Chapter 19: Past is past

MULING umani ng award at papuri ang ahensya ng Eagle's Wings, Secret Agency nang malutas ang kaso sa pangunguna ni Ashton Montis. Umiiyak ang pamilya ni Irish at nagpasalamat sa kanila dahil nabigyan na rin ng hustisya ang pagkamatay nito. Ikinulong si Meynard sa mental hospital bago ito ililipat sa piitan dahil nabaliw sa paggamit ng bawal na gamot. Si Philip ay patay na at abswelto si Ashton sa kasong pagpatay dito bilang self defense. Ang matandang doctor ay inako ang kasong pagpatay sa mga pasyente para sa anak. Ang huling biktima ng mga ito ay hindi na naagapan at pumanaw na rin nang araw na iyon dahil nagdurugo ang ulo na umabot sa utak.

"Mabuti naman at naabutan pa kitang buhay." Pabirong bati ni Jeydon sa kaibigan. Hindi nila natapos ang dalawang buwang bakasyon at second honeymoon na rin dahil sa masamang balita na nakarating sa kanya.

Hindi pa nakahuma si Ashton sa biglaang sulpot ng kaniyang best friend nang ang asawa naman nito ang sumugod sa kaniya.

"Ashton, Babe!" Patakbong niyakap ni Ynrahd ang kaibigan ng kaniyang asawa.

"Arghhh! Gusto niyo talaga akong mamatay na noh?" Nakangiwing reklamo ni Ashton. Pilit iniiwas ang braso kay Ynrahd.

"Na-miss ka lang namin, Bro!" Nakangising niyakap ni Jeydon ang asawa mula sa likod nito. Nagmukhang tuko silang mag-asawa dahil ang babae ay nakayakap sa kaibigang binata na nanatiling nakahiga sa hospital bed.

"Baka naman sa yakap ninyo siya mamatay niyan." Biro ni Yvonne sa dalawa, naikwento na ng binara sa kanya ang tungkol sa dalawa pero hindi niya pa rin gusto ang makita si Ashton na yakap ng ibang babae.

Sabay na napalingon ang mag-asawa sa nagsalita. "Opss, sorry, hindi ka namin napansin." Nakangiti na bati ni Ynrahd sa dalaga.

"Siya ba ang sinasabi nila Cloud, Bro?" Tanong ni Jeydon sa kaibigan habang hindi inaalis ang tingin sa babaeng nurse.

"May asawa ka na, Bro," ani ni Ashton habang inaabot ang kamay ni Yvonne.

"Possessive boyfriend?" nakakaloko ang ngiti na ani Jeydon sa kaibigan. "Isang buwan mahigit lang ako nawala, nakabingwit ka agad ng dilag."

"Thanks to Irish, siya ang naging tulay ng pagkakilala namin." Ngumiti siya sa dalaga at hinigpitan ang pagkahawak sa kamay nito.

"Sino naman iyon?" Kunot noong tanong ni Jeydon.

"Isang kaibigan na masaya na sa mga oras na ito dahil nalutas na ang kaso niya." Matalinhagang sagot nito sa kaibigan.

Mabilis na lumapit si Ynrahd kay Yvonne at masayang niyakap ito. Kahit ngayon niya lang ito nakahrap ay magaan ang loob niya dito. Masaya siya para kay Ashton, alam niyang sobrang nag-aalala ang asawa niya nang mabalitaan ang nangyari dito kaya siya na mismo ang nagpa book ticket pabalik ng Pinas.

Napangiti si Yvonne at gumanti ng yakap sa babae. Nakilala na niya kanina ang mga asawa ng kasamahan ni Ashton. Lahat ang mga ito ay mababait, friendly at magaganda. Nawala na ang pakiramdam na insecurities sa kaniyang katawan ngayon dahil tanggap siya ng lahat.

"Pwede mo ba akong ipakilala sa kaibigan mong multo?" paanas na request ni Ynrahd kay Yvonne. Hindi pwedeng marinig ng asawa at magagalit ito. Naglilihi na kasi siya at baka magmukhang multo pa daw ang anak nila.

"Wala na siya, sayang at nahuli ka ng dating."

Mabilis na sininyasan ni Ynrahd si Yvonne na hinaan lang ang boses ngunit huli na.

"Sino ang umalis na?" tanong ni Jeydon.

"Ha? Ah eh..." Hindi malaman ni Yvonne kung ano ang isagot nang makitang umiling si Ynrahd.

"Si Irish yata ang tinutukoy niya, Bro." Si Ashton na ang sumagot sa kaibigan.

"Ang naging tulay ninyong dalawa? Sayang naman at hindi namin siya naabutan."

Napangisi si Ashton nang pinandilatan siya ng mga mata ni Ynrahd. Pero hindi siya nagpatinag at sinabi pa rin ang laman ng kaniyang isipan. "Gusto mo talagang makita si Irish?"

"Hubby ha, nagseselos na ako." Naka pout ang labi na ani ni Ynrahd para kalimutan na ng asawa ang tungkol kay Irish.

Mabilis na inkabayan ni Jeydon ang asawa at nilambing ito. Ayaw niyang magtampo ito at baka umiyak na naman. "Nagbibiro lang ako, baby ko."

"Naku, hindi mo dapat pagselosan si Irish dahil nasa langit na siya ngayon." Tumatawa na ani ni Ashton kahit ba pinandilatan na siya ng mga mata ng kaniyang mahal.

Lalong humaba ang nguso ni Ynrahd at inis na inirapan si Ashton. Yumakapa siya sa asawa upang hindi na ito magalit sa kaniya. Nang halikan siya nito sa noo ay ngumiti na siya at inilabas ang dila na parang bata upang asarin si Ashton.

