Chapter 36: Mrs. A-3 and Mr. Kristo
TRIGGER WARNING:
This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.
°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*
JAMMY
Bumalik na kami sa klase matapos niyon. Time na for Philosophy subject but our subject teacher na dapat ay narito na ten minutes ago ay wala pa rin hanggang ngayon.
Ano nang nangyayari sa Mnemosyne? Maging ang dapat ay model of being ‘not late in class’ ay madalas nang ma-late sa pagdating. Wow! Just wow!
Wala akong seatmate ngayon dahil patay na si Thyke, wala rin si Eloise sa seat niya sapagkat wala na rin siya — she was brutally killed by somebody. This eerie feeling na bumabalot sa Mnemosyne ay 'di maalis-alis sa 'king isipan, kasama na rito ang lahat ng misteryo sa likod ng mga disappearances sa building Zeus.
Tila para akong nasa real life Final Destination Movie kung saan isa-isang namamatay ang bawat isa sa'min that even if we tried to stop this nonsense killing, it will just perished us, absolutely. It was like a prophecy that can't stop, directed, or twisted, — it is destined to happen.
Those people having those names: Albert Pino, Mike Evans, Stephanie Shin, Carla Baldonado and Mathilda Quizon. Where are they? Aside from Mathilda, buhay pa rin kaya sila hanggang ngayon? Anong nangyari sa kanila? And who's behind of their disappearances? At bakit wala pa ring ginagawa ang Mnemosyne administration about this matter? Si, Jade, alam ba niya ang mga kaganapang 'to?
“Bakit wala pa si sir Bolivia?” wika ko sa sarili bago umayos muli ng upo.
Ilang saglit lang ay pumasok si sir Mendoza, adviser namin.
“Good afternoon, class,” wika nito saka lumingon sa gawing kanan. May mga kasama siya mula sa may pinto. “Wala muna sa ngayon si Mr. Bolivia for some reasons. Habang wala siya, si Mrs. Amanda Amelita Aragon muna ang magiging professor niyo in philosophy,” saad nito bago pumasok ang isang babaeng may katamtamang tangkad, may eyeglasses na suot-suot, nakalugay ang buhok, at may balingkinitang katawan. Madali lang mapapansin ang pagka-sexy nito dahil fit ang kanyang suot na uniform bukod sa slacks.
“Good afternoon, class,” masigla nitong sabi. Suot ang malawak na ngiti ay inilibot niya ang tingin sa bawat isa sa'min.
“Good afternoon, Mrs. Amanda Amelita Aragon,” sabay-sabay naming bati sa binibini. Alam niyo yun? Yung tunog ng mga tamad na tamad bumati na estudyante. Na para bang patapos na ang araw at masyado na kaming tired upang bumati ng guro.
“Wag niyo na 'kong tawagin gamit ang buo kong pangalan, masyado kasing mahaba. Just call me Mrs. A-three,” saad nito na may pag-wave pa ng mga kamay at pag-iling ng ulo. Kung gayon pala ay isa nang ginang si Mrs. A-three? Sa itsura niya kasi tila wala pa itong asawa.
“A-three? Do you mean, A-3 as in A-3 size of paper, ma'am?” tanong ng isa naming kaklase.
T-teka! Bakit parang nakita ko na siya somewhere? Kilala ko ba siya?
“Yes, just like that,” nakangiti nitong tugon.
“Sanay maging maganda ang pakikitungo niyo kay Mrs. Aragon, class. Isa pa, may bago kayong kaklase, si Mr. Benjamin Kristo,” saad nito na inilahad pa ang kamay sa gawing kanan. Inaaya nitong pumasok ang isa pang naiwan sa may pinto.
Nang pumasok ang lalaki ay siya namang laking gulat ko sa pigura na aking nakita.
S-si Zero! Ang lalaking nakita ko sa labas ng building kung saan ako dinala ni Thyke noong dukutin niya ko't sinubukang pagsamantalahan! A-ang kapatid ni Sam! Anong ginagawa rito ni Ezekiel Montemayor? At bakit Benjamin ang pakilala niya sa lahat?
Dumako ang tingin ko kila Denver at Austin. Gaya ko'y pansin ko sa mukha nila ang pagkagulat. Di tulad ni Sheila na tila 'di pinapansin ang mga nangyayari, tahimik lang ito't malayo ang tingin.
Ngunit sina Andy ay mukhang enjoy lang sa nakikita. Palibhasa, walang kaalam-alam kung sino itong ulupong na nasa harap nila ngayon.
