Chapter 10: Almost there

TINUTOO nga ni Ashton ang sinabi nitong pababantayan siya sa isang tauhan nito. Kahit hindi sabihin ng binata ang tunay nitong trabaho maliban sa pagiging doctor ay alam niyang may kapit ito sa batas.

"Hindi mo ba nagustohan ang pagkain dito?" puna ni Meynard nang mapansin ang panaka-naka lang na subo ng dalaga.

"Masarap ang pagkain, hindi lang siguro ako sanay kumain sa ganitong mamahalin na kainan." Nagpakatotoo na siya sa binata. Nasa mamahaling restaurant kasi sila tapos ang suot niya ay hindi oa angkop sa lugar na iyon.

"I'm sorry, dapat ay tinanong muna kita para maging komportable ka."

"Its ok," aniya at ngumiti ng matipid sa binata. Isa sa dahilan kung bakit naiilang siya ay dahil nakakatunaw ang tingin nito sa kaniya.

"Gusto mo bang lumipat tayo ng lugar?"

"Oh no!" Umiiling niyang pigil sa nais gawin ni Meynard. Parang biglang gusto niyang magsisi nang magseryoso ang lalaki.

"Hindi ako nagmamadali na tugunin mo ang pag-ibig ko sa iyo. Maniwala ka sa hindi, unang kita ko pa lang sa iyo ay nagustohan na kita."

Mabilis na tinungga ni Yvonne ang tubig sa baso at hindi alam kung ano ang dapat isagot sa binata. Kung ibang babae ang ka-date nito ngayon ay tiyak na kinilig na at sinagot ito. Pero iba siya, kinilabutan pa siya sa mga sinabi nito sa kaniya. Daig pa niya nakakita ng multo ng mga oras na iyon. Wala manlang spark—natigil ang kaniyang isipan nang maalala ang pakiramdam na parang nakuryente sa hawak ng isang lalaki. Biglang naalala ang mukha ng aroganteng doctor na si Ashton.

"Hindi mo kailangan sagutin, ok na ako na alam mong mahal kita."

Gusto maubo ni Amelia sa mga naririnig na pag-uusap ng dalawang binabantayan. Magkasunod lang ang table nila at matalas ang kaniyang pandinig kaya naririnig niya ang paraan ng panliligaw ng doctor kay Yvonne. Mabilis siyang nagpadala ng mensahe kay Boss Ashton niya upang ipamaalam dito ang lahat.

"Make sure na diritso bahay niyang ihatid ang babaeng iyan." Mahigpit na bilin ni Ashton kay Amelia.

Nanunuksong ngiti ang sumilay sa labi ni Amelia kahit hindi siya nakikita ng kausap. Mukhang tinamaan na rin ng pana ni kupido ang binatang doctor. Mabilis niyang tinapos ang pagkain nang mapansin na patapos na ang dalawa. Gusto niya ang trabahong pagbuntot ngayon sa dalawa. Naka kain siya sa mamahaling restaurant nang libri.

Pagkauwi ng bahay ay nag-half shower lamang si Yvonne at ang kaniyang room mate ay tulog na. Mabilis din siyang ginupo ng antok dahil pagod.

"Tulongan mo ako!" malungkot na pakiusap ng isang lalaking nakatunghay sa kanya habang siya ay nakaupo sa madamong lugar.

"Ahhhh... layuan niyo ako!" Marahas na tumayo si Yvonne mula sa kinaupoan at mabilis na tumakbo palayo sa lalaking mukhang bangkay dahil sobrang putla nito. Hindi niya alam kung paano siya napunta sa lugar na iyon. Alam niya na panaginip lang iyon pero natatakot pa rin siya dahil ibang kaluluwa na naman iyon.

"Tulongan mo kami!" nag-e-echo sa kanyang pandinig ang mga tinig. Sa pagkakataon na ito ay hindi lang isa kundi tatlong kaluluwa.

Napatigil siya sa pagtakbo at nilingon ang mga ito. Ngunit mga nawala na at ang pumalit ay ang dati niyang kaklase. Namangha pa siya dahil hindi na ito lumuluha ng dugo. Ang dating kulay itim na nakabalot sa katawan nito ay unti-unti nang naging puti.

Sinundan niya ng tingin ang kamay nito kung saan nakaturo. "Ahhhhhh!" Natumba siya dahil sa pagkagulat nang paglingon niya ay may lalaking nakatayo, isang dangkal lang ang layo ng mukha nito sa mukha niya. Lalo siyang nagimbal dahil lumabas ang dugo sa ulo nito.

"Yvonne!" Tinampal na ni Gwen ang mukha ng kaibigan dahil tila binabangungot na naman ito.

"Huhhhh!" Hinihingal na napabalikwas ng bangon si Yvonne.

"Ok ka lang?" Nag-aalala na tanong ni Gwen sa kaibigan nang mapansin na balisa ito pagkagising.

"Kailangan kong bumalik sa hospital."

"Hoy teka, baka akala mo ay umaga na?" tawag ni Gwen sa kaibigan na nagkukumahog sa pagpalit ng damit.

"Huwag mo nang e-lock ang pinto dahil babalik din agad ako." Bilin niya kay Gwen bago lumabas. Hindi na pinansin ang paalala nito sa kanya. Bente kwatro oras ang beyahe ng sasakyan sa lugar nila kung kaya nakasakay agad siya.

