Chapter 21: Finding Zora

TRIGGER WARNING:

This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.

°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*

JAMMY

Hindi na naituloy ni Claire ang sasabihin nito nang magsalita si Denver. “Kaso nakawala siya sa hawla niya at lumipad palabas ng veranda?” seryosong saad nito kay Claire. Naging malagkit ang mga titig nito kay Claire na tila ba kinakausap niya ang magandang babae telepathically.

Matapos niyon ay umiling si Denver na tila hindi ito sang-ayon sa sarili nitong mga naunang tinuran. “No, let me correct it. Hinayaan mong nakabukas ang hawla upang makawala si Zora at malayang makaalis ng veranda. Does it sounds right?” patuloy nito saka ngumiti na tulad ng taong may masamang binabalak.

Nanatiling nakapako ang tingin ni Denver kay Claire. Samantalang si Claire naman ay tila 'di natinag at nanatiling walang emosyon ang mukha nito.

Bago sumagot ay bumitaw muna si Claire sa staring contest nila ni Denver at gumuhit ang ngisi sa kaniyang mapulang labi.“I knew you will immediately figure out once na makita mo ang cage ni Zora,” naging bluffing ang tunog ni Claire sa pagkakataong ito. Napakunot muli ang aking noo dahil sa kakaibang pagkilos at pagsagot ni Claire sa mga tanong ni Denver.

Teka! Ano bang nangyayari?

Namamaligno ba ako o tama ang aking narinig. Zora was in a cage? Ano bang kalokohan ito?

Napadako ang tingin ko sa veranda. Dahil sa gawa sa glass ang dingding na naghahati sa veranda at sala, kitang-kita ko kung ano ang naroon sa veranda kahit na narito ka pa sa loob. Tanaw ko ang nakasabit na maliit na hawla sa kisame ng veranda. Bukas nga ito at walang laman.

Kung gayon, tama nga ang hinuha ni Denver. Isang ibon si Zora at hindi tao. Ngunit bakit itinago sa'min ni Claire ang katotohanang ito? Balak ba niyang magpapansin? Ganoon na ba kasikat ang Mystique Club for her to pull a prank?

“And I'm sure you planned it to lure us here. Anong kailangan mo?” Tulad kanina'y seryoso parin ang pagsasambit ni Denver sa mga sinasabi nito.

Mula sa nakangising mukha ni Claire ay napalitan ito ng mapag-alala. “No!” todo pagtatanggi nito. “Kailangan ko talagang mahanap ang Eurasian tree sparrow ko.” Hindi ko alam kung alin ba talaga ang totoong ekspresiyon ni Claire. Para siyang may multi- personality disorder dahil sa pagpapalit-palit niya ng eksperesiyon at emosyon.

Umupo muna ito sa tabi ko bago muling magsalita. “Naiwan ko kasing bukas yung gate ng cage ni Zora ko. Before it I realize, nakawala na si Zora. I'm sorry if you think it's just a prank or play gags, but to be honest, kailangan ko talaga ng tulong niyo upang mahanap siya. Alam ko naman kasing 'di niyo pagsasayangan ng oras 'to kung noong una pa lang sinabi ko nang isang ibon lang ang pinapahanap ko,” naiiyak pa nitong sabi.

Iniabot niya samin ang isang litrato ng isang babae, nanay niya ata yun, kasama ang ibon na tinutukoy niya. May singsing ito sa paa na may nakasabit pang letrang ‘Z.’

“At sa tingin mo ba mate-trace namin kung saang lupalop lumipad yang maya mo?” malditong saad ni Denver. Nagsasalubong na ang mga kilay nito, nanlilisik ang mga mata, at pawang nakakunot ang noo habang pirmeng nakapako ang tingin kay Claire.

“Pero wala kong alam na ibang mahihingan ng tulong. Isa pa, alam ko namang bawal magpasok ng pet sa loob ng campus. Pasimple ko lang siyang pinasok sa campus habang inaabala si manong guard,” saad ni Claire.

Tila babagsak na ang nagbabadyang luha nito sa mga mata habang nagsasalita. “Favorite pet yun ng mommy ko,” patuloy nito saka tumulo ang luha mula sa mukha. “Lagot ako pag nalaman niyang nakawala si Zora dahil sa katangahan ko.”

Inilipat ko ang tingin kay Denver. Ganun din siya sa akin. Ilang segundo rin akong walang kibong nakatitig sa kanya. Tila naintindihan naman ni Denver kung ano ang nilalaman ng mga pagtitig ko sa kaniya kaya't ibinalik nitong muli ang atensiyon kay Claire.

“Okay, okay. Fine! Hahanapin namin yang sparrow mo,” napipilitang sabi ni Denver.

Matapos niyon ay nagpaalam na kami kay Claire at lumabas na ng unit nila.

