Chapter 5: Third eye
MABILIS lang natapos ang kanyang bakasyon sa probinsya. Pagbalik sa lungsod ay nagulat siya na may nangyari na namang krimin at inugnay sa mga nauna pang kaso na alam niyang mali.
"Nakita mo na ba ang bagong doctor dito?" tanong ni Ivy kay Yvonne nang pumasok na sa trabaho ito.
"Hindi pa, bakit ano mayroon sa kanya?"
"Ang guwapo niya, bhe, at ang bata pa!" Kinikilig na sagot nito sa kaibigan.
"Sus, parang ngayon ka lang nakakita ng pogi ah." Buska ni Yvonne sa kaibigan.
"Pusong bato ka talaga, hindi ka ba talaga nakaramdam ng kilig kapag nakakita ng pogi? nakaingos na ani ni Ivy.
"Mas kinikilig ako kapag may babaeng maganda na makita." Nakangising pabirong sagot ni Yvonne sa kaibigan.
"Ewww! Don't me, bhe, mas maganda ka pa sa akin." Umakto pa ito na nahihiya sa kaharap.
"Sinabi ko ba na maganda ka?" Nakataas ang kaliwang kilay na tanong niya kay Ivy.
"Ang harsh mo!" Hinampas niya ng mahina sa balikat si Yvonne. "Kahit babae ka, tatanggapin kita ng buong puso kapag ako ang nagustuhan mo."
"In your dream, Bhe!" Pabiro niyang sagot dito. Ito lang ang kasundo niya sa lahat na katrabaho dahil nauunawan nito ang kanyang damdamin. Maganda rin naman ito at nakasanayan na niyang biruin ito sa ganoong paraan.
"Tama na ang chismisan dahil oras na ng trabaho!"
Sigaw ng kanilang head nurse. Paglingon ni Yvonne ay may lalaking nakasuot ng kulay puting coat at nakatingin sa kanya. Pamilyar sa kaniya ang mga matang iyon pero hindi niya matandaan kung sana unang nakasalubong ito. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin dito at inabala ang sarili sa ginagawa. Ganoon din ang kaibigan upang hindi na mapagalitan ng masungit nilang head.
Muling bumalik ang atensyon ni Ashton sa head ng mga nurse nang magsalita ito. Inililibot siya sa loob ng hospital upang pamilyar doon nilang bagong doctor sa naturang gusali. Ang babaeng nurse na nakipagtitigan kanina sa kaniya ay muli niyang sinulyapan at hinagilap sa isipan kung saan niya unang nakita ang mga mata na iyon.
Naging observant si Ashton sa loob ng hospital at tinandaan ang mga mukha ng empleyado. Madali lang siya natanggap doon bilang isang bagohang doctor dahil nagtapos siya na may karangalan at isa sa pinakamagaling na estudyante. Private ang naturang hospital kung kaya hindi crowded ang pasyente. Ang ipinagtataka niya ay doon dinadala ang bangkay ng mga biktima ng killer. Halatang mga taong hikahos sa buhay ang biktima at kung siya ang makatagpo sa biktima ay sa pinakamalapit at public hospital niya ito dadalhin.
"Siya ang maging assistant mo na nurse, Doc. Kakabalik lang niya galing bakasyon kung kaya wala siya sa unang araw mo dito kahapon." Ang pahayag ng head nurse matapos sawayin ang dalawang nurse na nagchi-chismisan.
Muling nagsalubong ang tingin nila ng babae at mukhang palaban na lumaban ng titig sa kaniya. Hindi nagtagal ay naalala na niya kung bakit pamilyar sa kaniya ang mga mata nito. Napangisi siya sa kaloob-looban niya at natuwa dahil muling nagtagpo ang kanilang landas. "Nurse pala talaga siya dito." Ang naibulong niya sa kanyang sarili.
"Yvonne, siya ang bagong doctor dito at makakasama mo kapag may pasyente."
Napangiwi si Yvonne dahil may kalakasan ang boses ng head nila. Kahit na nasa harap na siya nito ay nakabulyaw pa rin kung magsalita.
