NMKIMB 23
JACK'S POV:
Pinalipas ko muna ang isang linggo pagkatapos ng misyon naming dalawa ni Link. I want to spend my 1st week to know this feeling for her. Kung saan saan lang kami nakakapunta pero masaya sa dibdib.
Noong araw ng misyon namin. Hindi ako makapaniwala na hindi ako nagwala at hindi rin nakaramdam ng pagka-guilty matapos kong makapatay.
Dahil alam kong tama lang 'yon sa kanila. Mga bastos. Walang awa sa mga babae. At ginagawang baboy ang mga ito. Tsk!
Napayukom ako nang maalala ko na naman ang nangyari kay Link. Gustong-gusto ko ng mapatay pa nang mas marami ang matandang hukluban na 'yon, pero ayokong maging marahas sa harapan ni Link. Kaya hinayaan ko na lang ang lahat.
Hindi ako makapaniwala na magaling talaga sa laban si Link at kaya niya ring mang-akit ng mga kalalakihan. Kaya hindi naging mahirap ang misyon namin.
Nagawa niyang mapatay ang mga kalaban at nakakaramdam din siya ng kakaiba kahit na saan man ito.
Sobrang layo ng sniper sa kaniya. Ako ang tatamaan sana pero may mas nauna ang nakatama ng bala sa kalaban.
Hindi rin mawala-wala sa isipan ko ang sinabi niya. Hindi niya tunay na ugali ang pinapakita niya.
Siya 'yung babae na may pagkaseryoso at walang pake sa kaharap niya. Magdadaldal siya kahit anong gusto niyang sabihin nang hindi nahihiya. Pero alam niya pa rin ang salitang respeto kapag iba siya at ang kaharap niya.
"Iniisip mo na naman ako?" Napangiti na lang ako nang makita si Link na papunta na sa aking direksyon. Kaya ibinalik ko sa bulsa ang cellphone ko, wala rin naman dito ang isip ko.
Pinapakita na naman niya sa akin ang ugali na ito. Mas gusto ko pa ito kaysa sa ginagawa niya, kasi ramdam ko na totoo siya.
Pero napawi rin 'yon nang mapansin na hindi lang pala siya nag-iisa. Kasama na naman niya ang Mike na ito, kung makasunod naman kay Link parang aso.
"Bakit mo siya kasama?" Tanong ko nang malamig dito.
"Nagkita lang kami pagkalabas ko ng bookstore. Hindi ko alam na nakasunod pala siya. Hindi mo ba siya nakita sa labas?" Pagdadahilan naman nito sa akin.
Napatango na lang ako saka umiling din sa huli niyang sinabi. Busy ako sa cellphone ko kaya wala akong napansin.
Naglakad ako palapit sa kanila. Nang makaharapan ko na sila ay masama kong tiningnan ang lalaking ito. Medyo napaatras siya kaso hindi rin papatalo sa pakikipagtitigan.
Palaban pala itong lalaking 'to.
"I know you have feelings for her. Pero hindi ko hahayaan na makuha mo si Link." Pagbabanta ko pero ngumisi lang siya.
" Bakit? Wala ka namang nararamdaman sa kaniya, I have right—" ayoko sa mga taong patuloy ipinagsisiksikan ang sarili sa iba.
Rights pala huh...
Iginalaw ko ang aking kaliwang kamay. Nakuha ko agad ang kwelyo ng lalaking ito. Nanlilisik ang mga mata ko habang tinitingnan ang mukha niya.
Wala na ring katao-tao ngayon dahil hapon na at sarado na ang bookstore ko. Kaya malaya kong magagawa ang gusto ko.
"Jack... tama na 'yan." Pagpapatigil sa akin ni Link sa balak kong gawin pero hindi ko pinansin.
"Magmula ng tumapak at pumasok si Link sa bookstore ko. Pati buhay niya nakapasok na rin sa akin. Kaya may mas karapatan ako..."
"Jack!" Sigaw ng lalaki na papalapit sa aming direksyon. Boses pa lang nito ay hindi na ako magtataka kung sino.
Wala na rin akong nagawa pa kundi ang alisin sa kwelyo ng lalaking ito ang kamay ko. Sumulyap naman ako kay Ace.
