Chapter 12 His Last Hello and Goodbye

"Hello, Ethan!"

"Ethan, hello!"

"Hi! Hello!" masiglang panimula ni Jerson habang kumakaway gamit ang dalawa niyang kamay at kumikiling-kiling ang ulo kaliwa't kanan.

Ang kaniyang ngiti ay naglaho at napalitan ng lungkot at pagkakonsensiya.

"Goodbye? Yeah. This video is all about me saying goodbye to you, my first and last love," nahihirapan niyang sabi dahil sa emosyong nagsisimulang lumukob sa kaniyang puso at pagkatao. Ayaw niyang magpaalam, pero paano niya matatakasan ang kamatayan?

Ngumiti siya sa camera. Ngiting pinangungulilaan ni Ethan. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya kasabay ng pagtakas ng mga hikbing makadurog-puso na pilit niyang pinipigilan.

"Kung pinapanood mo 'to, Ethan, ibig sabihin, hindi pumayag si kuya sa plano ko na magpanggap siya bilang ako at manatili sa tabi mo gaya ng pangako ko. Kung ganoon nga, nagpapasalamat ako. Alam ko sa sarili ko kung gaano ka-unfair, kabobo at ka-selfish ang hiling na iyon. Pero wala eh, mas matibay ang kagustuhan kong tuparin ang pangako ko."

Hinuli ni Jerome ang palapulsuhan ni Jhasphere ng dumaan ito sa harap niya.

"Saan ka pupunta?"

Umiwas ng tingin ng binata at tumikhim. Ngunit, hindi nakatakas sa mga mata ni Jerome ang nanubig niyang mga mata.

"Bibili ng lunch natin."

Tumango si Jerome at napabuntonghininga.

"While you're at it, can you make sure na wala munang kahit na sino ang papasok sa room na 'to?"

Tinitigan siya ni Jhasphere ng seryoso.

"Just so you know, hindi ako tumatanggap ng salamat."

"I know."

"Let me drive you home later."

"Alright," wika niya at tumango. Binitawan niya ang palapulsuhan ni Jhasphere.

Dinukot niya ang cellphone niya mula sa bulsa ng kaniyang pantalon at inabot iyon kay Jerome.

Kunot-noo itong tinitigan ng huli bago inangat ang tingin sa mukha ng binata.

"Ano gagawin ko diyan?"

"Kainin mo," sarkastikong sagot ni Jhasphere dahilan para samaan siya ng tingin ni Jerome. "Phone number."

"Para saan?"

Napabuntong-hininga si Jhasphere.

"Para matawagan kita kung sakaling hindi ko mapigilan si Tita Maru at Stayck."

Napabuntong-hininga si Jerome at tinanggap ang cellphone ng binata. Mabilis niyang tinipa ang kaniyang numero at ibinalik kay Jhasphere ang cellphone niya. Pinindot niya ang call button at ng mapansin ang pag-vibrate ng cellphone ni Jerome na nasa harapang bulsa ng pantalon niya, agad binaba ni Jhasphere ang tawag.

"Sinisigurado ko lang. Bye," nakangiti nitong paalam.

Pinanood niya ang mabilis na paglabas ni Jhasphere ng pinto. Tumingin siya kay Ethan at muling napabuntonghininga. Umupo siya sa tabi niya at marahang hinagod nang hinagod ang likod niya.

"If you're watching this, I'm probably... I'm already six feet under the ground," pumipiyok niyang sabi. Mapait siyang ngumiti. "I'm sorry," muling nabasag ang boses ni Jerson. Tumingala siya upang pigilan ang pagpatak ng kaniyang mga luha. Huminga siya nang malalim at gamit ang kaniyang hinlalaki, pinahid niya ang ilalim at gilid ng kaniyang mga mata. Subalit, nang ibuka niyang muli ang mga labi, hindi na niya napigil ang mga hikbi at luha niya. Ayaw niyang umiyak. Gusto niyang magpaalam ng nakangiti pero, mahirap.

"I'm really, really sorry, that I'm saying goodbye like this. Hindi kasi kita kayang harapin at sabihin sayo'ng, malapit na akong mawala, na hindi lang ikaw ang may taning ang buhay." Rumagasa ang mga luha ni Jerson, hinayaan niya ang mga ito pati na ang kaniyang mga hikbi sapagkat wala na siyang magawa. Hindi na niya kontrolado ang mga ito.

"Alam kong alam mo na may sakit ako, at maraming-maraming salamat dahil mas pinili mong magpanggap na hindi mo alam. Patawad kasi, hindi ko naamin. Hindi ko maamin. Ayaw kong aminin. Mahal kita, Ethan. Mahal na mahal na mahal na mahal kita, higit pa sa iniisip mo at higit pa sa kaya ko, pero kahit gaano pa kita kamahal, hindi iyon sapat para gustuhin kong pagdaanan ulit iyong hirap at sakit ng pagpapa-gamot. I'm sorry kasi duwag ako. Napakaduwag ko." Huminga siya nang malalim at dahan-dahan iyong pinakawalan na tila nanginginig.

