NMKIMB 21

LINZIE'S POV:

"Are you sure about this plan? We can change it?" Pagpapaulit na naman nitong si Sir Jack.

Halata sa kaniya na hindi niya gusto ang plano ko. Pero wala akong magagawa, 'yon lang ang kaya kong itulong sa kaniya.

"Okay lang ako, ang kailangan mo lang gawin ay pumasok sa loob. May I. D ka naman na patunay na isa kang myembro ng organisasyon nila. Mauuna ako para gawin ang pagpapanggap na bagong dancer nila."

'Yun ang plano ko. Ang maging dancer nila at maakit ang tukneneng Bobby na 'yon. Sana nga lang maakit siya sa akin. Binigyan din ako ni Aze ng skin face mask. Kaya raw nitong mabago ang mukha ko.

Kamukha ko raw masyado si Tatay kaya hindi na kataka-taka kung makilala rin ako ng kalaban. Nag-iingat lang daw sila sa akin, lalong-lalo na't babae ako at walang alam sa mga misyon na ito.

"Haist! I don't have any choice too. If something bad happen, I'll gonna kill every person here. Goodluck. " At tulad ng ginagawa niya no'n.

Hinawakan niya muli ang aking buhok at ginulo 'yun. At saka napatingin sa aking suot.

Nakaitim na tube ako na may tali sa magkabila para hindi mahulog at makita ang aking dibdib. Saka maikling short na fitted. Anytime makikita na ang singit mo kapag umupo ka.

Ganito ang sinusuot ng mga babae sa bar sa ilalim ng lupa noong ginawa ni Tatay ang misyon niya. Akala ko nga nagbago na, pero hindi pa pala.

"Tsk! I hate seeing you like this." Sabay ismid pa niya na ikinatuwa ng aking puso.

"Ahaha! You're cute boss. I need to go. May nakita akong babae na katulad ng suot ko. Makikipag-close na lang ako. See you! " Ngumiti pa ako at kumaway sa lalaking hindi talaga maipinta ang mukha.

Namumula na rin ang aking pisngi. Hindi dapat ako nag-a-assume pero sa bawat galaw niya at paano siya umakto... p-parang nagseselos siya.

Magkakaroon na ba ako ng puwang?

No! Sa misyon muna ako mag-isip. Kailangan kong makapasok sa loob nang walang nakakapansin na nagbabalatkayo lang ako na dancer.

"Hi!" Magiliw na bati ko sa isang babae na nagulat pa sa aking pagsulpot. Sinipat niya ang kabuuan ko at saka ngumiti.

"Bago ka ba? Ngayon lang kasi kita nakita. Ako si Era, ikaw?" Ang galing! Mukhang naaayon sa plano ang lahat.

Ngumiti naman ako nang matamis at saka nilahad ang aking kamay. Kinuha niya rin 'yon at nakipag-kamayan pa kaming dalawa.

"Ako naman si Ela, oo bago lang ako rito. Kaya medyo mahirap sa akin ang lahat. P'wede mo ba akong turuan?"

"Sure! Tara sa loob at ipapakilala kita sa iba pa. Tiyak na marami kang matutunan sa kanila." Ngumiti rin siya at siya na mismo ang humila sa aking kanang kamay para makalapit lang sa maliit na bahay na katabi lang ng mga kainan.

Nilagay ko pa ang aking kaliwang kamay sa aking likuran at nag-thumbs up sa taong 'yun.

***

"Ready ka na ba Ela?" Tanong sa akin ni Era matapos ipaliwanag sa akin ng lahat ang gagawin ko.

Mababait naman sila at very approaching pa nila sa mga bago. Basta ang tandaan ko lang daw ay huwag na huwag akong gagawa ng mali. Kung ayaw ko raw makita ang galit ng kumadrona nila.

Parang sa rentahan lang sa bahay. Kapag hindi ka nakabayad sa tamang araw, lagot na lagot ako.

'Buti na lang pumasok ako sa bookstore ni Sir Jack kaya nabayaran ko na ang lahat sa renta ko. Ang tanging alalahanin ko na lang ay ang tubig at kuryente.

