Chapter 9: Sabwatan

"TUMAWAG si Ashton, hindi mo na daw kailangan sundan ang babae dahil inalis na niya sa listahan ng mga prime suspects ito." Pagbigay alam ni Dexter kay Wigo nang pumasok ito sa opisina upang mag-report.

"Mabuti naman dahil nagmumukha akong multo na nakabuntot sa kanya. Matalas din ang pakiramdam ng babaeng iyon at alam na may sumusunod sa kanya." Kumakamot sa leeg na sagot ni Wigo kay Dexter. Nakagawian na niya ang ganoong mannerisms.

"Kailangan mong pag-aralan ang bagay na iyan upang maging magaling kang spy. Dapat mong matutunan kumilos na parang multo na nakasunod sa subject mo." Sabat ni James sa pag-uusap ng dalawa.

Sumang-ayon si Dexter kay James at binigyan ng bagong task ang binata. Walang pagtutol na naramdaman si Wigo nang iminungkahi ng mga senior eagle na pumunta siya sa isang liblib na lugar upang magsanay pa. Doon ay mahasa niya ang talas ng pakiramdam sa tahimik na lugar at masanay ang katawan na kumilos ng mabilis sa mataas na daan at magubat.

"Tumawag si Ruel!"

Napalingon ang tatlo sa kakapasok lang na isa pa nilang tauhan na babae. Humahangos pa itong pumasok sa loob na tila may humahabol na kabayo. Ito ang kanilang cowgirl sa kupunan ng kababaihang eagles.

"Anong balita?" tanong ni James, kay Cris.

"May dumating na bangkay sa lugar na kinaroonan niya ngayon mula dito sa Maynila."

"May kaiba ba sa bagay na iyan?" Nakakunot ang noo ni Dexter na tinignan si Cris. Kita sa mukha ng dalaga ang paghahabol nito sa paghinga habang nagsasalita dahil sa ginawa nitong pagtakbo papasok sa opisina.

"Mayroon, boss, kakaiba kasi nga patay!" Nanlalaki pa ang mga mata na sagot ni Cris sa kanilang big boss.

"Cris! Naging slow ka na naman!" sikmat ni James sa dalaga. Sa lahat ng sinanay nila ay ito ang pinaka mabagal mag-isip o makakuha agad ng clue.

Ngumiti ng tabingi si Cris habang itinataas ang isang kamay at umakto ng peace sign. Agad din niyang ibinaba ang kamay nang tinanguan siya ng kanilang big boss hudyat na magpatuloy ma siya sa pagsasalita."May napabalita din po na may nawawalang mga binatilyo mula sa iba't ibang probinsya."

"May larawan bang inilabas tungkol sa mga nawawala?" Napatayo bigla si Dexter sa kinaupuan at lumapit kay Cris.

"Wala pa, boss, chismis lang ang narinig ko." Tikom ang bibig na gumiti siya dito. Hinanda na ang sarili na mabatukan o masigawan.

Napapailing na bumalik si Dexter sa kinaupuan. Kahit kailan talaga ay mahilig mangapibahay itong tao niya. "Sabihin mo kay Ruel na alamin ang tungkol sa bangkay na iyon. Huwag puro dotdot ng cellphone ang trabahuhin mo." Tonong nanenermon na utos niya sa dalaga.

Kandahaba ang nguso na sumalodo si Cris sa kanilang big boss. Inandaman pa niya ng suntok si Wigo nang mapansin ang nakakalokong ngiti nito habang nakatingin sa kanya.

Sa hospital ay naging ka-team work na ni Ashton ang nurse bilang katulong sa paglutas ng misteryo sa krimin.

"Bantayan mo ang bagong pasyente na ipinasok dito dahil hindi ako pwede at baka makahalata sila." Utos ni Ashton kay Yvonne.

Nagkasundo sila na magtulungan na mabigyan hustisya ang multong nagpaparamdam sa kanila at ang misteryo na nangyayari sa hospital na pinagta-trabahuhan nila.

"Si Meynard ang may hawak doon at iba ang kanyang assistant. Paano ang gagawin ko?"

"Hindi ba at best friend mo si Ivy?" Tumango ang kanyang tinanong.

"Hayagan din ang pagkagusto sa iyo ng doctor na iyon, malaking advandtage na iyan upang malaya kang makamasid sa paligid." Pagpapatuloy na ani ni Ashton.

"Hindi ako marunong makipag-flirt sa lalaki." Hindi na maipinta ang mukha ni Yvonne dahil hindi nagustohan ang nasa isip ng binata.

"Kung ganoon, si Ivy ang landiin mo." Pabaliwalang suhestyon niya sa dalaga dahil ang kaibigan nito ang assistant ni Meynard.

