Chapter 20: First Client
TRIGGER WARNING:
This CHAPTER may contain explicit depictions such as death, killing, self harm or suicide, sexual assault or harassment, vulgar words, swearing, and many disturbing gestures or depictions. TRIGGER WARNING shall be taken into consideration.
°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*°*
JAMMY
Tumunog na ang bell, sign na tapos na ang morning class. Kasabay sina Sheila at Eloise ay nagtungo kami ng cafeteria. Nagpaalam ako sa kanilang dalawa dahil sa club room ako kakain. Mag-o-order lang ako ng pagkain na dadalhin ko roon.
“Good you're back,” bati ni Denver na nakapatong pa ang paa sa mesa. I swear, nakakairita ang itsura niya sa mga oras na 'to.
“At kailan mo naman kakausapin si Alex?”
“I'll talk to him soon. Kung gusto mo, I'll record our conversation as a proof that I granted your wish,” seryoso nitong sabi. Pawang nakapako ang mga tingin namin sa isa't-isa.
“So ano nang gagawin natin?” I asked na nakapameywang pa.
“Wait for a client. I already talked to the school admin and they will inform the students that our club is already open for service,” aniya na chill lang habang nakaupo.
Inirapan ko lang ito at umupo sa isa sa mga monoblock sa harap ng mesa nito. Okay, we have one hour to stay here and wait for any client to come. Mamaya ay babalik na rin kami sa klase namin. Every weekends, magiging full time ang service kaya mukhang mapapatambay ako rito tuwing weekend. Sana lang talaga may dumating na client. Ayaw na ayaw ko ng boring hours. Mas gugustuhin ko pang maglagi na lang sa library kesa umupo kasama ang ulupong na si Denver sa iisang room.
Tapos na ang isang oras at tumunog na muli ang bell, senyales ng pag-uumpisa ng afternoon class ngayong araw. Pero ni isa ay walang dumating na client sa club. Great start. Wish me luck, but I guess, lulumutin lang ang mga mata ko kakahintay sa sinasabi ni Denver na client.
It's been fifteen minutes passed nang tumunog kanina ang bell pero 'di parin dumarating si ma'am Resuleksyon.
“Hey, Jammy. Sabado, bukas. Uuwi ka ba sa inyo?” tanong ni Thyke. Nakangiti pa ito sa'kin at nilalaro ang hawak nitong ballpen.
Umiling ako rito. “Mag-i-stay ako sa dorm, eh. I need to go with Denver sa Mystique Club. It's already open, kanina lang, so if may mystery problem ka na pwedeng idulog samin, please reach Mystique Club. Kung may pinapahanap ka o kung ano man. Just send me your concerns,” nakangiti ko ring sabi rito.
Tumango-tango lang naman ito bilang tugon sa akin.
“Yayayain sana kitang lumabas,” sambit nito na may pagkamot pa sa ulo.
“Oh, I'm verry sorry, Thyke. Magiging busy kasi ako sa mga susunod na araw, eh. At ayokong lumabas kasama ang sino mang lalaki,” pagpapalusot ko. Wala talaga sa bokabularyo ko ang makipag-date kanino man. Thyke is good. Pero hindi ko gustong umasa siya sa wala. Mas mabuti nang tanggihan ko lahat ng pag-aaya niya, kaysa sakyan ko kung ano ang gusto niya at hintayin pang lagyan nito ng ibang ibig sabihin ang mga ginagawa ko. Ayoko nun.
Tumango muli ito sa'kin at ngumiti nang pilit. “Ayos lang, Jammy.”
Pagsapit ng sabado ay maaga akong naghanda upang magpunta ng Mystique Club. Tulad ng inaasahan, nadatnan ko roon si Denver na nasa dati nitong pwesto at nakapatong ang parehong paa sa mesa.
“Really? In that way mo ie-entertain ang sinasabi mong, ‘client?’” iritable kong sabi.
“Wala pa naman at nagsisimula pa lang ang araw. Hindi natin aasahan na may kailangan agad ng tulong natin. If ever you do not know yet, this is called ‘Relaxing,’” sagot nito na may pahabol pang pagkindat.
Napailing na lang ako sa ulupong na 'to. Mahirap balasahin ang utak ni Denver. Minsan mayabang, minsan masungit, at minsan pa-cool at feeling gwapo.
Inabot na ng lunch time ay wala paring dumulog sa aming tanggapan. Ano pa nga bang aasahan? Not as always ay may misteryo. There're always a normal day for everyone. And now? Isa ang araw na 'to sa mga normal day.
