Chapter 13: My eagle
"BAKIT ngayon ka lang?" may pagmamadali na tanong ni Yvonne sa binata nang makita ito sa hall way.
"May problema ba?" Hinawakan niya sa kamay ang dalaga nang mapansin na kinakabahan ito.
"Nakita kong may itinurok siya sa pasyente at nangisay ito bago natulog muli!"
"Darn! Nasaan si Amelia?" Malalaki ang hakbang na pumasok siya sa kanyang opisina kasunod si Yvonne.
"Naroon at nagmamatyag." Halata pa rin sa boses niya ang kaba.
"Bakit ka kinakabahan?" puna niya at nag-alala na rin para dito.
"Nakita niya kasi ako na nakasilip sa pintuan nang mapatulog na niya ang pasyente, tumakbo ako at tama naman na nakasalubong kita."
"Tsk, bakit hindi ka nag-iingat? Baka mapag-initan ka niya kung kaya huwag ka na muna lumapit sa kanya."
"Natakot ako sa mukha niya nang makita ako. Daig ko pa nakakita ng multo dahil namumula ang mga mata niya at parang wala siya sa kanyang sarili." Mahabang salaysay niya sa binata at kabado pa rin.
"Huwag kang humiwalay sa akin, tayo na at kailangan kong rumunda sa mga pasyente."
Sumunod si Yvonne sa binata at kipkip ang folder na pinaglalagyan ng record ng pasyente. Napayuko siya ng ulo nang makasaubong nila ang lalaki na pinag-uusapan nila kanina lamang.
"Good morning!" bati ni Ashton sa bakasalubong. Umakto siya na walang alam sa nangyayari lalo na kay Yvonne.
Nguniti si Meynard sa kaharap at bumati pabalik. Sinulyapan niya si Yvonne ngunit hindi magawang salubungin ang kanyang tingin na ikinangitngit lalo ng kanyang kalooban. Nanaig ang galit na nadarama niya ngayon keysa sa pagmamahal dito. Halatang minamatyagan siya ng dalaga kanina at mukhang may alam sa anumalya niyang gawain.
"Dadalawin mo na ba ang iyong mga pasyente?" pormal na tanong ni Meynard kay Ashton.
"Oo, kamusta na pala ang pasyente mo? Kung kailangan mo ng tulong upang matukoy ang sakit niya ay lapitan mo lang ako." Maalumanay na wika ni Ashton. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang pagtalim ng mga mata nito at pagdaan ng galit sa mukha na pilit itinatago. Alam niya na tinamaan niya ang ego nito na kanya namang ginusto.
"Salamat sa concern, asahan ko ang iyong mungkahe." Ngumiti pa ito bago tumalikod at iniwan sila roon.
"Lalo mo yatang ginalit," bulong ni Yvonne habang nililingon ang papalayong binata.
"Mas maganda kung ma trigger natin ang demonyo sa katauhan niya." Seryoso na turan niya at hinila na ang kamay ng dalaga na nakalingon pa rin kay Meynard. Nakasalubong nila si Amelia at inabot sa kanya ang cellphone nitong hawak.
"Sabihin mong mamaya na, may mga mata na nagmamatyag." Pabulong niyang utos kay Amelia at ibinalik dito ang gadget. Alam niya na si Dexter ang nasa kabilang linya at hindi siya maaring makipag-usap dito tungkol sa kaso dahil may camera sa paligid. Nakita niya rin ang isang janitor na panay ang sulyap sa kinaroonan nila.
Tumango lang si Amelia at kumilos ng normal pabalik sa opisina ni Ashton.
Maraming pasyenteng dumating ng araw na iyon kung kaya naging abala sina Ashton at Yvonne. Hindi na nila maisingit na puntahan ang pasyente ni Meynard dahil halos hindi na rin ito umaalis doon sa silid. Malalim na ang gabi nang makauwi sila, hinatid niya si Yvonne kahit na ayaw nito.
