NMKIMB 29
(4 years later)
ACE'S POV:
Pinagmamasdan ko lang ang natutulog na lalaking ito na puro puno ng pasa, sugat at mga dextrose sa kaniyang katawan.
Dalawang taon na ang nakakaraan magmula ng magsimula siya sa misyon niya.
Iyon ay makuha ang mga flag sa bawat sulok ng kagubatan. Sobrang lawak ng gubat na 'yon. May mga nakaabang din na mga pinakamalakas na myembro sa bawat organisasyon.
Noong una ay naging kampante pa ako. Kayang-kaya talagang makipagsabayan ng lalaking ito sa kahit sino.
Inabot lang ng dalawang taon sapagkat ang mga flag ay nakatago. Saka kailangan niyang maipon ang isangdaang libo na mga bandila.
Sobrang dami. At ang kakalabanin naman niya ay nasa isang libo lang. 'Yun lang ang napagpasyahan ng lahat.
Kailangan lang talaga nito na makuha ang mga bandila na kulay pula.
Pero sa paglipas ng mga buwan at malapit na siya sa katapusan. Doon na nagsimula ang panghihina niya.
Ako lang ang palaging nagtitiwala sa kaniya. Sinasabi ko na may naghihintay pa sa kaniya.
Hindi dapat niya kalimutan ang bagay na 'yon. Ayokong patuloy na naghihintay ang isang tao na hindi alam kung kailan ba babalik.
Gusto kong bumalik si Jack sa piling ni Linzie. Dahil nakikita ko sa pagitan nila ang pagmamahal na ninanais ninuman.
"A-Ace..." Mahina ngunit dinig na dinig ko ang pangalan na binanggit niya.
Tuwang-tuwa naman akong makita si Jack na nakamulat na ang mata habang pagod na pagod din ito.
"You're awake." Nakangiti kong sambit na ikinatango niya.
JACK'S POV:
Limang araw muna ang inilagi namin sa hospital pagkatapos kong magising.
At ngayon nasa labas na ako ng eroplano sa may NAIA. Nakabalik na kami sa wakas ni Ace at tuluyan na ring pinawalang bisa ang aking katungkulan bilang isang mamumuno ng Black Rose Organization.
Sa ngayon blangko na ang trono. Maghihintay na lang ang lahat sa sinuman ang karapat-dapat na mamuno. 'Yung kayang higitan pa ang ginagawa kong kabutihan sa ibang tao at myembro ko.
Kahit na isa akong heartless at ruthless guy. Hindi ako basta-bastang mananakit kung wala naman silang kasalanan.
Ang pagiging ganito ko ay may rason.
Pero ang pagbabalik ko sa dating ako ay dahil kay Link.
Ano na kayang nangyayari sa kaniya?
Is she okay?
Hinintay ba niya ako?
Sana nga lang, dahil magiging balewala lang ang lahat ng aking ginawa para sa aming dalawa.
Pero nagtitiwala ako. Patuloy akong magtitiwala dahil 'yun ang pinaniniwalaan ni Ace at ng kaniyang pamilya.
Ang tiwala ang tanging susi sa ating magandang kinabukasan. Kung wala tayong tiwala, parang sinasabi mo na rin na isang malaking kasinungalingan ang taong napunta sa buhay mo.
"Saan ang punta mo ngayon? Kila Linzie na? Ingatan mo pa rin ang katawan mo. May ibinigay ang mga doctor na pain killers kung sakali man daw na sumakit na naman 'yang tagiliran mo. Call me if you needed someone again. Bye! May sundo ako!" Kumaway pa itong si Ace at nauna na talagang sumakay sa van na kulay itim nang makalabas na kami sa loob ng NAIA.
Ngumiti lang ako rito at napag-isipan naman nang pagmasdan ang buong paligid. Hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago. At naalala ko lang na apat na taon akong hindi naka-celebrate ng birthday naming dalawa ni Kreiah.
"He's 23." Naisabi ko na lang saka napatawa nang mahina.
Hindi lang ako makapaniwala na tumatanda na rin si Ace, 'yun nga lang baliko naman ang utak. Mas lalong naging childish. Pero matured ang pag-iisip. May mga laman ang bawat salitang lumalabas sa kaniyang bunganga.
"Kayo po ba si Jack Miller?" Tanong nitong si Kuyang nakaputi ng polo at maluwang na pantalon. Parang isang driver ng kung ano mang sasakyan.
Napatango naman ako sa sinabi niya. At hindi pinapahalata sa aking itsura ang pagtataka
"Sinabihan po ako ni Sir Ace na sunduin po kayo pauwi. Hindi raw makakarating ang sundo ninyo."
"Ah ganon ba. Okay." Tanging nasabi ko na lang at sumunod sa kaniya.
Hanggang ngayon pa rin ba galit sa akin si Froyd? Tiyak nga.
Panigurado na nalaman niya na rin ang sinapit ko. Dalawang taon ang coma sa matinding pagkawala ng dugo mula sa aking tagiliran.
