Chapter 18: Selos
"Kuya...!" Patakbong lumapit si Zahara sa kapatid at mahigpit na yumakap.
"Arghhh! Ang sugat ko!" Daing niya nang masagi nito ang sugat niya sa braso.
"Opps, sorry, Kuya!" Malapad ang pagkangiti na ani Zahara sa kapatid. Lingid sa kaalaman ng pamilya niya, nagkakilala na sila ng kapatid dahil hindi siya tumigil hangga't hindi ito nakilala.
Nagulat pa ang ama nila na magkakilala na silang dalawang magkapatid. "Maging ang anak mong babae ay hindi rin namana amg ugali." Tonong nang-aasar na ani ni Ashton sa ama.
Gusto niya lang makita nito ang panahon na sinayang kung hindi lang ito naging duwag. Pero nagtataka siya kung saan galing ang pagkapareho nila ng ugali ng kapatid. Ang ugaling hindi basta susuko at hindi titigil hangga't hindi naabot ang nais makamit sa buhay. Makulit din siya lalo na kapag gusto niya ang isang taong kausap.
"Masaya ako at hindi niyo naman ang kaduwagan ko. Salamat at nagkakilala na kayo at nagkasundo na." Naluluha na amindo si Jessie sa paratang sa kaniya ng anak na binata.
"Well, hindi ko alam na isa kang dalubhasang manggagamot." Bawi ni Ashton at naawa sa nakikitang guild sa mukha ng ama. Sumobra na yata siya sa mga pasaring sa ama kaya bumawi siya.
Tuloyan nang pumatak ang luha sa mga mata ni Jessie at ginagap ang palad ng anak. Hindi man sinasabi ng binata pero sa ganitong paraan ay alam niyang napatawad na siya nito. Natuwa siya dahil mayroon naman pala namana sa kaniyang ugali ito bukod sa pagiging pogi.
"Oh c'mon, Dad! Stop crying, nagmumukha kang bakla."
Lalong natawa si Ashton dahil sa kamalditahan ng kapatid. Wala talaga itong pinipili at kahit ama nila ay nabibiktima.
Masaya na nagkwentuhan silang tatlo at maging ang ama ay napatawa na rin dahil sa kakulitan ng kapatid. Iniwan sila ng kanilang ama pagkalipas ng tatlong minuto dahil may importante itong pupuntahan.
"Totoo ba ang narinig ko, kuya na mag-aasawa ka na rin?" Nakasimangot na tanong nito sa kapatid.
"Nililigawan ko pa lang, bunso, ipakilala ko siya sa iyo mamaya. Sigurado ako na magkakasundo kayong dalawa." Nakangiti niyang sagot dito at nagkapalagayan na sila ng loob.
Ganito pala ang pakiramdam kapag may kapatid na babae. Bilang nakakatandang kapatid nito ay ayaw niyang may manloko dito na lalaki. Spoiled ang kapatid niya kaya maldita at lahat ay ginagawa kapag ginusto nito. Katulad na lang niya, hindi talaga siya tinigilan hangga't hindi sila nagkaayos bilang magkapatid. Naalala pa niya ang unang pagkikita nila noon, para itong batang umiyak kahit nasa public place sila. Panay ang tawag sa kaniya ng kuya na para bang inapi niya kaya ayaw tumigil sa pag-iyak. Maging ang audience nila noon ay naawa dito at nagalit pa sa kaniya dahil pinaiiyak ang kapatid.
Magiliw na pinagmasdan ni Ashton ang kapatid na abala na ngayon sa pagbabalat ng mansanas. Akalain mo at marunong pala humawak ito ng kutsilyo. Ang akala niya ang alam lanh nitong hawaka ay puro pampaganda.
"Huwag ka munang mag-asawa, Kuya," Nnakalabi na aniya habang sinusubuan ng mansanas ang kapatid.
"Bakit naman ayaw mo pa akong mag-asawa?" Naaaliw niyang tanong sa kapatid.
"Kasi gusto kitang masolo, kailangan mong bumawi sa akin noh!" Nagpa-cute pa siya sa kapatid na ikinatawa ng huli.
