Chapter 35: Questioning

TRIGGER WARNING:

This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.

°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*

JAMMY

I was enjoying my peaceful sleep nang magising ako dahil sa sunod-sunod na pag- ring ng phone ko.

It was tito Melvin whose sending me a voice call. Pero hindi na umabot. It ended before I have clicked the answer button.

Bakit naman kaya tumatawag si tito Melvin nang ganito kaaga? May nalaman na ba siya ukol sa sinabi sa'kin ni lolo?

Tatayo na sana ako upang maghanda para sa klase nang muli itong mag-ring. Mabilis ko iyong sinagot.

“Hello? Tito Melvin?”

“Jammy! Sa wakas ay sinagot mo rin. Kanina pa 'ko tawag nang tawag,” bungad nito.

“Why? What's the problem? Kamusta si lolo?” tanong ko rito. Ano kaya ang nangyari?

Nakakaramdam ako ng kaba at pag-aalala nang marinig ko ang mga sinabi ni tito Melvin. Based on his tone, tila may nangyaring hindi maganda roon which prompted him to contact me multiple times. There must something have had happened kaya't tunog nababahala ang boses ni tito Melvin ngayon. I just wish lolo is doing well.

“Bukas na bukas din ay uuwi na ang lolo mo riyan,” sagot nito.

Napagitla ako sa narinig.

What?! Lolo will go here? Ngunit bakit?

“Why, tito? Bakit napaaga naman ata?” tanong ko.

“Someone attempted to kill your lolo Miguel, kaya't maghanda ka. Uuwi ang lolo mo bukas. Sabi ng yaya mo, hindi ka raw umuuwi pag weekends. Kailangan mong umuwi sa linggo. You need to see your lolo. May kailangan siyang sabihin sa'yo. Kailangan niyong mag-usap,” saad nito. His voice sounded to be alarming and giving warnings. An instantaneous warning that is needed to take into consideration, or else, it will be the end of everything. Which I had also felt when I was hearing such orders. I felt alarmed and warned from something that may ruin my life.

Ano ba 'tong nararamdaman ko? Ano bang nangyayari?

“Huh? Bakit? Sino namang magtatangka sa lolo ko?” takha kong tanong. Ramdam ko ang salubong kong mga kilay at kunot na noo habang binibigkas ang mga salitang iyon sa kabilang linya.

Pinagtangkaan na nga ako ni Thyke na pagsamantalahan, ngayon naman, may nagtatangka sa buhay ni lolo? What's happening? Sumasakit ang ulo ko sa pag-iisip. Is this a mere coincidence? Bakit nagsusunod-sunod ang mga pagtatangka?

When will be I able to live a peaceful life?

Sa'kin, kay Sam, kay Eloise, at ngayon kay lolo? Ano bang nangyayari?

Saglit na tumahimik si tito Melvin. His silence was giving me signs na nag-iisip muna ito ng isasagot. “I can't tell you now. Much better if ang lolo mo na lang ang magpaliwanag ng lahat sa'yo. Total ay mag-uusap din naman kayo pag pareho na kayong nakauwi. Keep safe, Jammy. Keep safe,” saad nito. Matapos niyon ay pinatay na niya ang tawag.

I wish that this omen wasn't as bad as I was thinking of. Lolo, what had happened back there? Are you fine?

Dala ang tuwalya, nagtungo ako sa C. R. nang—

“Sarado? May tao sa loob?” wika ko sa sarili.

Nakapagtatakang sa ganitong kaaga ay may gumagamit na ng banyo. Kadalasan ay late kung gumising ang mga occupants ng unit na 'to nila Andy. How come?

Sino naman kaya ang gumagamit ng banyo ngayon nang ganito kaaga?

“Who's there inside?” tanong ko matapos kumatok nang tatlong beses.

“It was me, Andy. Anong kailangan mo?” sigaw nito na tila may subo-subo sa bibig.

Andy? Hmm, himalang nagising nang maaga ang damuho ko na pinsan?

“Nothing,” maikli kong sagot.

Pahakbang na 'ko palabas nang bumukas ang pinto. Nabaling ang atensiyon ko roon.

