NMKIMB 28
JACK'S POV:
"May problema ba? Kanina ko pa napapansin na parang wala ka sa sarili." Hinawakan pa ako ni Link sa aking balikat.
Napabalik lang ako sa aking diwa saka ngumiti. Inilapit ko ang aking mukha at mabilis siyang hinalikan sa may tungki ng ilong niya.
Namula naman siya sabay palo sa aking dibdib. Natatawa na lang ako na niyakap pa siya lalo.
Muli akong napalingon sa may dagat. Naisipin naming dalawa na magpicnic sa bayan nila. Hindi na rin ako nakaangal pa dahil maganda nga rito, presko ang hangin. At medyo nakakapag-isip ako nang maayos.
Kanina pa ako wala sa sarili. Nasa utak ko talaga ang lahat. Ang mga sinabi nila sa akin tungkol sa amin ni Link.
Hanggang ngayon iwas pa rin sa akin si Froyd. Hindi man lang siya nagsasalita at lalayo na lang kapag nakikita ako.
Nagpalabas na naman ako nang mahinang buntong-hininga.
Paano ko sasabihin kay Link ang lahat? Mamayang gabi na ang alis namin ni Ace.
"Ayos ka lang ba talaga? Dapat hindi na lang ta—"
"No. Ayos lang talaga ako. Hindi lang nagkakapansinan ni Froyd kaya ganito ako. Nakakamiss rin pala ang loko." Natatawa pa ako kapag naalala ko 'yon.
Hindi talaga kompleto ang araw kapag hindi kami nag-aasaran. Gusto ko na kapag nakikita ko siya, susumbatan ko siya at siya naman ay makikisali rin.
"Ano bang nangyari at hindi kayo nagkapansinan?"
"Mamaya ko na sasabihin sa 'yo. Tara sa dagat! Maligo tayo!" Nakangiti kong yaya at saka siya hinila sa dagat na 'yon.
Hindi na rin siya nag-angal pa. Sumama na lang din sa dagat na hindi kalmado. Medyo malakas lang ang alon.
Pero 'yun nga lang malamig. Mabuti na lang mainit sa part namin kaya medyo ayos lang sa amin.
Nakasimpleng damit at maikling short lang si Link. Samantalang ako naman ay naka-denim short. Wala akong pang-itaas kaya kanina ko pa napapansin ang mga naliligo na napapalingon sa aking katawan.
"Bakit ba sobrang perfect mo? 'Yan tuloy ang dami kong kaagaw!" Nakabusangot na aniya saka ako pinatamaan ng tubig sa mukha.
Ngumisi naman ako. "Ganiyanan pala ah! Don't worry baby! I'm yours!" Matapos kong isigaw 'yun ay pinaghahampas ko ang tubig ng aking kanang kamay.
Nakisabay na rin siya hanggang sa mapunta sa mapayakap ako sa kaniya. Tinitigan ko siya nang mabuti. Noo hanggang kaniyang baba.
Unti-unti ko na namang inilapit ang aking mukha. Saka ko siya hinalikan sa may noo niya at muling niyakap.
Nakarinig pa kami ng kantyawan sa mga naliligo rin kaso hindi na namin sila pinansin pa.
I just want to spend my day with her. Sa kaniya ko lang dapat ituon ang lahat. Bago ang aking bukas.
"Even I want to kiss you on your lips. I want to give it when we share our I do's. Sana mahintay mo ako." Bulong ko sa kaniyang tenga.
Nagpalabas pa ang nang hininga sa may leeg niya para pag-tripan siya.
Nakita ko kung paano siya mapalunok at ang balahibo sa kaniyang leeg ay nagsitaasan.
Sobrang effective talaga ng presensya ko sa babaeng ito.
At ganon din ako.
"J-Jack," nauutal na tawag sa ngalan ko.
Kaya kumalas na ako sa aking pagkakayakap at muling hinalikan ang kaniyang noo. Pinagsaklop pa namin ang aming mga kamay at hinila siya paalis sa dagat.
"Wanna eat? Or you want to eat me?" Sabay ngisi ko pa na ikinapula niya.
Naiinis siyang sinipa ang aking paa. Napa-aray ako pero natatawa na lang sa naging kilos niya.
Napapansin ko rin na lagi na akong tumatawa. Basta kasama ko lang siya.
Si Link ang buhay ko.
Hindi ako susuko hanggat hindi ko nakukuha ang tagumpay ko. Kahit ano pa mang misyon nila sa akin. Papatunayan ko na tunay ang pagmamahal ko kay Link.
"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko nang makalapit kami sa isang restaurant dito. Sa hinaba-haba na ng panahon.
Noong 9 years old ako nakabisita rito sa dagat ng Paracale. Year 2018 ng mga araw na 'yon. At ngayong edad na 29 na ako, napansin ko na ang dami ng nagbago sa ekonomiya ng bansa at probinsya.
Sana lang hindi mawala ang kagandahan ng probinsya na ito. Dahil minahal ko na ito at dito ko nakilala ang babaeng papakasalan ko.
"Hoy!" Napabalik na naman ako sa aking diwa nang may pumitik sa aking noo. Nakita ko si Link na seryoso ang pagkakatitig samantalang ang tindera naman ay napapailing na lang habang nakangiti.
"Sorry, iniisip ko lang kung ano bang itsura ng magiging baby natin."
" Hays! Puro ka agad baby! Pumili ka na lang ng makakain mo at siya!" Pagpapatigil nito sa aking sinasabi pero kita naman ang pagkapula niya.
