Chapter 2: GentleMAN?

"VINCE!" Ngiting asong lumapit sa kinauupuan namin sila Vhon at Josh.

"Ta*** nyong dalawa! Mga demonyo kayo. Lalo ka na Josh!" Vince while pointing on Josh. "Mamatay na kayo! kayong dalawa talaga ang mga bwiset sa buhay ko! Bakit ko ba kayo binarka-barkada pa!" Patuloy niya habang hinahampas nya ng bag yung dalawa.

Natatawa-tawa na lang kami ni Anne sakanila habang pinanonood silang tatlo na naghaharutan.

Pano ba naman kasi, kahapon after naming manood at kumain, naglibot-libot muna kami sa mall then itong dalawa pinagtripan si Vince at inuto-uto na pagsuotin ng panty at bra.

Kurtina lang kasi yung pinaka pinto ng fitting room. Ewan ko din ba naman dito kay Vince, kung bakit pumayag dun sa dalawang yun samantalang alam nyang mga abnormal yun.

Nang maisuot na ni Vince yung mga undies inililis nitong dalawa yung kurtina. Kaya ayon center of attraction si bakla. Tapos pinicturan pa nitong dalawa.

"Kunyari ka pa, gusto mo din naman!" Vhon.

"Todo ipit pa syang ganun eh, sa ano nya eh--" Pang-asar na gatong naman ni Josh.

"Masaya kayo sa ginawa nyo mga hayop kayo?!" Vince na medyo napipikon na yata.

Tawa lang ng tawa yung dalawa na may halong pang-aasar. Kung nakakita na kayo ng tumatawang demonyo parang ganun ang itsura nila Josh at Vhon ngayon.

"Eto naman, pikon kaagad." Vhon. Akmang aakbayan pa sana nya si Vince pero iniwasan iyon ni Vince.

"Maibabalik ba ng sorry nyo ang nawala kong puri?" Vince.

"Yun naman pala eh, edi ipost na natin 'to. Wala naman palang mawawala sayo" Josh na ang tinutukoy ay yung picture ni Vince na kinuha nila.

"Oy, wag naman! Makukuha naman ako sa isa pang-sorry eh. Pinapatawad ko na kayo, mga hayop kayo!" Sarcastic na sabi ni Vince.

"Akin na nga, patingin nga naman kami. " Singit ni Anne.

"Wag na babe, magsisisi ka lang. " Vhon.

"Makikita mo lang yung madilim na gubat." Josh.

Nagtawanan kaming lima. Naputol na lang yung kwentuhan namin ng pumasok na yung class adviser namin. kasunod nya ang sa tingin ko'y isang transfer student na magiging kaklase namin.

"Uy!" Anne na mahina akong siniko upang tawagin ang pansin ko. "Koreano oh, dream boy mo." Birong bulong nya sakin.

"May bago na namang mapagdidiskitahan sila Jude." Pag-iiba ko habang nakatingin pa din sa adviser namin at dun sa transferee.

Yung grupo nila Jude at Terrence ang kilalang-kilala dito sa school na mga mahilig mambully. Sapilitan nilang hinihingan ng pera yung mga estudyanteng kinakayan-kayanan nila.

Dati nga may nag drop-out pa dahil sakanila. Walang nangangahas na isumbong sila dahil ilag ang karamihan sakanila. Once kasi na magsumbong ka, mas lalo ka lang nilang guguluhin kaya yung iba napipilitan na lang ding magtransfer sa ibang school.

"Let them do what they want, basta as long as wala ni isa satin ang mapagtitripan, it's not our problem." -lAnne.

I am so super duper disagree with that . bullying is still a bullying!

"Magsi-upo na kayo! Magsiupo na! Hoy Castillo! Sa upuan maupo wag sa lamesa. Ke-agaaga ang iingay nyo! Ikaw Vicente! Ang aga-aga mura ka ng mura! dinig na dinig ko yung harutan nyo hanggang sa hallway." Ma'am Remy.

"Si Joshua po yun ma'am!" Vince pointing to on Josh.

"Joshua, eh boses mo yung nadinig ko. " Ma'am Remy.

Si Ma'am Remy ang class adviser namin. Filipino teacher din namin at she is my favorite teacher. Sobrang bait nya though mahigpit nga lang sya sa pagbibigay ng grades pero sobrang cool nya.

May times na di sya nagtuturo para lang makakwentuhan kami. Tapos nakikiusap pa sya minsan sa mga ibang subject teacher namin kapag may isa sa mga studyante nya ang nanganganib ang grades.

"Kayo kasing mga bwiset kayo! Pati ako nadadamay!" Vince na hinampas muli ng bag yung dalawa.

"Magsitigil na!" Bawal ni Ma'am Remy kay Vince. "Dylan, dito ka. Magpakilala ka." Baling niya sa transferee.

"Go--goodmorning, I am Dylan Park.. N-nice to meet you!" Dylan na halatang kabadong kabado habang nagsasalita.

"Ideal man mo, Jeanie oh!" Pabirong turan ni Vince.