Hindi talaga siya mapapagkamalang 19 pa lang. Matangkad siya at mayroon na ring tumutubong balbas sa may baba niya.
At ang kaniyang dibdib ay medyo may umbok. Tamang-tama lang ang pagkakahugis ng kaniyang katawan. Hindi na ako magugulat kung palagi silang nag-te-training ng kakambal niya.
"You're here." Nakipagkamayan pa kami sa isa't isa matapos niyang makalapit sa direksyon namin.
Napalingon naman siya kay Link at sa lalaki. "I never said na alisin mo. You can continue what you want to do. You can kill him if you want. But I'm just kidding, hi there!" Sumaludo pa itong lalaking ito kay Link pero hindi nakangiti.
Kapag trip niya lang siya mangiti.
"Hi Ace." Bati naman ni Link sabay yuko.
"Oh don't do that again. Nandito ako para sunduin itong si Jack pero mukhang may pupuntahan kayo. Tama?" Paninigurado pa nitong si Ace sa akin.
"Wala naman. Ihahatid ko lang si Link pauwi sa kanila. Bakit ngayon na ba tayo mag-uusap?" Tanong ko naman sa kaniya pabalik.
"Oo, sa bar mo ulit. Nandoon si Aze. See yah!" Kumaway pa siya sa akin at naglakad muli palayo sa aming direksyon.
Pinasadahan ko muna ito ng tingin nang makapasok siya sa sports car niya. Hindi ito 'yung kotse na ginagamit niya noon na hindi naman nasira dahil sa lalaking masboy.
Panigurado ako na car racer siya. At nag-co-collect ng mga kotse sa pagmamaneho.
Napailing na lang ako at muling tiningnan ang dalawa na nag-uusap. Masinsinan 'yon at mahina pa. Hindi ko naririnig 'e.
"Tapos na kayo? Let's go Link." Utos ko kay Link na agaran nitong sinunod.
Kumaway pa siya kay Mike matapos makapasok sa front seat.
Nakangiti lang na nagpaalam itong lalaking ito at sinimulan ko na ngang paandarin ang aking kotse. May gana pang ngumiti, supalpalin ko siya.
"Take care. I have this feeling that I don't wanna let you go. Pero guni-guni ko lang ata. Huwag kang aalis ng bahay ninyo. If something bad happen, call me." Pagpapaalala ko kay Link matapos naming makauwi sa bahay nila.
Ngumiti naman siya at saka tumango. Nagulat pa ako nang tumingkayad siya at walang pasabing hinalikan ako sa pisngi.
Natigilan ako. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Nagsisialaban na naman ang aking dibdib sa matinding nararamdaman.
Hindi sa galit. Hindi sa poot ng nakaraan.
Kundi sa saya na aking nararamdaman.
Napahawak pa ako sa aking kaliwang pisngi. Nakanganga habang nakatingin sa kaniya na nakangiti lang.
Mas doble ang paglakas ng aking pagtibok ng puso.
This hella crazy!
"I know naguguluhan ka pa rin. But I'm waiting to hear those word from you. Ingat ka rin." Kumaway siya at pumasok na rin sa loob ng bahay niya.
Doon lang ako natauhan at napangiti sa babaeng patuloy na nagpapagulo sa aking utak. Pero ngayon sigurado na ako sa nararamdaman ko.
"I'm inlove with her." Napatawa pa ako nang mahina habang lumalakas nang lumalakas ang aking pagtibok ng puso.
" Haist! I need to go." Bumalik na muli ako sa aking kotse.
Nagsimula na naman akong magpaandar nito. Bago ako makalayo pinagmasdan ko pa ang buong bahay.
Napalingon pa ako sa kaliwang direksyon. Isang van na nakaparada sa isang bahay na walang kailaw-ilaw.
Hindi ko alam pero parang may kakaiba sa mga ito.
Huwag naman sana. Kayo na po ang bahala sa babaeng mahal ko.
Panalangin ko sa kaitaasan at hindi na lang pinansin pa. Baka nagmamalikmata lang ako. Kapansin-pansin naman na wala namang tao sa loob.
