Chapter 12: He’s drunk

"Ako din pasan mo, Jayvee." sambit ni Ren at naglambing sa kanyang kasintahan.

"Gusto ko sana kungju kaso may backpain ako." Rinig kong sambit ni Jayvee kaya nagtawanan sila.

"Sige, Wangja ikaw nalang papasan ko mamaya. Hihihi..." sambit ni Glyren na kinikilig pa.

Jusko! Bakit ganyan? Napapaligiran ako ng mga lovebirds.

"Ito pa ang isang malandi. Masakit sa mata..." Rinig kong reklamo ni Baymin at hindi ko napigilan ang pagtawa ko.

"Waah! Joke lang Jayvee *ack* let me go. Ack!" Reklamo ni Baymin ng wrestlingin siya ni Jayvee.

"Ikaw kanina ka pa Baymin, ha. Mag-girlfriend ka na nga..." sambit ni Jayvee at parang nasuka naman si Baymin sa narinig niya.

"Kawawang Baymin." Naiiling na sabi ko at uminom sa alak na hawak ko.

"One, two, three! TING! TING! TING! Baymin is now knockout!" Biglang sambit ni Jiro na akala mo ay referee sa boxing.

Napatingin naman ako sa kanya at nakita kong namumula na siya. Lasing na ata siya dahil namumungay na ang kanyang mga mata at parang nakikipag-away sa hangin dahil may sinasapaksapak siya. Umalis na ang mag-asawa.

Ang ibang pinsan ni Kie ay nagsitulog na at ang iba ay mag-iistar gazing daw muna bago matulog. Kami nalang nila Baymin, Jayvee, Ren at Jiro ang narito.

"This day is so amazing..." sambit ni Baymin sabay dub.

"Yeah! Your right!" sambit ni Jiro habang pinapainit ang mga palad sa apoy.

"Jiro, Baymin at Samantha una na rin ako sa inyo tulog na itong si Ren." sambit ni Jayvee habang buhat si Ren. Tumango naman kami sa kanya.

"Goodnight sa inyo. Huwag masyadong magpakalasing at magpakapuyat may flight pa tayo bukas." sambit ni Jayvee.

Tumango lang muli kami sa kanya at umalis na siya buhat si Ren.

"Ubusin na natin itong alak. *hik*" sambit ni Jiro.

"Sige, akin na..." sambit naman ni Baymin.

"Ito sayo, Samantha..." sambit niya at inabot sakin.

"Thanks..." sambit ko at kinuha ito sa kanya.

Umupo naman siya sa harap ko at ako naman ay nagpalumbaba habang naka-indian seat para matitigan siya ng maayos. Lasing na ako pero alam ko pa naman ang nangyayari sa paligid ko. Kaya ko pa naman.

"Wait, naiihi na ako. Dyan lang muna kayo, guys." sambit ni Baymin at pagewang-gewang na naglakad pabalik ng masyon nila Kie.

"Hoy, ikaw bakit hindi ka gumagalaw?" Napatingin ako kay Jiro at nakita kong nakikipag-usap siya sa upuan.

"Jiro? Anong ginagawa mo? Bakit ka nakikipag-usap sa upuan?" Tanong ko sa kanya.

"Hmm, ito upuan? Hindi, ah! Ang gwapo nga nitong bago kong nakilala di ba?" sambit niya at niyakap pa ito.

"Lasing ka na." sambit ko sa kanya.

"Ako? Yaseng? Hindi ako lasweng." sambit niya at natumba siya.

"Hoy, bakit mo ko tinulak?" sambit niya at sinipa ang upuan.

"Aray ko!" Inda niya dahil nasaktan siya sa sinabi niya.

"Kung hindi ka ba naman t*nga sipain daw ba ang kahoy na upuan talagang masasaktan ka." sambit ko at nilapitan siya.

"Yan kasi nananakit, eh." sambit niya at nagpout pa.

"Pwede ba? Umupo ka nalang rito at hayaan mo iyang upuan na nananahimik." sambit ko at umupo naman siya.

"Ui, Samantha?"

"Bakit?" Tanong ko at tumingin sa kanya.

"Ang gwapo ko." sambit niya at napatakip pa sa mukha niya.

"Alam ko iyon. Tsk! Lasing ka na talaga..." sambit ko sa kanya.

"Ang sarap nito kakainin ko mamaya bago matulog." sambit niya at dumakot ng banana chips sa may pinggan at nilagay sa bulsa niya.