However, Gabriel and Alex are so serious sticking their gazes to Ezekiel.
“Good afternoon, guys. By the way, I'm Benjamin Kristo from Luxwell University. I hope you'll be nice to me also,” saad nito na pirmeng nakatitig sa'kin. Teka, ako ba ang kinakausap niya?
“Pwede ka nang maupo, Mr. Kristo. Kahit saang may bakanteng upuan ka pwedeng maupo,” utos dito ni sir Mendoza na agad naman niyang sinunod.
Habang naglalakad sa aisle ng room ay iginagala nito ang tingin sa paligid. Tila naghahanap ng magandang spot for seat.
Naghahanap ba talaga siya ng vacant seat o nababaliw na? Dadalawa lang ang vacant seat sa classroom na 'to. Here, next to me, and the seat next to Sheila where Eloise's designated seat is located.
Lumapit ito sa tabi ko. “Hi, do you mind if I sit here?” wika nito.
Binigyan ko ito ng pilit na ngiti bago ito sagutin ng mga pagtango.
“Yeah, of course,” sagot ko saka ngumiti nang pilit.
“Thanks,” wika nitong muli bago maupo sa tabi ko.
Wow! Umupo talaga siya sa tabi ko?!
Kita ko namang pirme ang titig sa'kin nina Denver at Austin; matatalim ang pagtitig ng dalawa sa katabi ko.
Sino bang 'di sasama ang tingin sa taong nagpahamak sa buhay ng ilang mga estudyante rito sa Mnemosyne? Malaki rin ang paniniwala kong may kinalaman ito sa pagkawala ng mga estudyante na nanunuluyan sa building Zeus.
At anong ginagawa niya ngayon dito? Bakit siya nagpakita sa'min? Utos ba ito ni Jewel sa kanya?
Sinimulan na ang lesson for this day sa philosophy subject. Gusto ko ang paraan ng pag-lecture sa'min ni Mrs. A-3. Bukod sa nakikitaan ko ito ng kagandahan dahil sa pisikal na anyo nito, nakikitaan ko rin ito ng kagalingan pagdating sa pagtuturo.
“I wonder why Mrs. Aragon was somewhat look a like of you,” wika ni Ezekiel, este ni Benjamin Kristo sa'kin. Hindi ito lumilingon at ani mo'y isang ventriloquist dahil 'di ko man lang makita ang paggalaw ng bibig nito habang nagsasalita.
Teka! Oo nga, noh! Kaya pala parang pamilyar siya sa'kin.
Hindi na 'ko sumagot sa sinabi ng katabi ko. Hindi palagay ang loob ko na makipag-usap sa taong may maitim na budhi.
Katatapos lang ng afternoon class, at sabay-sabay na tumayo ang mga kaklase namin upang lumabas na ng classroom when Ezekiel called my name, “Jammy Akira Fernsby.”
Nilingon ko ito gamit ang nakamamatay na titig, “What's your problem?” tanong ko rito.
Inilipat niya ang tingin sa braso ko.
“Mabuti na lang 'di ka nasugatan sa madiin kong paghawak diyan,” wika nito nang nakangisi.
Hindi ko na ito pinansin at naglakad na palabas. Kami na lang pala ang natitira sa classroom. Hindi ko agad namalayan dahil sa Zero na 'to!
Sa veranda ng room unit nila Andy, sinalubong ko ng pagtanaw ang paglubog ng araw. Kay ganda nitong pagmasdan. Ito ang bagay na gustong-gusto kong abangan bago magtapos ang bawat maghapon ko. Kabaliktaran ng mga nangyayari ngayon sa Mnemosyne, hindi ko ito nagugustuhan. Hindi nagiging kaaya-aya ang mga nangyayari. Every minute that may pass, I am expecting a chaotic event, and or brutal death of someone. Such on what had happened to Sam. Violence is everywhere and there is no where to hide. There is no such place to be classified as safe or peaceful. It keeps on chasing you. That's what I really feel by this time.
Bumalik na 'ko sa loob ng sala at tumuloy na sa room ko. Hindi ko maiwasang hindi mabahala sa mga nangyayari.
Ngayon ay isinama si Claire ng mga pulis for questioning. Totoo nga kayang siya ang may gawa sa likod ng pagpatay kina Eloise at Isay?
Bakit ganun? Bakit 'di ako naniniwala? Kahit na ang mga evidences ay siya ang itinuturo. It resembles the way how Mikael framed up Joshua for killing Martin. It seemed the same way how I see the pattern of framing up Claire.