Nagpaalam muna 'ko kay Denver na magtutungo ako sa cafeteria upang mananghalian.
Hindi ako pinansin ng ulupong at busy na naman sa laptop nito. I wonder what's in his laptop at palagi na lang niyang kaharap yun. Is he reviewing some cases na unsolved parin hanggang ngayon, or is he looking for new case to solve? I don't know.
Kahit ano pa man iyon, hindi maganda sa paningin ko ang gawi niyang pagpatong ng paa sa mesa at pagtipa nang pagtipa sa keyboard ng kaniyang laptop.
Matapos umorder ay naghanap ako ng perfect spot para kumain. Kakaunti lang ang estudyante rito since weekend ngayon. Pero mas gusto ko parin na naka-isolate ako sa iba. I want to be alone. Unless sina Sheila at Eloise ang kasama ko.
Habang kumakain ay may lumapit na babae sa'kin. “Is it okay if we share the same table?” pormal nitong paalam.
It was Claire Dela Paz. Ang nagsilbing emcee last two weeks sa ginanap na outdoor game dito sa school. Anong meron?
“Yeah, sure,” nakangiti kong sabi. Gumanti ito ng ngiti sa'kin saka umupo sa bandang harap ko.
“Hi, I'm Claire. How about you?” Kitang-kita ang braces nito sa ngipin habang nakikipagkilala. Ang ganda niya. She wears a light make up, enough to have a slaying gorgeousness. Siguro kaya niyang akitin ang sino man dahil sa taglay nitong ganda. Ang ganda niya sa malapitan, oh my!
“I, I'm Jammy,” nakangiti ko ring sagot pero nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Hindi ko magawang ibaling ang atensiyon ko sa iba. I mean, she's so gorgeous. Her beauty could slay!
“Oh, hello sayo, Jammy,” saad nito saka inilahad ang kanang kamay nito sa'kin. Agad ko naman itong inabot. “I heard, bukas na ang Mystique club ni Denver. Ilang buwan din nang matigil ang activities niya roon. Are you the vice president of the club?” aniya saka bumitaw sa'kin.
“Yeah?” Hindi ako sigurado sa naging sagot ko. “What can I do for you, Claire?”
“Nawawala kasi ang only friend ko, and I don't know where she is right now. I wish you could help me find Zora,” seryoso nitong sabi. Namumugto pa ang mga mata nito sa'kin.
Bigla akong nakaramdam ng awa nang makita ang pinta ng mukha nito. Tila ba maging ako ay nasaktan sa kung sino man ang nawala sa kanya.
“Yeah! We can help.” Pinaskilan ko ito ng maaliwalas na ngiti. Sana ay napawi niyon ang lungkot na kaniyang nadarama. “Sumama ka sa'kin mamaya, babalik ako sa Mystique club. Naroon si Denver ngayon. Discuss it further pag nandoon na tayo. Tara, kumain muna tayo,” nakangiti't masigla kong turan. Tumango naman ito sa'kin bilang sagot.
Gayun nga ay kumain muna kami bago nagtungo sa Mystique club. Matapos niyon, tila sabik na sabik itonf nagtungo roon. Hindi ko na kinailangan pang ituro sa kaniya kung saan ito matatagpuan dahil nauna pa ito sa'kin sa paglalakad.
“Denver!” excited kong sabi nang buksan ko ang pinto ng silid. “Meron na tayong client. Si Claire,” sunod kong sabi saka pinapasok si Claire at pinaupo sa isang monoblock. Mabuti na lamang at 'di namin siya nadtanan na nakapatong ang mga paa sa mesa bagkus ay busy parin sa laptop nito.
“Okay, so what's the problem?” ani ni Denver.
“Nawawala kasi ang only friend ko kanina lang tap—” hindi na natapos ang sasabihin ni Claire nang magsalita si Denver.
“Oh, wow,” panimula niya na nagpakunot ng noo ko habang nakatitig sa kaniya. “Kanina lang siya nawala pero narito ka ngayon upang ipahanap siya samin, ganun ba?” pirme itong nakapokus sa harap ng kanyang laptop.
Tumango sa kanya si Claire at ngayon ay naka-pout na siya. “Nagpunta kasi ako ng banyo kanina para maligo, pero pagbalik ko wala na siya. Eh, nag-aalala ako, ngayon lang yun nakapasok dito sa academy,” sagot nito.
