Kabanata 76
DIEGO POV
Hindi maalis ang tingin ko sa asawa ko na kasalukuyan nang nakapikit habang sinusuot ko ang aking
damit. Hindi ko gusto na saktan at umiiyak siya kanina. Hindi ko rin akalain na napansin pala niya na may
gumugulo sa isipan ko. Masyado pala akong halata. Ang tototo, handa kong kimkimin lahat ng iyon at
pilitin na iwaglit sa puso ko. Wala akong balak na ipaalam sa kaniya ang nararamdaman ko. Ang selos ko.
Sira-ulo ko! Sakabila nang pananakit ng lalaking iyon sa asawa ko nakaramdan pa rin ako ng selos.
Nagseselos ako dahil alam ko kung gaano niya kamahal ang lalaking iyon noon. Nakita ko kung paano
niya iniyakan at paano siya nasaktan noong nagkalabuan sila. Paulit-ulit niya pa na binibigkas ang
pangalan nito. Kaya nga ako umalis dahil doon. Iyon ang dahilan kung bakit ako sumuko at nagpaubaya.
Ayoko man, hindi ko man gustong mag-isip ng masama. Hindi ko naman mapigil ang puso ko. Ito lang
naman kasing puso ko ang nagrereklamo. Pero itong utak ko, alam na hindi papayagan ng asawa ko, ano
man ang gustuhing gawin ni Romeo. Pinatunayan din iyon ni Doktora Jessa.
Sabi ko nga rin kanina, wala ngang nagawa ang lalaking iyon noong sila pa at mahal niya pa ito. Iyon pa
kayang panahon na puro galit na lamang ang nararamdaman niya para sa lalaking iyon.
Pero mabuti na rin at napag-usapan na namin ang bagay na iyon kay sa patuloy na gugulo sa isipan ko.
Ngayon wala na kaming tinatago at kinikimkim sa loob na maaring maging dahilan sa pag-aaway namin.
Mahal na mahal ko ang asawa ko. Ayokong magkalamat ang aming pagsasama, ang aming relasyon dahil
lamang sa mga nakaraan.
Ang tulungan siya para tuluyang mabaon sa limot ang masamang karanasan sa kamay ni Romeo ang
dapat kong isipin at hindi ang mga bagay na makapagpaalala sa kaniya sa masamang bangungot na 'yon.
Tama rin naman siya, hindi na dapat namin balikan ang mga masasakit na nakaraan. Ang kasalukuyan at
kinabukasan ang dapat naming pagtuunan ng pansin.
Sunod-sunod na katok ang nagpahinto sa pag-iisip ko.
Napangiti ako nang marinig ang mahinang hilik ng asawa ko. Hinagkan ko siya at tinakpan ng kumot ang
hubad nitong katawan. Saka ako lumabas ng silid. Medyo asar sa taong nasa labas. Mag-aalas dyes na
kasi ng gabi. Nangbubulahaw pa.
Binuksan ko ang solar light sa labas bago binuksan ang pinto. Baka kasi kung sinong sira-ulo ang
kumatok. Mabuti na iyong kita agad ang mukha niya.
"P're!" nakangising bungad ni Nelson. Namumula ang mukha at parang may tama na. May hawak na
dalawang bote ng beer na inangat niya para ipakita sa akin.
Nagsalubong ang mga kilay ko. "Akala ko ba, ayaw mo munang bumalik dito sa isla?!" Imbes na
magandang bati ang tugon ko, dismaya ang pinakita ko.
Nakakagulat naman kasi ang bigla nitong pagsulpot. Ang sabi niya, hindi na raw muna siya babalik dito sa
isla. Gusto niya pa raw makasama at mas makilala pa si Jane.
"Na miss kita, P're!" ngising tugon nito.
"Miss... mukha mo! Ang sabihin mo may problema ka at kailangan mo ng maiiyakan!" pang-aasar ko.
"Papapasukin mo ba ako o aasarin mo lang?" tampo nitong saad.
