NMKIMB 26
(WARNING SIGN: NOT THAT SUPER BRUTAL SCENE. PERO KAILANGAN KO PA DIN KAYONG BALAAN.)
JACK'S POV:
Nakarating kami sa may isla nang bandang hapon na. Alas nwebe ako nakarating sa Paracale at mga maalas dyes na rin kami makaalis sa dagat papunta sa isla na isang haka-haka lang sa siyudad pero ang iilan naman na mamamayan ay naniniwala. At ang namamahala ro'n ay isang organisasyon na taliwas sa patakaran at panuntunan ni Queen Z.
"Dito na lang tayo. Mag-iingat ka. Hindi mo alam kung ano ang madadatnan mo sa pagpasok mo sa gubat na 'yan," tinuro niya pa ang mga puno na sa dagat lang makikita. Magkakadikit, akala mo normal na isla lang. Pero kung papasok ka sa daan na 'yun na napakakipot. Malalaman mo kung ano ang kalagim-lagim na nangyayari sa loob. "Pagkapasok mo pa lang, ihanda mo na ang sarili mo at ang paborito mong sandata. Ikaw na ang bahala kay Linzie, tinuring ko na rin siyang anak ko. Ako nga pala si Kenneth, pinsan ng ama niya."
" Jack Krean Miller." Tipid na pakilala ko naman at saka sumampa na sa tulay na ito.
Tinulungan pa ako ni Kenneth na iakyat sa itaas kaya matagumpay akong nakaapak nang maayos.
"Mag-iingat ka. Kaya pala may kamukha ka, malugod kong makita at makilala ang anak ng kaibigan ko." Sumaludo pa siya sa akin at nagsimula ng magpaandar palayo pero napatigil din.
Napailing na lang ako.
"Wala kayong masasakyan kung mailigtas mo man si Linzie. Kaya hihintayin ko kayo." Tanging tango na lang ang naisagot ko at nagsimula ng maglakad palayo sa lalaking 'yon.
Iniharap ko sa aking direksyon ang bag ko at saka kinuha ang aking baril. Tatlo ang kinuha ko. Isinakbit ko ang isa sa balikat, at hawak ko naman ang hindi ganon kalakihan na baril at maliit na baril naman sa aking beywang.
Hindi ko na dapat pang patagalin ang lahat.
Humanda ang leader ng Dark Alamander Society. Hindi nila kilala ang sinasabihan ng bakla.
***
"Sh*t!" Inis na singhal ko pagkatapak na pagkatapak ko pa lang pagkapasok ko rito. Mabuti na lang nakatago na agad ako sa punong ito na mataba ang katawan.
Tama nga ang sinabi ni Kenneth. May nakaabang na ngang mga taong armado kapag nalagpasan mo na ang mga punong 'yaon.
Nagtatago ang mga armadong lalaki. Pero hindi ako tanga kung nasan ba sila.
"Sniper huh?" Nakangisi kong sambit sa aking sarili. Palingon-lingon pa ako sa itaas ng mga puno na nasa itaas. Hindi ganon kataasan ang lahat.
May napansin akong paggalaw sa may kanang bahagi ko mula sa itaas kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa.
Ginalaw ko ang aking kamay papunta sa itaas at hinawakan na ang gatilyo. Pinalabas ko na sa kalooban ng baril ang isang nag-aalab na bala at hindi lang isa kundi tatlo ang pinatama ko.
Narinig ko ang sigaw niya at ang pagbagsak. Napalingon naman ako sa kaliwa ko at iyon naman ang pinatamaan ko.
Nang mapansin kong wala na sa akin magpapatama ay nagsimula na naman ako sa aking pagtakbo sa daan na ito. Pinapakiramdaman ang paligid.
Tinutukan ang mga parating at hindi na nag-isip pa. Pinagpuputukan ko lang ang mga ito.
Napalayo pa ako sa naturang direksyon ko at napabalik sa dating nadaanan ko. Napalingon pa ako sa natamaan ng bala na sa akin sana.
Ngumisi ako sa kalaban na siyang sumigaw dahil siya ang nagustuhan ng bala.
At pinatamaan ko na rin ang muntikan ng papatay sa akin.
Nagsimula na muli ako sa naudlot kong gawain. Tanging ang ginagawa ko lang ay patamaan ang bawat kalabang nakikita ko.
Kapag nauubusan ng bala ay tinatapon ko na lang kung saan. Hinugot ko ang baril sa aking beywang at pamasid-masid pa sa buong paligid.
Hanggang sa tuluyan na akong nakarating sa mismong kuta nila. May limang tauhan ang paparating sa direksyon ko.
Nagsimula na naman silang magpaputok.