“Oh, really?” Nagbato siya ng mabilis na tingin sa kausap at ibinalik rin agad ang atensiyon sa kaharap nitong laptop. Nagbuga muna ito ng malalim na hangin bago ipagpatuloy ang sinasabi. “Ipinapahanap mo sa'min ang isang outsider. I guess, nababahala ka kasi baka maligaw siya sa lawak nitong campus,” aniya.
Maya-maya pa ay kumunot ang noo nito. “Oh, no, no, no, no! It's a big mistake! Dapat pala ginamit ko lahat ng suns ko for Dr. Zombie!” aniya saka padabog na isinara ang laptop.
“Ano ba kasi yang pinagkakaabalahan mo, Denver?! At sinong Dr. Zombie? Kanina pa yang umaga, ah,” mukha na naman akong nanay dahil sa panunuway ko kay Denver. Ni di man lang niya kasi iniintindi ang kauna-unahan niyang client sa araw na 'to. He's not good on entertaining people. Indeed he is.
“Ahmm. I'm playing Plants vs. Zombies, and whatever the strategy I am trying in order to win, I can't finish the last level. I can't defeat Dr. Zombie! Arghh!” he groaned.
Ngayon ay muling nanlilisik ang mga mata ko sa kanya. Awatin niyo ko. I could kill him right now.
“What's on that eyes?” saad nito na nakipagtitigan pa sa'kin.
Claire's jaw dropped on our sudden fight with Denver.“Are you guys okay?” lito nitong turan habang nagpapalipat-lipat ang tingin nito sa'ming dalawa.
Binasag ko na lamang ang katahimikan at ibinalik ang paksa namin kanina. “What's her name again?” tanong ko sa huli.
“Zora,” she answered.
“Okay, huli mong nakita si Zora sa room mo? Tama?” pangungumpirma ko. Kinumpirma naman niya agad ito kaya nagtanong pa 'kong muli. “Natanong mo na ba ang mga roommates mo kung nakita ba nilang lumabas si Zora?”
Umiling ito bilang sagot. “Ako lang ngayon ang nasa unit namin. Ang iba ay umuwi sa kani-kanilang bahay.
“Then it might be safe to assume that your friend, Zora, is merely wandering around the campus. 'Di naman yun basta-basta makakalabas ng campus without passing through the campus' gate,” sagot naman ni Denver. “Isa pa, pano nakapasok ang outsider dito sa campus? At san ka kumuha ng permiso na magpapasok ng iba sa campus?”ngayon ay nakatayo na si Denver nang magsalita.
“Actually, nakapasok siya rito nang hindi alam ng ibang school admins,” sagot nito. Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan. She is also a school admin.
“Pano naman siya nakapasok sa campus without them knowing?” tanong rito ni Denver.
“Mabuti pa magpunta tayo sa kung saan mo huling nakita si Zora. We might find some clues there,” saad ko sa huli saka niyakag na 'tong lumabas ng club room kasama ko.
Tumango naman siya sa'kin saka kami lumingon parehas kay Denver na ngayo'y nakapamulsa na naman.
“What?” pagkukunwari nitong di nito alam ang nais naming mangyari.
“Kailangan mong sumama.”
“Sasama ka ba, Denver?”
Magpanabay naming turan ni Claire.
Umirap lang naman ito at tila napilitang sumama sa'min.
Sa Poseidon's building kung saan ang dormitory ni Claire kami nagtungo. Sa harap ng pinto ng room number 128 kami ay pumasok.
“Maupo muna kayo. Ipaghahanda ko kayo ng makakain,” turan ni Claire saka nagpunta ng kusina.
“There's something wrong here,” wika ni Denver sa mahinang boses.
“What do you mean?” usisa ko.
Tumingin ito sa parte ng sala na may mini table. Tanaw ang veranda mula roon.
“I guess, Zora isn't a person,” aniya. Namilog ang mga mata ko sa narinig. What does he mean Zora is not a person? Ano siya? Hayop? Multo? Alien? Guni-guni?
“What?” mabilis kong tanong habang lulan parin ang litong mukha. “What do you mean, not a person?” pahabol ko pa.
Iniangat ni denver ang kaniyang braso at itinuro ang parte ng unit sa gawing veranda.“Look over there,” wika nito habang hindi bumibitaw ang tingin nito sa parehong direksiyon.
Bago pa man ako makalingon sa itinuturo ni Denver ay bumalik na sa sala si Claire.
“Papakainin ko na sana si Zora pagtapos kong maligo kanina kaso—”