Chapter 17: Pagharap ng mag-ama

Nakahinga ng maluwag si Yvonne nang diniklara ng doctor na ligtas na ang binata sa tiyak na kapahamakan. Nasalinan na rin ito ng dugo. Bahagya pa siya nakaramdam ng hiya nang ipakilala siya ni Amelia sa mga kasamahan ng mga ito. Wala siyang tulak kabigin sa mga lalaking eagles.

Napatitig si Yvonne kay Cloud, kung wala lang si Ashton ay tiyak na dito siya ma-fall dahil hindi lang kaguwapohan ang taglay nito. Taglay din ang kakisigan at kaibang pagkatao na hindi maarok. Nakilala rin niya ang pamilya ng binata at nalaman niya na hindi nga lang ordinaryong mamayan ang naturang doctor. Isa rin itong tagapagmana nang isang kilalang doctor sa pilipinas na may sarili ring hospital.

"All eyes ka lang dapat kay, Dotor Montiz, Miss." Birong totoo ni Amelia kay Yvonne nang mapansin ang titig nito kay Cloud.

Iginala muna ni Yvonne ang tingin sa paligid bago pinandilatan ng mata si Amelia. Kahit papaano ay naging close na niya ito at nabawasan ang pagkailang na nadarama dahil hindi siya iniiwan nito. Mukhang hindi naman narinig ng iba ang binulong ni Amelia kaya muli siyang napahugot ng malalim na hinga.

Tulog pa rin si Ashton at ayaw niyang umalis sa tabi nito. Gusto ni Yvonne na pagmulat ng mga mata nito ay siya ang unang makita. Mabuti na lang at hindi nagtatanong ang mga magulang nito kung sino siya sa buhay ng binata dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot sa mga ito. Muling nagkaroon ng ingay sa paligid nang may bagong dating.

"Kumusta ang magiting na pasyente?"

"Hey!" Magkapanabay na bati ng mga eagles sa bagong dating na si Ruel.

"Ruel?" tawag ni Yvonne sa binata nang mamukhaan ito.

"Yvonne?" Gulat na turan ni

Ruel nang makilala ang dalaga.

"Kumusta?"

Natawa sila pareho nang sabay pa sila na nagsalita ng pangangamusta. Nakalimutan nila bigla na may ibang tao sa naturang silid.

"Buhay pa ako!" Nakasimangot na sita ni Ashton kay Ruel. Kanina pa siya gising at narinig niya ang pagdating nito. Kung wala lang siya sa kalagayan niya ngayon, marahil ay nahatak na niya ang dalaga palayo dito.

"Huwag ka munang bumangon." Mabilis na nilapitan ito ni Yvonne.

"Tss, natulog lang ako eh may gusto na agad umagaw sa iyo." Nakasimangot na ani ni Ashton. Hinila ang kamay ng dalaga at hindi na pinaalis sa kanyang tabi.

Natawa ang mga naroon dahil sa inasta ni Ashton lalo na si Ruel. Si Nora na nasasaksihan din ang nangyayari ay natuwa sa nakikitang selos ng anak para sa babaeng kanina la niya inuobserbahan. Pinaalis na niya si Jessie at hindi pa ito ang oras na igiit nito ang sarili sa kanilang anak.

"Hindi kami niyan talo, Pare!" Nakangisi na wika Ruel at lumapit sa dalawa at nagpakilala bilang pinsan ni Yvonne.

Mabilis na inalis ni Ashton ang pagkahawak sa braso ng dalaga at kinabahan. Hindi niya akalain na kamag-anak pala ito ng bago nilang tauhan. Pinahirapan pa naman niya sa pagsasanay noon si Ruel, baka gantihan siya gamit ang dalaga.

Napangisi si Ruel sa inakto ng kaniyang senyor. Pero hindi niya ugali ang pagtripan ang damdamin ng isang tao. Masaya siya para sa pinsan kahit wala pang linaw ang relasyon ng mga ito.

"Gusto ko lang na ingatan mo siya, boss, kahit kilos lalaki iyan eh pusong babae pa rin iyan." Pabiro na tinapik ni Ruel sa balikat si Ashton.

"Ouch, may galit ka yata sa akin, Pare." Umakto si Ashton na nasaktan kahit hindi naman natamaan ang kaniyang sugat.

"Ruel?" galit na sinita ni Yvonne ang pinsan habang sinusuri ang sugat ng binata.

Napailing na lamang si Ruel nang makita ang masayang ngiti sa labi ng kaniyang senyor. Halatang malakas ang tama nito sa kaniyang pinsan at ngayon niya lang ito nakita ng ganito. Maging ang pinsan ay ngayon niya lang din nakitang nag-aalala ng husto sa isang lalaki.

"Ang sisti ba ay mamantikaan muli ang labi namin pagkatapos ng kasong ito?" nakangising tanong ni Micko sa kaibigan.

