NMKIMB 25
A month passed.
JACK'S POV:
"Hanggang ngayon wala pa rin bang balita? Isang buwan na ang nakakalipas. Ano bang klaseng imbestigador 'yan? Tsk!" Panunumbat ko sa kaharap ko na tahimik lang sa kaniyang kinauupuan.
Bago sa akin 'to. Pero wala akong pakealam kung ano bang meron kay Froyd. Ang gusto kong malaman ngayon ay tungkol sa pagkawala ng babaeng minamahal ko.
Hindi ko na alam kung saan ko ba siya hahanapin. Hindi ko na alam kung ano bang dapat ko pang gawin.
Natutuyot na ang aking pag-asa. Ang aking pagtitiwala ay kunting-kunti na lang. Kapag hindi ko pa nahanap si Link, baka awayin ko na ang lahat ng tao sa mundo.
"Tsk!"
"Hindi ko alam kung totoo ba ang haka-haka na mayroon pang isla na hindi pa napupuntahan ng lahat. I don't know if it's true?" Pangkukuro niya.
Napaisip din ako. Totoo bang mayroon pa? Bakit hindi ako na-inform? Alam kong sobrang dami ng isla sa buong Pilipinas. Hindi naman ako adventurer kaya wala akong kaalam-alam na may ganito pa na hindi napupuntahan.
"Where?" Sabay taas ko ng aking kilay sa kaniya.
"Cam. Norte. We need to confirm it before we go..." Suhestiyon niya pero hindi ko siya pinatapos sa sasabihin niya.
"I go. Dito ka lang. Kapag may naghanap sa akin, sabihin mo nawawala ako. Alis na ako!" Sigaw ko at nagsimula ng maglakad palayo sa direksyon niya.
Narinig ko pa na hinihiyaw niya ang buong pangalan ko pero hindi ko siya pinansin pa.
Dumiretso ako sa kotse ko. Nakita ko sa aking likuran ang mga gamit ko na nakalagay sa bag na malaki. At bulletproof vest.
Bago ako sumabak sa gulo. Kailangan ko munang isuot ito.
Inalis ko muna ang suot kong polo. Saka isinuot na ang bulletproof vest bago ibalik ang polo na ito.
Mahaba-habang lakbayin ito. Pero hindi ko alam kung saan ba ako magsisimula, wala man lang akong kaalam-alam sa isla.
Should I go to her mom's place?
Wala na akong magagawa pa. Kailangan kong puntahan ang mama niya sa Paracale. Sana lang ay hindi 'yon magulat.
***
"Sino ka? Anong ginagawa mo sa pamamahay namin?" Pagtatanong ng isang ginang na ang suot ay simpleng bestida lang pang matanda.
Nakarating na ako sa bahay nila. Sakto na nasa labas ako ng bahay nila nang dumating ito sa kung saan. Dala ko na rin ang malaking bag ko na palagi kong dala kapag nasa misyon ako.
Kasama niya ang dalawang kapatid nitong si Link, isang lalaki na malapit na sa pagkabinata at babaeng nasa edad walo. Magalang naman akong yumuko sa kanilang tatlo.
"Nandito po ako upang magtanong kung may alam ba kayong isla na hindi pa napupuntahan ng mga tao?"
Mukha pa silang nagulat sa kanilang narinig. Napahawak ang ginang sa kaniyang bibig habang hindi makapaniwala.
"A-anong... anong gagawin mo sa teritoryo ng mga Dark Alamander Society? Hindi mo alam kung ano ang kaya nilang gawin sa iyo?" Patuloy ang pag-iling ng matanda sa akin.
Hinawakan pa ako sa aking balikat pero ngumiti lang ako nang tipid.
Ngayon alam ko na kung sino ang may pakana. Hindi ko aakalain na sila pa pala ang kumuha sa kaniya, bakit hindi ko man lang naisip ang tungkol sa kanila.