***
"Buti nakarating ka! I thought you wanna spend your time with her?" Kakapasok ko pa lang sa bar na ito, si Ace na agad ang bumungad sa akin.
Alas nwebe na ako nakarating. Hindi talaga ako mapalagay kaya bumalik muli ako sa bahay nila.
Just checking her. 'Buti nandoon pa siya at tumatawa sa aksyon ko.
I'm just worried about that van. Pumunta rin ako ro'n. Pero wala namang tao sa loob. Kaya hindi na ako naalarma pa. At tuluyang nakabalik sa bar na ito.
"I'm just a little bit uneasy. Parang may mangyayari na hindi maganda." Nasabi ko na lang at napaupo sa pwesto nitong dalawang lalaki na patuloy nag-aangilan.
"Hanggang ngayon hindi mo pa mapaamo si Froyd?" Nagtataka kong tanong kay Aze na nakabusangot na. At maski si Froyd ay hindi maipinta ang mukha.
"Sino namang makakapaamo sa akin? Siya? You're just been kidding me." Naiinis na turan nitong si Froyd at para bang hindi na siya takot pa sa estado ng dalawa.
" Oh my honey, kakainin mo rin 'yan. Parang si Dad lang, kinain na hindi siya maiinlove kay Mom."
"Tsk. Hindi naman kasi sila parehas lalaki. Kaya ayos lang na mainlove sila sa isa't isa. Tayo? Mananatili ka ba hanggang huli sa mga mapanghusgang mundo? Magtitiwala ka ba hanggang dulo? Kaya mo bang maghintay sa akin? Kakainin mo rin 'yan sa huli." Tumayo na si Froyd sa pagkakaupo at walang habas na naglakad palayo sa aming direksyon.
Nagpalabas na lang ako nang mahinang buntong-hininga. Naalala ko nga pala na hindi marunong magtiwala agad-agad itong si Froyd.
Ako lang talaga ang pinagkakatiwalaan niya simula pagkabata pa namin.
At ramdam na ramdam ko ang sakit mula sa bawat kataga na inilalabas niya.
"What happened to him?" Nagtatakang tanong sa akin ni Aze.
" Just go with him. But, I'm warning you. Hindi mo alam ang pinapasok mo. He's just concern about your health, and his heart too."
" What did you mean?" Sabay na silang nagsalita.
" This is for me to know and for you to find out."
"I wanna ask. About his skin color, isa bang royal blood itong si Froyd mula sa England? Sobrang puti kasi..." Nahuhulumigan ko ang pagkatakhan sa mukha nitong dalawa matapos lumabas sa bunganga ni Aze ang tungkol do'n.
"He's just an orphan. We didn't know his real family. Sa aking poder siya lumaki. Sundan mo na siya, hindi siya galit. Kung mahal mo ang isa tao, kaya mong magpasensya." Tanging naisagot ko na lang sa kanila at kay Aze na rin.
Mabilis naman siyang tumango. At tuluyan na ring iniwan kaming dalawa.
Mahabang katahimikan ang nangyari sa amin ni Ace hanggang sa basagin niya 'yon. Kinuha niya muna ang kaniyang baso na may alak at tinungga ito.
"Nasa'n si Linzie?" Tanong nito na ikinataas ng kilay ko.
"May gusto ka rin sa kaniya? Huwag ka ng mag-abala pa. Akin na siya."
"Woah! Woah! I'm not into oldies. I'm just asking." Pagpapakalma niya sa akin.
Nabunutan naman ako ng tinik sa aking narinig. Akala ko pati siya makiki-agaw rin. Hindi pa ako tapos makipagbuno sa Mike na 'yon, kay Ace pa kaya.
"Nasa nirerentahan niya."
"May napansin ka bang kakaiba sa paligid ng bahay nila?"
"Huh?" Nagtataka kong tanong. Hindi ko gusto ang ipinapahiwatig ng mga matang ito. " What did you mean?"
"Okay I wanna tell the reason now..."
Nagseryoso na siya. Nilagay niya ang kaniyang dalawang palad sa may baba niya at tinitigan ako.
Hanggang sa unti-unting bumuka ang kaniyang bibig na iisa lang ang ibig sabihin.
"F*ck!"