Is it really Claire? Or is just another frame up plan of the real culprit?
Everything is getting tricky here, and I need to unravel the truth as soon as possible.
°°°°°°°
It's another day and another life to begin with. Or maybe another mystery for me to find out.
Ano na naman kayang mangyayari sa araw na 'to? I took a deep breath and sighed heavily because of the thought. Whatever bad thing will happen for this day, 'di ko na ata 'yon ipagtataka. Hindi ko alam kung may balat ba ako sa pwet o sadyang lapitin lang ako ng kamalasan. Daig ko pa ang isang embalsamador dahil sa halos araw-araw akong nakakasaksi ng patay na tao and or something like that.
Isa pa tong si Ezekiel. Matapos mamatay ang kapatid niya, narito naman siya ngayon sa Mnemosyne. Ano na naman kayang masamang hangin ang nagdala sa kanya rito?
“Good morning, Jammy,” bati sa'kin ni Andy na nakaupo sa couch. Nakapatong pa ang isa nitong paa sa kanyang tuhod habang pirmeng nanonood ng TV.
Tinaasan ko lang naman 'to ng kilay. Hindi ko makalimutan ang nakadidiring pangyayari kahapon. Arghh! Naiinis ako sa tuwing naaalala ko yun!
Dumiretso na ako sa banyo at naligo imbes na bigyang pansin itong magaling kong pinsan, wala rin naman siyang magandang sasabihin na ikasisigla ng araw ko. I should never mind him, 'di ko nga rin alam bakit lumipat pa siya rito.
Habang nasa hallway papuntang classroom, rinig ko ang bulungan ng mga estudyante. Nagkukumpulan sila sa gilid ng hallway na parang may pinag-uusapan mula sa kabilang dulo nito.
Teka, sino bang pinag-uusapan nila?
“Oo, grabe! Ang ganda niya. Daig pa niya si Claire,” wika ng isang babae malapit sa pinto ng section E.
“Oo nga. Sana siya na ang pumalit na princess sa Ibong Adarna play na gaganapin next week. Mas bagay siya sa role na yun,” sagot naman ng kausap niyang isa pang babae.
Magandang babae? Teka! May bago na naman bang estudyante sa campus?
Why Mnemosyne Academy is full of surprises? Lagi na lang may topic itong mga tsismosang estudyante rito, eh. Nakakairita rin sila paminsan-minsan.
While walking towards the section A, namataan ko ang isang babae sa kabilang dulo. Maraming lalaki ang nagpapapicture kasama siya.
Teka, parang kilala ko kung sino yun.
“H-Hermione? Ikaw ba yan?” saad ko nang malapitan ko ito. Ibang-iba ang itsura nito ngayon. Totoong maganda siya nung una ko itong makita sa ghost hunting, but this one, she's more than her old version.
She wears a light make up but still, enough to call her, ‘stunning.’ Nagpaputol rin siya ng buhok. She has a shoulder-long cut hair na bumagay sa mukha niyang napakaamo ngunit nakakaakit.
Kailan siya natutong mag-ayos nang ganyan? Ibang-iba na siyang tignan kaysa sa dati. Was she really the Hermione I know?
Wow! Just wow!
“Hello, Jammy!” masiglang bati nito sa'kin.
Siya nga si Hermione! Tulad ng dati'y napaka-cute pa rin niya kung bumati sa'kin, at lagi pa rin nitong bitbit ang matamis na ngiti sa tuwing humaharap siya sa tao.
And, oh! My precious hair clip. Hanggang ngayon ay suot-suot pa rin niya. Kawaaaiiii!
“Oh, my, Hermione! Hindi agad kita nakilala! Look at you now! Ang pretty-pretty mo!” puri ko rito.
Humagikhik muna ito ng tawa sa'kin bago magsalita, “thank you for that, Jammy,” saad nito saka ngumiti nang matamis and then gave me a beautiful eyes
Wahh! Ang cute!
“Kamusta? W-where's Sheila? Kamusta na siya?” I asked.
“Ahmm, nauna sa'kin lumabas ng dorm, eh. Baka nasa room niyo na,” sagot naman nito. “By the way, guys, she's Jammy Fernsby, my dearest and gorgeous friend. Be nice to her also,” wika nito saka iniangkla ang kamay sa braso ko. Like my little sister! Wahh! My heart, it was starting to melt!
Nagpaalam na 'ko sa kanya matapos niyon. Kailangan ko pang magpunta sa classroom.
Whatever mystery that befell this day and ahead, I still need to comply on my studies.
<<<~*•*~>>>