Chapter 11: A Day With Jiro
Lumabas akong muli ng maalala kong hindi ko nga pala nabitbit pa pasok ng kwarto ko ang bitbit kong plastic bag na may laman na kakanin.
"Tsk! Paano magiging masaya kung mababasa kalang? Dagdag labahin lang iyon bahala kayo dyan." Rinig kong sambit ni Jiro.
"Edi magkukulong kalang sa kwarto mo? Kj ah." sambit ko sa kanya
"Tsk! Napilitan lang naman akong sumama..." sambit niya sakin
"Eh! Bakit ka kasi sumama?" sambit ko saka nagpameywang
"Pake mo? Sa gusto ko eh.." sambit niya at pumasok na ng kwarto niya.
Sungit talaga! Kiss kita jan eh. Hmp!
"Humanda kayo bubuhusan ko kayong lahat..." Tumatawang sambit ni Ren ng buksan niya ang pinto ng kwarto niya.
"Kahit ako Kungju?" Tanong ni Jayvee at nakaturo pa sa sarili niya.
"Oo, kahit ikaw Wangja. Lulunurin kita ng pagmamahal ko." sambit niya at dali-daling pumasok muli ng kwarto niya.
Si Jayvee naman ay ngiting-ngiti na napapailing na pumasok sa kwarto niya. Tsk! Tsk! Malalandi talaga. Pumasok naman na ako sa kwarto ko at inayos ang mga gamit ko. Hays! Nasa kabilang kwarto lang siya. Lumapit naman ako doon at inilapit ang tenga ko baka sakaling marinig ko ang ginagawa niya kaso di ko marining TSK! Sumilip naman ako sa labas ng bintana at nakitang nagkakasiyahan sila. Nagbabasaan din sila sa labas may mga nagseselfie rin. Nagpalit na ako ng damit at nilagay sa ice plastic ang cellphone ko saka lumabas doon.
"Ate..." Tawag sakin ni Chalseyah at pagkaharap ko ay binuhusan niya ako ng tubig
"Chalseyah naman..." sigaw ko. Nainom ko ang ibang tubig na binuhos niya sakin. Malinis kaya iyon? Grr!
"Peace Ate..." sambit niya at sabay takbo.
Sa hindi kalayuan ay nakita ko din si Ren at Jayvee na nagbabasaan. Kumuha din ako ng tubig ng makita ko si Jiro na papalabas ng bahay. Babasain ko din siya.
"Hi, Jiro!" sambit ko at pagkalingon na pagkalingon niya ay sinaboy ko sa mukha niya ang tubig.
"What the-- Argh! Samantha!" Sigaw niya at inagaw ang watergun na hawak no'ng bata.
"Wala. Weak!" sambit ko at nakiagaw din ng water gun at binasa siya. Natawa pa ako ng nadulas siya habang hinahabol niya ako.
"Hahaha... Mukha ka ng gusgusin.." sambit ko at tinapat sa mukha niya ang water gun.
"Ano ba?! Tama na! Naluklunok ko na..." sambit niya at tinakpan ang mukha niya.
"Makakaganti din ako sayo..." sambit niya at nagwalk out.
"Weak!" Muling sambit ko at umalis na rin doon. Pumunta naman ako sa tindahan ng mga clip at kwintas.
"Ang ganda naman nito..." sambit ko at kinuha ang crescent na kwintas.
"Twenty pesos lang po iyan..." sambit ng batang nagbebenta.
"Talaga?"
"Opo, bagay na bagay po iyan sa inyo..." sambit niya at nginitian ako.
"Sige, bibilhin ko na..." sambit ko at inabot ang bayad ko sa kanya
Sinuot ko naman ito kaagad at tumingin sa maliit na salamin niya.
"Bagay nga sakin..." Nakangiting sambit ko habang tinitignan ang reflection ko.
Matapos iyon ay naglakad muli ako at sa hindi kalayuan ay nakita ko si Jiro na nakasimangot.
"Bakit nakasimangot ka?" Tanong ko ng makalapit sa kanya.
"Pft! Ninakaw kasi ang wallet ko." sambit niya.
