NMKIMB 27

JACK'S POV:

Lumipas na naman ang isang buwan. Ang tagal na pala ng nangyaring engkwentro sa pagitan namin at ng Dark Alamander Society. Si Link ay bumalik na sa kaniyang pagtatrabaho sa bookstore, kahit na sinabi ko ng huwag na siyang magtatrabaho at hahanap na lang ulit kami ng iba.

Hindi siya pumayag. Kahit na kami na raw ay mas mahal niya ang trabaho niya. Kaya wala rin akong dahilan pa para pigilan ang nais niya. Kung saan siya masaya, anong dahilan ko para ilayo siya sa kagustuhan niya?

Isang buwan na rin pala kami ni Link. Sa isang buwan na 'yon masasabi kong tama nga si Rizhui.

Gagawin natin ang mga bagay na hindi natin inaasahan na magagawa natin para sa minamahal. Kaya binabawe ko na ang lahat ng sinabi ko rito.

Mas lalong tumindi ang aking pagmamahal sa babaeng empleyado ko lang noon pero ngayon girlfriend ko na.

Sa kaniya ko nakita ang mga bagay na wala sa mga nakikilala kong babae. Mas lalo ko siyang nakilala. Mas lalo kong nalaman ang mga bagay na hindi ko pa alam sa kaniya.

At maging ganon din siya.

"Jack!" Malakas na sigaw mula sa labas ng aking opisina.

Nakita ko si Froyd na humahangos habang papalapit sa aking direksyon. Nagtataka naman ako sa ikinikilos niya.

"Anong nangyayari sa iyo? May gulo ka bang pinasok?"

"Anong ako? Ikaw kamo!" Malakas na sigaw niya mula sa mismong mukha ko.

Napalayo pa ako at saka siya tinaasan ng kilay.

"Anong pinagsasabi mong ako? Wala naman akong ginagawa kundi ang mahalin lang araw-araw ang babaeng mahal ko ngayon. " Walang emosyon kong pagkontra sa sinasabi niya.

Napa-cross arm pa ako sa kaniya. Kitang-kita ko sa pagmumukha ng lalaking ito ang malaking problema.

Nilagay niya ang dalawang palad niya sa lamesa at pinanliitan ako ng kaniyang mata.

Napangiwi naman ako sa ginagawa niya. At mas lalong inilayo ang aking upuan sa direksyon niya.

"Lumayo-layo ka nga! Kung ano man ang gusto mong sabihin. Sabihin mo na! Nagpapabitin ka pa. " Inis kong bulyaw at sinipa pa ang tungkuan nitong lamesa sa kanan.

"Aray! May girlfriend ka na't lahat-lahat brutal ka pa rin! Napakawalang puso mo talaga!" Napahawak ito sa t'yan niya na natamaan ng lamesa dahil sa pagsipa ko.

Napaismid naman ako. "Gawin ko na kaya ang ninanais ko magmula pa noon. Naaasar na ako sa bunganga mo!"

"Oo na! Iyon na nga dahil sa nagmamahalan kayong dalawa ni Linzie. 'Yon ang malaking problema! "Bulyaw niya sa akin na mas lalong ikinakunot ng aking noo.

Ano bang pinagsasabi ng lalaking ito? Ano namang malaking problema ang kinakaharap namin ni Link?

"Aray!" Matalim kong tiningnan si Froyd nang batukan niya ako sa aking ulo.

Pero balewala lang sa kaniya 'yon. Mas lalo atang sumama ang mukha nito at buhat-buhat lahat ng pasanin sa mundo.

Wala naman kasi akong maintindihan sa sinasabi niya. Hindi na lang sa akin idirekta. Nagpapahula pa siya sa akin.

Punyeta! Ano ba kasi 'yon?

Hindi pa ba tapos ang lahat? Hindi pa nga sa akin naghihilom ang nangyari sa isla.

Buti na nga lang nandon si Ace. Nagawa niya akong ibalik sa dating ako na walang ginagawang pananakit sa akin.