"Nakakapagod na din kasi. Sobra, na gusto ko na lang mamahinga at matulog nang mahimbing. Alam kong naiintindihan mo ang ibig kong sabihin. Mali, umaasa ako na naiiintindihan mo. Ethan, alam mo ba akung ano ang ipinagpapasalamat ko sa kaniya bukod sa nakilala kita? Iyon ay ang minahal mo ako ng buong-buo at hinayaan mo akong suklian iyon. Ethan, binuo mo ako, binuo mo ang maikli kong buhay. Binigyan mo ng saysay at kulay iyong dating balot sa dilim at kalungkutan. Pinasaya mo ako ng sobra-sobra."

Sumasabay sa mga malalim at hindi kontroladong hikbi ni Jerson ang mga hikbi ni Ethan.

Tumayo si Jerome upang kumuha ng tubig. Habang ginagawa iyon, hindi niya mapigilang lingunin si Ethan. Habang tinititigan niya ang kaibigan, hindi niya maiwasang mapaluha. Pinahid niya ang mga iyon at marahas siyang umiling para pigilan ang kaniyang emosyon. Huminga siya nang malalim at inisang-lagok ang baso ng tubig na para sana kay Ethan. Nilamukos niya ang paper cup at tinapon ito sa basurahan. Kumuha siya ng panibago at sinalinan ito ng tubig.

"Oh. Uminom ka muna ng tubig," inabot niya ang baso kay Ethan na agad naman niyang tinanggap at ininom. Ibinalik niya kay Jerome ang baso at huminga nang malalim. Kahit papaano, kumalma siya. Muling umupo si Jerome sa tabi ni Ethan. Nilamukos ang plastic cup at binato sa basurahan.

"At alam mo kung ano ang pinakapinagpapasalamat ko sa kaniya higit sa lahat, iyon ay ang hinayaan niyang umabot ako hanggang sa araw ng anniversary natin. Nagpapasalamat ako ng sobra-sobra na hinayaan niyang umabot ng isang taon ang relasyon natin. Today is the best day of my life and the happiest one. Ang ngumiti at tumawa ng kasama ka na para bang wala tayong iniindang karamdaman, hindi ko maiwasang hilingin na sana, panghabang-buhay na tumigil ang oras ng mga sandaling iyon."

Napansin ni Jerome ang mga tagong ngiwi ng kakambal, at ang maya-maya pagdaan ng sakit sa kaniyang mukha. Nahihirapan na din siyang bumigkas at sigurado siyang hindi iyon dahil sa mga hikbi niya. Hindi iyon napansin ni Jerome kagabi nang una niyang panoorin ang video. Pero, mas pinili niyang ipagkibit-balikat iyon.

"Oo nga pala, malapit na ang birthday mo, sa susunod na buwan na. Hindi ako sigurado kung humihinga pa ba ako ng mga panahon iyon. Kaya, hayaan mong mauna na akong kantahan at batian ka."

Naka-ngiti niyang inawit ang birthday song.

"Happy birthday! Wish ko para sa'yo, ano ba? Sana, hindi ka malungkot at umiyak kapag mapanood mo man ito. Sana magkaroon ng himala at humaba pa ang buhay mo. Wala akong pinagsisisihan sa naging buhay ko, Ethan. Masaya akong lilisan bitbit ang lahat ng mga ala-ala nating dalawa at ng mga taong naging parte ng buhay ko. Sana ikaw din."

Pinahid niya ang mga luha niya, subalit walang saysay sapagkat muli itong napapalitan ng bago.

"Ang dami ko pang gustong sabihin, sa sobrang dami, nahihirapan akong buuin ang mga iyon sa pangungusap. Ethan, mahal kita. Mahal na mahal. Mahal na mahal na mahal kita. I love you so much. Mahal na mahal kita. Paalam, Ethan."

Natapos ang video na tila ba may karugtong pa ito. Subalit, hindi na iyon pinagtuunan ng pansin ni Ethan. Humagulhol siya ng iyak na ang tanging nagawa lamang ni Jerome ay ang yakapin siya ng mahigpit, umaasang maihahatid ng init ng yakap niya ang mga bagay na hindi masabi ng mga labi niya.

Sa loob ng tatlumpung-minuto ngumawa siya nang ngumawa na para bang batang inagawan ng paborito niyang laruan at walang magawa si Jerome kun'di hayaan lang siyang ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman niya hanggang sa wala na siyang mailuha at kusang tumahan. Muling dumaan ang kalahating oras at nakatulog si Ethan sa mga balikat ni Jerome, luhaan at namamaga ang mga mata.

"Jerson, mahal na mahal din kita." mahina niyang sambit.

Kasabay ng pagbukas ng pinto ay ang pagbigkas ni Jerome sa mga katagang halos dumurog sa puso ni Jhasphere. Nakatayo sa likod ng binata si Maru at Stayck na parehong nakangiti ng malapad.

"Mahal na mahal na mahal na mahal kita, Ethan," bulong niyang ginagaya sa abot ng kaniyang makakaya ang malamyos na boses ng kakambal.

To be continued...