Chapter 3: Dylan is in

"JEANIE POV"

Naiinis ako! Alam naman nya yung TAMA at MALI! Pero hinayaan nyang mangyari yung mali. Alam nya kung ano yung feeling nang nabu-bully. we both know how it feels! NAKAKAINIS TALAGA!

Kung tutuusin, hindi naman papalag yung dalawang yun sakanya dahil takot sila kay Josh. Matino naman si Josh pero ibang klase lang din talaga sya kapag nakipag-away kaya nga hindi kami ginagalaw ni Vince o isa man lang samin nila Jude at Terrence dahil na din sa protektado kami ni Josh.

Kaya naiinis ako dahil alam naman ni Vince na kahit paano may laban kami pero wala! Hindi sya lumaban.

"Jeanie!" tawag niya sa pangalan ko.

Di ko sya pinansin, kahit na lingunin sya hinding-hindi ko gagawin. KAINIS! hanggang salita ka lang pala! Sabi mo dati tumulong kapag may nangangailangan ng tulong!

SINUNGALING! Hindi mo naman pala kayang panindigan yang sinasabi mo!

"Jeanie! Para 'tong sira! HOY!" Tawag ulit nya.

i-Jeanie mo mukha mo!

"JEANIE!" This time hinawakan na nya ako sa kamay at pinigilan.

"Bakit ba?" Mataray kong tugon.

"Mainit ka, fertile ka?" Biro niya. Inirapan ko lang sya at muling tinalikuran. Wala ako sa mood para sa mga jokes nya "Eto naman di na mabiro." Sumabay sya sakin sa paglalakad.

"Di ako natatawa!"

"Sungit naman nito" Vince

"Ngayon ko napatunayan na BAKLA ka nga talaga! Duwag ka! Hanggang salita ka lang!" Tinapunan ko sya ng matalim na tingin.

"Below the belt na yan, girl." Seryosong sagot niya.

"Bakit BAKLA ka naman talaga diba? BAKLA KA SA LAHAT NG BAGAY!" Pareho kaming natigilan sa paghakbang.

"Hindi mo pa din ba maintindihan yung point ko?" Vince.

"Anong point? Sabihin mo na lang yung totoo! Naba-bakla kang patulan sila Jude kasi takot kang masaktan!"

"O, alam mo naman pala eh, anong ikinagagalit mo? Gusto mo ba labanan ko yung dalawang yun ng mag-isa para lang sa koreanong bulol na yun. NEVER! OVER MY SEXY BODY." Vince.

"Pano pala kung ako na yung binu-bully nung dalawang yun? Porke hindi mo kaibigan hindi mo na tutulungan?"

"Ibang usapan ka naman Jeanie" Vince.

"Anong pinagkaiba nun? E, pareho lang--"

"Syempre Special ka sakin. E, yung koreanong bulol na yun ba? Ni hindi nga kami close nun noh! Buti sana kung gwapo man lang sya, baka pwede ko pang isalang sa jombagan itong beautiful fez ko para lang isave sya." Vince.

"Tarupam! Ay apu Vince! Duray ana ibagam, madi latta jay inaramid mu tattay!"

Translation: Mukha mo! Jusko Vince! Kahit anong sabihin mo, mali pa rin yung ginawa mo kanina!

"Ay apay ngay kasjay? Inyaddayu ka lang inti posible nga dakis nga mapasamak! dik bay bay-an nga madangran ka gapu lang inti BUDOY nga ajay. Atuy nga bakla. di ka pay nagyaman kinyak "

Translation: Inilalayo lang kita dahil posibleng mapahamak ka dun! Hindi ko hahayaang masaktan ka dahil lang sa BUDOY na yun! Baklang toh! Hindi pa magpasalamat sakin.

Sasagot pa sana ako pero biglang naudlot ang usapan namin nang bumukas yung pinto ng bahay nila Vince. Hindi ko na namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng bahay nila.

"Nag-aaway ba kayo? Ang lalakas pa ng mga boses nyo dinig na dinig kayo ng mga kapitbahay." Si Tita Marie. Who's actually's Vince mother.

Single Mom si tita Marie kaya mag-isa nyang pinalaki si Vince. At the age of 42 super ganda at sexy pa din ni Tita Marie, sobrang maalaga din kasi talaga sya sa sarili kaya young looking.

Mahilig syang magtinda ng kung ano-ano, nagpapaorder din sya sa mga Avon, MSE, Natasha basta kung ano-anong raket!

Ayaw nya daw kasi nang may amo kaya nagtyatyaga sya sa paganun-ganun. Pero dahil madiskarte at likas na magaling mang-salestalk ayun nakakapundar naman ng mga gamit nila.

