Chapter 38: Another Angle?
TRIGGER WARNING:
This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.
°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*
JAMMY
I saw no Sheila inside our classroom. Akala ko ba maaga siyang pumasok? Bakit wala siya? Absent ba siya?
This is something strange. Hindi pa umaabsent si Sheila since napadpad ako rito sa Mnemosyne.
Nang sumapit ang lunch break ay dumiretso ako sa Mystique Club. I saw Denver and Austin there talking about something. I guess, it was about Zero, Ezekiel, or Benjamin. Whatever the name he wanted to be addressed.
“Hi, Denver, hi, Austin,” bati ko sa dalawa nang mapansin ako mula sa pinto.
“Bukas na ang libing ni Sam. So, expect me not attending the class tomorrow,” seryosong sabi ni Denver. Nakaupo itong muli sa swivel chair niya't nakapatong na naman ang paa sa mesa. Yeah, the usual posture of Denver whenever he's in here.
“Yeah, noted,” wika ko saka ngumiti nang pilit.
“Austin wants to continue the investigation 'bout Eloise's and Isay's death. If there's something you can do to help, just please reach out to him,” dagdag nito.
Tsk. Mukha siyang mamamaalam na sa way ng pagsasalita niya. Gusto na ba niyang sumama kay Sam? I hid my giggles from Denver for what I have thought.
“We should only confirm if totoo ang mga statements na iniwan sa'tin ni Claire. Kung totoong nasa club nga siya ng Drama and Arts nung mga oras na pinatay si Eloise at Isay, at kung mapapatunayan nating wala siyang kinalaman sa pagpatay isa man sa dalawang biktima, na sa tingin ko ay malabo. We should look for another angle,” wika naman ni Austin. He still wears that blue arm sling. Mukhang di pa tuluyang bumubuti ang kaniyang balikat.
I nodded in response.
“Siya nga pala, Claire is still under the police custody habang wala pang sumusuporta sa alibi niya,” turan muli ni Austin.
“Muntik ko nang makalimutan. Yung pair of earrings ni Eloise,” wika ni Denver na ngayo'y umayos na ng upo. “Babalik sina Inspector Tan para magsagawa ng searching sa room ni Claire. This missing piece of earring will be the strongest evidence that will point against her. The blood stains on that other pair of earring ni Eloise will be enough to convict Claire for killing Eloise.
Matapos niyon ay nagpaaalam na 'ko sa kanila. Kailangan ko pang humabol sa cafeteria to take lunch. Habang papunta sa cafeteria ay nakita ko si Sheila and Kristine sitting next to each other sa may benches ng soccer field.
Huh? Bakit niya kausap si Kristine ngayon? Ang babaeng nakipagsabunutan sa harap ng cafeteria noong araw na pinatay si Isay.
W-w-w-wait! Nagkataon lang ba 'to? O may kakaibang koneksiyon ang dalawang 'to?
Ito na ba ang sinasabi ni Austin na another angle?
Whatever Sheila and Kristine's business to each other, I need to consider it.
Matapos kong kumain ng lunch ay hiniram ko ang laptop ni Denver at nagpunta sa library. Di ko dala ang sarili kong laptop dito sa campus, 'di ko rin naman yun madalas gamitin.
Nang makapasok ako ay agad akong naghanap ng perfect spot to have a privacy on reviewing the CCTV footages around the building where Eloise and Isay was killed. I started to play the footage from Athena's building. Tulad ng sinabi nila Inspector, naka all-in-black fitted suit ang babaeng sumira ng mga CCTV cameras around the hallway patungong unit namin, same thing goes to the Hades building.
When I played the footages repetitively, may napansin akong kakaiba.
Teka! Mas matangkad itong babae na nag-cut ng wire ng CCTV cameras sa Athena's building kesa sa Hades building. What does it mean?
“Hindi ka rin pala umattend ng afternoon class,” saad ni Zero, este, ni Ezekiel, este, ni Benjamin. Umupo ito sa kabilang chair sa may harap ko.
“What are you doing here?” tanong ko ritong may tunog pagkairitable.
“Why you act like that, Ms. Fernsby? Hindi ba't dapat akong makarecieve ng thank you mula sa'yo? I saved your life once, remember?” mapang-asar nitong turan.
“Nah! I don't need you to save my life. Isa pa, I didn't ask for it,” pangongontra ko. “Siya nga pala, bukas na ang libing ng kapatid mo, ah. Wala ka bang balak puntahan siya at tignan man lang for just a second?” tanong ko rito na bahagyang tumitig nang seryoso.
