Chapter 8: Ladies first
Kinabukasan ay maagang pumasok si Ashton sa hospital. Tamang-tama naman na may bagong pasyenteng dinala doon. Nawalan umano ito ng malay-tao sa daan kung kaya dinala doon ng nakakita.
"Bakit dito mo siya dinala sa halip na sa public hospital?" Nakakunot ang noo na tanong ni Ashton sa lalaki na nagdala sa pasyente. Ngunit parang bingi ito at hindi siya sinagot.
"Bakit iyan ang iniintindi mo sa halip na asikasuhin ang pasyente?" sita sa kanya ng isang doctor na dalubhasa sa surgery.
"Concern lang po ako sa maging bill niya dahil mukhang taong kalye lang ang tao na ito. Tiyak na wala siyang pambayad kung sakali at saka hindi naman malubha ang lagay niya dahil hinimatay lamang siya. Dala marahil ng gutom at init kung kaya siya hinimatay." Mahinahon na paliwanag ni Ashton sa matandang doctor.
Hindi siya pera ang una niyang iniisip sa pasyente, pero dahil sa mga nangyayari ay naging kahina-hinala sa kaniya ang lahat na nakikita sa naturang horpital. Kung nasa ibang sitwasyon sila ay hindi niya pupunain ang status sa buhay ng pasyente bago ito gamutin. Pero private hospital ito at kahit sa public hospital ay hindi basta bigyan ng special treatment ang ganoong klaseng pasyente. Bukod sa mukhang taong grasa, wala rin itong malubhang sakit para dalhin sa isang emergency room.
"Ang mahalaga ay nadala siya sa pagamotan. At tungkolin nating mga doctor ang magligtas ng buhay, mayaman man ito o mahirap."
Tinamaan si Ashton sa sinabi ng ginoo at nakaramdam ng nakunsensya.
"Ipasok na siya sa emergency room." Utos ng doctor sa nagtutulak ng wheelchair kung saan nakaupo ang pasyente na mukhang natutulog lang naman.
Napaarko ang isang kilay ni Ashton habang sinusundan ng tingin ang mga ito na pumasok sa isang silid. Agad din niyang naihilamos ang palad sa mukha nang maalala na nagmukha siyang bakla sa ginawa niya. Natutunan niya ang pag-arko ng kilay noong nagpanggap silang bakla ni Jeydon. Mabilis niyang hinamig ang sarili at muling napaisip. Bakit ang matandang iyon ang nag-assist sa pulubing pasyente? At hindi manlang muna kinuha ang record bago dinala sa isang silid.
"Kailangan mo siyang bantayan," ani ng isang tinig na nagmula sa kawalan.
Napalingon si Ashton nang marinig ang bulong ng isang tinig ng babae. Kinilabutan siya dahil walang nakitang tao sa kanyang tabi. Biglang nanindig ang kaniyang balahibo dahil ang tinig na iyon din ang narinig niya nang araw na naligaw siya sa gusaling ito. Muli siyang luminga sa paligid upang siguradohin kung wala ba talagang ibang tao roon. Ngunit ang nurse na si Yvonne ang kaniyang namataan na mukhang nagmamadali sa paglalakad.
Nagmamadaling pumasok sa gusali ng hospital si Yvonne nang makita ang lalaking naka sombrero na mukhang sinusundan siya. "Ahhh!" Takot na napahiyaw siya nang masalubong si Ashton sa palikong pasilyo.
"Mukha na ba akong multo?" Masungit na tanong ni Ashton sa babae nang mapansin ang panlalaki ng mga mata nito na nakatingin sa kanya.
"Bakit siya laging nakabuntot sa iyo? Isa ka ba sa pumatay sa kanya?" Walang pakundangang tanong ni Yvonne sa Doctor dahil nasa likuran nito kanina ang babaeng multo.
"Nakikita mo rin siya?" mukhang nakahanap ng kakampi na tanong ni Ashton sa dalaga. Hindi na napansin ang paratang nito sa kanya.
"Ang ibig mong sabihin, nagpapakita rin siya sa iyo?" biglang nagulohan na tanong ni Yvonne sa binatang doctor.
"Hindi pero naririnig ko siya at napanaginipan." Paanas niyang turan.
Nalilito pa ring napatitig si Yvonne sa binatang doctor. Hindi niya akalain na ang isang makisig na doctor ay naniniwala sa isang multo.
"Huwag tayo dito mag-usap." Hinila niya ang dalaga papasok sa kanyang opisina upang walang iba makarinig.
Para namang napapaso na binawi ni Yvonne ang kanyang kamay mula sa pagkahawak ng binata. Tinapunan siya ng nagtatanong na tingin ngunit nagkibit balikat lang siya at nauna nang naglakad papasok sa opisina nito.
"Gusto kong sagutin mo ng maayos ang mga itatanong ko sa iyo." Pag-uumpisa ni Ashton nang makaupo na sila pareho.
"Ako muna ang sagutin mo," ani Yvonne na hindi nagpapatalo.
"Ako muna bago ikaw." Giit ni Ashton.
"Ladies first!" may diin na turan ni Yvonne.
"Babae ka ba?" Sumapi na naman ang pagkapilosopo ni Ashton.
"Bakit ikaw, babae ka?" Balik tanong na ani ng dalaga at hindi apiktado sa pang-aasar ng lalaki.
"Tsk babae ka ba talaga?" tila naubusan na ng pasensya ang binata.
"Ano ang tingin mo sa dibdib ko, flat?" Nakasimangot nang wika ni Yvonne. Sanay naman siyang masabihan na tomboy na tinatawanan lang niya noon. Pero iba ngayon at naiinis siya sa isiping lalaki ang tingin sa kanya ng binatang kaharap.