Nagpadala na rin ako sa nanay ko. Malaki-laki ang naibigay ko kaysa sa natira sa akin. Ang mahalaga sa akin nakatulong ako nang malaki sa kanila.

"Tara na sa labas. Kailangan na nating paligayahin ang mga customer." Tanging tango na lang ang naging tugon ko kay Era.

Kahit sa loob-loob ko ay nandidiri ako. Anong paliligayahin?

Baka gusto nilang makaramdam ng sakit sa gitna nila. Pero hindi p'wede, nasa misyon ako kailangan kong gawin ang lahat para mapunta sa aking direksyon ang atensyon ng Bobby na 'yon.

Nagsimula na nga kaming maglakad papunta sa gitna ng stage. Naamoy ko na agad ang iba't ibang amoy ng sigarilyo at alak sa buong paligid.

May nakikita pa akong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot habang nakikipagsigawan din sa kalalakihan.

Napalingon ako sa buong paligid. Hinahanap ng aking mata ang lalaking si Sir Jack.

Napansin ko siya sa pinakadulo sa may kaliwang bahagi ng bar, nasa tabi siya ng pader at ng malaking vase na may halaman na parang sa niyog ang dahon.

Palingon-lingon din ang kaniyang mukha sa buong paligid. Nakasumbrero siya at jacket na hoodie. Ayaw niyang malaman ng iba na siya si Jack.

Pero napabalik ako sa aking diwa. Tinapik ni Era ang braso ko. Sumasayaw na siya at gumigiling sa harapan ng lahat.

Pinandilatan ako nito ng mata. Kaya nalaman ko na kung ano ang tinutukoy niya.

Nagsimula na rin akong gumiling. Hinawakan ko pa ang aking hita hanggang sa aking pinagkakaingatan at dibdib.

Nag-flying kiss pa ako sa kalalakihan at muling ginawa ang pagsayaw. Mula bata pa ako ay nakasanayan ko na at minahal ang pagsasayaw ng kung anu-anong genre nito.

"Woah!"

"Ang hot niya!"

"Nanggigigil ako! Gusto ko na siyang angkitin!"

"Sh*t! Ang ganda niya!"

"Na-h*-h*rny ako pare! Sh*t!"

Mga sigawan ng mga lalaki sa may kanan namin. Ngumiti naman ako sa kanila at saka kumindat habang ginagalaw ang aking beywang pakaliwa't kanan.

Napadako lang ang tingin ko sa lalaking tumayo sa kaniyang pagkakaupo. Dahan-dahan siyang lumapit sa aking direksyon.

Matanda na siya at may balbas na puti sa baba niya. Hindi siya ganon mataba pero namumukhaan ko siya.

Our target.

Bobby.

"Come to me." Utos nito sa akin sa ma-la-otoridad na boses. Napatigil ako sa paggiling at pagpapa-cute sa lahat. Lumingon pa ako kila Era.

Tumango naman ito na sinasabi sa akin na makisama na lang sa lalaki.

Wala na rin akong nagawa kundi ang sumama sa matandang ito. Maputi siya. Pero pangit pa rin siya.

At bastos.

Hindi pa nga kami nakakalayo sa stage ng bar na ito, hinawakan na agad niya ang umbok ng likuran ko sa kaliwa. Nasa kaliwa ko kasi siya.

Mabilis akong lumayo sa direksyon niya para ilayo ang nakakadiri niyang kamay. Pero malakas niya akong hinawakan sa aking braso.

Nanggigigil ang kaniyang kamay. Kaya nakaramdam ako ng sakit sa paraan ng kaniyang paghawak.

"Na-nasasaktan ako..." Pagmamakaawa ko sa kaniya.

Pero binigyan niya lang ako nang walang emosyon na tingin at hindi man lang ako pinansin. Nagtuloy-tuloy lang kami na makalayo.

Mayroon sa underground bar na hotel din na kadugtong lang nito. May isang pintuan ang nasa harapan namin at panigurado na ito ang daan papunta sa hotel na 'yon.