"Ninakaw? Eh, bakit hawak mo iyang wallet mo?" Tanong ko at nagtatakang tinuro ang wallet niya.
Tumingin naman siya rito at huminga ng malalim na para bang problemadong-problemado.
"Nakita ko ito dito pero wala na ang laman na pera." sambit niya at binuksan ito.
"So, sad naman pala." sambit ko sa kanya
Napatingin naman ako sa kanya ng tumunog ang tyan niya.
"S-Sorry nagugutom na kasi ako..." sambit niya at napahawak pa sa tiyan niya.
"Halata nga. Tara na..." Natatawang sambit ko sa kanya at hinila siya.
"Saan naman?" sambit niya at nagpahila sakin.
"Syempre kakain, duh?!"
Date natin ito pero ako lang ang nakakaalam baka kasi kiligin ka kapag nalaman mo. Nababaliw ako! Hahaha. Hawak ko kamay niya, uwah! Hindi na ako maghuhugas ng kamay forever, Charot!
Huminto kami sa tapat ng tindahan na nagngangalang 'EAT ALL YOU WANT'
"Dito tayo kumain..." Nakangiting sambit ko sa kanya.
"Syempre wala namang iba pang kakainan dito." sambit niya at humalukipkip pa.
"Tsk! I change my mind. Hindi na kita ililibre dahil ang sungit mo." sambit ko at akmang aalis na ng pigilan niya ako.
"Ito naman hindi mabiro. Tara na. Huwag ng magbago ang isip mo. Kain na tayo sa loob. Babayaran naman kita mamaya nagugutom na talaga ko. Please!" sambit niya at nagpacute pa. Tama na Jiro. Epective eh...
"Kiss muna~" bulong ko.
"Ha?"
"Wala! Sabi ko tara na at huwag kang magpa-cute dyan dahil mas cute si Mark sayo." sambit ko at tinalikuran siya
"Yah! Mas cute ako sa kanya." sambit niya
"Oo, nalang ako Jiro." sambit ko at pumasok na sa loob.
Agad naman kaming nakahanap ng pwesto at umorder.
"Ano pong order niyo?" Tanong ng babae.
"Ang sakin ay tokwa't baboy, menudo, afritada at dalawang kanin. Then, Pineapple ang drink ko." sambit ko sa babae at tumango ito.
"Anong order mo?" Tanong ko sa kanya
"Hmm... Kaldereta, calamares, pritong manok at tatlong kanin lang tapos pineapple din drink ko." sambit niya at sinulat iyon ng babae
"Okay. Ang order niyo po ay 1 tokwa't baboy, 1 menudo, 1 afritada, 1 kaldereta, 1 kalamares, 1 pritong manok, 5 kanin at dalawang pineapple juice." sambit ng babae at tumango kami sa kanya bilang pagkumpirma na tama ang inilista niya. Matapos ang kalahating oras ay dumating na rin ang order namin.
"Don't worry. Mamaya babayaran kita pagbalik natin sa bahay nila Kie." sambit ni Jiro at kumuha ng inumin.
"Kahit hindi mo na ako bayaran." sambit ko kay Jiro at kumuha ng menudo.
"Hmm.. No, kailangan bayaran pa rin kita." sambit niya at sumubo ng kanin.
"Bahala ka..." sambit ko at katahimikan na ang sumunod dahil busy na kami sa pagkain.
--
"Ahh! Busog na busog ako..." sambit ni Jiro at hinimas ang tyan niya.
"Halata nga dahil bundat ka na." sambit ko
"Hoy, hindi no.." sambit niya at tumayo na.
"Whatever tara na nga.." sambit ko at tinawag ang waitress para magbayad na.
Matapos naming kumain ay magkasama na kaming namasyal. Omaygosh! Sabi na eh.. Date talaga namin ito. Waah! Assumera ka Samantha!
"May pera ka pa ba?" Tanong ni Jiro sakin kaya napatingin ako sa kanya.
"Meron pa. Bakit?" Takang tanong ko sa kanya.