Napatingin naman si Ashton sa hinaharap ng dalaga na malusog at nagmamalaki sa kanyang paningin ngayon. Napabalik ang tingin niya sa mukha nito nang humalukipkip ang dalawang braso nito pa ekis sa dibdib.
"Alam mo ba na maari kitang ipamulto sa kanya hanggang mamatay na dilat ang iyong mga mata?" pananakot niya sa binata upang tigilan na siya nito.
Napangisi si Ashton at naintindihan na niya ngayon ang lahat, "hindi ako takot sa kaibigan mong multo dahil friend na rin kami."
"Paano?" Nakamulagat ang mga matang tanong ni Yvonne dito. Bahagya pa siyang dumukwang sa lamesa paharap sa binata upang mapalapit dito.
Napaiwas siya ng tingin sa dibdib ng dalaga nang bahagyang bumaba ang kwelyo ng damit nito. "Sabihin mo muna sa akin kung ano ang alam mo sa kriming nagaganap." Bumalik ang kaseryosohan sa kaniyang mukha.
Muling napasimangot si Yvonne dahil mukhang dominante naman ngayon ang lalaki. "Hindi ako ang pumapatay kung iyan ang iniisip mo. Teka nga, doctor ka ba talaga?" nagdududa niyang tanong muli dito.
"Alam ko na hindi ikaw ang salarin sa nangyayari ngayon. Pero alam ko na may kinalaman ka sa previous crime na naganap three years ago at ang nakaraang buwan." Matiim niyang pinag-aralan ang reaction ng mukha ng dalaga. Sa nakikita niya ngayon ay may alam nga ito.
"Pulis ka ba o kaisa sa pumaslang sa kanya? Dahil kung kaisa ka nila, sisiguradohin ko na matulad ka sa mga nauna!" Naging matalim ang tingin ni Yvonne sa binata, pakiramdam niya ay sumapi na naman sa kanyang pusong ang may galit sa manlolokong lalaki ang kaluluwa.
"Gusto kong makatulong sa kaibigan mo dahil nagpaparamdam din siya sa akin." Sinserong sagot ni Ashton sa dalaga.
Nakahinga ng maluwag ang dalaga, ayaw man niyang aminin pero labag sa kanyang kalooban na mawala ang lalaki sa hindi niya malamang dahilan sa ngayon.
"Isa siyang rape victim sa lugar namin. Hanggang ngayon ay hindi pa nabibigyan ng katarongan ang kanyang pagkamatay dahil malaking tao ang may gawa niyon." Pagsisimula niyang pagsalaysay sa binatang doctor.
"Pero bakit may inosinteng tao ang nadamay sa paghihiganti niya? Katulad ni Luis at sangkot ka roon, tama ba?" nagdududang tanong niya aa dalaga.
"Ang sabi ng nanay ko, nakasunod siya sa akin dahil sa akin niya nakikita ang paraan na makaganti siya sa taong pumatay sa kanya. Ako umano ang makatulong upang mabigyan siya ng hustisya ngunit hindi ko alam kung paano. Marahil ay ikaw ang makatulong sa akin na tukoyin ang salarin kung kaya nagpaparamdam din siya sa iyo."
Napatango si Ashton sa narinig, "bakit may nauna nang namatay tatlong taon ang nakaraan?"
"Namatay sila sa takot o bangungot, galit ako sa mga lalaking iyon dahil niloko nila ang mga babaeng kaibigan ko na malapit sa puso ko. Kapag nakaramdam ako ng galit sa lalaki at gusto ko silang patayin sa aking isipan, galit na rin sa kanila ang kaluluwang nakabuntot sa akin." Paliwanag ni Yvonne.
"Hanep ah," ani Ashton habang nakatitig sa dalaga. " kaya ba namatay itong si Luis dahil nagalit ka?"
Tumango siya bilang sagot. "Pero wala na kaming kinalaman sa huling krimin na nangyayari sa ngayon." Kaila niya sa ibang kaso.
"Naniniwala ako sa iyo dahil iyan din ang conclusion ko."
"Mabuti naman at wala naman siguro maging kaso laban sa akin kung sakali, hindi ba?" naniniguro niyang tanong sa binata.
"Kung hindi mag-complain ang bangkay na inalisan mo ng pagkalalaki, then, abswelto ka." Nakangising sagot ni Ashton dito.
Napakagat ng ibabang labi si Yvonne, hindi niya maitanggi ang paratang sa kanya ngayon ng binata.
"Guilty?" mapanuksong ngiti ang sumilay sa labi ni Ashton.
Napalabi siya sa tanong ng binata, gusto niyang sapakin ito ngayon dahil sa nakakalokong ngiti na hindi na mawala-wala habang nakatingin sa kanya.
Natigil lamang sila sa pag-uusap nang tila may malamig na hangin ang humaplos sa kanilang dalawa. Sabay pa sila nagkatinginan sa nagtatanong na 'ramdam mo rin?' Sabay rin silang luminga sa paligid ngunit walang makita. Sarado ang bintana at pintuan kaya imposibleng may hanging pumasok.
"Narito ba ang kaibigan mo?" tanong ni Ashton nang hindi na makatiis. Naririnig niya lang ang multo pero hindi nakikita.
"Bakit kaibigan ko lang? Akala ko ba ay close na kayo kaya hindi ka takot sa kaniya?" nang-aasar na turan ni Yvonne at ramdam niyang kinakabahan ang lalaki. Ang sarap lang nitong pagtripan ngayon.
"Oh c'mon, not now, babe. Kakikilala ko lang sa kaniya kaya hindi kami ganoon ka-close."
Hindi napigilan ni Yvonne ang tumawa habang nakatitig sa mukha ng Doctor. Hindi naman pala ito totally jerk at marunong din magbiro.