"Pasok na... " Agad naman itong tumuloy.
"Tulog na ba si Via, P're?" tanong niya kasabay ang pag-upo.
Via na ang tawag niya sa asawa ko. Medyo nakakailang dahil nasanay na rin ako na Mia ang tawag niya
sa asawa ko. Pero kailangan mawala na sa isipan namin ang pangalan na iyon. Ano mang
makapagpaalala ng masamang bangungot na nangyari sa aming buhay ay binabaon namin sa limot.
"Oo... kakatapos lang naming mag..."
"Wa... wa... wa..." awat niya sa sasabihin ko. Ginawa pa akong kalabaw na pinapatigil sa pag-aararo.
"Pati ba naman mga intimate moment n'yo ng asawa mo, sinasabi mo pa?! Ano, nang-iinggit?!"
Naduro ko siya. "Problema talaga iyang utak mo!" Umiling ako, kasunod noon ang pagbuntong-hininga.
"Umiiyak siya kanina..."
"Inaway mo?!" tumaas boses niya, at dinuro pa ako.
"Hindi... naungkat lang ang nakaraan. Pero naayos na naman namin. Ikaw... anong problema mo, at
biglang sulpot ka dito ng ganitong oras?"
Lumagok ito ng beer imbes na sumagot.
Bumuntong-hininga pa pagkatapos.
"Ang totoo... umiiwas ako kay Jane!" umiiling-iling na sabi nito.
"Akala ko ba, gusto mo pa siyang makilala at makasama. Bakit ngayon umiiwas ka na?" tanong ko.
Sa simula pa lamang alam ko na hindi talaga sila magtatagal. Masyado clingy si Jane. Iyong tipo na
nakakasakal na.
"P're... gusto akong itali! Sino ang hindi iiwas do'n! Mag-aapat na buwan pa nga lang kami. Gusto agad
ng kasal!"
Hindi ko napigil ang matawa. "Ayan ang napala sa kalandain mo!"
"Excuse me! Siya ang lumandi... siya ang namimilit. Hindi ako! Alam mo naman ako, mapagbigay!"
"Alam ko nga na mapagbigay ka... ng semilya!" Sabay kaming natawa pero agad namang tumahimik.
Panay inum na lamang ang ginawa niya. In-obserbahan ko lang itong kaibigan kong tulala na naman.
Sira-ulo pa rin 'to. Ang dami pa rin kalokohan at katarantaduhan na ginagawa.
Pero mula no'ng umalis na naman si Dorry. Lagi na naman siyang tulala. Hindi ko alam kung galit o ano.
Hindi namin alam kung nag-away o nagkaayos ba sila ni Dorry bago iyon umalis. Ayaw kasi magkwento.
"P're! Mabubutas na 'yong dingding sa kakatitig mo," saway ko. Mapait na ngiti ang tugon niya na
kasabay ang pag-iling.
"P're... sino ba talaga ang iniisip mo?" tanong ko nang hindi na naman ito nagsalita.
Buntong-hininga at sulyap lamang ang tugon niya.
"Ayaw mo ba talagang magsalita? Ilabas mo na iyan, P're, walang mangyayari kung puro lamang kimkim
ang gagawin mo!"
Ayoko sanang uminum. Pero dahil sa hitsura nitong kaibigan kong animo ay pasan ang mundo bigla
akong nauhaw.
"Bakit ayaw niya sa akin niya, P're?" Bigla nitong tanong. Muntik ko pang maibuga ang beer na iniinum
ko.
"Si Dorry ba?" tanong ko.
Pagtango lamang ang tugon niya, saka lumagok na naman ng beer.
"Hindi ko alam, P're... siya lang ang makakasagot sa tanong mo na 'yan. 'Tsaka... nag-usap na naman
kayo bago siya umalis hindi ba?" tanong ko, kahit alam kong hindi na naman niya sasagutin. Pero subok
lang. Nakainum kasi, baka magbago na rin ang isip at gusto nang e-kwento ang nangyari sa kanila.
