NMKIMB 22

LINZIE's POV:

Sa kaliwa at kanan. Nagsilabasan ang mga armadong tao na may dalang baril. Naunahan namin sila sa pagputok ng aming gatilyo at pinatamaan ang mga ulo nila.

Hindi na sila makalaban at makatakas dahil sa surprise naming dalawa. Magkatalikod kami nitong si Jack. Inaasinta ang bawat kalaban namin.

Nang mapansin naming mga wala ng buhay ang lahat ay naisipan naman namin ang maglakad. Hindi ako nakasunod dahil kinuha ko ang baril sa kalaban at isinakbit sa aking balikat.

In case na mawalan ako ng bala at malayo sa direksyon ko si Jack.

Tumakbo ako para makarating sa kaniyang tabi. Pero napalingon ako sa loob ng room sa pinakaunahan nito.

Nakaawang at may naramdaman akong kakaiba. Kaya mabilis akong umikot pabalik sa aking nilakaran bago pa man ako matamaan.

Narinig ko ang pagputok ng bala mula ro'n. Hindi na rin ako nag-aksaya ng oras at pinatamaan ang loob nito.

"Ahh!" Narinig kong sigaw mula sa loob at ang paglagapak nito sa pinto na nakabukas na.

"Don't me." Walang emosyon kong turan sa patay na taong ito at muling ginawa ang aking sadya.

Nakita ko si Jack na pinapatamaan ang mga taong nasa bar.

"Sa ibang direksyon ako." Mahinang sambit ko pagkarating sa kaniya at hindi na siya hinintay pa sa kaniyang sagot.

Dumiretso ako sa kaliwang direksyon pero mabilis na napaikot sa likuran ng pader.

Counter ito ng mga alak. May nakita akong patay sa paanan ko pero hindi ko 'yon pinansin.

Muli akong tumingin sa labas at inasinta na agad ang taong babaril sa akin. Naunahan ko siya kaya tumalon siya at napahiga sa sahig.

Lumabas na agad ako sa aking kinaroroonan. Naglalakad habang pinapakiramdaman ang buong paligid.

"Got you." Walang emosyon kong sambit at tinutukan ang itaas ng baril na hawak ko.

Pero inilabas ko rin ang maliit na baril at tinutukan naman ang paparating sa aking bahagi.

Sabay-sabay kong pinaggagalaw ang gatilyo ng baril. Nagsilabasan ang umaalab na mga bala sa mga target nito.

Narinig ko ang pagdaing nila at paglabas ng dugo mula sa bibig nila. Napatihulog pa sa itaas ng kisame ang lalaki sa aking harapan.

Sobrang layo nito sa direksyon ko. May second floor pa at panigurado na nandoon na si Jack. Naririnig ko ang mga putok ng baril at ang paghiyaw ng mga kababaihan. Pati ang mga natatamaan ng bala ay sumisigaw.

"Tsk."

Itinuon ko na muli ang aking sarili sa buong paligid. Wala na akong nakita pang mga papasugod. Mukhang naubos na ata ang nasa ibaba.

"I'm just kidding." Nasambit na lang ng aking sarili nang makaramdam ng sakit sa aking pisngi. Mabuti nakaiwas agad ang ulo ko pakaliwa .

Mabilis ang galaw ng aking kanang kamay na ipunta sa aking likuran ang baril.

Hinawakan kong muli ang gatilyo nito at pinaputukan ang walang hiyang tao na muntikan ng pumatay sa akin.

Nawalan na agad ako ng bala kaya itinapon ko na ang baril sa kung saan. Maski ang maliit na baril ay naubos na agad sa mga kalalakihan na sunod-sunod ang dating kanina.

Hinawakan ko naman ang baril na kinuha ko sa lalaki mula sa loob ng hotel.

Naghahanda muli sa maaaring lumusob sa amin. Pero wala na akong nakikita pa.

May paparating na yapak mula sa hagdanan paibaba. Kaya mabilis kong tinutukan ang taong 'yon. Pero napalayo rin matapos makita si Jack na wala man lang kagalos-galos.

"Enjoying huh?" Ngumisi pa siya.

Napakibit-balikat naman ako sa sinabi niya. Masuri ko rin siyang pinagmasdan.

Tama nga! Wala nga akong nakita kahit isang sugat.

Ako lang ang nagkameron. Malay ko ba na may punyeta pala sa aking likuran.

Pinagmamasdan naman namin ang buong paligid. Wasak-wasak ang ilawan. Pati ang mga paligid ay puno ng tama ng bala, nagkabutas-butas.  Ang hindi lang namin maiwasang mapangisi nang makita ang mga lagapak na tao.

"Akala ko ba ayaw mong pumatay nang wala sa oras? What now?" Seryoso kong tanong pero hindi pa rin nawawala ang ngiting kakaiba sa aking labi.

"And you? Mukhang iba ang ipinapakita mo sa akin na ugali?" Pabalik naman na tanong niya.

Napatawa na lang ako at saka napailing-iling.

