Chapter10: Travel with Friends

Sa paglalakad-lakad ko ay marami akong nakitang sikat na artista ang iba sa kanila ay pamilyar sakin dahil nakikita ko sila kung saan ako nagpo-photoshoot sa kasamaang palad ay wala pa akong nakakasamang artista sa photoshoot. Pwera kay Jiro at Mark.

"Luh? Si Irene ang ganda. Sana lahat ganyan ka flawless." Bulong ko ng makita siyang naglalakad palabas ng building.

"Samantha?" Napatigil ako ng hagitin ako sa braso ng kung sino mang iyon at tuluyang nakasakay si Irene sa sasakyan niya. Waahh! Sayang naman.

"Bakit?" Kunot-noo kong tanong kay Felix.

"I miss you." Bungad niya sakin saglitang napaawang ang labi ko ngunit naging ngisi iyon kalaunan. Tinitigan ko siya saglit pagkaraan ay nilagpasan siya.

"Hey?" Tawag niya muli kaya inis ko siyang nilingon

"Ano ito? Lokohan Felix?! Matapos mo kong iwan noon bigla sasabihin mo I miss you?!" Pagalit na sambit ko pero pinilit ko paring kontrolin ang boses ko

"You know my reason why I left you." mahinang sambit niya.

"Yes, I know pero sana nagparamdam ka. Nakakapagod maghintay sa taong wala namang kasiguraduhan kong babalik pa, Felix." sambit ko at tinalikuran siya.

"And lastly? It's been 1 year since I choose to leave you tapos ngayon mo sasabihin sakin iyan?! Kung kailan tanggap ko ng wala ka na..." Pahabol kong sambit at iniwan siya.

Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Oo, mahal ko pa siya pero hindi ko na siya kayang balikan pa. Ayoko nang balikan ang mga sakit at paghihirap na ako lang ang dumanas mag-isa. Ako lang iyong lumaban mag-isa habang siya puro pangako lang. Mga pangakong napako kasabay ng pagkawala niya. Yes, I know. Everyone leaves for a reason. Everyone plan for their future but it hurts na hindi ako kasama sa mga pangakong binuo niya. Kinuha ko ang cellphone ko ng maramdaman kong magvibrate ito.

"Huh? Bakit ko tinatawagan sarili ko?" Takang tanong ko ng makita ang pangalan ko sa screen

"Yes?" Sagot ko habang nakataas pa ang kilay

"That's my phone, Samantha. Bumalik ka dito at magpalit tayo ng cellphone." may inis na sambit niya

"Hala?! Sorry!" sambit ko at agad na tinignan ang cellphone.

Oo, nga. Sa kanya nga ito bakit kasi parehas kami ng kulay ng phone. Ang bobo ko naman. Hawak ko kasi iyong phone ko kanina at phone niya nung tinext ko ito. Parang tanga lang... Tapos binigay ko dun sa kaibigan niya na nakalimutan ko ang pangalan. Agad-agad naman akong bumalik kung nasaan siya at si Jiro ay nakahalukipkip pa habang hinihintay ako.

"Akin na..." Nakasimangot na sambit niya

"Cellphone ko muna..." sambit ko. Nairap naman siya sakin at inabot ang cellphone ko. Syempre inabot ko din cellphone niya.

"Let's go home." sambit niya at binigay sakin ang gamit niya

"Aray ko naman! Dahan-dahan babae po ako, Uy!" sambit ko at sumunod sa kanya

"By the way, sa lahat talaga ng picture ko na winallpaper mo. Iyon pa talagang panget ang kuha ko at iyong screenlock mo naman ay iyong nakapambabae ako?" Nanlaki ang mata ko ng marinig iyon kasabay mg pag-init ng pisnge ko. Sh*t! Nakita niya.

"Ano kasi... Ewan!" sambit ko dahil wala na akong masabi na dahilan sa kanya

"Sa susunod kung iwa-wallpaper mo ako ay iyong magandang kuha naman..." sambit niya at tinignan pa ako ng masama na nakapagpaurong sakin

"Oo, na..." sambit ko at napairap.

Nakakahiya mapalitan na nga ang wallpaper at screenlock ko. Baka lumaki pa ulo nito sabihin patay na patay ako sa kanya. Eh! Medyo lang naman. Hihihi....

-

Lumipas ang ilang araw at heto naggagayak kami dahil sabi ni Glyren ay pupunta daw kami kila Kieseyah dahil may fiesta daw doon.

"Okay na ba lahat?" Tanong ni Jayvee sa’min.

"Basta ako okay na." sambit ni Baymin suot ang sunglasses niya na pinartneran pa ng bulaklakin niyamg damit.

Wow! Chicks! Napatingin naman ako kay Jiro. Nakasuot siya ng loose long sleeve at fitted jeans. Syempre nakasalamin din. Mukha siyang nirape na bakla sa totoo lang kasi naman bakit may sira-sira pa ang suot niya. Iyon daw ang uso ngayon.