Maggagabi na pala nang lumabas kami ng building. Pinilit pa kasi kami ni Claire na mag-stay pa roon dahil ipinagluto niya kami ng makakain. Kung hinayaan niya kaming hanapin agad ang nawawala niyang ibon at hindi na nagpumilit pang kumain kami sa unit nila, edi sana di kami aabutin ng ganitong oras.

Wala naman siyang ibang ginawa kung hindi ang kausapin si Denver patungkol sa mga ginagawa nito araw-araw. Titig na titig ang mga tingin nito na tila balak niyang lasingin at pikutin. Hayy naku, bagot na bagot ako kanina sa unit. Tila hindi ako nag-eexist sa room kanina upang di nila pansinin sa loob ng ilang oras.

Ang totoo, worried ba talaga si Claire sa nawawala niyang maya niya o hindi?

“Now, pano natin hahanapin yung ibon?” tanong sa'kin ni Denver. Ako naman ay nagkibit-balikat lang sa kanya.

Wala rin talaga akong ideya kung pano mahahanap si Zora. Pero kasi, nakakaawa ang itsura ni Claire kanina. Tapos ang ganda pa niya, lalo na pag naka-pout siya. Hindi ko lang matiis.

Pabalik na kami ng dorm namin nang may mapansin ako sa ibabaw ng Jade's statue.

“It's zero chance that we can find that flying nonsense,” bulalas ni Denver sa sarili. Kunot ang noo nito habang magkasalubong naman ang makakapal nitong kilay. Halatang labag sa loob niya ang hanapin si Zora. “The fact that this sparrow is able to fly, we can't be sure that it's wandering around, or it has already left the campus.”

Naisin ko mang huwag na lang ipagpatuloy ang paghahanap sa nawawalang ibon at bawiin na lamang ang ipinangako namin kay Claire, ngunit hindi po pwede. Naniniwala ako na dapat panghawakan ang bawat binibitawang salita.

“Denver! Diba yun yung ibong maya ni Claire?” saad ko na may malalakas pang pangungulbit sa katabi.

Nagpabalik-balik ang tingin nito sa litratong hawak niya at sa ibon na tinuturo ko.

“Yep, that's it,” tugon nito saka nagpatuloy sa paglakad.

Salungat sa aking inaasahan, ni hindi man lang nagawang ngumiti ni Denver o kahit man lang umaliwalas ang kaniyang mukha ddahil sa wakas natagpuan na namin ang nawawalang ibon, bagkus ay tumalikod ito at nagsimulang maglakad pabalik sa pinanggalingan naming direksiyon.

“Hey! Wait! Saan ka pupunta?” kunot noo kong tanong sa huli.

“What?” Lumingon ito sa akin lulan ang kunot parin niyang noo. “Don't tell me tayo rin ang huhuli sa ibong iyan?”

“Pero Denver naman!” pagpoprotesta ko. Hahabulin ko sana 'to upang hilahin palapit sa statue nang lumipad palayo ang ibon. Argh! Kakaumay!

“See? We're finished with that bird. We are only obliged to look for it. Hindi na natin kailangan pang problemahin kung babalik ba yan sa amo niya o hindi,” cold nitong sagot.

Ako naman ngayon ang nag-pout sa kanya. “Denver, please?” panghihingi ko ng pabor.

Napailing-iling na lang 'to sa nakikita. “Okay, fine! Tara, sundan natin,” wika nito. Bahagya akong napangiti sa sinambit nito kaya't hinawakan ko ang kamay nito at hinila. Sinundan namin kung saan nagtungo ang ibon.

Ilang minuto pa ay nawala sa tingin namin ang ibon. Hindi na namin ito mahagilap.

“Now what?” ani ni Denver sa'kin. Tila buryong-buryo na ito sa mala-hide-and-seek na tagpo namin at ng cute na alagang ibon ni Claire.

Napadako ang tingin ko sa isa sa mga building. Sa tabi nito matatagpuan ang abandonadong clinic. Yun ang old clinic ng Mnemosyne.

“That's the Hades' building. There, the sports strand students' staying in,” wika ni Denver. Itinuro nito ang four storey building sa harap namin. There was a statue of Hades on its facade na mayroon pang red glowy eyes effect sa bandang mata ng statue. How awesome these ornaments of Greek god's placed on every building they constitute.

“Oh wow.” Hindi ko namalayang nakaawang na pala ang bibig ko habang nakapako ang tingin sa kaharap na building.

“Wait, Jammy. May napapansin ka ba mula pa kanina?” wikang muli ni Denver. Umiling lang naman ako rito bilang tugon.