May alam siya sigurong paraan. Lalo na't ang tiyuhin niyang si Yasther ay ganito rin kapag nawawala sa sarili.

"ANO BA JACK!? BAKIT NGAYON KA PA NAGING SLOW SA LAHAT HUH!?" Malakas na sigaw niya na ikinabalik ko na naman sa sarili.

"P*ta naman! Idirekta mo na!" Malagkit na mura ang ibinigay ko sa kaniya.

Napahilamos naman siya sa kaniyang mukha at nagpalabas nang malakas na buntong-hininga.

"Ano bang gagawin ko sa slow na Jack ngayon?" Pabulong na aniya pero rinig ko rin naman.

" Kung magbubulong ka rin naman sana hindi ko rinig. "

" Haist! Ano bang hindi mo naintindihan sa nagmamahalan kayo ni Linzie na walang katungkulan kahit ni isa. At ikaw na Notorious Mafia King na apo pa ng namatay na former queen ng Mafia Organization. Jack! Malaking kabayaran ang pagmamahal mo-"

" What the f*ck!"

Napatayo agad ako sa aking kinauupuan nang unti-unti ko ng ma-realize ang lahat ng mga pinupunto nitong si Froyd.

Bakit ngayon ko lang naalala? Kailan ba ako ipinanganak sa Underworld?

Bakit nakalimutan ko na ipinagbabawal pala ang pagmamahalan ng isang hamak na ordinaryong tao lang at isang kasapi ng Underworld?

Malaking kasalanan 'to. Malaking pagkakamali.

Pero kapag naiisip ko na hiwalayan si Link. Parang ang sakit. Babalik na naman ako sa naturang gawain ko. Sa pagiging walang puso at walang pake sa ibang tao.

"Naintindihan mo na?"

"Huwag mo ng ulitin. Naiinis lang ako." Walang gana kong pagpapatigil sa kaniyang nais ipahayag.

Muli akong napaupo sa aking upuan. Napayuko na lang at inilagay ang dalawa kong palad sa aking sentido.

Ano bang gagawin ko?

I don't know what should I choose between the two.

F*ck! Ang hirap mamimili!

"Anong desisyon mo? Alam kong mahirap sa iyo 'to. Ngayon lang kita nakitang masaya at nakakalimutan mo ang lahat ng sakit sa nakaraan. Botong-boto rin ako sa inyong dalawa. Mamahalin ka talaga ni Linzie buong buhay mo. Pero wala tayong magagawa. Hihiwalayan mo ba siya? "

" No! "Malakas na sigaw ko na ikinagitla niya. "Sinabi mo na ngang siya lang ang kaya akong mahalin hanggang dulo. Bakit ko siya hihiwalayan? Siya na lang ang meron ako, siya ang nagpabuhay at nagpabalik sa Jack na kilala mo. Kaya bakit ko 'yun gagawin. Bakit ko siya iiwan? Wala akong pake sa lintik na pagbabawal sa patakaran na 'yan." Yumukom pa ang aking dalawang kamao.

Lumingon muli ako sa direksyon ni Froyd na hindi na naman maipinta ang mukha.

"H-hindi mo 'yan gagawin, 'di ba?" Pag-iiling pa nito sa pumapasok sa kaniyang isipan.

"What should I gonna do? Just sit down while seeing myself being miserable again?" Mapang-uyam na saad ko naman na ikinapikit niya.

" Tang*na! Buhay mo ang kapalit! Kamatayan ang haharapin mo Jack! Kamatayan! Ano na lang ang sasabihin ko kay Linzie kapag hindi mo nakayanan ang lahat? Like hell! Mag-isip ka nga ng iba pa. "

"Wala na nga! May iba pa bang choice? O gusto mong 'yun na lang gitna ang piliin ko. Mag-isip ka rin!"

"Nagawa mo pa talagang magbiro sa oras na ito?"

