian mo baka makuhanan pa ako ng litrato ng mga tao at may magawa na naman silang article na magpapayaman sa kanila." sambit niya kaya natauhan ako.

"Sabi ko nga," sambit ko saka nagmamadaling sumakay sa kotse niya.

Sus! Nahiya pa na makuhanan kami ng litrato dapat nga makunan tayo para mapagkalat na sa madla. Hahaha.

"Bakit mo pa ako sinundo? Pwede namang ako nalang ang pumunta doon mag-isa." sambit ko sa kanya ng maisuot ko na ang seatbelt ko.

"Hindi kita sinundo, okay? Sakto lang talaga na pagkadaan ko dito saktong paglabas mo kaya ayan isasabay na kita." sambit niya ng hindi inaalis sa daan ang paningin niya.

"Sabi ko nga." Bulong ko saka itinikom ang bibig ko.

Assumera ka kasi, Samantha, eh. Ano ka ngayon?