NMKIMB 24
JACK'S POV:
"What happen? Where's Link?" Mabilis kong inagapayan ang isang ginang na nagturo sa akin kung saan bang kwarto si Link noong panahon na papunta na kami sa A. J. Y. Academy.
Samantalang si Ace naman ay dumiretso naman sa loob ng kwarto. Ang dalawa namang si Froyd at Aze ay naghahanap ng clue sa labas ng bahay. Second floor ito. Nasa itaas ang kwarto niya at ng kaibigan niya.
Muli kong iginawi ang aking mukha sa matanda. Nahihirapan ito at panigurado na sinaktan din siya ng taong kumuha kay Linzie.
"S-si Linzie... k-kinuha siya... h-hindi ko kilala. P-pero nakaputing van ang p-pumunta rito." Pautal-utal at paiyak-iyak pa ang ginang habang inaalala ang nangyari.
Napayukom naman ang aking kanang kamao. Dahan-dahang pinaupo sa sahig at pinasandal sa pader ang matanda.
Naglakad na rin ako papasok. Nakita ko si Ace na dinadaluhan din ang kaibigan ni Link na sa pagkakaalam ko ay Bea. Umiiyak ito, may nakita rin akong pasa sa may gilid ng labi nito.
Napalingon sa aking direksyon si Bea at mabilis na lumapit sa akin. Lumuhod pa ito at hinawakan ang aking paa.
Napasulyap pa ako kay Ace pero napakibit-balikat naman siya. Kaya naisipan kong lumuhod din sa harapan ng babaeng ito.
"Tulungan mo ako. I-iuwi mo rito ang kaibigan ko. P-please... nagmamakaawa ako." Hinawakan ko ang kanang balikat nito.
Tinapik ko pa saka siya pinaharap sa akin gamit lang ang pagtaas sa baba niya ng aking kaliwang kamay.
"Kahit na hindi mo na sabihin. I'll save Link." Ngumiti pa ako nang tipid sa harapan niya at saka tumayo na sa aking pagkakaluhod.
"Sobrang galing ng taong kumuha sa kaniya. Wala man lang silang iniwang kahit anong clue kung saan makikita si Linzie." Naiiling na sagot agad sa akin ni Aze pagkatapos makalapit sa aming direksyon.
Mas lalong kumuyom ang aking mga kamao. Gustong-gusto nang bigyan ng nag-aalab na kamao sa mga mukha nito.
"Kahit na gaano pa sila kagaling. Kung saan man sila nagtatago, hahanapin ko sila hanggang sa dulo ng Pilipinas." Walang emosyon kong saad sa kanilang lahat
Nagsimula na akong naglakad palayo sa mga ito. Ang aking paglalakad ay naging takbo na para marating ko ang distansya ng aking kotse.
Nang makalapit ako ay nagmadali na akong pumasok sa loob. Pinagana na ang engine nito at nagpaandar palayo.
Narinig ko pa ang mga sigawan ng tatlo. Pero hindi ko sila pinansin. Hahanapin ko si Link, kahit saan pa ako makapunta.
Hindi ako titigil.
Sana hindi ko na lang siya iniwan, sana hindi ko na lang ipinalit ang oras ko sa pagtukoy sa kahon na 'yon at sa kaligtasan ng babaeng mahal ko.
"AHHH!!! F*CK!" Malakas na sigaw ko at napayuko pa sa manibela.
Pero napaangat din ang aking tingin nang marinig ang sunod-sunod na pagbusina ng isang van. Kaya madali kong ki-na-nan ang kotse ko. Sa sobrang bilis, hindi ako nahagip ng van na paparating.
At nagpapasalamat din ako na wala akong kasabayan sa kanan na daan na ito. Kung meron man, baka hindi ko mailigtas ang minamahal ko.
Sa isang maling galaw lang, baka buhay ko naman ang kapalit.
MIKE'S POV:
Nang malaman ko kay Bea ang pagkawala ni Linzie. Hindi na ako nag-abala pa na maghintay sa mga liligtas sa kaniya.