Ang mga Dark Alamander Society na nagsabing bakla ang leader ng Black Rose. Mas lalong dumaragdag ang kasalanan nila sa akin.
Sige lang, magpakasaya muna kayo ngayon. Darating diyan ang taong papatay sa inyo.
"I want to save your daughter, Tita. Ako ang boss ni Linzie at nanliligaw na rin po sa anak ninyo. Bigyan ninyo po sana ako ng basbas na pumunta mag-isa sa islang tinutukoy ninyo." Seryoso kong sambit sa kaniya.
Nakita ko kung paano maglupasay ang ina ni Link. Dinaluhan naman siya ng mga anak niya.
Hindi ko rin masisisi kung bakit ganito ang naging reaksyon ni Tita sa nalaman tungkol sa anak.
"H-hindi... ang anak ko... ang anak ko. Linzie... anak" Umiiyak na pagtatawag sa pangalan ng anak.
Naaawa ako kay Tita.
Parang nakikita ko ang sarili ko sa kaniya, ang mga matang nagsusumamo, umiiyak nang umiiyak.
Naghihinagpis sa pagkawala ng mama ko at kuya ko.
Pero ipinilig ko lang ang mga naalala ko. Napalingon ako sa babaeng palihim kung umiyak. Ang panganay naman ay napayukom na lang.
Dahan-dahan akong lumapit sa batang babae. Hinawakan ang kaniyang balikat at tinapik 'yun.
Lumingon naman siya sa akin. Kitang-kita ang mga butil ng luha sa kaniyang mata na anytime na naman ay babagsak.
Hindi nga ako nagkamali. Nagulat din ako sa ginawa nito.
Niyakap niya ako nang mahigpit at doon umiyak. Inaalo ko naman siya sa kaniyang likuran.
"Ililigtas ko ang ate mo. Iuuwi ko siya rito. Pangako 'yan." Bulong ko sa kaniya.
Naalala ko rin ang senaryong 'to. Kung paano ko aluhin ang kapatid ko sa pag-iyak niya. Ang pagsisigaw sa pangalan ng aming ina at kuya.
Hindi namin nakita ang ina at kuya namin dahil isang taon pa lang naman kami noon. Naghihinagpis lang kami nang makita ang isang video kung saan sinasaktan nila ang mahal sa buhay namin.
"K-kuya... ibalik mo si Ate... nagmamakaawa ako." Sa bawat luhang lumalabas. Iyon na lang din ang nasambit ng mumunting anghel sa aking harapan.
"Yes." Humiwalay na ako sa kaniyang pagkakayakap. Pinisil ko pa ang kaniyang pisngi at naisipan namang lingunin ang ina ni Linzie na nakatingin sa akin nang may luha sa kaniyang mata.
Napansin ko naman ang kapatid ni Link na pumunta sa loob ng bahay. Simpleng kubo lang ito pero kapag pumasok ka sa loob ay mahihiwagaan ka sa ganda ng pagkakagawa.
"A-akala ko mali lang ang kutob ko. Tuluyan ng nakuha ng mga Dark Alamander Society ang gintong kahon ng nasa bayan tayo." Napalingon agad ako sa lalaking ito nang marinig ang gintong kahon na 'yon.
" Gintong kahon 'yun. Kailangan mong hanapin dahil masyadong mahalaga ito sa pamilya natin. Ayos lang na makuha ang kahon, 'wag na 'wag lang ang loob nito. Maaasahan kita anak."
" Anong meron sa gintong kahon? Bakit masyadong mainit ang mata ng mga Dark Alamander sa anak ninyo?" Pananawsaw ko naman sa mag-ina.
Muling dumako ang tingin sa akin ng lalaking kapatid ni Link.