Kahit na hindi na niya sa akin sabihin. Alam kong na-e-excite rin siya sa magiging kalalabasan ng lahat.
"Kahit ano. Basta ba nakakain. Ikaw ang bahala." Tanging naisagot ko na lang at napalingon sa paligid nitong restaurant.
Mabuti kakaunti na lang ang customer. May napansin pa akong dalawang vacant table. Hindi na rin kami mamomroblema pa sa kakainan namin.
"Heto na. Dalhin mo 'yang pagkain mo." Utos sa akin nitong si Link na agaran ko namang ginawa.
Kinuha ko ang plato na may lamang kanin at mangkok na maliit na may lamang ulam. Isang igado na paborito ko rin.
Ganon din ang ginawa ni Link. Pero ang kinuha naman niyang ulam ay adobong baboy. Napansin ko ang pagkatakam niya. Panigurado na paborito niya.
Hindi kami same taste ng pagkain. Pero ayos lang 'yon. Basta mahal ko siya.
'Yun ang mahalaga.
***
"Akala mo ba hindi ko napapansin ang lahat. Simula pagdating natin dito. Wala ka sa sarili mo. Noong natapos tayong kumain, masaya ka pa. Pero nang makita mo ang cellphone mo bigla ka na namang nawala sa sarili. Kaya sabihin mo sa akin, makikinig ako. Baka may maitulong ako sa iyo." Pagkatapos naming kumain ni Link sa restaurant na 'yon.
Naisipan naman naming maglibot-libot na muna sa buong paligid nitong dagat. Malayo na kami sa mga tao. Wala kaming napapansin na dumadaan.
Kaya naisipan naming umupo sa damuhan na malapit pa rin sa buhanginan. Hindi na ganon kainit dahil hapon na rin.
Ilang oras na lang ang ilalagi ko.
Nasabihan na ako ni Ace na handa na ang lahat. Ako na lang daw ang kulang. Nauna ng lumipad papuntang America ang opisyales, samantalang si Ace naman ay sasamahan ako sa byahe.
Wala raw akong kaalam-alam kung saan ba kami pupunta.
Nagpalabas naman ako nang mahinang buntong-hininga. This is the time. Wala na dapat pang paligoy-ligoy pa. Kailangan ko na ring ipaalam kay Link ang tungkol sa akin.
Hinawakan ko ang dalawa niyang balikat at ipinaharap sa akin. Seryoso kong tinitigan ang kaniyang mata.
Napansin ko naman ang pagkurap-kurap niya at ang sabay na paglunok ng sariling laway.
"Are you willing to wait?"
"Wait what?" Nagtatakang tanong nito sa akin.
Muli, nagpalabas na naman ako ng buntong-hininga. But this time, malakas na.
"Aalis ako papuntang America mamayang gabi. May misyon akong gagawin, hindi ko alam kung ilang taon ba ako na nandoon. Siguro dalawa o tatlong taon. Makakapaghintay ka pa ba sa akin?" Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha niya.
Ang hindi ko inaasahan ang paglabas ng luha sa kaniyang mata. Hindi ko gusto ang lahat ng ito. Ayokong nasasaktan si Link dahil sa 'kin. But I don't have any choice.
Kung susuwayin ko man ang patakaran. Kahit saan man kami pumunta ni Link, makikita't makikita pa rin kami.
Malaki ang ambag ko sa Underworld. Isa ako sa kilala at mahusay na mamumuno. Hindi dapat kasali ang organisasyon ko sa Underworld. Maaari itong maging malayang organisasyon kung hindi ako sumabak sa pagsasanib pwersa sa Underworld upang mas lalong maging payapa ang mundo. Kung may isang katulad ko ang pipigil n'yon.
Kaso nahuli na ako. I regret everything. I regret leaving her. Pero wala akong magagawa.
Ito lang ang kaya kong gawin. Katulad din ako ni Queen Z, mahirap sa katulad niya ang patakaran na hindi rin siya ang nagpatupad.
Hindi na rin niya nabago dahil 'yon daw ang tama. Kapag nagmahal kami ng ordinaryong tao na walang katungkulan. Parang nilalagay mo rin sa bingit ng kamatayan ang pamilya mo.
Kahit na sabihin na nating malakas ka ngayon, paano ang bukas? Paano ang mga taong nagdaan? Hindi tayo magiging malakas habang buhay.
Darating din ang araw na magiging mahina tayo at ang iniingatan nating pamilya ay baka umiwas at layuan ka pa lalo.
'Yun lang ang iniisip ng patakaran. Pero sobrang hirap talaga.
"Babalik ka pa ba? Hindi ka ba maghahanap ng iba ro'n? Bakit ayaw mo akong isama? Akala ko ba partners tayo?" Pagsusumamo niya sa akin.
Pero umiling lang ako.
" Hindi p'wede. Saka kahit na sino pa man ang lumapit sa akin, ikaw lang ang pakakasalan ko. Tandaan mo 'yan! Itatak mo sa bato. Magtiwala ka lang sa akin. Magtiwala ka sa pagmamahal na iginagawad ko." Muli ko siyang hinalikan sa kaniyang noo at saka niyakap muli.
Mahigpit niya rin akong niyakap pabalik. Ramdam ko ang sakit sa kaniya. Maski ako ay nasasaktan.
Pero pagtitiwala na lang ang aming puhunan.
Paano kita ipagpapalit kung sa labanan naman ako mapupunta?