"Good morning, Doc!" bati niya sa lalaking seryosong nakatingin sa kanya.
"Goood morning! Umaasa ako na maging good team tayo." Inilahad niya ang kanyang kamay sa harap ng dalaga.
Walang pag-aatubili na inabot iyon ni Yvonne. Mas mahigpit niyang hinawakan ang kamay ng lalaki nang maramdaman ang pagpisil nito sa kanyang palad. Bahagya itong ngumiti bago pinakawalan ang kanyang kamay. Natandaan na niya ngayon kung saan niya ito unang nakita, sa morgue.
Kinalma niya ang kanyang sarili dahil nakaramdam ng kaba bago sumagot dito. "Likewise Doc!"
Sumunod na si Yvonne sa bagong doctor at kailangan niyang asikasuhin ang schedule nito sa pasyente. Nang makapasok sila sa silid ng isang pasyente ay ang tahimik na nito. Nainis siya bigla sa sarili dahil hindi niya maihiwalay ang tingin sa guwapong doctor na abala sa pagbabasa ng medical record ng isang pasyente roon. Inaalam nito ang record ng kalusugan ng isang binatilyo na may mataas na lagnat.
"May dumi ba ako sa mukha?" puna ni Ashton sa kasamang nurse nang maramdaman ang pagtitig nito sa kanya.
Nagulat pa si Yvonne nang magsalita ang lalaki. Hindi ito nakatingin sa kanya pero alam nito na nakatingin siya rito. Napatikhim siya bago sumagot dito. "Nagtataka lang ako, bakit nasa morgue ka nang gabing iyon?"
"Anong klaseng tanong iyan?" patanong na sagot niya sa dalaga. Hinawakan niya ang pulsohan ng lalaking pasyente bago nilingon ang kasamang nurse.
"Alam kong ikaw iyon dahil sa iyong boses." Prangkang sagot niya sa binata. Hindi siya nangingilag dito kahit na mas mataas ang posisyon nito sa kanya sa trabaho.
Napaunat ng tayo si Ashton at binitiwan ang pulsohan ng pasyente, "sigurado ka na ako ang nakita mo sa morgue? Saka bakit naman ako napunta sa lugar na iyon? At ganoon ka rin, ano ang ginagawa mo doon?" Pagkaila niya dito at ginamitan ito ng reverse psychology. Hindi pa siya maaring makilala nito dahil isa ito sa kanyang supect sa krimin.
Napipilan si Yvonne at nasukol siya ng lalaki sa mga katanongan nito. Al niyang hindi siya nagkamali sa hinala niya dito. Pero matalino ang lalaki at ramdam niyang may itinatago itong lihim.
"Ah, never mind, let's continue our work." Pag-iiba ni Ashton sa paksa.
Hindi na muli siya nagsalita at ganoon din ito ang binat, inilagda niya ang lahat ng sinasabi ng lalaki ukol sa obervation nito sa pasyente.
"Ipa-blood test mo ang dugo ng bata at ang kanyang ihi. Ipainum ang gamot na ito habang wala pa ang resulta sa laboratory." Inabot niya dito ang resita na kanyang isinulat upang ito na ang mag-abot sa bantay ng pasyente.
"Kapag bumalik na ang guardians ng batang ito, papuntahin mo sa aking opisina." Bilin niya sa dalaga bago ito iniwan sa naturang silid.
Napasunod ng tingin si Yvonne sa binata nang tumalikod na ito. Ang tangkad nito at mukhang maloko pero matapang ang aura na gustong gusto niya sa lalaki. Naipilig niya ang kanyang ulo sa huling naisip. "Kailan pa ako humanga sa isang lalaki?" palatak na tanong niya sa kanyang sarili.
Lumabas din agad si Yvonne ng silid nang dumating ang ina ng pasyente. Naabutan niya ang binata na kausap ang isa pang doctor. Anak ito ng may-ari ng hospital at hindi magkalayo ang kanilang edad. Hindi pa ito ganap na doctor ayon sa kanyang naririnig na usap-usapan dahil hindi pa nakapasa sa board exam.
