Chapter 22: The Ace Player

TRIGGER WARNING:

This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.

°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*

JAMMY

“Sina Inspector Tan yun, ah,” puna ni Austin nang makadaan ang dalawang police mobile. Patungo ito sa Hades' building.

“Oo nga, ano. Ano kayang nangyari?” tugon ko.

Maya-maya pa'y sunod na dumating ang isang ambulansiya.

“Hindi kaya—”

“Hindi kaya—”

Magpanabay naming turan.

Kumaripas kami ng takbo patungo sa Hades' building. Total ay malapit lang naman iyon sa kinatatayuan namin.

Sa second floor ng building sa pinakadulo ng hallway, nakita namin na maraming pulis ang nakabantay.

Nahagip ng aming paningin ang mababa at matabang pulis na may pamilyar na signature mustache kausap ang ilang pulis na kasama nito. “What happened here Inspector?” pagkuha ni Austin sa attention ni Inspector Tan.

Lumingon ito't itinuro ang katawan ng lalaki na nasa may veranda.“Mukhang aksidenteng nabagsakan ng figurine sa ulo ang biktima,” saad nito.

Lumipat ang tingin namin sa gawing iyon ni Austin. May lalaki roon na nakadapa at walang malay, at duguan ang ulo nito. Tila pamilyar ang pigura ng lalaki sa kaniyang hubog ng katawan. Bagaman may mga medical personnel na tumitingin sa kalagayan nito at nagsasagawa ng paunang lunas, nagawa ko paring makilala ang itsura ng nakadapang lalaki mula sa kinatatayuan ko.

Teka! S-siya ang ace player ng team Thunder. Ang baseball team na magrerepresenta sa Mnemosyne para maglaro laban sa iba pang unibersidad ng distrito.

Tumikhim muna si Inspector sa'min bago patuloy na nagsalita. “Natagpuan ang biktima na nakahandusay bandang 6:15 ngayong gabi. Napansin nilang mag-iisang oras na ngunit 'di parin bumabalik ang biktima sa living room kaya't sumunod ang kasintahan nito sa veranda kung saan niya natagpuang walang malay ang lalaki,” dagdag nito.

Ang glass wall na naghahati sa veranda at sala ay tinakpan ng tela na may plain blue color. At may mga nakadikit na salitang ‘Happy Birthday Ivan Navarro,’ dahil doon, hindi na matanaw kung ano ang meron sa veranda.

Mausok ang paligid. May mga bote ng alak, mga baso at pinggan ng pagkain na tila binagyo. This is undoubtedly a party with alcoholic drinks. I wonder pano nila nagawang magpuslit papasok ng mga alcoholic drinks sa loob ng campus kahit na napakaistrikto ang campus sa mga tulad nitong gawain.

May mga vape din sa table. Malamang ay doon galing ang makakapal na usok. May mga dancing lights din na pansamantalang pinatay, bagkus ay ang ilaw ng room unit ang binuksan upang mas malinaw na makita ang nasa paligid. Sabagay, nakakahilo nga naman mag-inspect sa crime scene kung ang ilaw ay kumukuti-kutitap tapos iba-iba pa ang kulay.

Ayon sa report, nag-iinuman sila nang makatanggap ng mensahe ang biktima. Matapos niyon ay nagpaalam itong magtutungo sa veranda. Samantala, ang mga kainuman ng biktima ay naiwan sa sala maliban kay Arnold na nanatili sa kusina upang magluto ng pagkain.

Nilapitan namin ang katawan na nakahandusay. Mas malinaw kong nakita ang malaking sugat sa ulo nito. Malapit sa kamay nito ang isang smartphone.

Sa uluhan nito nakatayo ang nasa dalawa't kalahating metrong display cabinet. Sa ibabaw niyon ay may mga pigurin na nakatumba. Pawang gawa ang mga ito sa ceramic, ang ilan naman ay metal. Ang ilan pa nga ay nagkalat sa sahig at basag na. Ang isa naman na may pigura ng buddha ay may bloodstain pa sa paanan nito na nagsisilbing stand ng pigurin. Gawa ito sa bakal kaya't hindi ito nabasag o nasira.

“Mukha ngang aksidenteng nahulugan ang biktima ng pigurin sa ulo,” wika ni Austin habang pinagmamasdan ang walang malay na lalaki.

Bakit ba kasi hinayaan nilang nasa ibabaw ng cabinet ang mga pigurin at ang iba ay gawa pa sa mabibigat ng ceramic. Itong nahulog sa ulo ng biktima ay gawa pa sa metal.

Maya-maya pa'y dinala na ng mga emergency response team ang lalaki gamit ang stretcher, at inilabas sa building. Ang tanging naiwan na lamang ay ang pigurin na pinaniniwalaang bumagsak sa ulo ng lalaki, bola ng baseball na malapit sa paanan ng display cabinet, at isang smart phone. Sa paligid ay nakatambak ang ilang gamit na sa tingin ko'y galing sa sala. Sa tingin ko'y inilipat nila ang mga gamit na ito sa veranda upang paluwangin ang espasyo sa sala ng room.

