Chapter15: Finding Yuri’s Wife

After two hours ay natapos na rin kami sa pagdedesign ng garden.

"Akalain mong may igaganda pa pala itong garden natin." sambit ni Yohan na tuwang-tuwa.

"Kaya nga, eh. Kung hindi pa naisipan ni Yuri na dito gawin ang proposal niya ay hindi natin malalaman na may igaganda pa ang garden natin." sambit naman ni Jackson.

"Woah! Ang ganda ng garden natin, ah.." sambit ni Mark na kadarating lang.

"Huwag ka nga Mark tapos na ng dumating ka." sambit ko at binato siya ng foam na nakita ko.

"Atleast dumating ako. Support ko nalang mabibigay ko." Natatawang sambit ni Mark.

"Teka anong oras ba dadating si Kie?" Tanong ko at umupo sa sofa

"Mga 10. On the way, na siya dito." Nakangiting sambit ni Yuri sa'kin.

"Malapit na pala. 9:25 na goodluck." sambit ko at nginitian siya.

Nakita ko naman ang pagka-excite at kaba niya. I'm happy for him.

"Goodluck Bro." Rinig kong sambit ni Mark bago ako pumasok sa loob at iwan sila doon.

Pumunta ako sa kusina at kinuha ang ice cream na naiwan ko dito sa dorm.

"Sa tingin mo magiging successful ang plano ni Yuri?"

Napalingon naman ako kaagad kay Jackson ng marinig ko siyang magsalita.

"Dapat gumana ang plano niya sayang effort natin." sambit ko at nginitian siya.

"Sabagay... Pahingi nga ako nyan.." sambit niya sa'kin at ako naman ay binuksan ang ref at kinuha siya ng ice cream. Nandoon lang kami hanggang matapos kami sa pagkain ng ice cream.

"Tara silipin natin si Yuri doon." Aya ni Jackson

"Ikaw nalang babalik na ako sa condo ko..." sambit ko sa kanya.

"Common Jiro. Yuri needs our support right now." sambit niya at ngumiti.

"But I have something to do." sambit ko at tinapik ang balikat niya

"Ako nalang sasama sayo, bro." Rinig naming sambit ni Yoham kaya napalingon kami sa pintuan ng kusina.

"Good timing, Yohan. You hear it Jackson? Yohan wants to accompany you so babye~" sambit ko at lumabas na ng kusina.

Pumunta na ako sa Z fashion show building dahil may schedule ako ngayon roon.

"Zup, Jiro!" Bungad sa'kin ni Zach at nakipag-apir pagkarating ko

"Fine as always bro!" Natatawang sambit ko sa kanya

"Woah! Hindi mo ata kasama si Samantha?" sambit niya at tumingin pa sa paligid.

Napataas naman ang kilay ko habang tinitignan siya.

"Napapansin ko na si Samantha laging hinahanap mo, ah? Tapos pagkasama ko siya laging pagpapacute ang ginagawa mo. Hmm.. Something fishy.." Panunuya ko sa kanya.

"What? Haha," sambit niya at napaiwas pa ng tingin.

"You like her?" Diretso kong tanong sa kanya

"Nah! I'm just asking where she is." sambit niya at naglakad malapit sa camera.

"Really, huh?”

"Don't stare at me like that, Jiro." sambit niya at ngumiti.

"Fine. Nasa school siya may pasok na kasi siya ngayon." sambit ko at umupo sa upuan

"Saan school niya?" Tanong niya kaya napalingon ako sa kanya.

"Hindi ka nga interesado sa lagay na yan..." sambit ko at nagpalumbaba.

"Pft! I'm not. Just wait for your stylist I have a lots of work to do." sambit niya ng kumakaway papaalis. Nabuking na kasi kaya umiiwas na.

"Wait! I think urgent ang tawag sakin kanina pa kasi ito." sambit ko at kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko.

Isa itong group call at pag-accept ko ng video call ay bumungad sakin ang mga mukha ng mga kaibigan ko.

"Baymin ano nakita niyo na?" Tanong ni Yuri.

"Still no." sambit ni Yohan.

"Paano kung maglive tayo sa Inspiregram then magpatulong tayo sa mga fans?" Suhestiyon ni Mark

"Better idea." Narinig kong sambit ni Jayvee.

"Then, pakita natin ang mukha ni Kieseyah." sambit naman ni Jackson

"Ikaw ang maglive Yuri. Tutulungan ka namin magshare." sambit ko dahil nabasa ko sa nagloloading kong notification na hinahanap nila si Kie. Nagsitanguan naman sila sa sinabi ko.

"Maglalive din kami sa chistwit at Inspiregram para mabilis mahanap si Kie." sambit naman ni Yohan at isa-isa na naming in-end ang tawag.

Pumalpak nga ang plano namin sayang effort. Tinapos ko na ang photoshoot ko pagkaraan ay umalis na rin kaagad para tulungan silang maghanap.

Kaya ayoko muna magkalovelife sakit sa ulo lang iyan.