Nawe-weirduhan na ako sa pinaggagawa nito, ah. Si Baymin naman ay hindi na bumalik. Tsk!

"Tara na nga lasing ka na..." sambit ko at inalalayan siyang tumayo para bang nakaakbay siya sakin

Awiee! Shh.. Samantha 'wag humarot lasing yan...

"Alam mo Samantha ang pogi ko talaga." sambit niya at naglakad pa na pagewang-gewang at napaupo.

"Yan kasi Jiro umayos ka nga..." sambit ko at tinulungan siya muling tumayo.

"Bakit umiikot ang paligid lumilindol ba?" sambit niya.

"Tigilan mo kasi ang pag-iikot ng ulo mo. Mag-eexorcism ka ba? May balak kang gumanap sa ganong eksena? Jusme ang bigat mo!" Reklamo ko dahil ang likot-likot niya. Nawala ang pagkalasing ko dahil sa lalaking ito.

"Nandito na rin tayo sa wakas sa tapat ng kwarto mo." sambit ko at kahit hirap na hirap ay pilit kong binuksan ang pinto.

"Nasusuka ako..." sambit niya

"Hoy, huwag mo akong sukahan kundi sasapakin talaga kita..." sambit ko at hirap na hirap na kinaladkad siya papuntang banyo.

"I'm done..." sambit niya matapos sumuka.

"Kadiri ka! May suka ka pa sa mukha mo!" sambit ko at hinila uli siya papasok ng cr kahit na diring-diri ako ay hinilamusan ko siya.

"Tara na nga matulog ka na." Tawag ko sa kanya

"Wait! Mainit!" sambit niya at nanlaki ang mata ko ng hubarin niya ang long sleeve niya.

"Jusmiyo! Huwag mong ituloy 'yan!" sambit ko at pinigilan siya.

"May suka ko na ito, eh.. I will change my clothes…" sambit niya na napapapikit-pikit pa saka lumabas ng banyo. Napa-face palm naman ako.

"Jiro, naman ang hirap kayang magtimpi na hindi madala sayo..." Bulong ko habang tinitignan siyang naglalakad papuntang closet niya.

"Saan ka na naman pupunta?" Tanong ko ng makita kong papalabas na siya ng kwarto niya.

"Matutulog?" sambit niya na nakapikit na ang mata.

"Argh! Ito ang kwarto mo..." sambit ko sa kanya.

"Ahh! Kwarto ko ba to? Hahaha.. Silly me..." sambit niya at hinampas ang sariling noo.

"At ayon ang kama mo.." sambit ko at tinuro ang kama niya

"Ohh! Ayan pala..." sambit niya at lumapit dito saka lumundag kaso malayo pa siya kaya plakda siya sa sahig.

"Bakit ang tigas ng kama nila?" sambit niya at hinampas-hampas ang sahig.

"Sahig yan hindi kama..." sambit ko at inakay siya papuntang kama niya. Kaso sa bigat niya ay na-out of balance kami kaya naka-ibabaw siya sakin.

Nanlaki ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Nakaibabaw siya at napatingin sakin.

Watdapak kabayong bundat!

"Oy! Asa kama na tayo dahil dyan gusto ko mag-thankyou" sambit niya at tumawa.

"Welcome?" sambit ko at napalunok pa

"May bibigay ako sayo..." sambit niya at may kinuha sa bulsa niya

"Huh?" sambit ko na nanlalaki pa rin ang mga mata.

Mga besh! Nakapatong pa rin siya sakin habang nakasuporta ang kabilang braso sa kama.

I can't!

Help me!

I forgot how to breathe!

"Ito nakuha ko na..." sambit niya hawak ang banana chips

Tulala pa rin akong nakatingin sa kanya.

"Say ahh!" sambit niya at akmang isusubo sakin ang banana chips kaso umiwas ako.

"Ayaw mo?" Tanong niya at nagpout.

"Hindi naman sa ganon!" sambit ko sa kanya.

Nakita ko naman kong paano lumungkot ang expression ng mukha kasabay ng pagkamangha ko dahil sa pinapakita niya sakin.

"Ayaw mo ba kainin dahil galing sa bulsa ko at madumi ang kamay ko?" sambit niya sa malungkot na tono.

Mygosh! Actor Jiro is on.

"Eh, kasi..."