“What is the victim's profile?” tanong ni Inspector Tan sa isa sa mga pulis.

“His name is Ivan Navarro. Isa siyang baseball player at kasalukuyang graduating student ng Sports Strand. Position: Batter and Pitcher. Kasalukuyan siyang ace player ng team Thunder na nagkampyon noon lamang biyernes. Nakatakda sana siyang lumaban sa lunes upang irepresenta ang Mnemosyne Academy. Birthday daw niya ngayon ayon sa kasintahan nitong si Ella Mehiko kaya't naghanda sila ng birthday party para sa kanya ngayong hapon,” sagot ng pulis.

“Opo, ang totoo niyan, noon pang nakaraang linggo namin pinaghahandaan ang araw na 'to para sa kanya kaya pinilit namin siyang huwag umuwi sa kanila at dito na lang sa dorm niya icelebrate ang birthday niya,” wika naman ng babae na nabura na ang make-up sa mukha dahil sa mga luha nito. “Sinabi rin niyang ito raw ang pinakamasayang araw niya dahil magkasabay ang selebrasyon sa birthday niya at pagkapanalo ng team niya sa baseball,” dagdag pa nito.

“Ikaw ang girlfriend ng biktima?” tanong dito ni Austin. Tumango ang babae bilang sagot.

“Ako si Marcus Manalastas, teammate ko siya, ako ang center field ng team namin. Kasama ako ni Ella mula sa paghahanda ng room na 'to hanggang sa pagsusurprise kay Ivan,” wika naman ng lalaking matangkad at may katamtamang lago ng balbas.

Lumingon si Marcus sa kanyang nga kaibigan. “Magkakasama kami rito sa loob nang magpaalam si Ivan na pupuntang veranda. Pero hindi na 'to bumalik kaya't sinabihan ko si Ella na tignan na siya, kung ano nang nangyari dun,” dagdag nito.

Sumunod na nagsalita ay ang lalaking naka-cap sa silid.“Ako naman si Rey Guillardo, ako naman ang catcher ng team. Inimbita ako ni Ivan na magpunta rito ngayong hapon. Inimbita niya ko noon pang araw ng game namin laban sa team ng Cheetah.”

“Ako naman si Michael Abaniko, ako ang short stop ng team. Tulad ni Rey, inimbita rin ako ni Ivan noong nakaraang game,” ani ng isa pang lalaking bato-bato ang katawan.

“May lima pang team members na di nakapunta ngayon dahil mas pinili nilang umuwi ngayong sabado sa kanila. Sila ang first, second, at third base ng team. Ang dalawa namang natira ay ang right at left field position sa team,” paliwanag naman ni Ella.

“Kung ganun ay lima lang kayong narito sa room unit nang mangyari ang aksidente sa biktima?” tanong muli ni Inspector Tan.

Umiling si Ella bilang sagot. “Hindi. Meron pang isa, siya si—”

Hindi natuloy ang sasabihin niya nang may dumating na isang lalaki, at may bitbit na mga junkfoods.

“Anong nangyayari rito? Nakita ko si Ivan na ipinasok sa ambulansiya na nasa labas? Anong nangyari?” nagugulumihanang tanong ng lalaki.

“S-siya po yung isa pa naming kasama dito kanina.”

Binatuhan ni Inspector Tan ng mapagtanong na titif ang lalaking kararating lamang. “At sino ka naman?” tanong nito sa huli.

“Ako si Arnold Sanchez. Klasmeyt ko si Ivan. Bakit? Ano bang meron dito?” naguguluhang tanong parin ni Arnold.

“Aksidenteng nabagsakan ng pigurin sa ulo si Ivan habang naroon siya sa veranda ng unit na 'to, at may kausap sa telepono through text messages,” wika ni Inspector Tan kay Arnold saka sinenyasan ang isa sa mga pulis. Iniabot ng pulis na yun ang smart phone ni Ivan na nakalagay sa loob ng sealed plastic bag.

Matapos niyon ay ibinalik ni Inspector ang atensiyon niya sa babae. “Nasabi mo kanina sa tauhan ko na may kausap si Ivan bago siya magpaalam na magpupunta ito sa veranda hindi ba?”

“Opo, pero hindi niya nabanggit kung sino ang kausap niya sa phone. Ang sabi niya lang ay may hahanapin lang siya sa cabinet na nasa veranda.”

“Ikaw, Mr. Sanchez. Anong kinalaman mo kay Ivan bukod sa klasmeyt mo siya?” Pagsabat ko sa usapan. Hindi ko pa kasi maintindihan kung ano ang role dito ni Arnold.