Matapos malaman ni Ashton na naihatid na ni Meynard si Yvonne ay mag-focus na siya sa trabaho. Mula sa opisina nilang mga eagle ay dumiritso na siya sa hospital upang magmanman sa loon at labas. Nag-disguise siya upang hindi makilala ng mga nurse doon. Nagpanggap siya na may kamag-anak na naka confine upang hindi mapaghinalaan. Suot ang makapal na salamin at kulot na buhok na piluka ay alam niyang wala nang makakilala sa kaniyang guwapong mukha. Naroon siya ngayon sa silid ng pasyente at gustong tignan ang kalagayan nito ngayon.

"Nakahanda na ba ang lahat?"

Mabilis na tinungo ni Ashton ang pintuan nang maramdamang may paparating na ibang tao. Doon siya nagkubli sa likod ng pintuan at dinig niya ang nag-uusap mula sa labas ng pintuan. Muntik na siyang maipit nang bumukas ang pintuan. Rinig niya ang mga yabang ng mga ito na pumasok. Tantya niya ay dalawang tao ang pumasok. Hindi niya makita ang mga ito dahil nasa likuran siya ng pintuan. Inihanda ang sarili na mapatulog kung sino man ang naroon kapag nakita siya.

"Hindi mo pa siya maaring galawin ngayon. Kapag hindi ka nagtagumpay sa gagawin mo ay baka may makahalata na lalo na ang bagong doctor."

Nangungunot ang noo ni Ashton nang makilala ang boses ng isang lalaki. Alam niya na siya ang tinutukoy ng isa na boses may edad na.

"Isara mo nga ang pinto at baka may dumaan at marinig tayo!" pabalang na utos ng boses binata sa kausap nito.

Mabilis na isinuot ni Ashton ang mask sa mukha at inihanda ang sarili. Kapag isinara ng mga ito ang pintuan ay makikita siya na nagkukubli roon.

"Hi!"

Lalong nangunot ang noo ni Ashton pagkarinig sa boses ng babae na nagpatigil sa paghakbang ng lalaki upang isara sana ang pintuan.

"Hey!" Masiglang sinalubong ni Meynard ang bagong dating na dalaga. "Bakit ka narito?" Nagtataka man ay pinatili niya ang ngiti sa labi at sininyasan ang kasama na iwan na sila.

"Nakakaistorbo ba ako?" Alanganing ngumiti siya sa binata.

"Hindi naman," anito at tinignan ang oras sa suot na relo. "It's almost twelve o'clock, may emergency bang nangyari?" nagtatakang tanong ni Meynard sa dalaga.

Napakamot ng ulo si Yvonne, biglang nawala sa isip kung ano ang idadahilan kung bakit siya naroon. Gusto niyang sumimangot nang mapansin ang mainit na titig ng kaharap sa kanyang binti. Sa sobrang pagmamadali kanina ay tanging short na maong ang kanyang nakita at naisuot.

"Huwag mong sabihin na na-miss mo agad ako?" Ngumiti ito ng simpatiko nang hindi na makapagsalita ang dalaga.

Nakagat ni Yvonne ang loob ng labi upang pigilan ang sarili sa pagsimangot. Ang lakas ng bilib nito sa sarili at naisip na ito ang dahilan kaya siya naroon.

"May sinamahan lang ako na kamag-anak ng pasyente dito na dumalaw. Nakita kita at gusto kong masiguro kung ikaw nga dahil gabi na narito ka pa. May emergency ba?" Lalo pa niyang pinalapad ang ngiti nang mapansin na nakatitig ito sa kanyang mukha. Sabi nila nakakaakit umano ang kanyang ngiti na bihira lang makita lalo na ng kalalakihan.

"I just came here to check my patient, pauwi na rin ako. Gusto mo bang ihantid kita?" tanong ni Meynard sa dalaga habang inaakay ito palabas ng silid.

Nilingon muna ni Yvonne ang pintuang nakapinid na ngayon bago sumabay sa paglalakad kay Meynard. "Huwag na, doc, malalim na ang gabi at nakakahiya nang maabala pa kita." Tanggi niya sa alok nito.

"Huwag ka nang mahiya, dilikado sa isang tulad mo ang bumiyahe mag-isa sa ganitong oras." Giit nito sa hangaring maihatid ang dalaga.

"May kasama ako, doc, kaya huwag ka na po mag-alala. Salamat sa pagmamalasakit." Muli siyang ngumiti upang makumbinsi ang lalaki at hindi na siya kulitin.

"Maari bang Meynard lang ang itawag mo sa akin kung tayo lang dalawa ang magkaharap?" may pagsusumamo na ani nito sa dalaga.

"Kung iyan ang nais mo." Pinagbigyan na niya ito upang makaalis na sa kanyang harapan. Ngumiti pa siya muli nang makita na bumukas muli ang pintuan na pinanggalingan nila kanina. Nakatalikod ang binata kaya hindi nakikita ang paglabas ng isang lalaki sa silid na pinanggalingan nila.

"See you tomorrow, then?" Masayang paalam nito sa dalaga.

"Yeah, goodnight!" Kumaway pa siya kay Meynard at nagulat sa ginawa nito bago siya iniwan.

Wala na si Meynard sa kanyang harapan ngunit nanatili pa rin siya sa kinatayuan. Hawak ang kaliwang pisngi kung saan siya hinalikan ng lalaki nang walang paalam.