"Huwag mo nang ulitin ang ginawa mo kagabi na pagpunta sa hospital ng des-oras ng gabi." Bilin niya dito nang maipinid ang sasakyan sa tabing kalsada.
"Kung pupunta ka ulit doon, dapat kasama ako dahil ayaw akong tantanan ng mga kaluluwa sa panaginip." Pangatwiran niya sa binata.
Tinitigan niya ng mataman ang dalaga, napabuntong hininga siya nang makumpirma na hindi ito susunod sa gusto niya. "Akin na ang numero mo at huwag kang bumiyahe mag-isa sa gabi."
Agad naman niyang sinambit ang kanyang numero upang ma-save ni Ashton.
"Wala bang goodnight kiss?" Biro ni Ashton nang akmang ba-baba na ang dalaga sa kanyang kotse.
"Nobyo ba kita at nanghihingi ka ng ganyan?" Nakasimangot siyang lumingon sa binata na simpatikong nakangiti sa kaniya.
Gusto ka ng multo at gusto niya rin ako kaya bagay tayo. Pwede na siguro iyon?" patanong niyang sagot sa dalaga.
Tumawa ng pagak ang dalaga," nakakatawa!" nakaingos niyang turan. "Huwag mo nang dagdagan ang kasalanan mo sa akin at baka mailibing kita ng buhay!"
"Isa lang, pampasarap ng tulog." Hirit pa na anito at inilapit ang mukha sa dalaga. Gusto lang niyang asarin ito bago sila maghiwalay ng landas. Ewan ba niya pero gusto niyang makasama at makausap pa nang matagal ito kung kaya kinukulit niya.
"Tu-tumigil ka nga!" bahagya pa siyang nautal nang malanghap ang mabangong hininga ng binata.
Gusto lang ni Ashton tuksuhin si Yvonne. Ngunit tila na magnet na siya sa pagkatitig sa mapupulang labi ng dalaga. Parang may nagtutulak sa kanya na halikan ito at iyon na nga ang nangyari. Tulad sa una namalayan na lang nila na magkalapat na ang kanilang mga labi.
Napasinghap ang dalaga nang maramdaman ang kamay ng bibata sa kanyang makinis na hita. Ang halik nito ay naging mapaghanap at agresibo na tila uhaw na sumimsim sa kanyan dila. Tila may sariling isip ang labi niya na ginaya ang bawat galaw ng labi ng binata. Nasa matinong pag-iisipnpa naman siya pero hindi niya magawang itulak si Ashton.
Nakaramdam siya ng kiliti at kakaibang sensasyon na bumabalot sa kanyang pagkababae ngayon. Banyaga sa kanyang pakiramdam ang pinararanas sa kanya ngayon ng binata at nagustohan niya iyon. Hanggang sa pakawalan nito ang kaniyang labi ay wala siyang galit na nakapa sa puso. Samantalang dati kahit masagi lang siya ng lalaki ay gusto na niyang manuntok. Ramdam niya ang kabog ng kanyang dibdib nang yakapin siya nito nang may pagsuyo at pag-iingat. Nanatili sila sa ganoong tagpo ng ilang minuto. Nahihiyang isinubsob sa matipunong dibdib nito ang kanyang mukha nang ngumiti ito sa kanya ng matamis.
"Goodnight my eagle," anito at hinalikan sa ulo ang dalaga.
Napatunghay si Yvonne sa narinig, "my eagle?" Nagugulohan niyang tanong dito, pero kinilig siya dahil may kasamang 'my' ang tawag sa kanya. Ngayon lang siya nakaramdam ng kilig dahil sa matamis na salitang galing sa lalaki.
"'My eagle' dahil para kang isang agelang ibon na matapang at malayang nagagawa ang nais sa buhay. By the way, my code name as a secret detective is Eagle Two." Nakangiti na inilahad ang malapad na palad sa dalaga. Gusto niya na wala nang itinatago dito at umpisahan ang planong pagsuyo sa dalagang man hater.