“Ayy, oo nga pala, you can't do it. Baka kasi tanggalin ka sa grupo if nakita ka nila roon, or maybe the worst is, ipapatay ka nila,” wika ko na ibinalik muli ang tingin sa monitor ng laptop ni Denver. “Oo nga naman. Mahirap mabuhay na di mo kapareho ng bituka ang sarili mong kapatid. You can't interact with her dahil bantay sarado ka ng kung ano mang grupong may hawak sayo. Sad. A loner guy that can't even seek for revenge para sa kapatid niya. How shame is it? Nagtatapang-tapangan lang sa likod ng isang organisasyon, but the truth is, he is a weak and worthless kuya. Malamang, nagsisisi si Sam ngayon na naging kapatid ka niya. Also your parents na sa palagay ko'y ipinapatay ng di mo mabitaw-bitawang grupo. Indeed a foolish blinded person!” Pang-aasar ko pa.
Tumitig ako sa mga mata nito. Nanlilisik na ito ngayon na tila gusto akong kainin nang buhay.
Bigla itong tumayo at hinawakan ako sa braso. Same spot where he had first held my arm back then. Nakabaon na naman ang mga kuko nito sa braso ko.
“Ouch! Ano ba?! Bitawan mo ko!” pagpupumiglas ko.
“H-h-h-hey!”
Sinuntok ni Gabriel si Benjamin sa mukha dahilan upang bumitaw ito sa'kin at matumba sa sahig.
“Anong ginagawa mo kay Jammy, huh?!” singhal nito na sinipa pa ang tiyan ni Benjamin.
“Gabriel! Tama na! Tama na!” saad ko habang sinusubukan itong awatin sa ginagawa.
Napatingin ito sa gawing braso ko. “Dumudugo ang braso mo, Jammy!” saad nito na bakas sa mukha ang pag-aalala.
Napadako rin ang tingin ko sa braso ko, dumudugo na nga ito tulad ng kanyang tinuran. Ngayon ay sinigurado na ni Benjamin na masusugatan ako mula sa pagkakabaon ng mga kuko nito sa braso ko.
Tumayo si Benjamin na pinunasan pa ang dumudugong bibig.
“Gaya ka parin pala talaga ng dati, huh? Mainitin pa rin ang ulo mo,” wika nito kay Gabriel.
T-teka! Magkakilala nga ba talaga sila?
“Teka, kilala mo siya, Gabriel?!” tanong ko rito.
Hindi sumagot si Gabriel, bagkus ay hinawakan nito ang pulsuhan ko at hinila ako palabas.
“T-teka, Gabriel! Yung laptop ni Denver!” saad ko. Bumitaw sa'kin si Gabriel kaya't mabilis akong bumalik upang kunin ang laptop ni Denver.
Matapos niyon ay sumama na 'ko kay Gabriel. Inihatid niya 'ko sa clinic upang linisin ang sugat na tinamo ko mula kay Benjamin.
“Pano mo siya nakilala?” tanong ko kay Gabriel.
Narito kami ngayon sa Jade's Garden matapos magamot ang sugat ko sa braso.
“Kasama ko siya sa Heiwa Combat Fighting School sa Japan. Kasama rin doon sina Denver at Alex. Three years ago nang maging estudyante sila ng school na yun ngunit sabay-sabay ding nag-leave. Hindi ko alam kung ano ang mga dahilan nila, pero sa aming apat, ako lang ang natira roon at gumraduate as Hunter last year,” sagot nito na malayo ang tingin.
“Galing din dun si Sam,” wika ko sa sarili.
“A-ano?” tanong nito sa'kin.
Umiling ako sa kanya bilang sagot. Hindi pwedeng malaman ni Gabriel ang tungkol dito. Paniguradong madadamay lang siya. Tulad ng sabi ni Sam sa'min ni Denver noon, dapat ay binitawan na namin ang Mystique Club at huwag nang makialam sa sinasabi niyang Black Jade's Organization.
Nagawa nilang ipapatay ang mga armed forces officials na pawang mga magulang nina Ezekiel at Sam. Hindi malayong magawa rin nila yun kay Gabriel kung madadawit pa siya sa usaping ito. Hindi ko hahayaang madamay pa siya rito.
“Napag-isipan mo na ba ang alok ni madame, Jammy?” tanong nito matapos ang ilang segundong katahimikan.