"Tinitingin-tingin mo dyan?" Masungit na sambit nito at tinaasan ko siya ng kilay

"Ang feeling mo! Si Mark kaya tinitignan ko..." Pagdadahilan ko dahil saktong lumabas siya ng pintuan

"Oh, bakit mo naman ako tinitignan?" Tanong ni Mark at inayos ang polo niya

"Wala. Masama?" Mataray kong tanong

"Oo, dapat kasi may compliment na ang gwapo mo Mark." sambit niya at hinawi ang buhok niya

"Gwapo? Wala kong makitang gwapo..." sambit ko at nginisihan siya na ikinasimangot niya

"Gusto ko talagang sumama sa inyo..." sambit ni Jackson at niyakap mula sa likod si Jiro.

"Lande..." ‘Di ko napigilang ibulong habang natatawa.

"Kaso may lakad pa kayo..." sambit ni Jiro at tinulak ang ulo ni Jackson gamit ang hintuturo. Why I find it sweet?

Pero kung titignan parang hindi nila CEO sa Jackson sa asta nila. Sabagay ako nga parang di boss si Jiro. HAHAHA.

"Hays, don't worry magkikita-kita pa rin tayo sa Japan for now kay Mark muna ako." sambit ni Jackson at tumakbo kay Mark

"Lubayan mo nga ako." sambit ni Mark at iniiwasan ang mga yakap niya. Nag-pout naman si Jackson. Ang cute! Hahaha.

"Tara na guys!" sambit ni Jayvee at nagpaalam na kami kila Mark at Jackson.

_

Tahimik lang kami sa buong byahe. Si Jayvee ang nagda-drive at nasa passenger seat naman si Glyren na nakaheadset. Ako naman ay nasa gitna ni Jiro at Baymin. Si Jiro ay nasa right ko habang nagbabasa ng libro at ewan ko kung ano binabasa nito this time. Si Baymin naman ang nasa left ko na nanunood ng movie sa cellphone niya. Avengers ata pinapanood niya?

"Gusto mo?" Alok sakin ni Glyren sa hawak niyang chichirya

"Ayoko nasa byahe tayo baka isuka ko lang..." sambit ko at tumigin sa labas at tiningnan ang mga lugar na nadadaanan namin. Hmm... Gaano kaya kahaba ang byahe?

"Oi," tawag pansin ko kay Jiro pero masyado ata siyang busy sa pagbabasa

Napatingin ako sa mukha niya. Naiinlove talaga ko sa taong ito.

"Jiro." Tawag ko muli sa kanya at parang tang* na kinaway-kaway ang kamay ko sa harap niya. Kunot-noo naman siyang humarap sakin at binaba ang librong hawak niya.

"What?"

"Pahiram earphone naiwan ko kasi iyong akin kakamadali, eh. Hihiram sana ko kay Ren kaso gamit niya. So, sayo nalang... Please pahiram..." sambit ko at nagpa-puppy eyes pa habang nakalahad ang kamay.

Nakita ko na naman ang pag-irap niya at paghinga ng malalim. Napaka-sungit naman ng gwapong ito.

"Tsk! Ito na at huwag mo na ko guguluhin ulit sa pagbabasa." sambit niya at kinuha ang earphone sa bag niya at binigay sakin.

"Thank you, Mr. Sungit..." sambit ko ng ngiting-ngiti at sinimangutan niya naman ako.

"Atleast ang gwapo ko..." sambit niya

"Sino may sabi?" Tanong ko

"Sabi mo kahapon no’ng natutulog ka." sambit niya at ngumisi. Namula naman ako sa sinabi niya. Do I really said that?

"Weh?" Hindi naniniwalang sambit ko.

"Oo, nga..." sambit niya at nagbasa na muli

"Liar!" sambit ko at nilagay na sa tenga ko ang earphone

---

"Where here!" Rinig kong sambit ni Jayvee kaya napadilat ako at nag-inat ng may tamaan ako ng kamay ko.

"Aray ko naman!" Reklamo ni Jiro ng tamaan ko siya sa mukha.

"Ay, sorry... heheh" sambit ko at nagpeace sign pa.

"Tulo laway matulog..." sambit niya sabay labas ng kotse.

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya at agad na pinunasan ang bibig ko. Wala naman ah?

"Abat?! Hindi no.." sambit ko at lumabas din ako ng kotse

"Hindi daw? Oo, kaya tulog ka kasi kaya di mo alam..." sambit niya at nakapamulsang naglakad. Nauna na sila Jayvee at Glyren sa’min habang si Baymin naman ay busy sa kung ano mang ginagawa niya.

"Sus! Tinitignan mo pala ko habang tulog, ah?! Yiee, type ako." Panunuya ko sa kanya

"Asa ka?! Bakit maganda ka ba para maging type ko?" sambit niya sakin at nagcross-arms pa

"Abat?! Bakit gwapo ka ba?" Inis kong sambit

"Oo, sabi ng mga fans ko at isa ka sa mga nagsabi no’n..." sambit niya at nauna ng maglakad

"Argh! Grabe talaga! Mahangin..." Malakas na saad ko "Pasalamat ka totoo..." Bulong ko saka sumunod sa kanya

"Samantha say Cheese!" sambit ni Baymin at nagulat ako dahil sa flash ng camera niya.

