Chapter 4: Hopia you want?
-SABADO
- LEGAL NA GUMALA KASAMA ANG BARKADA
YES! Pinayagan ako nila kuya ipinagpaalam kasi nila akong lahat. Infairnes naman kasi sa mga kuya ko marunong silang tumingin ng taong mapagkakatiwalaan kaya YES YES YES pupunta kami ng Baguio!
Pinayagan din ng parents nya si Anne. Nagpunta din kaming lahat sakanila para personal syang ipagpaalam. Noong una ayaw nilang payagan si Anne dahil 'maybe' baka natatakot sila na may mangyaring 'you know' tungkol sakanila ni Vhon. But thanks god at nagagamit sa ganitong sitwasyon ang sense of humor ni Vince at napapayag namin ang mommy ni Anne.
Isa pa, kasama naman namin yung driver ng Van nila Vhon since pare-pareho naman kaming mga bata pa kaya kailangan pa rin na may kasama kaming mas nakatatanda sa amin.
Ang mainam lang sa driver nila Vhon, halos hindi namin sya madama kapag kasama namin sya parang hangin lang. Hindi rin naman kasi nya kami pinakikielamanan.
"San ang bibble study?."
Bungad sakin ni kuya Zack matapos ay humiga sya sa kama ko.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. I am wearing my comfy outfit. The reason why I don't want to wear pants kasi ang hirap kumilos, ayoko din naman ng short, naaasiwa ako!
"E, sa dito ako komportable eh." Pataray kong sagot kay kuya na pinagmamasdan pa din ako habang ngumingisi ng nakakaloko.
"Nandyan na yung sundo mo bilisan mo." He said sabay abot sakin ng pera.
"O, pocket money mo daw sabi ni kuya. Hindi na naiabot sayo at maagang pumasok. Nag-ambag din ako dyan ng konti, wala pa kasi yung sweldo ko kaya konti lang muna ha." Paliwanag ni kuya.
Eto lang talaga din yung pinakagusto ko sa mga kuya ko eh, Hindi sila madadamot. I mean, pagdating sakin hindi talaga nila ako pinababayaan. "Pasalubong ha? Kahit ano wag lang Strawberry tsaka strawberry jam." pahabol pa nya.
"Luh! Ano kaya yun? Sa baguio nga kami pupunta puro strawberry dun tapos ayaw mo ng strawberry?"
"Basta ayoko ng strawberry!"
"Anong gusto mo, kulangot?"
"May kulangot pa 'ko." Birong nagkalikot pa sya kunyari sa ilong nya.
"Sige nga kainin mo!" Paghahamon ko sakanya.
"Busog ako, ikaw na lang!" Kuya na akmang ipapahid sakin yung---
"Yuck! Kadugyot nito!" Inis na umiwas ako kay kuya na tatawa-tawa naman.
"Lumabas ka na dun! Kanina ka pa hinihintay sa labas kabagal mo!" Paalala sakin ni kuya. "Pasalubong ha, basta wag strawberry." Muling bilin nya.
"Oo na! Pakisabi na lang kay kuya salamat. Alis na 'ko" Nagmamadaling kinuha ko yung bag at cp ko then tumakbo ako palabas ng bahay, wala na kasing tigil sa pagbusina si Vhon ng sasakyan. Nakakahiya na sa mga kapitbahay.
Family van nila Vhon ang gagamitin namin. Medyo bigtime kasi si Vhon dahil parehong doctor ang mama at papa nya. Solong anak kaya sunod sa layaw.
Si Anne naman. Si Anne talaga ang pinaka-bigtime samin. Solong anak din kaya may pagka-strikto ang parents nya.
Si Josh naman. Isang DH ang mama nya sa Singapore. Samantalang nagmemekaniko naman ang kanyang ama. Pang-apat sa anim na magkakapatid.
Nasalubong ko si Vince na mukhang papasok sana sa bahay nang matigilan ako.
He is wearing a black v-neck shirt na may patong na light bLue polo at naka shortpan ng dark blue .
Ewan ko kung dahil lang ba sa hinahangin yung polo nya habang papalapit sya sakin kaya nagkakaroon ng epekto sakin. Kasi ang gwapo nya ngayon sa paningin ko.
"Ang tagal mo girl, anong oras na!"