"Nakuha 'yon ni Tatay sa backseat ng kotse. Nakatago ito sa isang maitim na bag din, bago pa man ito sumabog. May dalawang tao sa loob, sira ang buong mukha. Mag-ina ang sabi ni Tatay. Pinaalagaan kay Ate Linzie at huwag na huwag bubuksan hanggat hindi pa namin nakikita ang natirang pamilya ng dalawa. Lumipas ang panahon na nakalimutan na namin ang tungkol sa gintong kahon, kaya akala rin namin hindi na si Ate titigilan ng mga taong 'yon dahil wala naman silang makita sa amin. Pero kung nakuha na si Ate ng mga ito at pinapaamin nang marahas. Tiyak na nakuha na nila kaninang gabi lang. Wala kami buong gabi rito." Mahabang paliwanag sa akin nitong lalaki.
Hindi ko aakalain na sa sobrang tagal na naming magkasama ni Linzie. At ang paghahanap ko sa lintik na kahon na 'yon.
Nasa harapan ko lang pala. Nasa tabi ko lang pala ang nakakaalam sa kahon na 'yon.
Bakit ba hindi ko sinabi sa kaniya ang tungkol sa kahon? Kung sinabi ko ba hindi na ba siya guguluhin ng mga 'yon?
Tiyak nga!
Subalit hindi ko nagawa.
"Aalis na po ako. Kailangan ko ng matapos ang lahat. Ipagdasal na lang ninyo ang kaligtasan namin. " Yumuko pa ako sa kanila at naisipan ng lumabas ng bahay nila.
" May kakilala akong dadalhin ka sa isla. Ikaw na ang bahala kay Ate." Tanging tango na lang ang naisagot ko sa kapatid nitong si Link.
At saka pumunta kaming dalawa sa may dagat. Hinahanap namin ang tinutukoy niyang tao na tutulong daw sa akin.
Nakita namin ito sa tabi ng kaniyang bangka. Kumaway pa ito sa amin at saka nagtatakbo palapit sa aming direksyon.
"Sino siya Ian?"
"Manliligaw ni Ate. P'wede bang pabor?"
" Ano 'yon? Mukhang seryoso ang mga mukha ninyo. " Nagtataka niyang tanong sa amin.
Nahalata niya siguro ang pagkunot ng aking noo. At ang seryosong pagbigkas ng mga salita nitong si Ian pala.
"Dinukot ng Dark Alamander Society ang ate ko. P'wede mo bang ihatid si Kuya Jack sa isla? "
" Oo naman! Basta hindi ako kasama d'yan! May pamilya pa ako. " Pag-iiling pa nito sa naiisip.
" No. Hindi ko hahayaan na may masaktan pa sa inyo." Walang emosyon kong sagot naman at mawala ang pagkatakot sa mukha ng lalaking 'to.
" G-ganon ba! Sige tara! Pero ano 'yang dala mo? Ang laki namang bag 'yan?" Sabay turo pa sa bag ko na kanina ko pa dala.
" Oo nga ngayon ko lang din napansin." Komento rin nitong si Ian.
"Katana, Dagger and one of my favorite weapon. Gun." Tipid kong sagot na ikinamangha nila. " We need to go. Hindi sinasayang ang oras. Baka ang sinasayang natin ay ang unti-unting buhay ni Link. "Dagdag ko pa na ikinabalik nila sa kanilang diwa.
Nakitulong na rin ako sa paghila sa bangka nitong lalaki. Malapit lang naman ang dagat sa pinaglagyan niya ng kaniyang bangka. Kaya hindi na kami nahirapan pa na ilagay ito rito.
Hindi naman mahirap ang pagsampa sa loob. Saka ang gagamitin namin ay engine na parang sa mga yate na rin. Mas mapapabilis ang pagpunta. Pero maingay.
"Hindi nila maririnig ang ingay na ito. Malayong-malayo pa ang kuta ng Dark Alamander sa bukana. Saka hindi rin kita dadalhin sa pinakadulo. Ibaba na lang kita sa ginawa nilang tulay. " Mahabang paliwanag nitong lalaki na ikinatango ko na lang.
Hindi ko masyadong na-gets ang sinasabi niya. Pero malalaman ko na rin naman kung nandon na kami.