Wala namang alam ang lalaking 'yon tungkol sa mga kalaban ni Linzie. Baka maging tupa pa siya kapag nalaman niya na hindi basta-bastang kalaban lang ito.
At panahon ko na para maging hero sa paningin ni Linzie. Gagawin ko ang lahat para mabawi ko muli ang babaeng minsan ko ng iniwan. Ang babaeng hanggang ngayon hindi pa rin naman kami nagkakahiwalay.
Kahit na sabihin na niyang layuan ko na siya dahil may mahal na siyang iba. Hinding-hindi ko gagawin ang bagay na 'yon.
I will do my best to chased and Linzie love me back again. Hindi ako papatalo sa lalaking 'yon, sino naman siya?
Isang hamak na business owner lang at anak ng Miller? Tsk.
Ano namang maitutulong ng pagiging walang puso niya sa pakikipaglaban?
"Mukhang may hindi inaasahang bisita tayo 'a." Nakangising turan ng leader ng Dark Alamander Society matapos kong magpakita sa kanila.
Nakita ko si Linzie na nakaupo sa upuan habang hinahampas ng latigo. Napayukom ang aking kamao sa aking nakikita.
"Bitawan ninyo siya! Kung ayaw ninyong—"
"Ano? Ano namang magagawa ng isang hamak na katulad mo? Ang lakas ng loob mong pumunta sa kuta namin nang mag-isa. Hinahanap mo ba ang kamatayan mo?"
" Wala akong pake kung mamatay ako! Mauuna kayo!" Pagkatapos kong sabihin 'yon ay sumugod na ako sa leader ng mga ito.
Pero hinarangan ako ng sampong armadong lalaki na malalaki ang pangangatawan. Wala silang hawak na kahit anong mga sandata man lang. Kaya napatigil ako sa aking pagpunta sa leader nila at matalim na tinignan ang bawat isa.
"Kapag natalo mo ang sampong 'yan. Masasabi kong mahusay ka. Pero kung matalo ka, mauuna kang mamatay sa babaeng ito." Hinawakan pa nito ang buhok ni Linzie sa itaas at pinatikhaya ito. Inaalis ni Linzie ang kamay ng leader sa buhok nito kaso mas mahigpit ang ginawang paghawak sa buhok niya.
Tang*na!
"Hmmp... hmpp..."
Nagmamakaawa si Linzie sa akin. Umiiling habang nagsusumigaw, mayroon siyang busal sa bibig kaya hindi tama ang lumalabas sa bunganga niya.
Pero hindi ko pinapakinggan ang nais niyang sambitin sa akin. Kahit anong mangyari, ililigtas ko siya sa mga kaaway niya.
"I will save you, Zie." Seryoso kong sambit sa kaniya at naghanda na sa paparating na kamao nila.
" Hmm... mukhang magiging nakakabagot na eksena ata ito." Naiiling na turan ng leader.
Sinamaan ko naman siya ng aking tingin.
At ako na mismo ang sumugod sa mga kalalakihang ito. Binigyan ko ng napakalakas at nag-aalab na kamao ang unang lalaki na papatamaan ko. Subalit gayon na lang ang gulat ko sa ginawa niya.
Marahas niyang hinawakan ang aking kamao at saka walang pasabi na pinilipit ito. Kaya sumunod din ang aking katawan pakaliwa at pakurba na.
"Ahhh!" Malakas na sigaw ko.
Nagpupumilit akong makalayo. Sinisipa ang tuhod nito. Ngunit may kung sino man ang nagpatama ng malakas na sipa sa aking ulo kaya napahiga ako sa sahig na kinaroroonan nila.
Nanlalabo na rin ang mata ko. Nakikita ko pa ang pagpupumiglas ni Linzie sa kaniyang kinauupuan pero tinadyakan lang siya ng leader nito.
Bago ako mawalan ng ulirat. May kung anong lumabas sa aking mata sa kaliwa.
Isang luha.
'Nagmamatapang lang ako. Hindi ko talaga kayang ipagtanggol ang minamahal ko. I'm just a loser. Natalo nang hindi man lang nagtatagal sa laban.'