NMKIMB 20

LINZIE'S POV:

Nasa harapan ko na talaga ang mag-asawang Chaiyan. Ang babae ay si Ma'am X, pero ang tunay na pangalan niya ay Zhemaickia Rozelle Oceana.

Mayroon siyang school noon na ngayon ay pinasara na. Pero may mga bali-balita na ipapabalik niya ito at babaguhin ang patakaran.

At ang asawa naman niya ay si Sir Creg na kung makakapit sa asawa ay parang makukuha siya ng iba. Hindi naman mahigpit ang pagkakahawak.

Napagawi naman ang tingin ko sa dalawang lalaki. Magkamukha talaga silang tatlo kung naging lalaki si Ma'am X. Ang tanging palatandaan lang sa kanila ay ang kulay ng mata.

Ang kulay berdeng mata ay si Sir Yasther. Hindi na ako magugulat kung ganito kalamig ang pakikitungo niya.

At ang kulay asul naman na mata ay si Sir Yaune na kasama ang isang koreana na tahimik lang habang kahawak ang asawa.

Si Sir Yasther nga lang ang kakaiba ang ka-partner. Hindi ko kilala ito, pero bagay silang dalawa.

At ang pinsan nilang si Aj na nakaputing polo at pantalon na itim. Siya ang Headmaster dito sa school pero hindi na rin niya nagagampanan dahil sa asawa na si Ma'am Soo Min.

Ang tumawag sa pangalan ni Sir Jack ay si Sir Creg. Wala rito ang anak nila na si Aze at Creg maski ang bunso nilang babae.

Ang tatlong lalaki ay nakaitim na tuxedo na pinartneran ng manipis na damit. At iba't ibang kulay ng pantalon. Ang suot nila ay base sa kulay ng mata nila.

Si Ma'am X nga lang ang kakaiba. Naka-tube na pula na pinartneran ng coat at leggings. Hindi siya katulad ng mga studyante na naka-dress.

"Kayo po pala." Yumuko ang boss ko sa harapan kaya nakigaya rin ako.

Pagkaangat ng aking mukha ay napangiwi ako sa paraan ng pagkakatitig sa akin ng lahat.

"You look familiar. I saw a guy that looks like you in our family's album. How about you X? Did you see the same too?" Tanong agad nitong si Sir  Yaune kay Ma'am X na pinaningkitan pa ako nang mata.

Sinisigurado lang na tama ang kaniyang hinala. Hindi na rin ako magtataka kung may maalala sila sa mukhang ito.

Kamukhang-kamukha ko si Tatay. Ako lang ang nakakuha ng lahat sa kaniya. Pati kagustuhan ay nasa akin na. Ang masaklap lang, ayaw niya akong ipasabak sa pagiging Secret Agent.

"What's your name, Ms.?" Tanong nito sa akin sabay ngiti nang matamis.

Naiilang naman ako sa ngiti niya. Hindi ko kasi kaya... nakakahumaling ang pagiging marikit  ni Ma'am X.

"Linzie Mikaele Franzie po, Ma'am X." Magalang na sagot ko naman nang hindi makatingin sa kaniya.

May humawak naman sa kamay ko at saka pinisil 'yon. Napalingon agad ako sa boss ko na nakangiti sa akin.

Napamulahan naman ako sabay iwas sa kaniya. Lumalakas na naman ang aking pagtibok ng puso at maski ang mga bala na naman ay nararamdaman ko na naman sa aking dibdib at t'yan.

Hindi masakit. Pero nakakakiliti.

"Ow! I've knew it! Maaasahan ng magulang natin ang ama nitong si Linzie. Magaling na Secret Agent din ang ama niya at binuwis talaga ang buhay para makatulong sa pamilya natin. Kaya huwag mo na kaming matawag-tawag na ma'am or sir. You can call us by our name too. Dahil kung hindi sa ama ninyo, hindi kami makakatakas nitong kakambal kong si Yasther. Pinipilit namin siyang samahan kami pagtakas, pero pinili ng ama mo ang manatili para sa pamilya namin. Kaya ngayon ay personal na naming ihahayag ang pagpapasalamat sa kaniyang anak. Maraming salamat sa 'yo Linzie at sa pamilya mo na rin. Mabuhay kayo. " Lumapit pa si Ma–este si X sa akin at niyakap ako.