At muntik pang ma-damage rin ang aking ulo. Mabuti na lang nakailag ako sa baseball bat na 'yon. Kaso nga lang 'yung pinakadulo pa rin nito natamaan ako sa kaliwa ng ulo ko kaya may sugat din ako rito.
Iniwas ko muna ang pag-iisip noong nakaraang taon. Kailangan maging presentable ako sa pagbabalik sa Paracale. May binili na rin akong regalo para kay Link.
'Yung kwintas ni Kuya ay ibibigay ko sa kaniya kapag nagkita na kami. Sa akin ni Kuya ipinamana ang kwintas na 'yun at ngayon naman ay ibibigay ko naman sa taong mahal ko para malaman niya na nandiyan lang ako sa tabi niya kahit na wala ako.
May larawan ako sa loob. Mukha ko noong maliit pa lang ako. 'Yung kwintas naman na ibinigay din ni Kuya para kay Kreiah nakatago lang.
See you my baby Link.
***
Nandito na kami ni Kuyang Driver sa Paracale. Hapon na nang kami ay makarating. Hindi ko aakalain na sobrang traffic na lalo.
Na-i-text ko na rin si Daddy na padalhan ako ng kotse ko rito.
"Salamat po." Tanging naisagot ko na lang at inayos ang aking bag na maliit lang naman.
Nandito 'yung regalo ko para kay Link.
Muli akong naglakad para magliwaliw. Pinagmamasdan ko rin ang buong paligid. Marami na talagang nagbago.
Wala na ang mga bahay na luma sa tabi ng dagat sa kanan. At sa kaliwang daan naman ay may palaruan ng basketball.
Hinanap ko nang maigi ang pwesto na kinalalagyan ng bahay nila Link. At ganon na lang ang pagkatuwa ko nang makita ang bagong gawa ng bahay.
Ibang-iba na talaga. Nalaman ko na pinagpatuloy ni Link ang pagtatrabaho noong umalis ako. Wala na lang akong balita nang dumaan na talaga ang misyon na 'yon.
Mabilis ang lakad ko sa sementado ng bahay. Ang kulay ng pader ay kulay dilaw. May gate na rin na mataas pero kita ko pa rin ang sala.
At may upuan sa labas nito. Limahan 'yon at sa gitna ay may lamesa na gawa sa kahoy.
Nakita ko si Link na nakatalikod. Kahit na malayo at hindi ko makita ang mukha niya. Alam na alam ko pa rin ang bawat galaw niya.
Siya 'yung babae na hindi maingat sa kaniyang kilos. Sadista rin siya katulad na lang ngayon pinapalo niya ang kasama niya.
Nagtataka ako kung sino ang lalaking 'yun.
Kaya minadali ko ang paglalakad ko hanggang sa tuluyan na akong makarating sa gate nila.
Napatago ako nang makilala ko na ito. Napayukom ang aking kamao.
Kailan pa?
Mali man na makinig sa usapan ng iba. Tinuloy ko pa rin ang aking nais.
Ibinaba ko ang aking ulo para hindi ako makita nila. Mabuti na lang mataas ang pader na ito. Kahit kunting baba lang ay ayos na rin, hindi nakakangalay sa tuhod.
"Gusto kong magkaroon tayo ng kakambal. 'Yung tipong katulad ni Ace at Aze na magkasama at parehas ng gusto." Alam kong nakangiti ngayon si Link habang sinasambit ang mga katagang 'yon.
Samantalang ako rito punong-puno na. Basag na basag ang aking puso sa narinig. Ang bombang ipinalit ko sa galit at poot ay tuluyan na ring sumabog.
Unti-unting napalitan ng panibagong bomba na puro sakit at pagtataka.
Kailan pa?
Kailan pa niya ako niloloko?
Tang*na! Ano bang nagawa ko para ipagpalit niya ako sa Mike na ito?
Ito ba ang kapalit sa lahat ng pagsasakripisyo ko?
Ito ba ang kapalit sa muntikan ng kamatayan ko?
"Gagawin natin ng paraan 'yan mahal. Ang dapat nating isipin ang ating nalalapit na kasal."
'F*ck!'
Ayoko ng marinig pa ang lahat. Hindi ko na kaya pang malaman ang mga salitang nagpapatarantado lang sa akin.
Nagsimula na naman akong maglakad palayo. Ayokong guluhin ang taong minamahal ko na ngayon ay nagmamahal na ng iba.
"Walang kwentang pagmamahal. Akala ko ba kapag nagmahal ka ng isa, siya na. Pero tang*na. Walang kwenta. Sana namatay na lang ako sa misyon na ito." Inis na bulong ko sa aking sarili.
Labis-labis ang pagkapuno ng matinding emosyon sa aking dibdib. Hindi ako makahinga. Gusto ko na lang lumayo at patayin ang aking sarili.
Ganito ba ang masaktan?
Akala ko ba sa pagbabalik ko magiging tahimik na ang buhay namin?