Umiling akong muli bilang sagot. Honestly, hindi ito ang top priority ko. May mga bagay na mas dapat kong pinagtutuunan ng pansin. At ang pakikipagkita sa madame Jasmine na 'yon, hindi 'yon kasali.
Nagpasalamat na ako kay Gab sa pagtatanggol niya sa'kin kanina mula kay Ezekiel. Kailangan ko nang umalis at ipagpatuloy ang pag-iimbestiga. Kailangan kong mahuli kung sino ba talaga ang pumatay kay Eloise at Isay.
Nagtungo at tinanong ko ang mga roommates ni Kristine about the murder of Isay and Eloise, nagtanong ako sa mga oras na wala si Kristine sa kanilang dorm unit.
Sinabi nilang wala raw si Kristine sa dorm at eight pm on the same day when Isay and Eloise was killed. Nakapagtataka daw yun dahil maaga lagi kung umuwi si Kristine pabalik sa dorm.
“Yeah, that's strange,” ani ko.
“Naghihinala nga rin kami sa ikinikilos niya nitong mga nakaraang araw. Palagi niyang binabanggit si Isay na magbabayad raw siya. Para na siyang nawawala sa sarili,” ani ng isa sa roommate ni Kristine.
“Magbabayad?” I asked in confusion. “Anong pagbabayaran, at anong kinalaman ni Isay kay Kristine?”
“Dating sharp shooter sa archery itong si Kristine. Pinagyayabang pa nga niya sa'min yung photo albums na dala niya nung first day, eh. Puro laban niya sa archery competition ang laman nun. Lagi raw niyang iniuuwi ang gold medal tuwing lumalaban siya, pero noong huling laban niya, hindi na. Ni isang medal, wala siyang naiuwi. Mula nun, nagbago na ang behavior niya, at palagi na nga niyang binabanggit ang pangalan ni Isay. Di rin namin alam yung dahilan kung bakit,” sagot naman ng isa pang roommate.
“Ganun ba?” wika ko.
Nagpaalam na ako sa kanila matapos ang usapang iyon.
Kung ano man ang ugnayan sa pagitan nina Kristine at Isay, may pakiramdam akong may kinalaman yun sa pagkatalo ni Kristine sa archery.
Narito ako ngayon sa cafeteria at nilapitan si Kristine. Wala itong ibang kasama kaya't kinuha ko na ang oportunidad na makausap ito.
“Hi,” bati ko rito, “pwede ba 'kong maki-share ng table?”
“Yeah, of course,” sagot nito sa'kin bago ngumiti. Gumanti rin ako ng ngiti sa kanya. “A-ano nga palang kailangan mo sa'kin?”
“Ahmm. . . di ba isa ka rin sa mga co-actors ni Claire? Nakita kita nung pumunta ang mga pulis sa Drama and Arts Club,” saad ko.
“Yeah, kasama nga ako,” tugon nito.
“Nung nakaraang linggo pa sana kita gustong makausap kaso may nangyari kay Eloise kaya't ipinagpaliban ko muna. Yayayain sana kitang sumali sa club namin. Masaya run, at interesting,” wika ko saka ngumiti nang pilit. “Nasan ka ba kasi nung bandang eight ng gabi? Kasama ko kasi si Sheila nun, eh, 'di ka namin makita,” dagdag ko.
“Ahmm, nagpunta ako sa Mnemosyne Market. 'Lam mo na — shopping-shopping,”wiika nito saka tumawa nang mahina at mabilis.
“Sayang talaga. By the way, pag-isipan mo kung gusto mong sumali sa club namin. Makikita yun sa dulong room ng Athena's building, sa third floor. Sana makapunta ka,” saad ko saka ngumiting muli at tumayo. “Sige, mauuna na 'ko sayo. May pupuntahan pa 'ko, eh, pag-isipan mo ang alok ko, huh,” wika ko bago umalis.
Sabado ngayon and it's already 1:00 am nang pasikreto kong pinasok ang room unit ni Kristine. Luckily, marunong akong mag-lock-pick kaya't nabuksan ko ang pinto ng room. Since walang mga occupants ngayon dito dahil nagsiuwi sila sa kani-kanilang bahay, malaya akong makakapaghanap ng clue tungkol sa kutob ko.
I know my way is out of line already. But if my conjecture was right, Kristine has to do with this mystery, and I am here to find it out.
<<<~*•*~>>>