Kabanata 75
Ang rupok ko talaga... sa taong mahal ko. Dati pa naman, ganito na ako. Tatampo-tampo. Dadramadrama. Bibigay din pala. Pero hindi naman masama kung magiging marupok ka man sa taong mahal mo
at alam mong mahal ka rin ng tunay.
Ang masama... kung magpapakarupok ka sa tao na alam mo namang hindi ka totoong mahal. Pero sige
ka pa rin. Asa ka pa rin.
Hindi lang marupok ang labas mo no'n kun'di tanga na.
"Hindi ka na ba galit, asawa ko?" bulong niya, kasabay ang panaka-nakang pagkagat at pagsipsip ng
tainga ko. Na talaga namang nakakakiliti. Napakagat labi tuloy ako. Kumuyom pa mga daliri sa kamay at
paa ko.
Masuyo niya rin na hinaplos ang pisngi ko, habang ang mga mata ay nakatuon na sa akin.
"Asawa ko, sorry na ha..." lambing niya. Banayad na halik sa labi ang kasabay ng salita niya.
Hindi ako tumugon sa tanong o sa halik niya. Pero hinayaan ko lamang siya sa ginagawa niya. Oo
marupok nga ako pero may ka-artehan din naman. Gusto ko 'yong sinusuyo niya ako. Lahat naman
siguro na babae gusto na suyuin sila ng mga mahal nila. Kakalikig kaya kapag gano'n.
"Galit ka pa rin ba, asawa ko?" Paulit-ulit at pabulong nitong tanong habang isa-isang tinanggal ang
botones ng damit ko na hinayaan ko lang din.
Hina din talaga pick-up nitong asawa ko minsan
Kung galit pa ako, 'di sana kanina pa ako sumabog at tinampal siya.
Pero alam ko naman na hinihintay niya lang na pigilin ko ang ginagawa niya, tarayan o tampalin siya. Asa
siya.
Aasahan niya ba talaga na pipigilan ko siya o iba ang inaasahan niya?!
"Asawa ko... magsalita ka naman, o... para na akong tanga... kausap ang sarili." Tuluyan na nitong naalis
ang damit ko.
Parang tanga raw na kausap ang sarili. Pero kamay naman busy. Nagawa na nga niya na ilantad ang
dibdib ko sa harapan niya.
Pero hindi pa rin ako tumugon. Matiim na titig lamang ang ginagawa ko. Habang pigil ang
mapahalinghing sa ginawa nitong pagpasada ng daliri sa pusod ko. Pinaikot-ikot niya ang daliri niya sa
pusod ko.
Bumababa ang tingin niya mula sa mga mata ko pababa sa dibdib ko. Awang ang labi habang nakatitig sa
litaw ko nang dibdib. Ganda ng view! Nakakanganga!
Pero halos pumikit ang mga mata ko nang lumapat ang mainit nitong palad sa dibdib ko, at banayad na
humimas sa naninigas ko nang dibdib. Alam kong hindi iyon nakaligtas sa paningin nitong asawa ko na
alam na alam kung paano ako pakalmahin. Kalmang-kalma na nga!
Gan'yan siya... puro makuha ka sa lambing. Makuha ka sa tingin at makuha ka sa landi. Talagang kuha na
ako. Kanina pa. Pero pakipot pa raw ako ng kunti.
Hindi ko napigil ang pag-awang ng bibig nang bumaba ang kamay niya sa hiyas ko. Alam kong langit iyon
sa paningin niya. Patunay ang pagngiti niya.
Sht... tahimik kong mura, habang pigil ang paggalaw ng katawan. Naghatid sa akin ng kakaibang kiliti ang
bawat haplos ng palad niya sa ibabaw ng hiyas.