“Classmate at teammate ko siya sa baseball, pareho kaming batter at pitcher sa team. Last week, nagplano kami ng surprise party para kay Ivan at ito na nga ang araw na yun. Kasama pa nga ako nina Marcus at Ella na maglipat ng mga gamit dito sa sala papunta sa veranda. Dumating si Ivan around 4:30 pm. Sa mga oras na rin yun namin sinurpresa si Ivan. Bandang 5:30 naman nang maisipan kong bumili ng junkfoods kasi masyadong matakaw tong sina Ivan sa pulutan. Sakto at favorite namin ang mga 'to na pulutanin,” aniya saka itinaas ang mga pinamili.

Ganun pala. Napaka-aware pala ng isang 'to sa oras at kabisado ang mga eksaktong oras kahit na busy ito sa party.

“Ahuh, mga anong oras nang may mag-text kay Ivan? At anong oras siyang nagpunta sa veranda?” tanong naman ni Austin.

“Pagkaalis na pagkaalis ni Arnold, nakatanggap na siya ng text message. Napansin ko agad yun dahil magkatabi kami ni Ivan nang mga oras na yun,” sagot naman ni Ella. “Mag-a-alas singko na siguro nang magpunta siya sa veranda. May hahanapin raw siya.”

Naglakad si Inspector Tan patungo sa veranda at nag-obserba roon nang ilang segundo. “Kung ganun ay walang nakapansin sa nangyari sa biktima nung mga oras na maaksidente ito dahil lahat kayo ay narito sa sala at siya lang mag-isa ang nasa veranda. Wala man lang ba ni isa sa inyo ang nakarinig ng kalabog na may bumagsak mula sa veranda?” tanong nito.

“Wala kaming mapapansin na ganun dahil nagpapatugtog kami ng music kanina,” sagot dito ni Marcus saka itinuro ang audio amplifier at stereo malapit sa outlet ng room.

“Pero nakapagtataka namang basta na lang bumagsak ang mga pigurin sa ibabaw ng display cabinet. Isa pa, dalawa't kalahating metro ang taas ng cabinet at ang biktima ay nasa 5'7" to 5'9" in height. Ilang inches lang ang pagitan ng ulo ng victim mula sa estimated height na kinalalagyan ng mga pigurin na bumagsak sa ulo niya. In estimation, nasa seven inch in diameter ang pigurin at nasa four to five kilos ang bigat. Gayunpaman, hindi parin sapat yun upang mag-iwan ng malalim na sugat sa ulo ng biktima ang pigurin kung sakaling nabagsakan nga siya nito,” wika ni Denver na bigla na lang sumulpot. And of course, nakapulupot sa kanya ang maharot na si Claire. Tsk…

“What do you mean, Denver?” tanong rito ni Marcus.

“It means hindi nakatayo ang biktima next to that cabinet nang mabagsakan ito ng pigurin sa ulo,” tugon ni Denver saka ito lumapit sa display cabinet na nasa veranda. “It is safe to assume na nakayuko o nakadapa ang biktima nang bumagsak ang pigurin diretso sa ulo nito, giving enough distance for potential acceleration ang pigurin bago mabagsakan sa ulo ang victim,” wika nito saka tumingkayad at sinilip ang nasa pinaka-ibabaw ng cabinet. “Who took photos of the scene?” tanong nito saka inilibot ang tingin sa paligid, tila naghihintay ng sasagot.

“Sir!” bulalas ng isang pulis saka lumapit kay Denver. Iniabot nito ang maliit na camera sa kanya.

Flinash nito saglit ang bawat pictures bago tumigil sa isa at magsalita. “Look! Ang posisyon ng biktima ay masyadong malapit sa cabinet,” saad nito saka ipinakita sa'min ang picture na nakaflash sa screen ng camera. “Kung mawawalan ka ng malay nang nasa one foot ang layo mo sa cabinet, at babagsak ka nang nakadapa, hindi ba't matutumba ka muna sa cabinet dahil malapit ka roon? At possible na bumagsak ka not having this kind of position,” wika nito.

Tulad ng nakita namin kanina ni Andy, nakadapa si Ivan at nasa uluhan lamang nito ang paanan ng cabinet.

There's a point to what he was saying. Maaaring mabago ang posisyon ng pagkakahandusay ng biktima sa sahig kung nakatayo ito nang bumagsak at malapit lang ang cabinet sa harap niya.

“So what? Ano ngayon kung nakayuko o nakadapa si Ivan nang mabagsakan siya ng pigurin?” tanong naman ni Rey.

“Then it means…” ani ni Denver saka lumingon sa gawi ni Rey. “May mahalagang gamit siyang sinilip mula sa ilalim ng cabinet.”

Gayundin ay dumapa ang isang pulis at inilawan ang paanan ng cabinet pero wala naman daw itong nakita.

Dahil dito, lumipat ang tingin ng lahat kay Denver na tila hinihintay ang mga susunod pa nitong sasabihin.