He said then kinuha nya yung dala kong bag.
"Inayos ko pay jay gamit ku. Namiss nak met dagus. Chosss haha."
Translation: Inayos ko pa gamit ko, namiss mo naman ako agad. Chosss haha.
Pabiro kong sabi sakanya .
-BAGUIO -
Nagrent lang kami ng appartment na matutuluyan for 2 days and 1night. May two rooms and kitchen na pwedeng paglutuan.
Kumain muna kami bago kami nagsimulang maglibot. Una naming pinuntahan ang Burham park.
Sinubukan naming sumakay sa boat.
Nagkakatawanan pa nga kami dahil nung una, since first time din naman nila Vhon at Josh magsagwan. Ikot lang ng ikot yung bangka pero nang makuha na nila yung technique naging maayos naman na ang lahat.
Sunod naming sinubukan ang pagba-bike. Bumili pa kami ng water gun. Nagbasaan kami using our water gun habang naghahabulan sakay ng kanya-kanya naming bike.
Naglagay kami ng target paper sa likod namin, ang pinaka-basa ang papel ang syang matatalo. By team ang naging laro namin. Vhon, Anne, Dylan Vs. Vince, Me, and Josh.
Hinahabol namin ni Vince si Anne sakay ng aming bisikleta. Nasa bandang likuran ko si Vince nang may bumunggo sa sinasakyan kong bike.
"JEANIE!" Vince. Dali-dali siyang bumaba ng bike nya upang alamin ang kalagayan ko.
"Nasaktan ka ba?" Nag-aalalang tanong niya sakin. Mabilis ding lumapit samin si Anne.
"Oh my gosh! She's bleeding!" Anne.
OA lang talaga ang reaction ni Anne. Gasgas sa palad at siko lang naman ang natamo ko.
"Okay Lang ako. malayo sa bituka."
MabiLis kong sagot kay Vince .
"Put*ngin* kasi EH! " Gulat na napatingin kami ni Anne ng biglang magmura si Vince. "Nananadya na kayo eh! Akala nyo hindi ko napapansin? Ano bang hinahanap nyo? T*ngina*!" Naaarma kami ni Anne ng biglang mukhang susugurin ni Vince yung bumunggo sakin at yung dalawang kasama nito kaya agad naming hinawakan si Vince. Dumating na din si Bryan at Vhon.
"Bakit? Bakit anong problema tol? "
Vhon to Vince.
"T*ngin* MO DIN! Ang angas mo pala eh-- "Susugurin sana nung bumungo sakin si Vince pero nagulat na lang kami ng mula sa likuran nila ay itinulak sila ni Josh. Napasubsob silang tatlo sa semento.
"GANTIHAN NA!"Josh.
Matapos isigaw iyon ni Josh, isang malakas na sipa sa *Where it hurts the most* ang binigay ni Vince sa bumangga sakin. Sabay mura ng malutong na 'T*NGIN* KA!' Nakisaling binatukan naman nila Vhon at Josh yung dalawa nitong kasamahan.
After ng mabilisang pag-ganti nila, biglang hinawakan ni Vince ang kamay ko. Same with Vhon na hinawakan ang kamay ni Anne sabay sigaw ng..
"TAKBO MGA BAKLA!" Vince.
Hindi ko maintindihan kung bakit kami tumatakbong anim. Naintindihan ko lang ng lumingon ako sa likuran namin. HINAHABOL pala kami nung tatlo.
Hindi ko na alam kung pano kami nakatakas dun sa tatlo basta ang alam ko it was a bit dangerous pero ang saya!
Muntik pa ngang madapa si Dylan nung biglang sumigaw ng takbo si Vince. Pare-pareho kasi naming hindi ine-expect na mapapatakbo pala kami ng wala sa oras.
After that, Itinuloy namin ang pamamasyal. Maggagabi na ng pumunta kami sa minesview. Kanya-kanyang selfie na ang ginawa ng bawat isa samin, After ng selfie ay isinunod din namin ang groufie.
After ng picture taking ay sumunod naman naming pinuntahan ang baguio night market.
At bago kami tuluyang bumalik sa tinutuluyan namin kumain muna kami at bumili ng konting drinks, Susubukan daw naming tikman yung starwberry wine nila dito.