"AYIEEH!" Sabay-sabay na pang aasar ng mga sira ulo!

"TAHIMIK! VICENTE!" Saway samin ni Ma'am Remy. "three years nang nandito sa pilipinas si Dylan kaya marunong na syang magtagalog kaya sana tratuhin nyo sya ng maayos kahit na iba ang lahi nya sa atin. Inaasahan ko ding WALANG BULLY dito sa klase ko! Nagkakaintindihan ba tayo?" Patuloy ni ma'am.

"YES MA'AM" Sagot namin.

"Castillo, Juan! Ano? Nagkakaintindihan ba tayo?" Tawag ni ma'am sa apelyido nila Jude at Terrence.

"Yes Ma'am!" Sabay na sagot nilang dalawa.

"Vicente, Lazaro at Hipolito kayong tatlo, Ano?" Ma'am Remy.

"Ma'am naman, hindi naman po porke mukhang rebelde tong si Josh ibig sabihin masama na syang tao." Vince. Nagtawanan lahat ng nasa loob ng room.

"Heh! Nakakarami ka na Vicente ha. Kokota ka na!" -Ma'am Remy's warning tone.

"Sorry po." Vince na naka peace sign pa kay ma'am.

Bumaling ako ng tingin kay Vince at nakita ko namang bumaling din sya ng tingin sakin.

"Humanda ka saking bakla ka!" Banta ko sakanya. Tuksuhin daw ba naman ako kanina

"You may take your seat Dylan." Ma'am Remy.

Sa bandang dulo naupo yung transferee which is sa tapat lang din halos namin. .

CANTEEN.

"Pano? Pano? Ulitin mo nga, bakit hindi ko makuha." Josh.

Nagpapaturo kasi sya sakin ng tungkol sa math lesson namin kanina. Nagkaroon kasi kami ng short quiz kanina after discussion tapos 3 out of 10 lang ang nakuha ni Josh.

Although close at magbabarkada kami, hindi kami yung tipo ng magtotropa na nagkokopyahan dahil infairness naman samin.

EHEM!

Masisipag naman kaming mag-aral.

"Oh, diba etong 4 imu-multiply mo dito sa 8.. 8×4? 32. Yung 32 ia-add mo naman ngayon sa--- "

"Josh, para-paraan." Vince na naupo sa pagitan namin ni Josh. magkatabi kasi kami habang tinuturo ko sakanya yung lesson kanina."Si Josh pati si Jeanie dina-damoves pa." Patuloy pa niya.

"Dina-damoves mo mukha mo! Kapag ako damoves ang tawag mo, kapag ikaw wala lang? Style mo!" Josh na kinuha ang notebook nya na nasa tapat ko.

"Atleast ako walang malisya. Ikaw apaw na apaw yung malisya mo." Vince to Josh. Iniabot nya sakin yung coke at burger na pinabili ko sakanya. "Mag iingat ka dyan kay Joshua, baka mausog ka, mabuntis ka." Birong hirit pa nya.

"Nakakabuntis ang usog?" Napatingin kaming apat kay Anne na mukhanh sineryoso yung biro ni Vince.

"ANNE, ang ganda mo pero aanga-anga ka noh?" Vince.

"Ang harsh mo!" Tatawa-tawang sagot ni Anne.

"Tingin ko nga kay Vince nagkukunwaring bakla lang yan para makasimple ka kay Jeanie. " Vhon. Napatingin ako sa ginagawa ni Vince na pagtanggal ng wrapper ng burger ko.

"Hoy! Ang kakapal ng mukha nyong dalawa ha! Pinapasa nyo nanaman sakin yung ugali nyo." Vince.

Nagsimula nanaman silang tatlo sa walang katapusang basagan. Hinayaan na lang namin sila ni Anne at sinimulan nang kainin yung burger namin.

Napansin kong pasimpleng inilapit ni Vince yung tissue sakin habang nakikipagtalakan pa din dun sa dalawa.

Acually, I know that he is always doing that. Sya palagi ang nagbibigay ng mga kailangan ko tulad ng tissue, straw at kung ano-ano pa pero bakit parang ngayon ko lang napansin?

Napatingin ako sakanya.

Tumingin din sya sakin.

"Ketchup?" Vince.

"H-ha? Uhm--"

"Hoy Anne! Yung ketchup nga, nilunok mo na yata." Pang-asar na tawag niya kay Anne. Si Vhon ang nag abot kay Vince ng ketchup.

"Oh!" Vince na iniabot sakin yung ketchup. Kukunin ko na sana sakanya yun pero muli nyang binawi at ibinalibag pabalik kay Vhon. "Hayop ka! hot sauce to eh! Hindi talaga kayo mapagkakatiwalaan." Vince.

Para akong naging bato na nakatitig lang sa kamay ko. Kailan pa kami ganito? kailan pa naging ganito? ang weird.

Nakikita ko ngayon si Vince as a gentleman.

MAN? is that posible sa isang bakla? ang maging gentleMAN?