"Gusto ko no'n..." Napatingin naman ako sa kamay naming dalawa dahil hinawakan niya ito.
Enebe! Jiro. Huwag kang ganyan marupok ako.
"N-Nang ano?" Nauutal kong sambit ngunit pinanatili kong normal ang boses ko.
"Cotton candy ibili mo ko no'n..." sambit niya at nakita ko ang malalawak niyang ngiti. Kulang na nga lang ay mapunit ang gwapo niyang mukha.
"Ano ka bata?" Natatawang sambit ko sa kanya.
"Bakit bata lang ba ang pwede kumain no'n?" Tanong niya at ngumuso.
Putakte! Ang sarap kurutin ng pisnge niya.
"Oo na! Ibibili na kita hindi bagay sayo magpout.." sambit ko at tinalikuran siya.
Pagkatalikod na pagtalikod ko ay pinakawalan ko ang malawak kong ngiti na pinipigilan kong ipakita sa harap niya.
"Dalawa nga po nito..." sambit ko at agad naman binigay sakin.
"Bakit dalawa?" Tanong ni Jiro na parang bata.
"Malamang alam mo naman na ikaw lang ang kumain. Syempre ako din pera ko ito, eh." Sabi ko at inabot sa kanya ang cotton candy.
"Thanks. Don't worry babayaran talaga kita." sambit niya.
"Oo, na... kapag sinabi ko naman na huwag ka ng magbayad ay hindi ka rin naman papayag..." sambit ko at tumingin sa kanya.
"Buti alam mo." sambit niya at nauna ng maglakad.
"Hoy, hintayin mo ako." sambit ko at binilisan ang lakad ko.
"Bili mo ko no'n..." Turo naman niya sa coke na nakita niya.
"Wow, ano ako? Nanay o wallet mo?" Natatawang sambit ko.
"Pwede both?" Natatawang sambit niya.
Mali naman sagot mo, eh!
Dapat sinagot mo ako ng asawa mo, Yiee!
"Bakit ka nakatulala ng ngiting-ngiti dyan? Para kang tang*..." sambit niya sakin at kumaway-kaway pa sa harap ko.
"Natatanga na ko sa'yo eh.." Bulong ko sa kanya.
"Ano ‘yon?" Tanong niya ngunit hindi ko ito sinagot.
"Dalawang coke nga po." sambit ko at binayaran ito pagkatapos ay inabot sa kanya ang isa.
"Anong sabi mo kanina?" Tanong niya muli at binuksan ang coke na hawak niya.
"Sabi ko ang ganda ko..." sambit ko at uminom sa coke ko.
"Ay, ano panget ka? Hindi naman pala importante ang sasabihin mo..." sambit niya.
"Mas panget ka."
"Walang maniniwala sayo, Samantha." sambit niya ng natatawa pa.
"Edi ikaw na..."
Magdidilim na ng maisipan naming pumunta sa pinakamalapit na bukid este maisipan na naming umuwe. Ano ba brain? Makisama ka bakit kung anu-ano iniisip mo.
"Aish! Ano ba yan bakit ba ang malas ko ngayong araw?" Narinig kong sambit ni Jiro kung kaya't nilingon ko siya sa gilid ko.
"Ginagawa mo?" sambit ko sa kanya.
"Naputol ang tsinelas ko..." Nakangiwing sambit niya.
"Edi magtapak ka pauwe.."
"What?" Nanlalaking mata na sambit niya.
"Ayaw mo? Sige, gumapang ka nalang..." sambit ko sabay hagalpak ng tawa.
Iyong mukha niya kasi hindi mapinta na para bang hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ko sa kanya.
"Argh!" Pagmamaktol niya at nauna pang maglakad. Tinignan ko lang siya habang naglalakad.
"Jiro!"
"Jiro!" Tawag kong muli sa kanya dahil ayaw niya kong lingunin. Nabadtrip ata?
"Hoy! Jiro!" Ayaw niya pa rin lumingon kung kaya't hinabol ko na siya.
"Oi!" sambit ko at hinila siya sa kamay
"What?" Inis niyang sambit.