Umiinom naman kami pero yung kami-kami lang magbabarkada since kilala naman na namin ang isa't-isa for a long time.
Tsaka inom na kayang dalhin ang sarili naman lagi ang ginagawa namin. Hindi kami tulad ng iba na umiinom hanggang sa gumapang na sa kalasingan
-RENT HOUSE -
Nang magsimula na ang inuman at nang medyo may tama na ang iba samin. Nagsimula na ang seryosong usapan.
Nagsimula ding magkwento si Dylan ng tungkol sa buhay nya.
Taxi driver daw sa korea ang papa nya, house wife naman ang mama nya. Tulad nila Vhon, Anne at Vince, solong anak din si Dylan.
Sa tita nyang asawa ng kapatid ng mama nyang pilipina daw sya nakatira ngayon. Dito daw sya nag-aaral sa pilipinas dahil sa dalawang rason.
Una, mura daw kasi ang pag-aaral dito, ikalawa sa korea daw kasi lagi syang na-bubully. Kami nga daw ang unang nakipag kaibigan sakanya.
"I am really thankfuL to all of you jinja! Gomawo!" Dylan. He's starting to get emotional "Akala ko hindi na ako magkakaroon ng kaibigan, lahat ng tao pinagti-tlipan ako, binubugbog ako kahit wala akong ginagawa, kinukuha lahat pela ko, gamit ko, pati telepon ko. " Now he is really crying.
"Alam nyo yung mas masakit pa? Pati nanay ko, tatay ko sinasabihan nila ako ng masasakit na salita tungkol sa parents ko, gusto ko gumanti pelo." Dito na tuluyang napahagulgol si Dylan , literal na hagulgol.
"Wag ka ng umiyak Dy simula ngayon, wala ng bubully sayo. Simula ngayon, ituring mo na din kaming family mo. Okay?" Then I tap his shoulder .
"Tama yun." Anne wipe her tears "Hanggat kaibigan mo kami, hindi namin hahayaang may mang-bully ulit sayo, we are always here to protect you from them. Naiiyak tuloy ako." Then Vhon hug her.
"Pati naman na si Jeanie umiiyak na din." Josh.
I secretly wipe my tears, nakakatouch naman kasi yung kwento ni Dylan lalo na nang bigla syang umiyak nung banggitin nya yung tungkol sa mga magulang nya, sobrang heartbreaking. Ngayon lang kasi ako nakakita ng lalaking ganun kung umiyak, yung ramdam mong ANSAKIT talaga ng pinagdaanan at tiniis nya.
"Guys, wala to! Wala talaga 'to, mababaw lang talaga ang luha naming mga babae." Vince na nagpunas din nang nang-gigilid na luha nya.
"Ang panget mong umiyak" Natatawang pang-aasar ni Josh kay Vince.
"Matagal pa halloween, wag ka ngang manakot!" Bahagyang tinulak ni Vhon palayo sakanya si Vince. Nakikiyakap kasi si Vince kay Vhon.
LUMANTOD nanaman itong baklang 'to Mapagsamantala din eh!
"AYON! Kapag yung dalawa ang umiyak yakap agad, kapag ako panget na agad?" Sarcastic na sabi ni Vince. Nagtawanan lang kami.
NANG makaramdam na ako ng tama ng alak ay nagpaalam na ako sakanila na mauna nang matulog.
Si Anne kasi may pagka-imortal yan pagdating sa inuman hindi marunong malasing. Kaya, kayang-kaya nyang makipagsabayan sa mga lalaki.
Actually, imortal ata silang lahat! Ewan ko lang kung imortal din sa inuman si Dylan since ngayon ko pa lang sya nakainuman.
"Kaya mo pa bang maglakad, Jeanie?" Tanong sakin ni Vhon.
"Oo naman." Sagot ko.
Mula sa pagkakasalampak sa sahig na kinauupuan namin ay bigla akong tumayo. Medyo na-out of balance lang ako dahil yata sa ginawa kong biglaang pagtayo buti na lang naalalayan agad ako nila Vince at Vhon.
"Kaya mo bang umakyat? Baka mahulog ka ha? Teka at ihahatid na kita" Josh na tumayo para ihatid sana ako.
