Kabanata 34
Nang magdilat ako'y natigilan ako. Nasa ibang silid ako at ang ayos ko'y.... Hubad!
Nakadapa ako sa isang mahabang upuan na malambot at ang tanging natatakpan sa akin ay ang aking hinaharap at ang aking hiyas. Para bang sinadya lamang inikot sa akin ang manipis na tela. Umungol ako at muling napadapa. Umikot ng konti ang aking paningin.
"Huwag kang malikot, Yana..."
Napatda ako sa aking narinig at itinuon ang aking atensyon sa isang lalaking nakaupo sa aking harapan at mukha itong nagpipinta. Si Mattheaus! Sa sobrang inis ko'y inabot ko ang plorerang nasa gilid ko at ibinato sa kanya. At nasalo lang naman niya ito, magtataka pa ba ako?
Napatihaya ako at ipinikit ang aking mga mata.
"Dumapa ka, Yana..." aniya ngunit 'di ko ito sinunod.
Ginawa pa akong modelo! Sa isang galaw ko lamang ay bigla na akong nakakandong sa kanya at tinakpan ng tsaketa ang aking kahubadan. Ramdam ko ang paglapat ng labi nito sa aking noo.
"Matigas talaga ang iyong ulo, Yana. Muntikan ka ng mapahamak sa ginawa mo kanina," litanya nito.
Isiniksik ko ang mukha ko sa leeg nito. Ang hilig niya talagang maghubad ng pang-itaas.
"Dumating ka naman 'di ba? Nasaan ka ba kanina?" Hinaplos naman niya ng banayad ang aking buhok at inamoy-amoy ang mga hibla nito.
"Nasa ibaba ako kanina. Hinihintay lang kitang mahulog." Napataas ako ng kilay at nahampas ito sa kanyang dibdib kahit na alam kong wala naman 'yong epekto.
"Loko ka! Paano kung wala ka ng mga oras na iyon? Paano kung 'di ka dumating? Paano... Paano ang anak natin." Nagsimula nang mangilid ang mga luha ko sa aking mga mata.
Dinampian naman niya ng halik ang mga mata ko at ang tungki ng aking ilong.
Napapikit ako at muling napadilat.
"Hindi ko hahayaang mangyari 'yon sa iyo at sa anak natin. At imposible ring wala ako dahil bawat kibot at sambit mo sa pangalan ko'y naririnig kita, kung nasaan ka..."
Lumapat ang kaliwang palad nito sa aking tiyan at banayad itong hinimas.
"Alam mo?" gulat ko pang sambit. Napatango naman ito.
"Bakit 'di mo sinabi? Akala ko surpresa ko iyon para sa iyo," pagtatampo ko. Pinahiran naman niya ang aking mga luha sa mata.
"Ikaw pa lang ay isang malaking surpresa na para sa akin..." Dinampian naman niya ng halik ang aking leeg.
"Gusto mo?" alok ko pa at napahagikhik ng konti.
"Nakakabaliw ang kagat ko, Yana..." bulong niya. Napalunok ako.
"Hindi bale na ang mabaliw, makagat mo lang, Mattheaus."
Napabungisngis pa ako. Laking gulat ko nang kabigin niya ako't kinagat nang marahan ang aking leeg. Napasinghap ako't napakapit sa kanyang batok. Ramdam na ramdam ko ang mga pangil niyang nakabaon sa aking leeg. Muli akong napapikit at nang magdilat ako'y nilubayan niya na nang kagat ang aking leeg at napalitan ito ng kanyang marahang pagdila sa aking leeg. Para akong kinikiliti sa lambot at lamig ng kanyang dila. Niyapos naman niya ang aking baywang at halos manlumo ang mga tuhod ko. Hindi ito lumubay sa aking leeg hanggang sa pakiramdam ko'y naglaho na ang kirot nang kagat nito sa akin. Nag-angat ito ng kanyang ulo at kitang-kita ko ang pag-aalab ng mga mata nito. Sa pakiwari ko'y parang nagbago na naman ang kulay ng mga mata ko dahil kitang-kita ko sa kisame ang maliit na langgam na gumagapang sa isang sulok. Kumurap-kurap ako at muling bumalik sa dati ang aking paningin. Siniil naman niya ako ng halik at buong pagnanasa ko naman itong tinugon. Nang maghiwalay ang aming mga labi ay halos habulin ko ang aking paghinga. Pinahiran ko pa ang aking labi dahil dumugo ito ng konti. Wagas ba naman ito kung makahalik, nagkasugat tuloy ang aking pang-ibabang labi.