"Hoy! Patingin nga ng itsura ko dyan..."

"Wahahaha! Ang panget mo dito!" Natatawang sambit niya

"Argh! Burahin mo iyan..." sambit ko at pilit na inagaw sa kanya ang camera

"Wala, souvenir ito ng pagkapanget mo sa lugar na ito." sambit niya at mabilis na sumunod kay Jiro

"Burahin mo kasi..." sambit ko at niyugyog siya

"Huwag ka ngang magulo..." sambit nito at itinataas ang camera

"Ang ingay niyo..." Reklamo naman ni Jiro

"Edi huwag kang makinig..." Inis na sambit ko

"Kasalanan ko bang naririnig ko pa rin kayo kahit ayaw ko..." sambit niya ng taas kilay

"Tsk! Takpan mo tenga mo." Asik ko sa kanya.

"Hello, sa inyo! Magandang pagdating sa baryo namin." Napahinto kami sa pagbabangayan at napatingin sa bumati sa’min.

Noon ko lang rin napansin ang mga naggagandahang banderitas at desenyo sa paligid namin. Ang mga bahay ay nilagyag din ng mga disenyo gamit ang produkto nilang tinuyong dahon at bigas. May iba pa kaso hindi ko alam ang tawag nila doon. Napakaganda talaga.

"Ito po kakanin." sambit ng batang babae at inabutan kami ng pagkain nasa dahon.

"Salamat." sambit ko at hinaplos ng marahan ang buhok ng bata.

"Ayon sila Glyren, oh? Kasama sila Yuri." Turo ko ng matanaw ko sila Glyren at Jayvee na kausap ang mag-asawa.

Pumasok kami sa isang bahay at masasabi ko na kahit makaluma na ang mga gamit ay napaka-elegante nito tignan. Maganda ang istruktura nito at para bang nasa panahon ka ng mga espanyol. Kasama ata sa history ang bahay nila na ito.

"Yow! Yow! Yow! The most handsome is here." sambit ni Baymin pagkalapit namin at nagpose pa.

"Aba! Iba din." sambit ni Kieseyah na ikinatawa lang ni Baymin at napailing nalang ako.

"Hello po!" sambit naman ni Jiro at sumaludo pa. Kanina lang ang sungit-sungit.

"Halina kayo sa labas dali..." Sigaw ng isang babae na sa tingin ko ay nasa mid-thirties na

"Halina kayo..." Tawag muli nito samin

"Mga bisita ba kayo ni Kieseyah?" Tanong ng babae na sapalagay ko'y kamag-anak ni Kie dahil kahawig niya ito.

"Opo," sabay-sabay naming saad.

"Ako nga pala ang Tita Ely nila at ito namang katabi ko ay si Chalseyah. Kapatid siya ni Kieseyah..." Nakangiting sambit ni Tita Ely.

"Hi," sambit niya samin at binati din naman namin siya pabalik.

"Finally we meet in person na..." sambit ko at nginitian siya

"Samantha?"

"Yes, ako ito..." sambit ko at ngumiti sa kanya. Nagulat naman ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit kung kaya ay napaatras pa ako.

"Waahh! Ganda mo sa personal, ate." Masayang sambit niya.

"Ikaw rin maganda. Mabuti naman at hindi ka nagmana ng itsura sa ate mo." Natatawang sambit ko sa kanya

"Mabuti nga, eh." sambit niya at nagtawanan kami.

"By the way, ito nga pala si Jayvee boyfriend ni Ren. Ito naman si Baymin at Jiro. Friends namin" sambit ko at nagkamustahan sila.

"Tara na at ihahatid ko na kayo sa magiging kwarto niyo.." sambit ni Tita Ely samin. Una niyang tinuro ang kwarto ni Jayvee na katapat ng magiging kwarto ni Ren sunod naman ang kwarto ni Baymin.

"Dito naman ang kwarto mo Samantha at itong sumunod ay ang kwarto mo Jiro." Turo niya sa magiging kwarto namin na magkatabi lang ang pintuan.

Well, halos magkakamukha naman lahat ng kwarto rito. Parang hotel nga itong mansyon nila Kie na makaluma ang itsura. Hindi iyong sira-sira ang design ng bahay nila ay parang Gothic style na may Spanish style na hinaluan ng style na meron ngayong panahon. Ang hirap iexplain basta ang ganda ng lugar na ito.

"Maiwan ko na kayo. Magpalit na kayo ng damit ninyo dahil sa oras na lumabas kayo rito ay baka magulat kayo na may magbuhos ng tubig sa inyo ngunit natural lang iyon. Sa tuwing may kasiyahan kasi dito ay nakaugalian na ang gawaing iyon. Maaari rin kayong mangbasa ng iba at kung ayaw niyong mabasa ang mga cellphone niyo at camera ay balutan niyo ito ng plastic." Nakangiting sabi niya at tuluyan ng umalis.

"Woah! Ang saya naman pala rito..." sambit ni Baymin at pumasok na sa kwarto niya

"Buti nalang at water proof ang mga gamit natin, Samantha." sambit ni Glyren at pumasok na sa kwarto niya kaya pumasok na din ako.