"Kamusta ang pasyente mo?" Tanong ni Meynard, kay Ashton. Nagkakilala na sila nito at naging sibil ang pakikitungo sa isa't isa.
"Pinasusuri ko pa ang dugo at ihi niya." Pormal na sagot ni Ashton sa kausap.
"Sa tingin mo ay may iba siyang sakit kung kaya pabalik-balik ang kanyang lagnat?"
"Sa tingin ko normal lang naman ang kanyang sakit. Walang ano mang senyalis na may malubha siyang sakit. Baka dala lamang ng pagbibinata niya ang pagkaroon ng lagnat." Mahabang paliwanag ni Ashton dito.
"Sana nga, ayaw ko nang mamatayan muli ng pasyente ang hospital na ito. Baka hindi na namin mapigilan ang media sa mga katanongan nila ukol sa nangyayari dito." Makahulogan na turan ni Meynard.
Malalim ang iniisip na napasunod ang tingin ni Ashton kay Meynard. Ngayon niya nakumpirma na hinaharang ng mga ito o tinatago ang nangyayari dito kung kaya walang napapabalita. Kung hindi pa siya naligaw sa gusaling ito noon ay hindi nila malaman na may dinala doong patay.
Bago umuwi, dumaan muna siya sa silid ng binatilyong pasyente niya kanina pero nagulat siya dahil inilipat umano ito ng silid.
"Saang silid siya inilipat at bakit?" tanong ni Ashton sa nurse na naroon.
"Hindi ko pa po alam,
doc, napag-utusan lang ako ngayon na ayusin ang silid na ito."
Wala na siyang nagawa kundi ang tumuloy sa pag-uwi. Bukas nalang niya alamin kung saan dinala ang pasyente. Nakalimutan na rin niya ang resulta ng laboratory nito.
Sasakay na sana siya sa kanyang kotse nang makita niya si Yvonne na palinga-linga sa isang tabi at nagmamadali na umalis. Kahit na hindi niya nakita ang mukha nito dahil nakatalikod, alam niya na ang babae iyon ayon sa hubog ng katawan nito at ayos ng buhok. Hinabol niya ito ngunit biglang nawala nang makarating siya sa likuran. Madilim doon at imbakan ng mga gamit na hindi na ginagamit.
"Doctor Montiz?" tawag ni Meynard sa lalaki nang makita ito mula sa kinatayoan. Pauwi na rin siya at nagtaka nang makita ang sasakyan nito na nakabukas at wala ang binata. "Saan ka galing?"
"May namataan lang ako sa banda doon, ngunit namalikmata lang siguro ako." Sagot niya dito habang nililingon ang pinanggalingan.
"Kailangan mo siguro magpahinga na, mauna na ako sa iyo." Paalam ni Meynard.
Hihiwalay na sana si Meynard sa lalaki nang mapatda nang makita si Yvonne na nakatingin sa kanila at nakarehistro sa mukha ang takot. Kilala niya rin ang nurse dahil ilang buwan na rin itong namamasukan doon. Pagtingin niya kay Ashton ay nakarehistro din sa mukha nito ang gulat at pagtataka naman. Nakatingin ito sa kinaroonan ni Yvonne na nasa harap ng gusali dahil pauwi na rin ito.
"Ano mayroon?" nagtatakang tanong ni Meynard kay Ashton dahil ito ang mas malapit sa kaniya.
Napukaw ang diwa ni Ash sa tanong ng kaharap. Nagulat lang siya nang makita si Yvonne, napalingon siya sa likuran banda kung saan niya nakita kanina ang babae na inakalang si Yvonne. "Wala ka bang nakita na ibang babae kanina dito?" tanong niya kay Meynard.
"Ang weird mo, pare, tayo lang ang narito kanina pa."
Naipilig ni Ash ang ulo pakaliwa, pagtingin niya muli kay Yvonne ay nakatalikod na ito at nagmamadaling umalis na tila nakakita ng multo kung makatingin sa kanila kanina. Nagpaalam na siya kay Meynard at iwinaksi sa isipan ang weird na pakiramdam sa paligid.