"H-Hindi po tita." Nilingon ko si Vince para tulungan ako sa pagsagot sa mama nya, pero mukhang wala na syang gana pang mangsalita matapos naming magsagutan.

"Ma, anong ulam?" Patay malisya syang pumasok ng bahay nang hindi man lang ako tinitignan.

"Sige po tita, uuwi na din po ako." Paalam ko kay tita Marie.

Inirapan ko si Vince kahit pa nakatalikod na sya sakin at hindi nya nakita yung ginawa ko.

"Dito ka na maghapunan." Paanyaya sakin ni tita Marie.

"Ay hindi na po, nakaluto na din po siguro sila kuya. Sa bahay na lang po ako kakain." Palusot ko.

"Ma! Tara nang kumain! Pabayaan mo na yan, may pagkain naman siguro sakanila, wag mo nang alalahanin yan TUTAL MATIGAS NA BUNGO NYAN!" Vince.

Saglit kaming naglabanan ng titig ni Vince. Pinapa-tutsyadahan pa nya ako ng mga ganun! Samantalang sya nga 'tong nauna!

"Sige po tita, uwi na po ako!" Pinili ko na lang kumalma at balewalain 'pansamantala' yung mga sinabi nya.

-KINABUKASAN

Hindi ako sinundo ni Vince para sabay kaming pumasok.

KERI LANG! Ayoko din naman syang makasabay

Humarap ako sa salamin, kakatapos ko lang kasi maligo at magbihis. Medyo tinanghali na nga ako dahil sanay akong pumupunta ng maagang-maaga si Vince dito at sya ang gumigising sakin.

Well, pumupunta lang naman sya dito ng ganun kaaga kasi pag ganung time pagala-gala ng naka-topless lang si kuya Zion at kuya Zack. Maligayang maligaya ang mata nya kapag nakakadungaw sya sa katawan ng mga kuya ko.

"Jeanie, sasabay ka ba sakin?" dungaw ni kuya Zion sa pintuan ng kwarto ko.

"Oo, kuya, wait lang." Mabilis kong sinuklay yung buhok ko.

BUHOK ba to o ALAMBRE?

Kapag nagkabudget ako magpaparebond na talaga ako! Bwiset na buhok 'to!

"Si Vince? Hindi ka ba susunduin ng boyfriend mo?" Pang-asar na sabi ni kuya.

"Hindi. Nauna na sya! " Maikli kong sagot kay kuya habang itinatali yung buhok kong medyo basa pa.

"Bilisan mo dyan, male-late ako." Kuya Zion.

Si kuya Zion ang pinakamatanda saming tatlong magkakapatid. Sya din ang tumatayong INA at AMA samin ni kuya Zack.

Namatay sa sakit ang mama namin noong nasa dubai pa sya. Isa kasi syang OFW dati. Yung papa naman namin nangibang babae na kaya galit na galit sila kuya kay papa.

Namatay kasi si mama na may sama ng loob kay papa. Simula ng mamatay si mama, si kuya na ang nagpa-aral samin.

Si kuya Zack naman, collage student at graduating na. Varsity player ng basketball team sa university na pinapasukan nya. Nagpa-part time job din siya as a waiter sa isang restaurant.

Kumpara sa mga kuya ko, na mga gwapo, maayos sa katawan at magandang magdala ng damit. MALAYONG MALAYO ako sakanila. minsan nga iniisip ko kung ampon lang ba ako.

Ewan ko kung ano ang sumanib sakin para kumuha ng eyeliner at subukang mag-kilay. When I try to draw a line on my eyebrow.

"Demonyo yarn?" Kunot noong nasabi mo sa sarili ko ng matitigan kong mabuti ang pagmumukha ko sa salamin.

Sabi ko, magkikilay ako para umayos ang itsura ko hindi para magmukhang demonyo.

"JEANIE, halika na!" Napalingon ako kay kuya Zack na hawak ang eyeliner sa kamay ko.

"Nagpapa-panget ka? Bagay sayo." Kuya Zack.

"Oo! Para tuluyan ng walang magkagusto sakin." Sarcastic kong sagot.

Hindi dahil sa ako ang bunso at nag-iisang babae, spoiled na ako sa mga kuya ko.

To be honest madalas nila akong asarin. Kaya nga iniisip ko kung kapatid ko ba talaga sila! Sanib pwersa kung mang-asar eh! POWER TRIP.

"Bilisan mo na dyan, hindi ka chicks para hintayin" Kuya Zack. Pairap akong kumuha ng wipes at binura yung ginuhit ko sa kilay ko.

SI Vince pa lang ang inabutan kong nakaupo sa pwesto namin. Wala pa sila Anne at yung dalawa. Umupo ako sa bandang harapan ni Vince. Ganito kasi ang seatting aranggement namin.