Iniluwa mula sa loob ng C. R. si Andy na pawang nakatapis lamang at may bula-bula pa ng sabon ang mukha at subo-subo ang sipilyo nito sa mabulang bibig.

I saw his six packed abs. Nanlaki ang mata ko sa nakikita. Bahagyang bumilog ang bibig ko. Hindi ko mapigilan. Lalo pa itong lumapit sa'kin kaya't napaatras ako.

“A-anong ginagawa mo?” utal kong ani. Inilihis ko ang tingin dahil palapit nang palapit si Andy sa'kin.

Tumigil ako sa pag-atras nang masapo ng kamay ko mula sa likod ang kitchen sink. Pero palapit pa rin nang palapit si Andy sa gawi ko. Dahil dun ay napaliyad na ko palayo sa kanya.

Hindi ito nagsalita bagkus ay ipinagpatuloy lang nito ang paglapit. Nang mga nasa isang pulgada na lamang ang pagitan namin sa isa't-isa ay may kung anong kinuha ito mula sa likuran ko.

Napatingkayad ito sa pag-abot na halos dumikit na ang noo ko sa dibdib niya. Matangkad kasi ang loko-loko.

Inaabot pala nito ang shampoo na itinago niya sa cabinet ng kitchen.

“I-aw-asi-alam-mo-a-ang-a-wa-a-o-ita-a-sipilyo-a-nga-ko-riyan-a-pa-harang-harang, (Ikaw kasi, alam mo na ngang 'di ako makakapagsalita nang maayos dahil sa sipilyo, paharang-harang ka pa riyan,)” wika nito habang subo-subo pa rin ang sipilyo sa bunganga.

“Huh?” saad ko. Hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi nito. Try kaya niyang tanggalin ang sipilyo nito sa bibig at magmumog?

Bigla na lamang nitong hinawi ang mukha ko dahilan upang mapunta ako sa kanang bahagi ng sink.

Aray ah! Ansakit nun. Walang manners talaga itong Andy na 'to.

Hindi ko namalayan na nahigit ko pala ang tapis nito dahilan upang bumagsak ang tuwalya sa sahig.

Biglang natanggal at nahulog ang tapis nito na lalong nagpalaki't nagpadilat sa mata ko. Nasa gawing ibaba ang tingin ko kaya't—

Ang ano niya! N-nakita ko!

Mabilis ko itong naitulak dahilan upang matumba ito. Mabilis akong tumakbo at hinakbangan siya paalis sa kinatatayuan ko kanina!

“Ambastos mo, Andy! Ambastos mo!” tili ko habang tumatakbo paalis. Shemay! Hindi ko ginustong makita yun! Argh! Bwisit ka Andy! Bwisit ka!

Narinig ko pang nagtanong ito ng, ‘what?!’ bago ako tuluyang makalayo.

Nakakainis siya talaga! Kumukulo ang dugo ko at nandidiri ako!

It was lunch break nang dumating muli sina Inspector Tan at mga kasama nito sa campus. Patungo ito sa Drama and Arts Club.

Teka! Ano namag gagawin nila run?

Maraming mga estudyante ang sumunod na malamang ay makikiusyoso na naman.

Nakita ko si Denver na kasama si Austin at officer Evans. Mabilis akong tumakbo pagawi nila.

“Austin! Denver! Hi, officer Evans,” pagbati ko.

“Hello there, Jammy,” wika ni officer Evans.

“Anong meron? Ba't nagsisipuntahan kayo sa Drama and Arts club?” I asked in confusion.

“Sabi ng mga kaklase ni Claire, nandun daw siya ngayon,” Denver answered nang di man lang lumilingon sa gawi ko.

Galit ba siya kay Claire? Lalong-lalo na ata 'tong si Austin. Napakaseryoso ng itsura ng dalawa na tila mangangain ng buhay. Pirmeng sa daan lang ang tingin nito na tila di man lang napansin ang pagdating ko.

Pagdating namin doon ay naabutan namin si Claire na nag-eensayo para sa gaganaping play o pagdudula. As far as I remember, it'll be the ‘Ibong Adarna’ which they will be playing next two weeks. Gaganap siya bilang prinsesa sa nasabing kwento.