"Galit ka pa ba?" mahangin niyang tanong, kasabay ang dahan-dahang paglapit ng mukha sa akin. Sa
leeg ko dumapo ang labi niya na tuluyang nagpasara ng mga mata ko. Sobrang tiim, kasabay ang
mahinang ungol, dahil sa kamay nitong naglalaro sa hiyas ko.
Sinubukan ko pa rin ang magpigil, kahit nag-iinit na ang buong katawan ko sa bawat haplos at pisil ng
palad niya, na ngayon ay dahan-dahan nang gumapang sa dibdib ko.
Hindi ko na rin mapigil ang mga kamay kong humawak sa ulo niya at bahagyang sumabunot sa buhok
niya. Rinig ko ang pigil niyang pagtawa. Na nagpangiti na rin sa akin. Tapos na ang pagtitimpi!.
"Asawa ko... bati na tayo ha, 'wag ka nang magalit..." pahingal pero malambing ang pagbigkas ng mga
salita niya.
"Tingin mo, papayag ako sa ginagawa mo ngayon kung galit pa rin ako?!" Halos paungol kong tugon.
Nang sumabay ang pagsipsip niya sa tuktok ng dibdib ko.
Bungisngis ang tugon niya, kasabay ang pag-upo sa tabi ko na may ngiti na sa mga labi. Namumungay na
rin ang mga mata na animo lasing.
Ito namang kamay kong makasalanan at 'di marunong magpigil ay agad humimas sa matigas at bukolbukol niyang tiyan nang hubarin nito ang damit niya.
Kasi naman! Sarap na nga sa mata, sarap pang kagatin at lamasin. Mala crispy pork belly nga.
Mapararami ka talaga ng kain kapag ganito ang laging nakahain. Nagakat ko pa ang labi.
May matamis na ngiti na nga, may pakindat pa. Ahay... asawa ko.
"Hindi ka na nga galit... Pero 'yong akin galit na galit!"
Sht... mapapamura ka na lamang talaga sa malanding lambing nitong asawa ko. Sinabayan pa ng pilyong
ngiti at nagbabagang tingin na agad nagpagulo ng sistema ko.
Dahan-dahan ang pagbaba ng mukha niya palapit sa akin. Alam kong sinasad'ya niya. Alam niya na
takam-takam na akong muling malasahan ang mga labi niya.
"Sigurado ka ba na... gusto mo nang umalis dito?" seyoso nitong tanong.
Sandali akong nag-isip. Pero ang totoo, ayoko naman talaga na umuwi muna. Talagang nag-inarte lang
ako kanina. Nasaktan ako. Akala ko, wala siyang tiwala. Selos lang pala.
"Depende..." sagot ko kalaunan. "Kung magising ako ng maaga bukas ay uuwi tayo. Kapag hindi ay magstay na muna tayo, hangga't gusto natin," sagot ko kasabay na ang paglapat ng palad ko sa pisngi niya.
Hindi ko na kasi mahintay ang labi niya, mas binagalan pa kasi, ang tagal lumapat sa akin. Tulungan ko na
lang. Ramdam ko pa ang pagngiti niya habang magkalapat na ang mga labi namin at nagsimulang nang
lumikot ang mga kamay niya.
"Sisiguraduhin kong tanghali ka nang magising bukas!" bulong niya.
Kasabay no'n ang paghimas niya sa hita ko, kusunod ang pagbaba ng undies ko. Rinig na sa buong silid
ang malakas naming hininga.
"Mahal kita... asawa ko," hingal niyang sabi. Habang salitan ng ginagawang paglamas at pagsipsip sa
tutok ng dibdib ko.
"Mahal din kita, asawa ko," Kusa kong inangat at pinulupot ang mga binti ko sa baywang niya, habang
ang mga kamay ay mahigpit na nakakapit batok niya.
Ramdam ko na ang kakaibang kiliti sa tuwing kumikiskis ang aming kasilanan sa isa't-isa.
Tinutudyo ang katigasan niya sa bukana ko na nagpapakawala ng ungol ko.