Hindi lang din 'yon. Pati ang mga lalaki ay niyakap din ako. Hindi na lang ako nagsalita kahit na bakas sa aking mukha ang pagkagulat sa kanilang ginawa.

Kahit nakahiwalay na sila sa pagkakayakap ay nandoon pa rin ang lahat. Woah! Best day ever!

"S-salamat din po sa inyo." Yumuko ako sa kanila saka ngumiti nang malapad.

Tama lang pala ang desisyon ko. Hinding-hindi mawawala sa akin ang kasiyahan na ito.

***

"Thank you." Ngumiti ako kay Sir Jack matapos naming maisip na pumunta sa aming upuan. Nasa kanan ko siya at kaharap naman niya ang kaibigan sa kabilang bahagi nitong lamesa.

Hindi namin kasama ang mga Yuazzer. Pero malapit din naman sila sa aming direksyon. Ang nandito lang ay ang pangalawa na anak nila Creg at X na si Aze.

Wala pa si Ace, kanina ko pa hindi nakikita ang panganay na anak nila. Hindi raw 'yon marunong makihalubilo sa mga tao. Baka hindi pumunta.

"You're welcome. Be happy." Tumango naman ako at muling pinasadahan ang tingin ang buong paligid.

Pero napadako ang tingin ko sa dalawang 'to. Parang may something na ewan 'e.

Tinutukoy ko lang ang kaibigan ni Sir Jack na si Froyd at Aze.

"Huwag ka ngang kadikit. Para ka namang linta." Naiinis na turan nito kay Aze na kung makapulupot sa braso ni Froyd ay parang linta nga.

Parang patay na patay ang anak ni X sa kaibigan ni Sir Jack. 'Yun nga lang parang naiilang si Froyd.

Siguro sa edad at kasarian na rin nila.

Hindi ko na lang sila pinagtuunan ng pansin at muling pinagmasdan ang paligid.

JACK'S POV:

"Mukhang enjoy ata si Ace na kasayaw ang babae." Komento ko sa kakambal nitong si Aze.

Kanina pa kami rito. Siguro alas dyes na ng gabi. At hindi pa rin tumitigil sa kakasaya ang lahat. May iilang kalalakihan ang inaaya ang ka-partner nila para sumayaw at damhin ang samyo ng kanta na pang-romantika.

Hinayaan ko na rin si Linzie na gawin ang gusto niya kaya wala siya rito sa lamesa namin. Nandoon siya sa direksyon ng mga Yuazzer, nakikipagkwentuhan at inaalala ang nakaraan. Ayos na rin 'yon, basta huwag lang siyang makikisayaw sa kalalakihan.

Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko. Nandito pa rin ang pagkailang ko sa pagmamahal. Hindi pa rin 'yon magbabago. Lalong-lalo na't naalala ko ang tungkol sa ama ko at sa kapatid ko.

Pero masakit sa mata ang makita siyang may kasamang iba. Lalong-lalo na ang Mike na 'yon, kaibigan siya ni Linzie simula pagkabata nila.

Hindi rin ako naniniwala na kaibigan lang ang tingin nito sa empleyado ko. May mas higit pa. At hindi ako makakapayag na makaporma siya sa babaeng nagpapagulo sa kaisipan ko.

Hanggat hindi pa ako kumpirmado, dapat bakuran ko na ito.

Sounds weird...

"'Yan? Dating minamahal ni Ace 'yan. Pero hindi sila itinadhana sa isa't isa." Ngumiti nang pilit si Aze sa akin at saka inihilig ang ulo sa may balikat nitong kaibigan ko.

Hindi na rin umangal pa si Froyd. Napagod na rin siguro sa kakangawa sa underage.

Naiiling na lang ako at pinagmamasdan ang dalawang tao sa unahan namin. Magkatitigan at akala mo may sariling mundo sila.