Pilit na ikinoble ni Yvonne ang saya na nadarama, " sabi na nga ba at hindi ka doctor." Nakalabi na tinampal niya ang palad nito na nakalahad sa kanya. Ayaw niyang hawakan iyon dahil tila nakukuryente siya tuwing magdaiti ang kanilang mga balat.
"Excuse me po, tapos ako sa kursong doctor with honor at pasado sa board exam." Nakataas ang dalawang kilay na aniya at kinurot sa pisngi ang dalaga na nakalabi pa rin.
"Ang galing naman!" Hindi na niya napigilan ang nadaramang paghanga sa bukasyon ng binata. Nagtagal pa sila sa loob ng kotse at mas madaldal pa ito keysa sa kanya. Katuwa isipin na naging open ito sa kanya at gusto siyang ipakilala sa mga kaibigan nito sa ahensya.
"Maniwala ako na wala ka pang girlfriend," aniya nang itanggi nito na walang karelasyon ngayon.
"Magkakaroon kung sasagutin mo ako." Tumatawa na tugon nito sa dalaga.
Alam niya na biro lamang iyon ng binata, pero nahihiya siyang sakyan ang biro nito dahil ang totoo ay umaasam siya ngayon na ligawan nga siya nito. Naisip niya na hindi bagay ang tulad niya dito. Guwapo ito at maganda siya pero lalaki kung umasta. Makisig ito at sexy siya pero magaspang kung kumilos.
"Ano ang iniisip mo?" pukaw niya sa pananahimik ng dalaga.
"Wala naman, sige na umuwi ka na at kailangan mo na ring magpahinga." Pagtataboy niyang muli sa binata.
"Wala bang goodnight kiss?"
Sinimangutan niya ito, "puro ka kiss eh nakarami ka na." Mabilis siyang lumabas ng sasakyan bago pa magbago ang kanyang isip at siya mismo ang makahalik dito. Sumipol pa ito nang makababa na siya at tumambad dito ang maumbok niyang pang-upo.
Napatawa si Ashton nang inirapan siya ng dalaga. Hinintay niya na makapasok ito sa bahay na tinutuloyan nito bago tuloyang umalis.
Pagkarating ng bahay ay natanggap niya ang email mula sa opisina nila. Nakasaad roon ang nilaman ng imbitigasyon ni Ruel. Tulog na ang ina nang dumating siya. Naisip niya bigla na kailngan na niyang tapusin ang kaso upang buhay naman niya ang kanyang ayusin. Napangiti siya nang maalala si Yvonne, isa ito sa dahilan kung bakit nais na niyang ayusin ang sariling gusot sa kanyang pamilya.
Sa ahensya ay maagang nagtipon ang mga naroon upang pagplanohan na maresolba ang kaso sa probinsya.
"Ipapadala ko ang ilan sa tauhan ko doon sa Mindoro ngayon upang mapatigil ang illegal na gawain." Pagkumpirma ni General Max nang mag-report si Dexter tungkol sa anumalyang nangyayari doon.
"Kailangan din maging handa sa pag-aresto sa kriminal na doctor kapag nakakuha na ng ebedinsya si Ashton." Dugtong pa ni Dexter habang kausap sa kabilang linya ang tiyuhin.
"Mag-ingat siya, mukhang baliw ang makatapat niya." Paalala ng general bago ibinaba ang telepono.
Nang araw ding iyon ay kasama ni Ruel ang tauhan ng general na bumalik sa lamay. Naghiwalay sila ng daan nang malapit na sa target nila. Siya ay tumuloy sa loob at nagpanggap na maglaro ulit. Nakaantabay lamang ang kasamahan sa kanyang go signal bago mga ito lalabas upang arestohin ang mga naroon. Napag-alaman niya na hindi tunay na pamilya ng bangkay ang naroon, ginagamit nila ito upang kumita sa pagsugalan at mayroon pang binibinta na ipinagbabawal na gamot. Sinisinghot iyon ng mga bigating sugarol.