“Kanina ko pa napapansin na parang may sumusunod sa'tin at minamatyagan tayo. You should be careful and be alert,” saad nito.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at paglinga-linga sa paligid habang patuloy sa pagsasalita si Denver sa mahinang boses. “When you saw Zora sa ibabaw ng Jade's statue, parang may tao sa likod ng puno mula sa west wing ng garden na nakatingin sa atin. At kanina naman, napansin ko ulit siyang nakatayo sa gilid ng Vulcan's building.

Muli ay bahagya napabuka ang aking mga labi sa narinig. Tila napansin ko nga ring meron, pero hindi ko na lamang ito pinagtuunan pa ng pansin dahil akala ko'y nagkakamali lang ako ng pakiramdam.

“Ayun! Ayun yung ibon!” sigaw ko nang makita ang ibon sa sahig malapit sa gilid ng Hades building.

Nilapitan namin agad ito. Nanghihina ito at tila bali ang kanang pakpak.

“Hindi kaya dumapo siya sa linya ng kuryente at na-shock sa electrical current kaya bumagsak?” tanong ko.

Umiling naman ang kasama ko sa aking winika. “No, mukhang tinamaan yan ng kung anong ibinatong bagay sa ere. Pilay ang pakpak niya, siguradong tinamaan yan ng matigas na bagay sa parteng yan,” wika nito saka lumapit sa ibon upang suriin. “Ang pinagtataka ko lang. Sino naman ang mamamato sa ere nang walang dahilan?” dagdag nito.

Bumalik na kami upang ibalik kay Claire ang naghihingalo nitong alagang ibon.

“Zora!” malalakas na paghagulhol ang isinalubong ni Claire sa alaga nitong si Zora nang malagutan na ito ng hininga. “Ano ba kasing ginawa niyo kay Zora?” tanong nito na nagpipigil pa sa paghikbi.

“Nakita na lang namin siyang bumagsak. Wala kaming kasalanan,” pagtatanggol ko sa sarili.

“Hindi! Binato niyo! Binato niyo si Zora ko kaya siya bumagsak!” sainghal naman ni Claire na may diin ang pagkakasabi.

Hindi ko na alam ang sasabihin ko kay Claire. Kahit sino naman, walang maniniwala na basta na lang babagsak ang ibon nang walang dahilan. Isa pa, pilay ang pakpak nito at mukhang napuruhan kaya't nalagutan ito ng hininga. Pero pano namin ipapaliwanag ni Denver sa kanya na posibleng may nambato nga sa alaga niyang ibon at hindi namin alam kung sino at kung saan galing ang pagbato? Ni kung ano ang ibinato sa ibon nga ay hindi namin kayang tukuyin. Pano na 'to?

“Just get another maya. Don't be a crybaby there,” panunuway naman ni Denver sa pag-atungal ni Claire.

Himalang tumigil ito sa pag-iyak at ibinabang muli sa mesa ang ibon. Nagpunas muna ito ng luha bago magsalita. “Okay, fine. Pero pwede bang mag-stay pa kayo rito kahit hanggang nine pm lang?” aniya.

Napakabilis naman ng transition sa mood ng babaeng 'to. Hindi ko alam kung ba't ako naiirita ngayon sa kanya pero feeling ko pinagtitripan kami ng babaitang 'to.

“Ahmm—”

Naputol ang sasabihin ko nang magsalitang muli si Claire. “Kung gusto mo nang bumalik sa dorm niyo, Jammy, pwede ka nang mauna,” sabi nito nang 'di lumilingon sa'kin. Pirme lang na nakapako ang tingin nito kay Denver.

Humawak pa ito sa dibdib ni Denver at ngiting-ngiti ang higad. Hindi ko alam kung bakit nanlilisik ako sa nakikita. Tila gustong-gusto naman ng ulupong na hinaharot siya ni Claire. Hindi na lamang ako nagsalita at walang paalam na umalis sa room unit nila Claire.

Mag-isa akong bumalik sa dorm. Sa tuwing bumabalik sa'kin ang itsura ng dalawa kanina, mas lalo akong nanggigigil. Ewan ko ba. Ang sarap nilang tirisin pareho.

“Oh, Jammy. Ba't mag-isa ka lang? Akala ko ba kasama mo si Denver?” tanong sa'kin ni Austin nang makasalubong ako sa daan.

“He's busy,” tipid kong sagot. Lalagpasan ko na sana siya at mauuna nang magtungo ng dorm nang marinig namin ang sirena mula sa police mobile.

“Sina Inspector Tan yun, ah,” puna ni Austin nang makadaan ang dalawang police mobile. Patungo ito sa Hades' building.

“Oo nga, ano. Ano kayang nangyari?” tugon ko.

Maya-maya pa'y sunod na dumating ang isang ambulansiya.

Nagtagpo ang mga mata namin ni Austin na tila iisang bagay lang ang pumasok sa aming isip.

“Hindi kaya—”

“Hindi kaya—”