"Jayvee..." Tawag ko ng makita siya.

"Oh, si Jiro." sambit ni Ren at tinuro ako. Aagad naman silang lumapit sa'kin.

"Tara nakita daw nila na nasa coffee shop siya." sambit ni Jayvee at agad kaming tumakbo papunta doon.

"Nakita niyo na?" Bungad na tanong damin ni Yuri.

"Hindi pa rin..." sambit ni Jayvee.

"Hi! Guys this is Baymin. Send picture whenever you see Yuri's wife thanks you." Humihingal na sambit ni Baymin.

"Tara na. Malapit lang iyon dito." sambit ni Yuri at nagsimula na kaming tumakbo.

"Doon kayo ni Jiro, Yuri. Kami ni Baymin dito at doon naman kayo ni Jackson." sambit ni Jayvee at tumango kami.

Napatigil naman ako sa paglalakad at tinignan kung sino ang tumawag sa cellphone ko.

"Hello, Hiro?"

"Nakita ko na ang asawa ni Yuri na nakatambay dito..." sambit niya sa kabilang linya.

"Yes, talaga? Okay, Just do anything na hindi siya umalis diyan. Medyo malayo pa kasi kami dyan.." sambit ko sa kanya.

"Nandito siya sa Eybisi mall, Bro."

"Sa mall? Err. Fine!" sambit ko at in-end ang tawag.

"Ano iyon?"tanong ni Yuri.

"Nakita daw ni Hiro si Kie. Nasa Eybisi Mall." sambit ko sa kanila.

Agad naman kaming pumunta sa lugar na iyon. Sana lang magpakita na ang asawa niya puro lakad-takbo na ang ginawa namin mahanap lang siya. Kung hindi lang ako supportive na kaibigan ay iniwan ko na sila.

"Give way guys!" sambit ko dahil nagkukumpulan na sila sa daan ng makita kami.

"Waahh! Yuri nahanap mo na ang wife mo?"

"Not yet. You can help me kung papadaanin mo kami." Sagot ni Yuri.

Pagkasabi niya no'n ay nabigay daan na sila agad at nagpasalamat kami sa kanila. Saka nagpatuloy na tumakbo.

"Nakakapagod. Go! Find her. Susunod ako." sambit ko at nagstretch ng paa.

Ang sakit na kasi.

Tinawagan ako ni Yohan na pumunta sa restaurant na lagi naming pinupuntahan dahil nandoon daw sila. Dumiretso ako doon at sa exit dumaan. Sumilip ako sa loob at nakita ko na pineplay nila ang inedit namin na video ni Jackson sa loob. Kitang-kita ko ang naguguluhan at may pagkagulat na reaction ni Kie parang maiiyak na nga ito.

"Jiro." Rinig kong tawag sa'kin mula sa likod.

Napalingon naman ako at nakita ko si Samantha na naglalakad sa kinaroroonan ko.

"What are you doing here? Di ba may klase ka?" Nakakunot noo kong sabi sa kanya.

"Umalis ako ng malaman na hinahanap niyo si Kie..." sambit niya at huminto sa harap ko.

"What? Baliw ka ba? Bumalik ka na doon sa school mo." sambit ko sa kanya.

"No! Titignan ko muna sila Kie." sambit niya at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa restaurant.

"No, tara na ibabalik kita sa school mo." sambit ko at hinila siya sa kamay.

"Ayoko nga." sambit niya at hinila pabalik ang kamay niya.

"Malalagot ka na naman kay Glyren kaya tara na." Sabi ko at pilit na hinila siya hanggang parking lot.

"Jiro naman, eh... Daig mo pa tatay ko." sambit niya pagkaupo sa passenger seat at humalukipkip.

"Whatever..." sambit ko at umikot sa kabila para umupo sa driver's seat.

Pagkarating namin sa school ay naglalabasan na ang mga estudyante.

"Bakit nag-uuwian na da school niyo?" Tanong ko sa kanya.

"Aba malay ko? Kasama mo ko, di ba?" Mataray niyang sambit.

"Hey, Bakit po nag-uuwian na?" Tanong ko sa guard.

"Sir, may bomb threat po kasi kailangan i-secure ang kaligtasan ng mga estudyante." sambit niya at tumango naman ako.

"Nakakainis, wala naman na palang klase. Wala na di ko na makikita sweet moments nila Kie." Parang batang sabi niya.

"Oh, tapos? Ano ngayon?" sambit ko at nagsimulang magdrive muli.

Samantha's Point of View:

"Oh, tapos? Ano ngayon?" sambit niya at nagsimulang magdrive.

"Nakakainggit..." sambit ko at tumingin sa may bintana.

"Bakit ka naman maiinggit sa lovelife ng iba?" sambit niya at sumulyap sandali. Bumuntong hininga naman ako ng malalim. Manhid.

"Ikaw kasi. Magkasama tayo sa iisang bahay pero wala pa rin. Hmp!" Bulong ko sa sarili.