" What's happening here? " Sabay kaming napalingon sa direksyon ng pinto na nakabukas.

Nakita namin si Ace na nakasandal sa pinto habang walang emosyon ang tingin sa aming dalawa.

Sa isang buwan din na ito. Hindi lang si Froyd ang kinukulit nitong si Aze. Maski si Ace ay nakisali na rin, pero hindi siya tulad ng dalawa.

Halatang babae rin ang gusto. Nalaman ko na si Bea naman ang tinitibok ng puso nito kaya gusto niyang turuan ko siya kung paano pumorma.

Maski ako ay wala rin alam sa lahat. Ano bang meron?

Wala naman akong ginawa na pagpuporma kay Link.

Basta na lang naging kami.

"Ikaw na lang ang magbulyaw diyan kay Jack. Kamatayan ang kahaharapin niya, pero pinagpipilitan pa rin ang sarili." Panunuro nitong si Froyd sa akin habang nakatingin kay Ace.

"Kung mahal mo ang isang tao, wala ka ng maiisip pa kundi ang mabuhay na kasama siya. Ang mapakasalan siya ng walang problema. Naniniwala ako kay Kuya Jack na magagawa niya ang mga misyon ng iba't ibang namumuno sa organisasyon." Napangiti naman ako sa narinig ko kay Ace.

Hindi siya katulad ni Aze. Gustong-gusto kong kasama itong si Ace dahil naniniwala siya sa akin. Hindi siya sakit sa ulo.

"AHHH! BAHALA KAYO! HINDI LANG NAMAN SI LINZIE ANG MASASAKTAN SA KAHAHANTUNGAN MO! PATI AKO! BAKIT BA HINDI MO MAINTINDIHAN 'YON?! TANG*NA! MAGSAMA KAYO! MGA WALANG KWENTA! "Galit na galit na sigaw ni Froyd bago maglakad palayo sa aming dalawa.

Sinarado niya pa ang pinto nang napakalakas kaya napangiwi na lang kami sa naging sanhi nito.

"Hindi mo ba siya susundan?" Takang tanong sa akin ni Ace na ikinakibit-balikat ko na lang.

" Kapag ginawa ko 'yon baka hindi na talaga niya ako paalisin pa. Hayaan mo siya, mauunawaan din niya ang lahat... sana, " mahina lang ang pagkakasabi ko sa huli. Alam kong hindi niya pa rin kaya ang lahat. Siya lang ang naging kasama ko noong mga panahon na wala akong mapupuntahan. Kilala na namin buong pagkatao namin. "Hanggang kailan ba ang misyon ng mga namumuno?" Tanong ko sa kaniya na ikinabuntong-hininga rin niya.

"Humigit sa dalawa o tatlong taon ang pananatili mo sa America kasama ako..."

" Bakit ikaw?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.

" Hindi nga ako sumali o nag-isip na maging isa sa namumuno sa mundo ng Underworld. Pero inilagay naman ako ni Mommy sa paglilitis. Ako ang titingin at magpapatigil kung totoo ka ba sa nararamdaman mo. Ngayon pa lang hindi na kita isasabak do'n. Pero mga opisyales na rin ang nagsabi, kailangan din nilang makita ang lahat. Kaya goodluck! Bibigyan pa kita ng isang araw na makasama si Linzie. Kung mahal ka talaga niya, maghihintay siya kahit ilang taon pa ang dumating. Katulad ko na naghintay lang nang naghintay, pero magkaiba tayo. Kasi parehas kayong nagmamahalan. Una na ako! " Sumaludo na naman siya sa akin at naglakad na parang walang nangyari.

Napayuko na lang ako. Hindi ko namalayan na may bumagsak sa paanan ko.

Napahawak ako sa aking gilid ng mata. May mga butil ng luha na nanggagaling dito.

Nasasaktan na naman ako. Bakit ba ayaw akong pakawalan ng sakit? Bakit ayaw akong maging masaya ng tadhana?

F*ck this life!