Vhon, Josh

Anne, Me

Vice, Bakante

He is holding his phone at may nakasalpak na headset sa tenga nya. Gayon pa man ay hindi ko pa din sya pinansin.

WALANG KIBUAN.. MANIGAS SYA!

After a minute dumating sila Anne at Vhon. Kaya nabawasan ang awkward situation sa pagitan namin.

After a few minutes pa dumating sila Jude at Terrence na tuwang-tuwang pinaghahatian yung perang sa tingin ko ay nakuha nila sa mga katulad ni Dylan. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makaupo sila. After a few seconds si Dylan naman ang dumating. Inaayos niya ang gusot-gusot niyang damit habang papasok ng room.

Sabi ko na nga ba. Hindi titigilan ng dalawang to ang pangti-trip kay Dylan. Tatayo sana ako para sitahin sila Jude pero--

"Hoy Bulol!" Tawag ni Vince. "Dito ka maupo." Vince pointing the vacant seat, sa tabi niya.

Napunta ang atensyon namin nila Anne at Vhon kay Vince. Umupo si Dylan sa tabi ni Vince.

"Te-te-thank you" -Dylan.

"Te--te-- Ba't di mo iparebond yang dila mo nang dumiretso? Simula ngayon, sasabay ka na samin para di ka napagtitripan ha?!" Vince.

"Sasabay sya satin?!" Pag-uulit ni Vhon.

"Vhon, paulit-ulit?" Vince.

"Hindi nga, bakit sya sasabay satin? Wag mong sabihing type mo yan" Vhon

"Siraulo, Hindi noh. Hello! si Joshua nga na unggoy hindi ko pinatulan, eto pa kayang bulol na hito na kakambal ni budoy." Vince. Natawa kami sa sinabi nya. "Ang totoo nyan.." tumingin sakin si Vince ".. Gusto ko talaga syang tulungan, pero hindi sa paraan na kailangan ko silang labanan, bakit ako lalaban? kung pwede ko naman syang ilayo na lang kila Castillo" pagtatapos ni Vince.

"Alam mo, Tama ka dyan girl, we dont need to fight the bully to save him, we just need to take him away from the bully diba?" Anne.

"Oo nga, yan nga yung sinabi ko, in-english mo lang eh" Vince.

"Ibig sabihin flends ko na kayo?" Ngayon lang nagcomment si Dylan.

"Wag na kaya? mukhang sasakit ulo natin kakaintindi sa bulol na ', to." Vince.

-CANTEEN

Tulad ng napag-usapan, kasabay na nga namin ngayong kumain si Dylan. Madali syang nakasundo nila Vhon, Josh, Anne at Vince. Ang maganda lang kay Dylan ay marunong syang makisabay sa kalokohan nung tatlo at hindi sya pikon kaya madali namin syang nakapalagayan ng loob.

Umorder ako ng sarili kong meryenda. Since hindi pa kami nag-uusap ni Vince, ako na ang umorder para sa sarili ko. As ussual Coke & Burger lang sapat na sakin.

Umupo ako sa pagitan ni Anne at Dylan. Ganito ang naging seating arrangement namin.

Josh, Vince, Bakanteng upuan

T A B L E

Bryan, Me, Anne, Vhon.

Nagpaplano silang gumala sa Baguio sa byernes, Na sa tingin ko imposibleng mangyari. Natural di kami papayagan ng parents/guardians namin.

"Ako, walang problema sakin, siguradong papayagan ako. kayo? Papayagan ba kayo?" Josh.

"Wala din akong problema." Vhon.

"Ako? I don't know if they will allow me, you know naman my mom." Anne.

"Ikaw Jeanie?" Dylan.

"Hindi ko din alam kung papayagan ako nila kuya, pero susubukan kong magpaalam."

"Ikaw sisteret" tanong naman ni Anne kay Vince.

Nagsimula akong pagtuunan ng pansin ang food ko. Hindi pala ako nakakuha ng straw at tissue

"Ay, kilala nyo naman ang madir ko, walang kaproble-problema dun." He said habang palihim na inilalapit sakin yung tissue at straw na napapatungan ng ketchup.

Kunot noong napatingin ako sa kamay nya. Maybe he is not aware na napapansin ko yung ginagawa nya.

Napatingin ako sakanya at muling nagtagpo ang mga mata namin pero sa pagkakataong ito hindi ako nagbaba ng tingin.

Pareho kaming nagsusukatan at nagpapakiramdaman. Hanggang sa unti-unti nya akong nginitian. Then I answered him ng isa ding ngiti until that smile slowly turned into a little laugh.

Nagets ko na! Hindi na kailangan ng salita pa!

NAPATAWAD na namin ang isa't-isa.