"Ayon nga ang dahilan... Gusto ko lang magpasalamat dahil sa paghatid mo sakin sa kwarto ko." sambit niya at umalis sa pagkakubabaw sakin at umupo.

"Eh??" sambit ko at umupo na rin

"Ayaw mo talaga tanggapin?" sambit niya at humarap sakin sa malungkot na mukha.

"F-Fine!" sambit ko at napalunok. Mukhang hindi talaga kasi niya ako titigilan.

"Really?" Saad niya at nagulat ako ng biglang sinubo niya sa bibig ko ang banana chips.

"Now, I'm going to sleep. Goodnight!" sambit niya at tumalon pahiga sa kama niya.

Ako naman ay wala sa sariling lumabas ng kwarto niya.

--

"Morning..." Bati sa'kin ni Baymin habang nakahawak sa tyan niya at hindi maipinta ang mukha.

"Morning din..." sambit ko at nagtimpla ng gatas.

"Saan ka pumunta kagabi? Umihi ka lang hindi ka na bumalik." sambit ko at umupo sa tapat niya.

"Ah? Nakatulog ako sa CR." sambit niya at napakamot pa.

Napatingin naman ako kay Jiro na ngayon ay nakahawak din sa tyan niya at ang isang kamay ay hinihilot ang sintido niya.

"Sh*t! Ang sakit ng ulo ko." sambit niya at umupo sa tabi ni Baymin.

"Oh," sambit ni Baymin at inabot ang kape sa kanya.

Napatingin ako sa buhok niya na gulo-gulo at napatawa ng maalala ang mga kalokohan niya kagabi.

"Thanks..." sambit niya ng nakapikit ang mata at sinimsim ito.

"Ang init." sambit niya pa at nilabas ang dila niya saka ito pinaypayan.

Napatingin naman siya sakin ng hindi ko napigilan ang pagtawa ko.

"What?" Takang tanong niya kaya nagkibit balikat nalang ako saka napailing-iling.

Patay to sa kahihiyan kapag naalala niya ang pinaggagagawa niya kagabi.

"Nothing..." sambit ko at tumayo na.

Ang sakit talaga ng katawan ko.

Ano bang ginawa namin ni Jiro kagabi? Lols! My brain.

Lumabas muna ako saglit at tinignan ang kapaligiran.

Babalik ako muli rito dahil ang ganda talaga. Naglakad-lakad ako at kinuha ang mga nagugustuhan ko as a remembrance.

"Goodmorning ate." Bati sa’kin ng mga batang nakakasalubong ko.

"Goodmorning din." sambit ko at ngumiti sa kanila.

Napayakap naman ako sa sarili ko ng maramdaman ang malamig na simoy ng hangin na nanunuot sa aking katawan. Nakasando at short nga lang pala ako ngayon.

"Ang sakit talaga..." sambit ko at hinampas ng mahina ang likod ko sa may bewang.

Wala ako sa mood na bumalik sa kwarto ko at hinanda ang mga gamit ko para sa pag-alis namin mamaya.

---

Hinatid kami ng Dad ni Kie sa airport habang nasa byahe kami ay tahimik lang ako dahil ang sakit talaga ng buong katawan ko.

"Hey, okay ka lang?" Tanong sakin ni Baymin.

"I'm fine but not in the mood. Gisingin mo nalang ako kapag nasa airport na tayo." Tipid na sagot ko at pimikit. Narinig ko naman ang pagsabi niya ng 'okay'.

Nang makarating kami sa airport ay nagdadalawang-isip ako kung sasama ba ako o hindi sa kanila dahil masama ang pakiramdam ko.

"Pwede bang hindi nalang ako sumama?" Tanong ko sa manager ni Jiro.

Ang sakit kasi talaga ng buong katawan ko. Pakiramdam ko ay magkakalagnat ako.

"Bakit pinsan?" Narinig kong sambit ni Ren.

"W-Wala..." sambit ko at nag-iwas ng tingin. Ayoko naman kasi na mag-alala sila sakin.

"Alam mo namang hindi pwede, Samantha." Sagot sakin ng manager ni Jiro. Alam ko naman na bawal nagbakasakali lang ako.

"G-Gano'n ba?" Malungkot na sambit ko.

"Bakit masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Kie sakin

"W-Wala, tara na..." sambit ko at nauna na akong maglakad

-

"Habang hindi pa tayo nagtetake-off. Let's do a live." sambit ni Baymin habang kinakalikot ang cellphone niya.