Iwas naman ako nang iwas. Napa-split pa ako sa lupa at pinatamaan ang mga paa nila. Pagkatapos ay tumayo muli at 'yung iba naman ang tinira ko.
Hindi pa ako nakuntento. Pinagwawasak ko ang bawat bungo nila. Kaya tumatalsik sa aking mukha ang mga dugo na 'yon.
Nilasap ko naman ang dugo na napunta sa aking labi. Saka napangisi.
Nabubuhay na naman ang demonyo sa aking katawan. At wala na akong pakealam pa sa maaaring magawa ko. Bloody island kung bloody ang mangyayari.
"YOU! I'LL GONNA KILL YOU!" Malakas na sigaw ko sa mga tauhan na hindi pa rin nauubos.
Ang pagod kong katawan ay biglang naglaho. Nagkaroon na naman ng lakas at mas lalong lumakas ang aking hangaring pumatay.
*Bang10×*
Sampong beses na pagtama sa bawat ulo ng mga kalaban. Isang tirahan, wasak na katawan ang aking makikita.
Lalong nasisiyahan ako sa nangyayari. Kaso ubos na ang bala ng baril ko kaya wala akong nagawa kundi itapon na lang ito sa labas ng malaking bahay na walang second o third floor.
Hindi na rin ako nag-aksaya ng oras. Naglakad na ako papasok ng bahay na ito. Nauna ko agad nakita si Link na hawak ng pinakapinuno nila na may hawak na baril. Napalingon ito sa akin na nanlalaki ang mata.
Bago mapabaling ang aking tingin sa katabi nitong upuan at hindi na ako magugulat kung si Mike 'yun. Ang lakas iligtas ang mahal ko, hindi pala kaya ang sarili. Ogag!
May nakita rin ako na pinakamahalagang bagay na pinapahanap sa akin. Ang gintong kahon na bukas na. At nakalagay sa lamesa ang laman nito.
Napayukom ang aking kamao sa aking nalaman. Tama nga si Dad.
Pinakamahalaga!
Dahil 'yon lang naman ang photo album ng pamilya Tomizara at Miller. Nandoon lahat ng mga ninuno namin at ang susunod na mga mamumuno pa. At ang kwintas ng kuya ko na gawa sa ruby ang hugis puso at kapag binuksan ay makikita ang mukha ko.
Napayuko agad ako sa paparating na sipa sa aking direksyon. At saka mabilis na kinuha ang paa na nasa ere pa. Matalim kong tinignan ang malaking katawan na lalaking ito.
At saka umikot kami nang umikot. Pinapatamaan ang siyam pa. Pagkatapos ay binalibag ko siya sa sahig na ito. Narinig ko ang pag-crack ng ulo nito pero wala na akong pakealam pa.
Binalingan ko naman ng tingin ang may hiwa sa pisngi ang paparating sa akin. Mabilis akong nakailag at piningot ang kaniyang ilong ng aking kaliwang kamay at saka ang aking kanang kamay naman ay dinikwat ang kaniyang mata na ikinasigaw nito sa sakit.
Kaso wala na ako sa normal na anyo ko. This is my demon side.
"Welcome to hell." Bulong ko sa lalaking ito at malakas na sinuntok.
Sakto ang pagpatay ko sa pangalawang lalaki na ito nang marinig ko ang mga yapak ng mga tao.
"Tsk! Mga hindi nakikinig." Inis kong singhal at muling napalingon sa aking kalaban na napaatras na.
Mukhang nakikilala nila ako.
"Anong ginagawa ninyo? Patayin ninyo siya! Kung ayaw ninyong patayin ko kayo!" Inis na pagbabanta ng leader nila.
Kaso hindi pa rin siya pinapakinggan ng lahat. Mabilis silang napayuko at lumuhod sa aking direksyon.
Pero hindi ko sila pinansin. Pinaputok ko ang bawat daliri ko sa harapan ng leader na ito. Inikot-ikot ko pa ang aking ulo sa kaniya.
"Sino ang bakla sa atin ngayon, Dark Alamander?" Nakangisi kong tanong sa lakaking ito.
Nakita ko pa kung paano magsilakihan ang kaniyang mga mata sa narinig.
"I-ikaw? I-ikaw ang..." Pambibitin nito sa sasabihin hindi alam kung ano bang tamang kataga na ilalabas sa bunganga.
"Why? Hindi ba't sinabi mo na sa akin na bakla ako. Ibinigay mo pa sa daddy ko ang envelope imbis na sa akin. Ano na ngayon? Sino kayang bakla sa ating dalawa?"
" I-ikaw? Ikaw ang Mafia King ng Black Rose Organization. H-hindi... h-hindi 'yan totoo." Pang-iiling pa nito.
Hindi gusto ang nalalaman niya.