"Maligo ka muna at nang makapagtanghalian ka na," nakangiting wika ng minamahal kong si Mattheaus. Simpleng pagtango lang ang itinugon ko. Akmang aalis na sana ako sa pagkakakandong sa kanya ngunit pinigilan niya ako at kinarga. Nahulog ang tsaketang nakatakip sa akin at ang tanging naiwan na lamang ay ang manipis na telang nakaikot sa akin.
"Saan tayo pupunta?" takang tanong ko ngunit hindi ito sumagot.
Minsan talaga'y nakakainis din siyang kausap! Hindi na lamang ako umimik pa. Lumabas kami ng silid. Ang akala ko'y kung nasaan kami, iyon pala'y nasa lungga niya lang. Ang kaninang silid na pinasukan namin pala kanina ay ang isa pang pinto na katabi ng kanyang silid-pahingahan. Ang silid kung saan ako natulog at kung saan may unang nangyari sa amin. Agad na nag-init ang aking magkabilang pisngi nang maalala ko ang tagpong iyon. Bumigay ba naman ako ng biglaan.
Pumasok na kami sa kanyang silid at ibinaba ako sa tapat ng kanyang banyo. May malaking batya na ang nakahanda at puno pa ito ng talulot ng mga bulaklak ng itim na rosas.
"Kaliligo ko lang kanina..." sabi ko pa.
"Hmm..." Tanging 'yan lang ang narinig ko mula sa kanya.
Tinanggal naman nito ang manipis na telang nakabalot sa akin. Ibig ko yatang mahimatay sa sobrang hiya! Diretso ako agad sa malaking batya at inilublob ang katawan ko.
"Ang bango naman nito..."
At pamilyar ang amoy nito. Ngumiti lamang ito at pinagapang ang kanyang kanang kamay sa aking braso. Mariin kong nakagat ang aking labi. Paano ba ako magtatanong sa kanya gayong 'di naman ito sumasagot kapag ayaw niya.
"Ako ang nasa propesiya, 'di ba? Ako ang hinahanap ng mga Seltzer," lakas-loob ko pang wika rito.
"Caritas mea..." sambit nito. Nag-iwas ako ng tingin.
"Kung 'di mo sasabihin sa akin ang totoo ay ako mismo ang hahanap ng sagot." Sa isang kurap lamang ng aking mga mata ay nakababad na rin ito sa tubig.
At ang mas matindi pa'y nakakandong na ako sa kanya. Ngunit naiinis ako sa kanya kaya umatras ako ngunit maagap ito sa pagkabig sa akin kaya yakap-yakap na niya ako ngayon.
"Bitawan mo ako..." utos ko pa. Isiniksik naman nito ang mukha sa aking leeg.
"Nagtatampo ka sa lagay na yan, Yana," bulong niya. Napairap ako.
"Kung ayaw mo, 'di 'wag!" Pinilit kong tanggalin ang pagkakayakap nito sa aking bawang ngunit masiyado itong malakas.
"Ikaw nga ang nasa propesiya at ang ilan nga sa mga Seltzer ay hinahanap ka." Napaawang ang bibig ko sa narinig.
"A-ako? Ngunit bakit ako?" Hinaplos naman nito ang aking tiyan na nakaumbok ng konti.
"Dahil ikaw ang napili ng buwan... Si Luna." Malungkot akong napatungo.
"Mapapahamak kami ng anak ko, iyon ba ang punto mo?" Hinawakan naman nito ang aking pisngi.
"Hindi mangyayari 'yon, Yana." Kusang gumalaw ang mga kamay ko para kumapit sa batok niya at siniil ito ng halik sa kanyang labi.
"Mahal na mahal kita..." bulong ko. Inalalayan naman niya ako upang magkaharap kami.