"May nagtitinda ng tsinelas doon bibilhan kita..." sambit ko at hinila siya.
"Huwag na.." sambit niya at akmang babawiin ang kamay niya.
"Arte mo, ah! Tara na." sambit ko at nagpahila naman siya.
"Ayan na. ah. May tsinelas ka na huwag ka ng mainis." sambit ko at nginitian siya.
"T-Thank you..."
"Welcome.. Bebeloves.." sambit ko ngunit binulong ko lang ang huli kong sinabi.
--
Four o'clock na kami nakabalik sa bahay nila Kie at nakasalubong namin sila na papunta sa kung saan.
"Saan kayo pupunta?" Tanong ko sa kanila. May bitbit kasi sila na mga pagkain at inumin.
"Sa dalampasigan magbo-bonfire daw tayo..." Sagot ni Baymin sakin.
"Magbihis na kayo ni Jiro puro putik na kayo..." Natatawang sambit ni Jayvee.
Napatigin ako sa sarili ko puro putik nga kami. Hindi man lang namin napansin kanina.
"Sumunod nalang kayo ni Jiro sa dalampasigan..." sambit ni Ren na may bitbit na baso.
"S-Sige..." sambit ko at tinanaw sila na papunta doon.
Napatingin naman ako kay Jiro na nakasandal sa pintuan pagkaraan ay napaiwas din ng tingin.
"Sige, una na ko..." sambit ko kay Jiro na hindi makatingin sa mga mata niya sa hindi malamang dahilan.
Naligo muna ako bago lumabas at pumunta sa dalampasigan. Nakita ko sila doon na masayang nagku-kwentuhan at ang ilan ay nagpi-picture taking pa.
"Samantha tara dito..." Tawag sakin ni Ren.
"Hi," sambit ko sa kanila
"Gusto mo ng barbeque?" Tanong sakin ni Jiro.
"Oo, penge.." nakangiting sabi ko.
"Here..." sambit niya at inabot sa'kin ang inihaw na baboy.
"Thanks..." sambit ko sa kanya.
Maya-maya lang ay nagsidatingan na ang mga kamag-anak ni Kie at nagkumpulan kami.
Mga pinsan lang naman ni Kie ang kasama namin. Ang mga nakakatanda kasi samin ay may kanya-kanyang lakad daw kaya mag-enjoy nalang daw kami.
Binabalot na ng dilim ang kalangitan at nararamdaman na rin namin ang lamig ng simoy ng hangin.
"Cheers!" Sabay-sabay naming sambit
"Let's party-party..." sambit ng baklang pinsan ni Kie at winagayway ang hawak na flashlight.
"Wooh! I like that..." sambit ni Baymin at ginaya ang pagwagayway ng flashlight nito.
Nagkwentuhan kami, nagtawanan, nagsayawan at kung ano-ano pa. Ang saya. Ngayon ko lang kasi naranasan ito. Ang pakiramdam na sobrang saya!
"Excuse us po. Inaantok na kasi si Kie. Papasok na kami. Maaga pa kami nila Jayvee aalis dahil mayroon pa kaming lakad papuntang Japan." Napalingon kami kay Yuri ng sabihin niya iyon. Nakita ko namang humikab si Kie at mapungay na ang mga mata.
"Sakay na sa likod ko." sambit ni Yuri at umupo sa harap ni Kie. Takang tinignan naman siya ng asawa niya. Itong dalawang ito gabi na pero di pa rin nawawalan ng asukal sa katawan.
"Piggy back ride." sambit ni Yuri at tinapik pa ang balikat niya.
Agad namang pumasan si Kie kay Yuri saka ipinikit ang mga mata niya. Pakiramdam ko ay nanunuod ako ng Kdrama dahil sa kalandian ng dalawang ito.
"Ayieee...." Pangangatsiyaw nila
"Mga taksil!" Natatawang sambit ni Jiro sa tabi ko.
"Don't worry ikaw pa rin, Jiro." Natatawang sambit ni Yuri at kumindat pa sa kanya.
"Malandi!" sambit ni naman ni Baymin na natatawa at nagsitawanan din sila