"Hindi pa nga ako sinasagot mga, Tol." Pabirong sagot ni Ashton sa mga kaibigan at hinuli ang palad ng dalaga upang ikulong sa kaniyang kamay.

"Nanligaw ka ba?" Nakaingos na turan ng dalaga. Pilit na tinatago ang kilig na nararamdaman dahil hayagan na ang pinapakita nitong pagkagusto sa kanya.

"Ehem!"

Napalingon silang lahat sa ginoong nakatayo sa bungad ng pintuan nang tumikhim ito.

"Iwan muna natin sila," mahinang wika ni Dexter sa mga kaibigan. Alam nila na kailangan mag-usap ng mag-ama.

"Huwag matigas ang ulo," ani Yvonne nang maramdaman ang paghigpit ng pagkahawak ng kamay nito sa kanyang kamay. Alam niya na hindi maganda ang relasyon sa pagitan ng binata at ng ama nito.

"Huwag kang lumayo at baka mapahamak ka na naman at hindi kita matulongan." Mahamig sa kaniyang tinig ang labis na pag-alala nang maalala ang nangyari kanina. Ngayon niya tuloyang inamin sa sarili na handa niyang itaya ang sariling buhay para sa dalaga.

Ngumiti ng tipid si Yvonne sa binata. "Makipag-usap lang ako kay Ruel, babalik din agad ako." Tinaasan niya ng kilay ang binata nang hindi pa rin nito binibitawan ang kanyang kamay.

"Mamaya na, nakakahiya sa mga magulang mo!" paanas niyang bulong sa binata nang makuha ang mensaheng pinapahiwatig ng namumungay na mga mata nito.

Unti-unting humulma ang pilyong ngiti sa kaniyang labi at natuwa sa sagot ng dalaga. Gusto niya sanang manghingi ng isang halik dito para mapanatag ang kaniyang loob bago pakawalan ang kamay ng dalaga.

"Sige na, lalabas muna ako." Nilambingan niya ang kaniyang tinig upang hindi na humirit pa ang binata.

Umayos sa pagkahiga si Ashton nang wala na ang dalaga at naiwan na lang sila ng lalaking ngayon lang nakausap.

"Maari mo bang ipakilala sa akin ang babaeng napusuan mo?" May pag-alinlangan na turan ng ginoo nang sila na lang ang naiwan sa silid. Ito ang kauna-unahan na mag-uusap sila, madalas ay tinatanaw niya lamang ang anak mula sa malayo noong nag-aaral pa ito.

Matiim na pinakatitigan niya ang ama, hindi naman siya galit dito. Nagtatampo lang dahil hindi nagawang magpakilala sa kanya noong kabataan niya pa.

"I'm sorry, anak, sorry sa lahat ng pagkukulang ko." Naluluha na ani ng ginoo nang walang tugon na narinig mula sa binata.

"Mabuti na lang at hindi ko namana sa iyo ang kaduwagan." Hindi niya napigilan ang maging arogante sa kaniyang ama. Totoo naman na isang kaduwagan ang ginawa nito. Ang dahilan lang ay takot na hindi niya ito tanggapin at kilalaning ama.

Well, napaisip soya bigla. Kung noon nga nagpakilala at lumapit sa kaniya ang ama, baka nga hindi niya tatangapin ang alok nitong tulong upang makapagtapos sa pag-aaral ng college. Mas mataas ang prode niya noon at hindi pa malambot ang puso. Ngayon lang lumambot ng husto nang matutong magmahal sa isang babaeng man-hater.

Napayuko ng ulo ang ginoo sa tinuran ng anak. Biglang nahiya at tama naman ito.

"Ok na ako na wala ka, pero hahayaan kita na maging ama ko ngayon para sa dalawang babaeng importante sa buhay ko." Inilahad niya ang palad sa harap ng ama. Ang ina at si Yvonne ang kaniyang tinutukoy.

Biglang umaliwalas ang aura ng mukha ni Jessie at niyakap niya ang anak sa halip na tanggapin ang inaalok nitong pakipagkamay.

Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Ashton at tinapik ang balikat ang ama. Lalong gumaan ang kaniyang pakiramdam ngayon dahil pinakawalan ang isang bagay na nagpapabigat sa isang bahagi ng kaniyang puso.

"Salamat, Anak! Babawi ako at sana tatanggapin mo rin ang iyong kapatid." Nagagalak na anito at hindi na napigilan ang pagpatak ng butil ng luha nito.

"Speaking of the devil," naibulong ni Ashton nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang dalaga niyang kapatid.

Tatlo na pala ang babaeng mahalaga s kaniyang buhay ngayon. Kahit kamakailan niya lang ito nakilala ay mahal na niya at tanggap bilang kapatid.