Natawa na lamang si Yvonne sa nakikitang behavior ni Ynrahd. Masasabi niyang possessive ang asawa nito pero tumitiklop ang tuhod kay Ynrahd.

"Umalis na nga kayong dalawa, moment namin ng mahal ko ang pahinang ito kaya huwag niyo kaming agawan ng eksina." Pagtataboy ni Ashton sa dalawa.

Nagpaalam na nga ang dalawa ngunit nag-iwan naman ng suliran bago umalis.

Ang dami mo pala naging babae." Nakasimangot na turan ni Yvonne nang sila na lang ang naiwan sa silid. Madaldal si Jeydon at sinabi ang kalokohan ng nobyo noon bago pa siya nakilala nito.

"Nakaraan ko na lamang sila, My Labs, ikaw na lamang ang huli kong ikakama." Paglalambing niya sa dalaga.

"Dapat lang kung ayaw mong putolin ko iyang bird mo!" naninindak na aniya.

Napahawak naman bigla si Ashton sa kanyang harapan. "Putulin mo na lahat, My Labs, huwag lang ito."

Napasunod ang tingin doon ng dalaga kung saan nakasapo ang kamay ni Ashton.

"Huwag mong katitigan at lalong nagigising." Nakangisi na saway nito sa dalaga. Natutuwa siyang tuksuin ito sa ganoong paraan dahil agad na namumula ang pisngi nito.

"Paglabas ko dito, uuwi tayo sa probinsya mo." Bumalik ang kaseryosohan sa mukha na aniya sa dalaga.

"Ano naman ang gagawin mo doon at isasama mo pa ako? Hindi ba at tapos na ang kaso?" magkasunod na tanong nito sa binata.

"Silly, hindi iyan ang dadayohin ko doon. Gusto kong magpakilala sa mga magulang mo at pormal na hilingin ang pahintulot nila na ligawan ka."

Lihim na natuwa ang dalaga at kinilig, pero bigla siyang napaisip, "hindi pa ba kita nobyo?"

"Couple na tayo pero gusto pa rin kitang ligawan. Alam ko na ako ang first mo sa lahat kaya gusto kong maging especial ang lahat ng ito para sa iyo." Masuyong tinitigan niya sa mga mata ang dalaga.

Hindi na nakapagsalita si Yvonne sa sobrang kagalakan. Niyakap niya ang binata, sobrang saya niya dahil kahit may pagkabastos ito ay maginoo pa rin sa kaniya lalo na kapag seryoso.

"Gusto ko ring dalawin ang puntod ni Irish at magpasalamat sa kaniya. Siya ang dahilan kung bakit nagtagpo ang ating mga landas. Kung hindi dahil sa kaniya ay hindi ko makilala ang kabiyak ng aking puso ngayon."

"Thank you! Salamat dahil pinagtyagaan mo ang ugali ko." Nakangiting inihilig niya ang ulo sa balikat ng binata na walang sugat.

Magaan na halik ang iginawad ni Ashton sa ulo ng dalaga. Kuntinto na siya sa buhay niya ngayon. Maliban sa trabaho ay ang dalaga na lang ang kaniyang pagtuunan ng pansin bukod sa kaniyang pamilya.

Pagkalipas ng isang linggo ay umuwi si Yvonne sa kanilang probinsya kasama ang binata. Malugod na tinanggap ng kanyang mga magulang ito. Masaya ang mga magulang niya dahil pinatunayan ng lalaki na mahal siya at handang pakasalan ano mang oras na gustohin niya.

Sa dalawang araw nilang pananatili sa iisang bubong, kuntinto ang binata sa panakaw na halik sa kanya at hanggang hawak sa kamay lamang. Pinaramdam nito sa kanya kung gaano kalaki ang respito nito sa kanyang pagkababae at gaano siya kamahal.

"Mag-ingat kayo sa biyahe mga, Anak!" Pamamaalam ng kanyang ina sa kanila.

Ngayon ang araw na babalik sila ng lungsod sakay ng kotse ng binata. Hindi pa sila nakarating sa Calapan kung saan sila sasakay ng barko ay biglang nag-iba ang daang kanilang tinatahak.

"Again?" palatak na ani ni Ashton nang makaramdam ng malamig na hangin. "Huwag na ako ang lapitan ninyo please!"

"Gusto niya lang magpasalamat, Labs." Nakangiti na turan ng dalaga. Nakikita niya ang imahe ng isang lalaking kaluluwa, nasa mukha nito ang kapayapaan at pasasalamat. Ito ang lalaki na gusto sana nilang iligtas noon.

"Ah, pakisabing walang anuman! Akala ko ay mapapasabak na naman ako sa mala thriller na kaso." Umiiling na tugon ng binata. Napangiti na rin siya at nasanay na sa presensya ng mga ligaw na kaluluwa.

Ang nobya ay sanay na rin ito makakita ng kakaibang nilalang dahil sa third eye nito. Tanggap niya anv lahat sa dalaga kahit sapian pa ito ng masamang espirito. Pero hindi niya hahayaang mapahamap iting muli tulad sa nangyari sa hospital. Kapag naalala niya ang pangyayaring iyon ay talagang sumasakit ang puso niya. Kung nahuli siya ng dating noon ay baka—mabilis niyang iwinaksi sa isipan ang hindi magandang naisip. Gumanti siya ng yakap sa dalaga nang ipinulupot nito ang mga braso sa kaniyang beywang.

Nang maglaho na sa paningin ni Yvonne ang kaluluwa ay biglang bumalik sila sa tamang daan na kanilang tinatahak. Madilim ang daan dahil gabi na pero hindi siya nakaramdam ng kaba sa kaalamang kasama niya ang binata.