"This is me. The real me. Pero matagal ng panahon ko itong itinatago. Kaya habang magka-partner pa tayo. Makikita mo ang side kong 'to. Not the Linzie na masyadong mahiyain at laging yuko nang yuko."

" Then, I'm lucky. And I want to know you more, Link. Let's go! Wait," maglalakad na muli sana siya nang may maalala. Tumaas naman ang kaliwa kong kilay.

"Anong meron? Bakit ka tumigil?" Nagtataka kong tanong pero hindi niya ako pinansin.

May kinuha siya sa kaniyang bulsa ng pantalon at ipinakita sa akin ang limang litrato.

"We got them in the same place." Tipid niyang sagot na ikinatuwa ko.

"Kung ganon tapos na ang misyon natin?" Paninigurado ko pa.

" Yeah. But that doesn't mean that I'm not your boss."

" Tsk. So ibig sabihin hanggang boss kita, partner in crime pa rin tayo?"

Tumango naman siya habang pangisi-ngisi pa. " Yeah! You got the point. So let's go, I'm enjoying myself too. And I don't care if I'd kill someone. Muntik ka ng magahasa kung hindi agad ako nakarating."

"Ayos lang 'yon. 'Buti nakarating ka, baka mapatay ko na 'yung matanda na 'yon. Ang baho pa ng amoy. Kadiri!" Napangiwi pa ako lalo nang maalala ang paghawak sa hita ko at paghalik nito sa braso ko.

Mahabang session of washing my whole body ang peg ko pagkauwi.

"You should do that. Hindi mo na sana ako hinintay." Pailing-iling pa ito sa aking direksyon.

"Ayoko nga. Magalit ka pa, baka wala na ako sa mundo." Pagdadahilan ko agad sa sinabi niya.

"I can't do that. Hanggat may gumugulo pa rin sa isipan ko, ayokong sambitin ang mga katagang 'to. Kaya tara na!"

Kahit na hindi na niya sabihin. Alam ko na ang tinutukoy niya.

I'm willing to wait, alam kong maraming nangyari sa iyo noon.

Kapag handa ka na, handa rin akong papasukin ka sa buhay ko.

"Tara na!" Masaya ko siyang hinila palabas ng underground bar na ito.

Napansin ko na lang ang pag-iling niya at hindi na lang nagsalita pa.

**

"Paano ka nga pala nakapasok na may hawak na bag na kinalalagyan ng mga baril?" Tanong ko agad dito habang binabagtas namin ang daan pauwi sa bahay niya.

Doon na muna raw ako tutuloy. Kasama naman niya ang kaibigang si Froyd. Kaya huwag daw akong mag-isip ng kung anu-ano.

Hindi rin ako dapat umuwi na ganito ang kalagayan ko. Napansin na rin niya ang sugat sa aking pisngi, buti na lang daw hindi malaki. Baka raw napatay niya lalo ang lalaking gumawa nito.

Kitang-kita talaga ang galit sa mga mata niya. Pero hinampas ko lang ang braso niya para magbalik siya sa normal.

Ang sabi niya kasi na magagawa ko ang lahat basta bumalik siya sa dati. Kita kasi na nawawala na naman siya sa sarili dahil lang sa akin.

Mabuti bumalik na siya sa diwa niya. Baka kulang pa ang lakas ng pagkakahampas ko.

"Kinausap ako ni Ace. Sinabi niya na may isa raw siyang kakilala  sa loob ng bar na pupuntahan natin. Hindi na bago ang pakikipagpalitan ng baril at droga sa loob basta may patunay ka lang na isa kang member o nasa loob ang pagbibigyan mo nito." Paliwanag niya sa akin nang napakahaba kaya napatango-tango naman ako.

Ang hindi ko lang ma-gets kung bakit alam ni Ace? At kung meron man siyang kakilala rito bakit hindi na lang sila ang gumawa nito? May mga kamay naman sila, at isa pa sila ang anak ng king at queen. Malapit na rin nilang makuha ang trono sa magulang. Kaya bakit hindi nila ginagawa?

Ano 'yon ti-ne-testing nila ang kakayahan na meron si Jack? Kung magagawa niya ba ang inuutos nila at ipapahawak na lang sa iba?

Naalala ko nga pala na dakilang bully ang ama nila noong kabataan pa nito. Pero hindi naman nakikisali sa away, siya lang ang nag-uutos ng gagawin sa mga kaibigan o sa mga kaeskwela nila.

Kaya hindi na ako magtataka kung nakuha nila ang ganong ugali. At si Sir Jack ang napag-utusan nila ngayon

"Mukhang ti-ne-testing ka ng dalawa." Naisagot ko na lang sa mahabang pagkatahimik.

Inihilig ko ang aking ulo sa may headboard at pumikit. Nanghihina ako sa sobrang daming kalaban na naengkwentro namin.

"Basta ang lahat ng ito ay may kapalit na napakahalaga. Ayos lang na kung ilang ulit nila akong pag-testing-an." Narinig kong sambit niya bago ako kainin ng antok.