"Nagpaalam lang siya... hindi kami nag-usap! Hindi niya pa rin ako binigyan ng pagkakataon na
magsalita. Basta na lamang siya umalis. Gustuhin ko man na habulin siya. Hindi ko magawa!" Puno ng
hinanakit na salaysay niya. Napasabunot pa sa buhok at halos ubusin ang beer sa isang lagok lang.
"Siya iyong nang-iwan! Bakit siya pa ang galit! Ang sakit lang, P're... nagkakaganito ako sa babaeng
mahal ko. Pero hindi naman ako mahal!"
"P're, parang hindi mo naman alam ang love story namin ng asawa ko. Malay mo, may happy ending din
kayo gaya namin ng asawa ko."
"Iba-iba ang kapalaran ng mga tao P're... iyong nangyari sa inyo ni Via. Siguradong hindi na mangyayari
sa amin ni Dorry. Hindi na ako aasa na magiging kami. Ayaw niya sa akin, p'wes ayoko na rin sa kan'ya.
Hindi na ako papayag na paulit-ulit niya akong saktan. Ni ang gustuhin siyang makitang muli, ayoko na!"
Buntong-hininga lamang ang tugon ko. Kahit naman kasi anong sabihin ko. Desisyon niya pa rin ang
masusunod. Buhay niya kasi iyan. Kahit ako na bestfriend ni Dorry, hindi na rin maintindihan ang
babaeng 'yon. Ang alam ko, noon ang tindi niya rin magmahal. Pero kapag nasaktan, matindi rin. Ang
masama kinamumuhian niya ang taong nanakit siya kan'ya.
Pero sa sitwasyon nila Nelson. Siya nga ang nang-iwan siya ang nanakit. Pero bakit siya ang umaastang
nasasaktan? Bakit siya ang parang galit?
"Ayoko na isipin ang babae na 'yon, P're! Ang daming babae sa mundo! Mas maganda, mas sexy kay sa
do'n!"
"Oo na, tama ka! Ang dami ngang babae sa mundo at sigurado akong may isa sa kanila na nakalaan
talaga para sa'yo!"
Kibit-balikat lamang ang tugon nito.
"P're, hoy! Umuwi ka na!" taboy ko, nang humiga ito sa sofa. Pero iling at ngisi lamang ang tugon nito.
"Hayaan mo na muna akong matulog dito, P're. Sigurado kasi na tulog na ang mga magulang ko. Ayoko
na maisturbo pa sila." Pikit-matang tugon nito.
"Galing... ayaw mong gisingin ang mga magulang mo pero ako ayos lang na isturbohin mo!"
Kumuha na lamang ako ng unan at kumot para ibigay dito sa kaibigan kong pilit pinagkasya ang sarili sa
sofa.
"Sa sahig ka na lamang matulog, P're. Latag mo 'to," wika ko kasabay ang pag-abot sa kaniya ng
comforter. Walang imik na tinanggap niya iyon at agad na nilatag.
"Halika na, P're, tabi tayo!" ngising wika nito.
"Sira-ulo! Matulog ka na, balikan ko na ang asawa ko," paalam ko.
"Goodnight, P're! Hinaan n'yo lang ha, 'yong 'di ko marinig!"
"Problema mo na 'yon kung marinig mo man kami!" biro ko.
Lumingon ako nang wala akong marinig na tugon. Nakapikit na ito at nakapatong ang braso sa noo. Pero
kita ko pa rin ang pag-angat ng dibdib niya sa kada buga ng hangin.
"P're," tawag niya.
Papasok na sana ako sa kwarto saka naman ito nagsalita. Huminto ako at humarap sa kan'ya. Umupo
siya at sumandal sa sofa.