Dalawang palapag kasi itong narentahan namin. Dalawang kwarto at isang banyo ang nasa itaas. Maliit na sala at kusina naman ang nasa ibaba. Kaming dalawa ni Anne ang magkasama sa isang kwarto at sa isang kwarto naman magsasama-sama yung mga lalaki.
"Ako na, ako na lang." Tumayo si Vince.
"Masyado ka namang protective kay Jeanie, Vince." Vhon.
Patalikod na iniluhod ni Vince ang isa niyang tuhod at sinenyasan akong sumakay sa likuran niya. PIGGY BACK.
"Kaya hindi nagkaka-boyfriend yan eh masyado kang bantay sarado." gatong ni Josh.
"Mabuti na yung ganito, hindi ko hahayaang mapunta lang sya sa maling lalaki." Vince. Tumayo siya na bitbit na ako sa kanyang likuran.
"O bakit, anong nangyari kay Jeanie?" Si Anne na kabababa lang galing sa banyo.
"Babe, shot mo na!" Singit ni Vhon.
"Lasing na, iaakyat ko lang" Sagot ni Vince bago ko naramdamang humahakbang na sya paakyat ng hagdan.
I choose to close my eyes. Alam ko pa naman ang nangyayari sa paligid ko. Feeling ko lang talaga, na namamanhid yung pakiramdam ko at ang bigat bigat ng ulo ko.
Naramdaman ko na lang na nakarating na kami sa kwarto ng dahan-dahan na akong ibinababa ni Vince sa higaan.
"Dyos ko lord! Ang bigay mo girl, hindi ka naman mataba pero kaloka ang bigat mo!" Reklamo niya. Inayos nya ako sa pagkakahiga at kinumutan.
"Vince." I start calling his name. Pero hindi sya sumasagot.
"VINCE." No answer.
"Vincent Jomarie Vicente. VINCEEEEENNNTTT!"
"Ssshht! Matulog ka na nga Jeanie, wag mo nga akong tinatawag ng ganyan KADIRI!" Vince.
"Babangon ako!" Itinaas ko ang isa kong kamay 'asking him to help me up'.
"Nasusuka ka?" Tanong nya. Pilit niyang hinuli ang tingin ko maybe just to check my condition.
Hindi ko alam kung saan ako nakahugot ng tapang para titigan din siya. Marahil dala ito ng alak.
I was expecting na mag-iiwas sya ng tingin. But he did'nt!
Instead pareho naming buong tapang na tinitigan ang isa't-isa.
Eto na naman yung pakiramdam ko na parang may kakaiba sa mga tingin nya sakin.
Sya ba ang may kakaibang tingin o ako?
Nagsisimula na din kasi akong maguluhan. Dati naman hindi ako nagdududa sa mga simpleng bagay na ginagawa nya pero bakit ngayon parang binibigyan ko na nang ibang pakahulugan?
Ang nakakaloka pa nyan since alam kong inborn syang bakla. Baka sakanya WALA LANG YUN pero sakin may iba nang epekto.
Napakapit ako ng mahigpit sa bed sheet ng biglang ilapit ni Vince ang mukha nya sa mukha ko.
Kumalma ka Jeanie, pareho lang kayong lasing!
Pero teka.. teka! nagpapanic ang utak ko! Ano bang gagawin nya?
Nararamdaman ko na ang init ng pinagsamang hininga namin sa sobrang lapit namin sa isa't-isa.
And he is still looking into my eyes, na para bang may gusto siyang iparating sa akin.
Napalunok ako at napahigpit pang lalo ang hawak ko sa bedsheet nang makita kong dumako ang paningin niya sa labi ko.
Unti-unti..
Dahan-dahan syang lumapit.
I choose to close my eyes.
Aaminin ko!
GUSTO KO kung anoman ang mangyayari. Hinding-hindi ko ito pagsisisihan. Maybe yes dala nang 'curiousity' kung ano ang pakiramdam ng first kiss pero curious man ako o hindi. Hindi ko pagsisisihan kung kay Vince ko man ipagkakaloob ang una kong halik.
Tahimik kong hinintay ang sandaling maglalapat ang aming mga labi pero..
"Matulog ka na, lasing ka na." Vince.
I opened my eyes. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang bigla syang tumayo para iwanan ako.