"Ano iyon?" sambit niya at lumiko.

"Wala ang sabi ko nagugutom na ako." sambit ko at sinandal ang ulo ko sa bintana.

"Me too, nagutom ako sa pagtulong maghanap kay Kie." sambit niya

-

Dinala niya ako sa isang restaurant na gustong-gusto niya daw puntahan.

"Ramen house?" Patanong kong sambit pagkalabas ng kotse niya.

"Why?" Tanong niya

Kinuha niya ang sumbrero, sunglasses at mask niya saka sinuot ang mga ito. Para siguro walang makakilala sa kanya ayoko din naman kuyugin ng mga fans niya kaya mabuti na iyan kahit mukha siyang ewan.

"Dito talaga? Sana nagpaluto ka nalang sa condo mo." sambit ko sa kanya

"Mas masarap ramen dito kesa sa luto mo." sambit niya at pumasok sa loob.

Aba't loko 'to, ah?! Sumunod naman ako sa kanya at naka-upo na siya malapit sa bintana.

"Anong gusto mo?" sambit niya at binaba ng konti ang mask niya

"Yung maanghang na flavor." sambit ko sa kanya

"Okay." sambit niya saka umorder na at nagsimula na kaming kumain.

--

Fast forward:

"Bilisan mo naman Jiro malelate na tayo." sambit ko at kinatok siya sa kwarto niya.

"Oo, na ayan na nga, eh." sambit niya at umawang ang labi ko ng makita siya.

Medyo basa pa ang buhok niya at gulo-gulo. Habang ang suit naman na suot niya ay nakabukas pa ang tatlong bitones at ang necktie niya ay nakasabit pa sa leeg niya.

Watdapak! Ang hot niya.

"Malelate na nga tayo paharang-harang ka pa dyan.." Pagbabasag niya sa pagnanasa ko este paglalaway ko este pagsulyap ko sa kanya

"So, ako pa may kasalanan?" sambit ko at sinundan siya.

"Sabi ko ba?" sambit niya at biglang humarap na ikinagulat ko.

Inayos naman niya ang pagbubutones ng suit niya. Peste! Yung laway ko ata tumutulo na. Lumapit naman ako sa kanya at inayos ang necktie niya.

Emeged! Ugrade na natin agad asawa ko na to! Wahahahaha...

Pwedeng-pwede na ang galing ko magnecktie, eh.

"Done! Patuyuin mo na nga iyang buhok mo." sambit ko at iniwan siya.

Gosh! Jiro, your killing me.

Bakit ang gwapo mo? Halos mawalan na ako ng hininga kapag kaharap ka tas ikaw wala pa ring kaalam-alam.

-

Pagkadating namin doon sa venue ng kasal ni Kie ay nakapila na sila. Ako ang isa sa abay nila at si Ren naman ang maid of honor.

Ikakasal na talaga siya for real ngayon. Wala ng joke-joke ito.

Maaya nga si Jiro after nila HAHAHA.

"Bakit ngayon lang kayo?" Bungad ni Tito sa'min.

Napalunok naman ako dahil hindi niya naman alam na nasa iisang lugar lang kami. Ang sabi ko magkaibang bahay kami nakatira ngunit iisang building lang.

"Traffic po kasi." sambit ni Jiro kaya nakahinga ako ng maluwag.

Umalis din naman agad si Tito dahil malapit na daw magsimula ang kasal. Nagstart ang kasal at pumasok na kami sa loob. Hinatid si Kie ng ama niya kay Yuri at nagpalitan sila ng mga ngiti. Nagtitigan muna ang mag-asawa bago nagsimula ang kasal.

Mababakas mo ang pinaghalong kilig at kaba ngunit mas nangingibabawa ang saya na makikita mo lalo na sa mga mata nila.

"May nais bang tumutol sa kasal? "Okay simulan na nat—" sambit ng pari

"Itigil ang kasal!" Napalingon naman kaming lahat sa likod.

Nakita namin sa may pintuan ng simbahan ang nakasimangot na si Baymin at si Yohan na hiyang-hiya sa pinaggagawa nila.

Why? What scene is this? Gosh!

"Anong trip niyo?" Sigaw ni Yuri na nakasimangot na rin.

"Bakit niyo sinimulan ang kasal ng wala pa kami ni Yohan? Mga walang utang na loob." sambit ni Baymin na may pagtatampo sa boses.

"Ang bagal niyo kasi, eh." sambit naman ni Mark.

"Bilisan niyo na nga at pumasok na kayo dito ni Yohan. Inaabala niyo ang kasal." Sabi ni Jiro sa ma-otoridad na boses at agad na tumakbo ang dalawa sa loob. Mga pasaway talaga gumawa pa ng eksena sa simbahan.

"You can continue now, Father. Don't mind these two." sambit ni Jackson.

Nagpatuloy na ang pari matapos ng eksena ng dalawang maknae at napasulyap ako sa pwesto nila Jiro. Pinapagalitan niya sila Baymin at Yohan. Haha, deserve.