Iyon ang naabutang sinaryo ni Yvonne. Padabog niyang isinara ang pintuan at tumuloy sa loob bitbit ang tray na may lamang gamot. Kung hindi lang dahil sa trabaho, malamang ay hindi na siya tumuloy roon. Naninibugho ang damdamin sa isiping may ibang babae ang binata at mukhang matagal nang magkakilala ayon sa kanyang narinig.
"Excuse me, hindi ka ba marunong kumatok?" Mataray na sita ni Zahara sa inakalang nurse ng kanyang kapatid.
"Hospital ito, hindi restaurant!" May diin ang bawat kataga na patutsada niyang sagot sa mataray na babae. Naiinis siya dahil may subuan effect pa itong nalalaman.
"Aba't sinasabi mo bang bawal ko subuan ang pasyente?" Nakataas ang kaliwang kilay ni Zahara at pinameywangan ang babaeng nurse.
Napakamot sa noo si Ashton at hindi alam sino ang unang kausapin sa dalawang mukhang magsasabong sa kaniyang harapan.
"Lumabas ka nga at nakakaistorbo ka sa bonding moments namin!" Tumaas na ang timbre ng boses ni Zahara. Ayaw niya sa lahat ay nasasapawan ang kaniyang katarayan.
"Ikaw ang lumabas dahil kailangan na magpahinga ng pasyente!" Pinagdiinan ni Yvonne ang kalagayan ng binata. Paglingon niya kay Ashton ay inirapan niya ito nang makita na mukhang nag-e-enjoy ito sa nakikitang selos sa kanyang mga mata nang mga oras na iyon.
"Aba, bastos ka a—" naputol ang iba pa niyang sasabihin nang biglang nagsalita ang kapatid at seryuso ito.
"Bunso, iwan mo muna kami." Kinindatan ni Ashton ang kapatid at nakaintindi naman agad ang huli. Pasimpleng nag-peace ito sa kanya bago inirapan si Yvonne.
Hinintay muna ni Yvonne na makalabas ang tinik sa kanyang lalamunan bago hinarap ang binata. "Anong ningingiti-ngiti mo riyan?" galit niyang sita dito.
"Huwag ka nang magselos at lalo kang gumaganda sa aking paningin." Mapanudyong aniya nang pinukol siya ng matatalim na tingin dalaga.
Hindi nagsalita ang dalaga, walang pag-iingat na itinaas ang kanyang braso upang ikabit ang bagay para ma-check ang kanyang blood pressure.
"Mamatay na yata ako!" Daing niya nang ayaw pa rin siyang kausapin ng dalaga. Tahimik na inabot nito sa kanya ang tableta ngunit hindi niya kinuha.
"Kunin mo na at inumin!" himig napipikon na aniya sa binata at matalim ang tinging ipinukol dito.
"Masakit ang puso ko," ani ni Ashton bago ipinikit ang mga mata.
Natutuwa siyang makita itong nagseselos pero kinakabahan naman siya sa galit na nakikita sa mga mata nito. Bigla niyang naalala ang multong kaibigan nito. Baka biglang sumapi dito at hindi na siya makilala ng puso ng dalaga.
"Ayaw mong inumin ito dahil ako ang nagbibigay, pero kung ang babaeng iyon ay todo ngiti ka pa!" Lapat ang mga labi niya dahil sa inis at maging ang mga ngipin ay nangangalit na rin. Gusto niyang saktan ang binata dahil hindi pa nga sila pormal sa isang relasyon ay nagawa na siyang lokohin nito.
Napadilat ng mga mata ang binata at ayaw na niyang galitin pa lalo ang dalaga. "Lalo kang tatarayan niyon kapag nalaman niya na pinagseselosan mo siya. Mukhang dalawa pa kayo na maging sakit ng ulo ko." Pabulong lamang ang huling tinuran ngunit naabot pa rin ng pandinig ng dalaga.