"Hi, bays! Say hi, guys!" sambit ni Baymin at kumaway sa harap ng camera niya pagkatapos ay hinarap sa'min kung kaya't kumaway din kami.

"Oh! Who's the girl na katabi ni Yuri? It's Kie asawa niya." sambit ni Baymin at lumapit kila Kie.

"It's true guys. Asawa niya ito.. See magkaholding hands sila." sambit ni Baymin at tinaas naman ni Yuri ang kamay nilang magkahawak

"Hi sa inyong lahat!" Masiglang sigaw ni naman Mark sa screen. Nasa kabilang seats kasi sila kaya kitang-kita ko ang mga pinaggagawa nila.

"Don't worry. Ako ang original na asawa ni Yuri." sambit naman ni Jiro ng iharap sa kanya ang camera.

"Yes, iyong babae na kayakap ni Jayvee ay girlfriend niya. Aagawin mo siya kay Jayvee? Ang tanong magpapaagaw ba si sayo?" sambit ni Baymin.

"Sir, pleases turn of your gadgets. Magtetake off na po tayo." sambit ng flight attendant at tumango naman si Baymin.

"Bye guys. See you there in Japan." sambit ni Baymin at nag-flying kiss pa.

--

Ligtas kaming nakarating sa Japan at maraming fans ang sumalubong sa kanila dala ang buong suporta at pagmamahal para sa kanila.

Dumiretso kami sa hotel at nagpahinga dahil magiging busy sila sa tatlong araw na naririto sila. Matapos namin kumain ay nagpahinga na sila. Ako naman ay nagpaalam na umalis. Gladly, pinayagan nila ako basta daw huwag akong lalayo dahil baka maligaw ako.

"Ang ganda naman dito sa Tokyo." sambit ko sa sarili at tinanggal ang sunglasses ko saka sinabit sa damit ko

Enjoy akong naglakad-lakad mag-isa. Si Jayvee at Ren kasi ay naglalambingan sa kwarto nila at nakita ko naman ang mag-asawa na umalis ng walang pasabi.

"Oh! Itali mo sa bewang mo..." Narinig kong sambit ng pamilyar na boses at hinagis sa mukha ko ang isang jacket.

"Huh?"

Tinaggal ko naman sa mukha ko ang jacket at tinitigan ang naghagis nito sa'kin. Nang titigan ko siya ay narealize ko na si Jiro pala ang kaharap ko na nakashades at nakalongsleeve.

Mukha siyang bakla. Hehehe... Napatingin naman siya sa paligid niya at parang takot na marinig ng iba ang sasabihin niya saka lumapit sa'kin.

"May tagos ka..." Bulong niya sakin na ikinalaki ng mata ko

"What?!" sambit ko at agad na tinali sa bewang ko ang jacket niya.

Sh*t! Nakakahiya...

"Marami ba?" Nahihiyang sambit ko sa kanya.

"Oo..." Tipid na sagot niya.

"Waahh! Nakakahiya..." sambit ko at napafacepalm pa

"Pft." Nakita ko naman siyang nagpipigil ng tawa.

"Tawanan mo na ko mamaya mautot ka dyan. Sisihin mo pa ako." Nakangusong sambit ko.

"Tara..." sambit niya at hinila ako.

"Saan?" Tanong ko

"Bibili tayo ng damit pamalit mo." sambit niya at nagpahila nalang ako.

Pumunta kami sa isang stall ng damit at siya ang namili ng damit ko. Ayiee! Second date wahaha…

"Here, sukatin mo..." sambit niya at binigay ang isang above the knee na dress pero tinitigan ko lang ang hawak niya.

"Ayaw mo ba?" Tanong niya

"Hindi sa ayaw ko pero hindi ako komportable dyan sa damit na 'yan. Ito nalang ang susuotin ko." sambit ko at kinuha ang white T-shirt at fitted jeans. Syempre kumuha din ako ng undies. Hehe.

"Okay..." sambit niya at binalik muli ang damit sa lalagyan.

"Oh! Ayan bilhin mo na..." sambit ko at binigay sa kanya.

"Hindi mo susukatin?" Tanong niya.

Bahagya naman akong lumapit sa kanya kahit nahihiya ay sinabi ko pa rin.

"Kailangan ko muna kasi magpalit bago ko suutin yan..." sambit ko at nakita ko naman ang pamumula ng mukha niya.

Bahala siya dyan tanong-tanong pa kasi.