Pero huta naman!
Mabilis kong inilabas ang aking telepono sa aking bulsa ng pantalon. Napalingon pa ako sa bahay na iyon. Pero sana pala hindi ko na lang tiningnan pa.
Ang sakit makita ang mahal mo na hinalikan mismo ang taong kinaseselosan mo.
Mariin akong pumikit. Pinipigilan ang luha sa aking mata. Pero hindi ko magawa. Mabilis ang aking paglalakad.
Walang pakealam sa dumaraan na tao. May nakabanggaan pa ako pero hindi ko pinansin 'yon.
"Kuya Jack? Ikaw ba 'yan?" Napalingon agad ako sa aking likuran.
Hindi ko inaasahan na si Ian pala ang aking makikita.
"I-Ian?" Mabilis kong pinunasan ang aking luha at tumayo nang tuwid sa harapan niya.
Pinasadahan ako nito ng kaniyang mapanuring tingin. Napaawang pa ang gilid ng kaniyang labi.
"B-bakit puro ka pasa at maraming sugat ang katawan mo? Bakit ngayon ka lang bumalik?" Sunod-sunod na tanong niya.
" Huwag mong sasabihin kay Link na nandito ako. Kailangan ko ng umalis." Maglalakad na muli sana ako nang hawakan ako nito sa aking braso.
" Mag-usap naman tayo. Hindi ko sasabihin kay Ate na nandito ka. Pangako 'yan. Basta sabihin mo lang sa akin kung bakit ka nawala." Wala na rin akong nagawa kundi ang mapatango na lang.
Naglakad kami sa kanang direksyon. Pupunta ata kami sa isang cottage na luma na. Sumama na lang ako sa kaniya.
***
"B-bakit mo 'yon gagawin? Hindi mo ba siya ipaglalaban?"
" Hindi. Masaya na siya sa iba, kitang-kita ko ang saya sa mukha ng minsan ko ng minahal. Siguro hindi lang talaga kami para sa isa't isa. Ikakasal na rin naman si Ate mo. Ano bang laban ko?" Naiiling na aniko kay Ian na napahawak na lang sa kaniyang bibig.
Alam kong pinipigilan niya ang emosyon na tinatago ng damdamin niya.
"Sobrang galit ko sa iyo noon dahil akala ko talaga tuluyan mo ng kinalimutan si Ate. Pero ga-ganito pala... h-hindi ko alam na ganito ang sasapitin mo. Na-napakabuti mo, mas nanaisin mo na mapunta sa bingit ng kamatayan para maging normal ang buhay ninyo. Kaso..." Napalabi naman siya at saka napayuko.
" Ganito ang kapalit? Ayos lang sa akin, atleast naranasan ko ang masaktan muli pero sa taong minamahal ko na. Unexpected ang lahat. Unexpected din ang sakit. Pero unti-unting pumasok sa utak ko ang realisasyon na hindi lahat ng pumapasok sa buhay natin ay para sa atin. Kung kami talaga ni Link, nandoon 'yung tiwala niya sa pagmamahal na iginawad ko. Isang buwan pa lang kami pero 'yung pagmamahal ko sobra-sobra na... to the point nakalimutan ko kung sino na ba ako. Tanging nasa isipan ko lang noon ay magtagumpay, tanging isinisigaw sa akin ni Ace na may naghihintay pa sa akin. Pero ganito pala... I'm not gay, but I want to cried this out. Kaya aalis muna ako." Ngumiti ako nang pilit sa kapatid niya at saka nagsimulang maglakad papalayo sa cottage na ito
"Sana tuparin mo ang pangako mo. Ayokong maging dahilan na naman ito sa pagkalito ni Link sa mamahalin niya. Nakita ko na ang kasagutan sa pagbabalik ko. At sana 'wag mong baguhin ang kapalaran na sa aming dalawa ay itinakda." Dagdag kong muli sa lalaking ito at tuluyan na ngang lumayo.
Nakita ko pa ang kotse na nasa malayo. Dalawang kotse 'yon at panigurado na 'yung isa ay para sa naghatid.
Mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko. Nakalayo na ako pero narinig ko pa rin ang sigaw ni Ian.
"KUYA SALUDO AKO SA IYO! HABANG BUHAY KONG ALALAHANIN ANG GINAWA MO! IKAW ANG INSPIRASYON KO SA BUBUUIN KONG PAMILYA!" Malakas na sigaw niya na ikinangiti ko na lang ng mapakla.
Muli kong tiningnan ang cellphone ko. Dinayal ang numero ng nag-iisang taong pumasok sa utak ko.
"Let's talk." Walang emosyon kong saad sa kabilang linya at hindi na ito pinakinggan pa sa kaniyang sasabihin.
Pag nakaalis na ako rito. Ang mga nadurog na puso ko ay iiwan ko na rin dito. Pati ang aking nararamdaman at pagmamahal ay iiwan ko na. Maging masaya ka sa pinili mo. Link.