"Ahhh..." Kumawala ang malakas na ungol nang tuluyan na niyang pasukin ang aking bukana. Mabagal
ngunit madiin ang ginawa niyang pagtaas-baba ng kahabaan niya sa loob ko.
Humigpit pa lalo ang pagkapit ko sa batok niya. Sinalubong ang bawat pagdiin niya. Naliliyo na ako sa
sarap, sa kiliti at sa bawat paggapang ng labi niya sa leeg ko kasabay na ang mabilis na pag-ulos.
Hinila niya ako paupo. Hindi maalis ang namumungay naming mga mata sa isa't-isa. Habang ang mainit
nitong mga palad ay walang humpay na naglakbay sa aking katawan.
Matamis na ngiti ang iginawad namin sa isa't-isa bago muling nagsalo sa mainit na halik. Sumabay ang
paggalaw ng aking katawan sa tunog ng aming paghinga.
Yumakap ako ng mahigpit sa batok niya habang hawak niya ang balakang ko at giniya ang paggalaw
noon. Sa bawat giling at diin ko, ramdam ko na ang kakaibang kiliti, kakaibang sarap.
"I love you!" sabay naming bigkas kasabay ang pagbulwak ng mainit na katas mula sa aking loob. Dahandahan pa akong gumalaw, pikit-mata at may ngiti sa labi. Nilalasap ang natitirang sarap sa bawat diin ko.
Nagdilat lamang ako nang dumampi ang labi niya sa akin at masuyo akong hinalikan. Nilapat ko ang mga
palad ko sa pisngi niya na agad naman niyang hinawakan.
"Duda ka pa ba?" tanong ko.
Umiling siya at ngumiti. Nagpapa-cute. Gustong bumawi. Bawing-bawi na kaya siya.
"Hindi na... wala na akong duda," tugon niya.
Sabay kaming humiga at hindi pa rin nawala ang mga ngiti sa labi.
"Sigurado ka ba?" naniniguro kong tanong.
"Oo na nga... naisip ko kasi. Wala nga siyang nagawa no'ng kayo pa at mahal mo pa siya."
Inangat nito ang ulo ko at pinatong sa braso niya. Nakatitig lamang ako sa kan'ya. Sinusubukang basahin
ang mukha niya, kung talaga ba na wala na siyang duda.
Mabilis na halik ang iginawad niya sa akin.
"Wala na nga akong duda! 'Tsaka may tiwala ako sa'yo, asawa ko!"
"Talaga lang ha!" Yumakap pa ako sa kan'ya at gano'n din siya sa akin.
"Pero... paano ninyo nakayanan na walang nangyari gayong mahal n'yo ang isa't-isa noon?!"
Wala na nga siyang duda! Pero iba naman ang gustong ungkatin.
Kumunot tuloy ang noo ko, habang titig na titig sa kan'ya. Tinaasan niya lang ako ng kilay. Bakas ang
kuryosidad sa mukha.
Kailan niya pa naisip ang bagay na 'to? Ngayon lang ba o dati pa. Pero pinili na ang hindi magtanong.
Hindi ako tumugon, nakatitig lamang ako sa kan'ya. Napaisip din. Dapat ba na aminin ko sa kan'ya na
hindi man nakuha ni Romeo ang pinakaiingatan kong hiyas. Pero nahawakan at naramdaman naman
namin ang isa't-isa.
Sa nangyaring tampuhan kanina. Naiisip kong wala na dapat akong itago sa kan'ya. Ayokong mag-away
na naman kami dahil sa mga nangyari sa nakaraan.
Kaya mabuti nang sabihin ko na lamang sa kan'ya. Tatanggapin ko kung sakaling magalit o magtampo
man siya. Ayoko rin ng pakiramdam na may nililihim ako sa kan'ya.
"Talaga ba... na gusto mong malaman paano namin nagawa ang magpigil?" seryoso kong tanong,
habang hindi siya nilubayan ng tingin.