"Aba't may balak kang pagsabayin kami?" Galit na pinisil niya ang mukha ng binata. Ang balak niya lang sana ay paduguin ang bibig nito gamit ang kaniyang kamay. Pero nang ngumiti ito ng simpatiko ay marahas at mariin niyang hinalikan ito sa labi.
Nagulat si Ashton sa ginawa ng dalaga. Pero dagli lamang iyon at gumanti siya ng halik dito nang makabawi. Gusto niya pa sanang palalimin ang sinimulan nitong halik ngunit bigla siyang kinagat sa labim
"Ang sadista naman ng mahal ko!" Pinahid niya ang dugo sa gilid ng kanyang labi.
"Mamili ka ngayon din, ako o siya?" Naka pameywang na tanong ng dalaga sa binata.
"Wala akong dapat pakawalan ni isa man sa inyo." Pilit niyang sinupil ang ngiting gustong sumilay sa kaniyang labi. Ang cute ng dalaga pagmasdan ngayon dahil nagseselos.
Nasaktan si Yvonne sa narinig. Bago pa makita ng binata ang pamumula ng mga mata tanda na naiiyak siya mabilis siyang tumalikod. Humakbang siya upang iwan na ito at lalabas. Ngunit naudlot ang tangkang pag-alis nang magsalita muli ang binata.
"Mahal kita bilang babaeng bumihag sa aking puso."
Nakasimangot na nilingon niya ito. "At siya?"
"Mahal ko siya dahil kaisa- isa ko siyang kapatid." Seryosong sagot niya sa dalaga.
Nakagat ni Yvonne ang ibabang labi dahil sa naramdamang hiya. Malay ba niyang kapatid pala nito ang malditang iyon. Ang alam niya lang kasi ay ang tungkol sa ama nito.
"Quits na tayo!" hindi tumitingin na aniya sa binata. "Ikaw din naman kanina agad na nagselos nang makita mo na close kami ni Ruel."
Sumilay muli ang simpatikong ngiti sa labi ng binata, "baka pwedeng makabawi sa ginawa mo sa labi ko?"
Hindi na nagdalawang isip pa ang dalaga, mabilis siyang lumapit sa binata at sabik na ginawaran ng halik sa labi ito. Puno ng pagmamahal at pananabik ang halik sa isa't isa. Ganito pala ang pakiramdam nang magmahal at minahal. Parang nakalutang sa hangin at ang sarap sa pakiramdam. Hindi na kailangan ang pormal na aminan sa tunay na damdamin. Ika nga, tulak ng bibig, kabig ng dibdib.
Naputol ang paghahalikan ng dalawa nang biglang nakaramdam ng ihip ng hangin. Nagkatinginan silang dalawa bago luminga sa paligid.
"Sa tingin mo, nagagalit siya?" pabulong na tanong ni Ashton sa dalaga.
Pilyang ngiti ang sumilay sa labi ni Yvonne at tumango sa binata. Gusto niya lamang itong asarin. "Ayaw ni Irish na pinaiiyak ako ng lalaki." Tukoy niya sa kaluluwa.
"Oy, hindi kita pinaiyak ha. Ikaw nga itong nanakit sa akin." Mabilis na paliwanag ni Ashton at nilakasn ang boses upang marinig ng kaluluwa.
Muli silang natahimik nang lalong lumakas ang ihip ng hangin. Pero hindi sila natakot dahil alam nilang masaya na ngayon ang kaluluwa nito at nabigyan na ng justice ang pagkamatay nito.
Napangiti si Yvonne nang makita ang kaluluwang nasa likuran ni Ashton ngayon. Nakangiti itong kumaway sa kaniya at namamaalam.
"Babe naman, huwag mong sabihing katabi ko lang siya?" reklamo ni Ashton nang maramdaman ang malamig na hangin sa kaniyang batok.
"Magpaalam ka na sa kaniya at aalis na siya." Malumanay niya utos sa binata.
Napakamot muna sa batok si Ashton bago kumaway at nagpaalam sa hindi nakikitang kaluluwa. Makalipas ang ilang segundo ay bumalik na sa normal ang temperatura sa paligid at nawala ang malamig na hangin sa kaniyang batok.