"Ano ang akala mo sa akin, tomboy?" Singhal ni Yvonne sa binata. Biglang uminit ang kanyang bonbonan dahil hindi babae ang tingin nito sa kanya.

"Ang dami mo namang reklamo, kahit sino sa kanila dikitan mo nang matapos na ito." Tila nauubosan ng pasensya na kumento ni James.

Padabog na tumalikod ang dalaga at lumabas ng kanyang opisina. Napangiti siya nang wala na ito sa kanyang paningin. Ang cute lang nito tignan kapag napipikon. Naipilig niya ang ulo nang maalala na hindi niya maaring galitin ang dalaga at baka siya naman ang dalawin ng masamang panaginip at hindi na magising.

"Ano ang ginagawa mo dito?" Pabulong na tanong ni Ivy kay Yvonne. Naroon sila ngayon sa silid ng pasyente na hanggang ngayon ay tulog pa rin. Naroon din si Doctor Meynard kaya hininaan lamang niya ang kaniyang tinig.

Nilingon sila ni Meynard. "Have a problem?"

Ngumiti si Yvonne bago sumagot, " napasilip lang po, doc, pasensya na!"

Umaliwalas bigla ang mukha ng binata nang makita na ngumiti siya dito. Tama nga siguro si Ashton na may paghanga ang huli sa kanya.

"Its ok, tapos na rin naman ako sa pagsusuri sa kanya. Can I invite you tonight if you dont mind?" Nakangiti na anyaya ni Meynard sa dalaga.

Tatanggi sana si Yvonne ngunit siniko siya ng kaibigan na mas kinikilig pa kaysa kanya. Naalala niya rin ang bilin ni Doctor Ashton kaya napaisip siya sandali. Ilang segundo pa ang lumipas ay matipid siyang ngumiti at tumango na lamamg na ikinatuwa ng lalaki.

"Hihintayin kita sa parking lot mamaya pag-out mo, ok lang ba?" Hindi na nabura ang ngiti sa kaniyang labi.

"Pero wala akong dalang damit na pamalit." May pag-aalangan na sagot niya sa binata.

"Ok lang na ganyan ang suot mo. Maganda ka pa rin at sexy sa suot mong unifrom." May kasamang puri na anito.

Agad na kumalat ang chismis na magde-date ang dalawa nang araw na iyon. Maging kay Ashton ay nakarating ang balita. Dapat siyang matuwa dahil ginagawa ng tama ni Yvonne ang share nito sa kanilang trabaho. Ngunit may bahagi sa kaniyang isipan ang tumutotol at ayaw na mapalapit ng husto ang dalaga kay Meynard.

"Ang sabi ko ay makipaglapit lang at hindi magpaligaw." Bubulong-bulong na ani Ashton habang nagtitipa sa cellphone. Kausap niya si Dexter ukol sa report ni Ruel na nasa Mindoro sa ngayon.

"Ganoon na rin iyon, doc, para maging malapit sila sa isa't isa." Pabulong na pagde-depensa ni Amelia kay Yvonne mula sa binatang amo. Nagulat pa pa ito nang magsalita siya sa tabi nito.

"Kanina ka pa riyan?"

"Hindi naman ako umalis nang pumasok ako rito, Doc." Inosinteng sagot niya sa binata.

Totoo namang kanina pansiya roon at mukhang hindi siya napansin ng binata nang pumasok dahil sa lalim ng iniisip nito. Marahil ang akala nito ay walang ibang tao sa paligid kaya nabigkas ang laman ng saloobin nito.

Nakaalis na ba sila?" Paglilihis ni Ashton sa usapan. Sina Yvonne ang kanyang tinutukoy.

"Ang alam ko po ay six o'clock ang alis nila, Doc."

Tinignan ni Ashton ang relong pambisig. "Lalabas muna ako." Paalam niya kay Amelia.

Napangiti si Amelia habang sinusundan ng tingin ang binatang doctor. Halatang naligalig sa balitang date ng dalawa. Alam niya kung ano ang ugnayan ng dalawa bilang formal na magtutulongan sa paglutas ng kaso.

"Hindi ka na magpapalit ng damit?" Kunot noong tanong ni Ashton kay Yvonne nang makasalubong ito.

"Ok lang naman daw na ganito ang suot ko." Tinignan pa ni Yvonne ang kaniyang suot at baka may mali na napuna ni Ashton.

"Tsk, labas na ang hita mo kapag umupo ka, baka mamanyak ka ng kalalakihan sa labas." Aroganteng puna niya sa suot nito.