“W-what is it?” takhang tanong ni Claire nang makita kami kasama ang mga pulis at si Inspector Tan.

Nagugulumihan din ang itsura ng ilan sa mga kasama sa cast ng play. Ang ilan nga sa kanila'y nagsimula nang magbulungan sa isa't-isa.

Lumapit si officer Evans kay Claire. May iniabot itong papel na agad ikinabilog ng mata ng huli nang mabasa ang nakasulat roon.

“Questioning?!” gulat nitong sabi. “Teka! Bakit may questioning? Hindi pa rin ba napapatunayan na hindi ako ang pumatay kina Eloise at Isay?” turan nito sa mataas na boses.

“Hindi nga ba ikaw?!” mariing sabi ni Austin na ngayo'y lumapit na rin kay Claire. “Nag-match ang mga fingerprints mo sa nakitang fingerprint doon sa doorknobs ng units, maging sa door knob ng cr kung saan natagpuang walang buhay si Eloise! Natagpuan rin ang strand ng buhok sa C. R. which was discovered to be yours!” saad ni Austin saka ipinakita ang dalawang maliit na bote na parehong may laman na piraso ng buhok. “Yes, I did my own investigation. Maging ang buhok na nakita sa crime scene at buhok mo, Claire, ay perfectly matched! Now, explain how come na may fingerprints ka sa mga doorknobs kung saan naganap ang pagpatay kina Eloise at Isay. Where were you when the crime was committed?”

“I'm just here, practicing my lines,” sagot naman nito with a high pitched voice.

“Practicing your lines, my ass!” singhal pabalik ng huli. Nanlilisik ang mga mata nito kay Claire. Si Claire naman ay tila di natitinag, at di pinapansin ang nakakatakot na itsura ngayon ni Austin; namumula na ito sa galit. “Then who can support your alibi?”

Napalibot ang tingin ni Claire sa paligid. Habang inililibot nito ang tingin sa mga kapwa niya taga-Drama and Arts Club, napalunok ito ng laway. Marahil ay alam niya sa sariling wala ni isa sa mga ka-club member niya ang makapagsusuporta sa kaniyang alibi.

“W-wala. Wala naman akong kasama noon, eh. Pero alam ng mga co-actors ko na gabi-gabi ako umuuwi kaka-practice dito sa club. At wala talaga akong kinalaman sa mga sinasabi mo! Maybe it was just an enemy tactic, a frame up plan! Baka may naglagay ng fingerprint ko sa lugar kung sa'n niyo yun nakita, tsaka yung buhok ko, pwede naman siguro yun diba? Pati ba naman buhok ko pinagdidiskitahan niyo! Mga mangkukulam ba kayo?” todo pagtatanggi ni Claire.

“Or maybe it's just part of your plan to strengthen your alibi,” sagot ng huli. “Pwedeng gumawa ka ng pattern of events upang isipin ng mga kasama mo na gabi-gabi kang nandito to practice that shit, but the truth is… the night when Eloise and Isay was killed, you didn't came here to practice your play, rather, pumunta ka sa room nila and killed them. Madali mo lang maloloko ang mga tao sa paligid mo since they don't consider monitoring you these past few days. Ano man ang gawin mo gabi-gabi rito sa club, they will just assume that you're practicing your shits!”

“Teka, questioning pa ba 'to?! Pinagbibintangan mo na 'ko, ah!” singhal ni Claire kay Austin na ngayo'y nanlilisik na rin ang tingin sa kausap.

“I'm sorry, Ms. Dela Paz, for the behavior of Mr. Zamora, ngunit kailangan mo nang sumama sa'min for further questioning,” wika ni Inspector Tan na inilahad pa ang kamay sa daan palabas ng club. “Mas magagawa mong linisin ang pangalan mo if you peacefully coordinate with us,” dagdag pa nito.

Lumingon pa muna ito sa mga kasama bago tahimik na sumama kina Inspector. Sakay ng police mobile, isinama na ng mga pulis si Claire palabas ng campus.

<<<~*•*~>>>