"Napakadaya. Inubusan mo na kami ng papatayin. Hi there Linzie! Oh isa pa siya sa hinahanap natin, right? Ace?" Dinig kong katuwiran nitong si Aze.
" Yeah. Even they run or hide. They'll never go anywhere."
" Makakatakas ba sila kung lahat ng organisasyon sinama ninyo. 'Buti na lang pumayag si Queen Z sa lakad ninyo." Pangangatwiran naman ni Froyd at saka lumapit sa akin.
" Kill him. He's not worth it to live." Lumapit naman sa aking direksyon si Ace at saka inakbayan ako. " Are you feel better?" Tanong niya kaya dahan-dahan akong tumango.
"Okay!" Malakas na sigaw ni Aze. Siya pala ang inutusan nitong si Ace na tapusin na ang leader ng Dark Alamander Society na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha. Namumutla na. Nahulog ang baril na hawak kanina habang nangangatog ang mga tuhod sa paparating na si Aze.
"N-no... h-huwag mo akong papatayin. H-huwag..."
"Sorry pero ako ang papalit sa trono ng mommy ko. Hindi ko ugaling magpatawad at maging mabait sa mga taong taliwas sa patakaran ng namumuno. Rest in peace."
" Huwag!"
Sa isang kalabit sa gatilyo. Isang buhay na naman ang nawala.
Ngunit dalawang buhay naman ang nailigtas kasama ang Mike na 'yun. Nakita ko kung paano umiwas ang tingin nito sa akin.
Para bang may sinasabi ang kaniyang isipan na nagkamali siya. Pero wala akong pakialam.
Ang mahalaga nailigtas ko si Link.
"Link!" Malakas na sigaw ko matapos kalagan na ng mga tauhan ni Queen Z ang babaeng mahal ko.
Nanghihina naman itong tumakbo sa aking direksyon. Ganon din ang ginawa ko. Pagkalapit pa lang namin sa isa't isa ay binigyan ko na agad siya ng yakap.
Isang yakap na ayokong pakawalan pa.
"I miss you. Damn! I'm so worried about you. Akala ko hindi na kita makikita, akala—"
" I love you and I miss you too, my boss." Hindi na ako nito pinatapos pa sa aking sasabihin.
Kaya humiwalay ako sa aking pagkakayakap. Seryoso kong tiningnan si Link. Narinig ko pa kung paano siya lumunok nang marami sa sobrang kaba.
"I told you don't interrupt me when I'm talking. Dahil diyan may parusa ka."
" H-huh? A-ano?" Nagtatakang tanong naman niya sa akin na ikinangisi ko lang.
Dahan-dahan kong inilapit ang aking mukha. Kung saan-saan ako tumitingin. Sa mata niya. Sa may labi.
Pati ang aking tibok ng puso ay nag-iiba na naman. Parang gustong sumabog kahit kailan. 'Yung itinanim kong bomba na punong-puno ng galit at pagkaayaw sa pag-ibig, ngayon sasabog na para bigyan naman ng panibagong bomba na magpupuno naman ng saya at kilig kasama ang babaeng paniniwala ko ay siya na.
"Wala pa tayo sa simbahan. No kiss allowed." Pangkokontra agad ni Ace saka kami inilayo sa isa't isa.
Hindi na ako nagsalita pa. Wala rin naman akong magagawa.
"Sa kasal na lang natin ang kiss. Para first kiss kita." Nakangiti kong sambit pero halata kay Link ang pagngiti nang pilit.
Hindi ko na lang pinansin pa at inalalayan na lang siya paglabas ng bahay na ito. Si Froyd na lang ang kumuha ng mahahalagang gamit na pag-aari naming Tomizara.
Ang mga yumuko at lumuhod naman sa akin ay kusang sumama na sa mga myembro ni Queen Z. Sila na lang ang bahala at magbibigay ng parusa sa kanila.
Basta ako ay masaya na.
Hinding-hindi ko na papakawalan pa ang babae.
"May basbas na ako ng iyong ina. Liligawan kita kahit na ayaw mo." Seryoso kong sambit matapos naming makaupo sa bangka.
" Sinong nagsabi na ayaw ko. Matagal ko na rin hinihintay 'yan na marinig sa iyo. Kahit na kaunting panahon lang tayo nagkita't nagkakilala, pero pinakita at pinaramdam mo naman sa akin na kahit sino ka pa. Mahalaga ka at maganda kahit simple ka lang manamit."
" Wala na pa lang problema. Kaya tayo na. Wala ng ligaw ligaw pa." Nasabi ko na lang na ikinatawa niya at mas lalo akong niyakap.
Niyakap ko rin siya at dinadamdam ang bawat sandali na kayakap ko ang babaeng mamahalin ko habang buhay.
Alam kong siya na.