Hindi siya umimik at tipid na pagtango lamang ang tugon niya. Napigil niya pa ang paghinga habang
mat'yagang naghihintay sa sasabihin ko.
"Sinabi ko, na gusto ko na buo pa rin ako bago ang aming kasal. Pumayag siya at nangakong maghintay,"
Walang ligoy kong sabi.
In-obeserbahan ko rin ang mukha niya sa bawat pagbitaw ko ng salita. Nanatili siyang walang imik at titig
na titig pa rin sa akin.
"Pero... hindi ko ikakaila na nahawakan namin ang isa't-isa..." mahina ang pagbigas ko sa mga salitang
'yon.
Nakaramdam ako ng hiya, umiwas ako ng tingin, hindi ko na kayang salubungin ang mga titig niya.
Feeling ko nagtaksil ako sa kan'ya. Nakaramdam din ng inis sa sarili. Nakaramdam ng pagsisisi. Pero
mahal ko nga ang Romeo na 'yon sa mga panahong 'yon!
Huminga ako ng malalim bago muling binaling ang tingin sa kan'ya.
Ayon... nag-iba na ang timpla ng mukha. Sumimangot bigla. Humaba pa ang nguso at nagpang-abot na
ang mga kilay.
Tniim ko sandali ang mga labi ko, habang hindi inalis ang tingin sa kan'ya. Pero mga luha ko, unti-unti
nang namumuo.
"Gusto mo pa ba na ituloy ko?" lakas loob kong tanong. Kahit ang sama na rin ng loob ko. Pero... gusto
ko na walang ilihim sa kan'ya.
Umiling siya at niyakap ako. "Hindi na kailangan asawa ko. Naiintindihan ko naman... oo, nakaramdam
na naman ako ng selos, ng inis. Pero mahal mo nga siya noon. Wala pa ako sa mga panahong 'yon. Kaya
kasalanan ko kung bakit ka nagmahal ng iba."
Ramdam ko ang lungkot sa boses niya. "Ako nga rin nagawa ko sa babae na hindi ko naman mahal. Kayo
pa kaya!"
Nagpanting ang tainga ko sa narinig. Nainis at nakaramdam din ako ng selos. Gusto ko na nga siyang
sigawan. Pero ayoko nang isipin at pag-aksayahan pa ng lakas ang mga nagdaan. Ang mahalaga ay ang
ngayon, iyon ang dapat na pagtuunan namin ng pansin hindi ang mga lumipas na.
"Asawa ko... 'wag na natin pag-usapan ang nakaraan. Pwede ba? Focus na lamang tayo sa ngayon at sa
hinaharap. Dahil kahit anong balik pa natin sa nakaraan, hindi na mababago 'yon. Ang magagawa na
lamang natin ay kalimutan ang masasakit at e-treasure ang masasayang nangyari."
Matamis na ngiti, mahigpit na yakap at mabilis na halik ang naging tugon niya.
"Sana wala na tayong magiging problema, asawa ko," sabi ko, kasabay ang pagsisik ng mukha ko sa
dibdib niya.
" 'Wag ka nang mag-isip ng kung anu-ano, asawa ko," sabi niya. "Hindi dapat natin pangunahan ang
mangyayari. Ang dapat nating gawin ay kung paano pa tayo maging matibay at masaya. Dapat walang
puwang ang 'worry' sa puso at isipan natin dahil wala namang magandang dulot iyon."
Pagtango na lamang ang tugon ko. Habang pigil ang pagpikit ng mga mata. Antok na antok na talaga ako.
"Matulog ka na asawa ko," sabi niya kasabay ang halik sa noo ko.
Pikit na ang mga mata ko pero rinig ko ang pagkatok at mahinang pagtawag mula sa labas. Ramdam ko
rin ang pagtayo ng asawa ko. Pero hindi na ako nag-abalang magdilat pa.