"Bakit hindi nila ipinaglaban ang isa't isa? They're inlove, right?" Pangongorek ko pa sa lalaking ito pero umiling naman siya at saka napabuntong-hininga.

"Sa tingin ng iba, parang meron. Pero wala na. Matagal ng naka-move on si Ace. 14 na naging sila, sobrang bata pero seryoso si Ace kay Arra. Kaso nga lang nagkahiwalay sila noong 16 at umalis ng bansa si Arra. Ayaw ng magulang ni Arra na masangkot ito sa gulo ng pamilya namin. Pero naghintay siya, patuloy siyang naghihintay sa pagbabalik ng minamahal. Kaso may hangganan ang lahat kung may dahilan. Nitong pagpasok lang ng taon naka-move on si Ace. Hindi na siya iyakin at nagmumukmok sa kwarto. Ang tanging nagpapabalik sa dating gawi niya ay ang pagmamaneho at pagsama sa akin sa mga lakad ko." Mahabang paliwanag niya.

At sakto na natapos ang kanta na hindi ko alam ang pamagat. Masyado ng luma.

Muli akong napagawi sa direksyon nila Ace. Nakita ko siyang ngumiti nang tipid sa babaeng nagngangalang Arra at saka nagpaalam na.

Idinako ko na lang ang sarili ko sa hapagkainan at kinuha ang baso na may alak. Mabilis ko itong nilagay sa aking bibig at nilagok ang lahat ng laman.

Saktong pagbaba ko ng baso ay ang pagdating nito sa aming pwesto. Umupo siya sa katabi ko sa kanan din. Ito at kay Linzie lang ang bakante na upuan sa lamesa namin.

"Hey! Where's your partner? Hindi ko pa siya nakikilala." Tinuro ko naman ang babaeng nakikitawa sa katabi naming lamesa sa kanan.

"The girl with a blue dress. Katabi ng mommy mo." Napalingon naman siya ro'n at napangisi.

"Wow! She's a goddess with a simple clothes. Nililigawan mo?" Napakibit-balikat naman ako sa tanong niya.

Hindi ko pa alam ang sagot dito. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako. Ayokong madaliin ang mga bagay-bagay baka sa huli mapunta sa pagiging toxic ang lahat.

"Change topic. Did you already find the box?" Pagpapalit ko naman ng topic sa kanila.

Sabay-sabay naman silang napatango na ikinahanga ko. Tama lang pala na tulungan nila ako. Sobrang napadali ang lahat hindi ko na kailangan pang maghintay nang matagal.

"Yeah! But you need to finish the mission we gave. Don't worry, we play fair. Kapag nalaman namin na nagawa mo na, mapupunta na rin sa 'yo ang hinahanap mo." Napatango-tango naman ako sa narinig ko kay Aze.

Hindi ko nakakalimutan 'yon. Ang mahalaga lang akin na hindi ko na kailangan pang magbayad nang malaki sa mga walang kwentang tao na hindi mahanap ang kahon na 'yon.

"I know. Bakit ang bilis ninyong mahanap?" Nagtataka kong tanong sa kanila.

"Ow! About that? Unexpected happen. Maski kami ay hindi makapaniwala na may nakahanap nito. One of our father's member in organization." Walang ganang saad ni Ace saka napa-ub-ob na sa lamesa.

Napansin ko na pumikit siya at hindi na inaalala pa ang mga taong makakakita sa kaniya.

"Hayaan mo na 'yan. Bata pa lang kami gan'yan na talaga 'yan. Kahit saang lugar kapag nakaramdam siya ng antok, matutulog talaga siya." Pagpapaalala nitong si Aze sa akin nang mapansin na nakatingin ako sa kapatid niya.

Tanging tango na lang ang iginawad ko at muling pinagmasdan ang babaeng nakangiti lang sa mga kasama niya.

Napadako naman ang mga mata niya sa direksyon ko at saka ngumiti nang matamis.

Napangiti na rin ako nang wala sa oras.

This hella crazy. Kapag nalaman ko na talaga ang sagot, humanda ka sa akin Linzie.