"Bakit?" tipid kong tanong. Medyo antok na rin kasi ako. Pero dahil dito sa kaibigan ko ay puyat ang
labas ko. Hindi ko rin siya maiwan kasi. Nakakaawa ang hitsura. Parang ako lang noon, 'yong mga
panahon na hindi ko pa kapiling ang asawa ko.
"Tungkol na naman ba kay Dorry?" tanong ko nang hindi naman ito nagsasalita.
"Hindi... ayoko na nga isipin ang babaeng 'yon!" inis nitong tugon.
" 'Yon naman pala! Bakit busangot na naman iyang mukha mo. 'Tsaka ano man iyang sasabihin mo ay
sabihin mo na at antok na ako!"
"Kumusta si Via?" bigla nitong tanong, na ikinakunot ng noo ko. "Tingin mo nakalimot na siya?" seryoso
niyang tanong, na nagpakababog ng dibdib ko. Bakit bigla nitong naitanong kung nakalimot na ba ang
asawa ko?
"Hindi madaling kalimutan ang nangyari, P're. Panahon lamang ang makapagsabi kung kilan maghihilum
ang sugat na gawa ng masamang karanasan na iyon sa buhay namin."
"Sa bagay, ako nga rin hindi pa rin makalimutan ang nangyari, siya pa kaya. Kayo pa kaya!" Buntonghininga ang pumutol sa aming usapan.
"Wala ka na ba'ng sasabihin? Pwede na akong matulog?" tanong ko, matapos ang sandaling
katahimikan.
"Mamaya na, samahan mo muna ako. Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita," sabi nito, kasabay ang
paghila sa akin paupo.
Hindi na lamang ako nagreklamo, tama naman kasi siya. Ngayon lamang ulit kami nagkita at nagkasama.
Na miss ko rin talaga ang kulit at kalokohan nitong kaibigan ko.
"Ano pa ba ang gusto mong pag-usapan?" tanong ko.
Ngisi at iling ang tugon niya, may kasama pang buntong-hininga.
"Ano na ba talaga ang balita sa inyo ni Jane at may pa iwas-iwas ka pa na nalalaman?"
Bigla na lamang kasing pumasok sa isip ko ang sinabi niya na tinakasan niya si Jane.
"P're nakakasakal siya! Hindi na ako makakakilos ng maayos. Walang humpay ang dating ng messages
niya sa cellphone ko! Minu-minuto ay tinatanong kung nasaan ako, anong ginagawa ko, sinong kasama
ko. Aba'y ang tindi niya P're! Kulang na lamang lagyan ako ng tali sa leeg!"
"Buti nga sa'yo! Ang hilig mo kasing lumandi kaya gusto kang itali!" ngising tugon ko. "Ano na ang
gagawin mo, ayaw mo naman pala na matali?"
"Nakipaghiwalay na ako. Sinabi ko lahat ang himutok ko! Ayon iyak ng iyak, ayaw pumayag. Nakakaawa
nga. Pero ayoko namang mag-stay sa relasyon dahil lamang sa awa. Makakalimutan din ako no'n,"
matamlay na saad niya.
"Paano kung isang araw, magpakita sa'yo si Jane na malaki na ang..."
"Hindi mangyayari 'yon' " putol niya sa sasabihin ko. "Hindi ako tumitira ng hindi safe, P're!" kampanting
tugon niya. May pa tawa-tawa pang kasama.
"Matulog na nga tayo, P're!" sabi ko, kasabay na ang pagtayo.
"P're," Pigil na naman nito sa akin.
"P're, naman, kung may sasabihin ka pa ay sabihin mo na!" medyo inis ko nang sabi. Talagang inaantok
na kasi ako.
Nawala na iyong kaba kong naramdaman kanina dahil sa napag-usapan namin. Pero ngayon bumalik na
naman dahil sa hitsura niya halata na hindi mapakali. May gustong sabihin pero hindi alam kung paano
simulan.
Seryosong tingin ang pinukol nito sa akin, na lalo lamang nagpapalakas ng kabog sa dibdib ko.
"Ano kasi, P're, si Romeo..."