Tang*na! Nasan ka na ba Sir Jack? Bakit ba ang tagal mo? Naiinis na ako sa matandang 'to. Gustong-gusto ko na siyang patayin pero ayokong manguna.

"Pasok!" Malakas akong sinigawan ng matandang ito.

Naamoy ko pa ang dalawang mabahong bagay na ayokong maamoy sa buong buhay ko. Pinagsamang alak at sigarilyo.

Wala na rin akong nagawa pa kundi ang sundin ang inuutos niya. Nagpapanggap ako na natatakot sa matandang ito.

Hinawakan ko ang aking buong katawan matapos niya akong bitawan.

Pero hinila niya ang isa sa kanang kamay ko at mabilis na tinulak pahiga sa kama. Pumikit agad ako. Naramdaman ko ang pagpatong niya sa ibabaw ko.

Hinawakan ang hita ko. Maski ang braso ko ay pinasadahan niya ng labi habang inaamoy.

"You're so sweet, honey. You're making me crazy."

Ayoko na! Ayoko na!

J-Jack asan ka na ba?!

Napatigil agad ang matanda sa ginagawa nang malakas na bumukas ang pintuan.

"F*ck you! Who the hell are you para hawakan ang pag-aari ko!" Inis na sigaw ng kung sino man.

"At sino ka naman na nangingialam sa gusto kong gawin. Hindi mo ba ako kilala?" Matapang na sagot naman nitong si Bobby at saka lumayo na sa aking direksyon.

Marahan kong iminulat ang aking mata. Nakita ko si Sir Jack na nanlilisik ang mata sa kaharap niya.

"I don't care. You're just a piece of sh*t." May diin na anito sa matanda.

"Ah wala pala hah! Hindi mo alam ang kaya kong gawin sa iyo bata."

"Then show me what you've got. Puro ka lang naman dada."

" Yahhh!" Malakas na sigaw ng matanda at agaran na sumugod kay Jack.

Pero umiwas agad ito saka pinatamaan niya ng kaniyang kaliwang kamay ang likuran nito.

Sa isang kumpas lang ng kamay malakas ang naging sanhi. Napatilapon sa may pader ang matanda.

Galit na galit na tumayo ito sa pagkakaupo sa sahig at napalingon sa cabinet niya. May kukunin na kung ano.

Bago pa man niya makuha ang baril na tinatago niya, naunahan na agad siya ni Jack. Pinatamaan nito sa ulo ang matanda at inasinta talaga ang bungo.

Napangiwi na lang ako sa naging resulta. Basag na basag ang bungo sa pagtama ng baril sa ulo nito.

Hindi rin kami sinabihan ng dalawa na buhay ang misyon namin. Mas gusto nilang patay na para hindi na manggulo pa, ang tanging magagawa ko lang ay kunan ng litrato ang pagkasawi ng matanda na muntikan na akong gahasain.

"Take a shot his dead body." Binigay sa akin ni Jack ang camera kaya mabilis akong tumayo sa kama at kinuha ang camera.

Napansin ko na palingon-lingon sa labas si Sir Jack. At panigurado na narinig ng lahat ang pagbaril.

Matapos kong gawin ang aking pagkuha ng litrato. Gumawi naman ang tingin ko sa kaniya.

Hinubad niya ang hoodie niya at pinasuot sa akin. Hindi na rin ako umangal pa, ayoko rin na ganito ang suot ko.

"P'wede ba akong humingi ng baril kahit dalawa lang? Gusto kong tulungan ka." Panghihingi ko sa kaniya ng permiso.

Hindi na lang siya nagsalita pa. May kinuha siya sa bag niya at dalawang baril ito. Ang isa ay maliit at ang isa naman ay medyo may kalakihan.

"Tara na! Parating na sila." Pagtatawag niya sa akin mula sa pagkahumaling sa baril.

Naririnig ko na rin ang mga yapak na papalapit sa aming direksyon.

"Okay." Seryoso ko ring sagot sa kaniya.

Parehas kaming naglakad palabas ng room na ito. Ang mga postura namin ay handang-handa na sa mangyayari.

Let's rock 'n roll!