Napangiti si Yvonne dahil sa pagmamalasakit sa kanya ng binata. Ito ang kauna-unahang may lalaking nagmamalasakit sa kanyang katawan.

"Anong klaseng tingin iyan?" Puna ni Ahston sa dalaga nang tumitig ito sa kaniyang mukha.

"Maputi naman legs ko kaya hindi nakakahiya na makita nila. Ang sabi nga ni Doc. Meynard ay sexy ako at maganda kahit hindi na magpalit ng damit." May pagmamalaki niyang pagbibida.

"Naniwala ka naman?" masungit na tanong ni Ashton.

Napasimangot si Yvonne sa tinuran ng huli. Kung ganoon ay hindi siya kaakit-akit sa mata ng doctor na ito?

"Pasundan ko kayo sa isa kong tauhan upang masiguro ang kaligtasan mo."

Lalong napasimangot si Yvonne sa narinig. Hindi manlang siya nito hinintay magsalita at basta na tumalikod. Hindi niya alam kung concern ba talaga ito sa kaligtasan niya o dahil sa misyon lamang nila kung kaya ganoon ito kung umasta?

Siniguro muna ni Ashton na walang ibang tao sa silid ng bagong pasyente bago pumasok. Nakakapagtaka dahil tulog pa rin ito, sinalat niya ang noo nito. Mainit pero ang paghinga nito ay normal. Mabilis niyang kinuhanan ito ng dugo bago lumabas at dumiritso sa laboratory.

"Good evening, Doc!" bati ng staff na naroon nang pumasok siya. Nagulat pa ito pagkakita sa kanya dahil ang alam nito ay nakauwi na rin siya.

"Hello, maari ko bang gamitin ang gamit for blood test?"

"Walang problema po, doc, tawagin mo lang ako kung may maitulong ako sa iyo." Magalang na sagot ng staff na naroon.

Hindi rin nagtagal doon si ashton dahil bumalik si Meynard pagkaraan ng dalawang oras. Nagulat pa ito nang makita siya at galing sa laboratory.

"Hindi ka pa nakauwi?" tanong nito sa kaniya.

"Pauwi na rin, may emergency ba at napabalik ka dito?" balik tanong niya kay Meynard.

"May nakalimutan lang kung kaya bumalik ako." Pormal na sagot nito kay Ashton.

Kibit balikat na tumalikod si Ashton nang umalis na sa kanyang harapan ang huli. Tumuloy siya sa opisina at tanging sina Cloud at Micko na lang ang naroon. Tulad ng dati, pinaglamayan muli ang papel at doon na natulog.

Tutok si Ashton sa pagsuri sa result ng blood test ng pasyente kanina. Napag-alaman niya na nasa stage of hyperpyrexia ang kalagayan ng pasyente na umabot ng one hundred seven degree ang lagnat. Dapat nasa emergency room na ito ngunit nanatili sa isang silid lamang. Hindi rin tama ang treatment na ginagawa s pasyente para sa case nito. Maaring maapiktuhan ang hypothalamus nito na maging sanhi ng pagdurugo ng utak at ikamatay kung hindi maagapan.

"Hindi ba at taga Mindoro ang nurse na assistant mo?" tanong ni Cloud, kay Ashton.

"Yes, may problema ba?" hindi tumitingin sa kaibigan na sagot ni Ashton.

"Baka kilala niya ang bangkay na dinala doon na galing sa hospital na pinapasukan mo."

Marahas na napalingon si Ashton, kay Cloud. "Bakit ngayon niyo lang sinabi na iisa ang bangkay na dinala doon mula dito?" Nangungunot ang noo na tanong niya dito.

"Ngayong gabi lang din namin nakumpirma nang maipadala ni Ruel ang larawan ng bangkay. Nakaburol ito ngayon sa isang liblib na lugar kung saan nakatira ang pamilya umano nito." Kibit balikat na sagot ni Cloud.

"Mahirap ang pamilya pero naiuwi agad sa probinsya ang bangkay sa tulong ng anak ng dating mayor sa kanilang bayan." Segunda ni Micko sa pagpahayag ng kalkulasyon tungkol sa impormasyon.

"May mali, kailangan kong bumalik sa hospital ngayon bago pa may mabiktima muli ang hospital na iyon." Agad na tumayo si Ashton ngunit naantala ang paghakbang nang biglang umihip ang malamig na hangin.

"May problema ba?" tanong ni Micko sa kanya nang mapansin ang pagkapatda niya sa kinatayuan.

"Pagtawanan niyo lang ako kung sasabihin ko, maiwan ko na muna kayo at babalikan ko ang bagong pasyente." May pagmamadali na aniya at naiwang nakatanga sa kanya ang dalawang kaibigang binata.