"Mahal na mahal din kita, Yana..." Muli niya akong hinagkan sa aking labi at agad din naman akong nagpatangay dito.
Maingat nito akong kinabig palapit ng husto sa kanya. Banayad nitong hinaplos ang bawat parte ng aking katawan.
"... aah!" singhap ko sa pagitan ng aming mapupusok na halikan. Nang maramdaman ko ang kahandaan nito'y walang pasubali itong pumasok sa kaibuturan ko.
"... aah..." ungol ko sa bawat galaw nito.
"Luna plena sum in..." biglang sambit nito at bigla akong natigilan. Para na namang may nagwawala rito sa sinapupunan ko.
"H-huwag ngayon..." pakiusap ko.
Dahil alam ko, may kung ano na naman siyang sasambitin na ikakasakit ng buo kong katawan. Panay ang iling ko at ayaw ko talaga itong pakiramdam na ito.
"Kailan nating gawin ito, Yana..." malumanay nitong sagot sa akin at muli akong hinagkan sa aking labi. Nang humiwalay ako'y muli akong nailing.
"Bakit pa Mattheaus?" nag-aalangan kong tanong. Natatakot talaga ako, na baka 'di ko kayanin.
"Para mabuhay siya..." Napaawang ang aking bibig. Ayaw kong mawala ang anak ko, ang anak namin. Hindi ako makakapayag!
"Gawin mo na..." matapang kong utos sa kanya.
Hinaplos nito ang aking pisngi at muling bumalik ang galaw nito. Napalunok ako at napahawak sa batok niya. Humugot din ako ng malalim na hininga at napapikit. Para sa anak ko'y kakayanin ko.
"... conspectu tuo..." Pigil hininga akong napakapit ng mahigpit sa batok nito. Biglang nanginig ang buo kong kalamnan.
"... oblationem carissimum sodalem..." Napatungo na ako sa sobrang sakit.
Daig ko pa ang napasailalim sa isang kulam dahil talaga nga namang napakasakit nitong tiyan ko.
"Ugh!" daing ko at 'di na maiwasan pang maiyak.
Diyos ko! Nagsimula na namang kumalat sa buo kong katawan ang kulay itim na rosas. At alam ko kung saan ang pinupunterya ng mga ito, ang puson ko.
"... aah!" Napatungo na ako sa sobrang pagpipigil.
Oo nga't may sarap na kasama itong pagniniig naming dalawa ngunit mas nangingibabaw sa akin 'yong sakit, kirot at hapdi sa kaloob-looban ng aking sinapupunan.
"... quaeso audite..." muling sambit niya at kulang na lang ay i-untog ko ang aking sarili sa pader.
Wala sa sarili akong napatingin sa aking kaliwang kamay at laking pagtataka ko nang humaba ng konti ang mga kuko ko.
"... benedixeris in utero!" muling sambit niya kasabay nang pagbayo sa akin.
Napaliyad ako nang umabot ako sa rurok ng kalangitan. Maging siya'y napaungol din at niyakap ako. Napabitaw ako sa pagkakahawak sa kanyang batok at unti-unti na namang bumabalik sa normal ang aking pakiramdam. Ang markang itim na rosas sa aking katawan ay muling gumapang pabalik sa aking pulsuhan at agad na naglaho. Ngunit bahagya akong natigilan. Pakiramdam ko'y parang lumubo pa ng konti ang aking tiyan. Hinaplos naman ito ni Mattheaus.
"Lalaki siya, Yana..." bulong nito sa akin. Marahan kong inangat ang aking ulo.
"L-lalaki?" alanganin ko pang sambit.
Paano naman niya nalamang lalaki ang magiging anak namin gayong wala naman itong gamit na aparato.
"Talagang lalaki?" ulit ko pa.
"Hmm..." aniya kasabay nang pagtango ng kanyang ulo.
Sa sobrang saya ko'y talagang nagawa ko siyang yakapin sa kabila ng panglalanta ng aking katawan.
"Diyos ko..." mangiyak-ngiyak kong sambit. Hindi talaga ako makapaniwalang lalaki ang anak naming dalawa ni Mattheaus.
"Mahal na mahal kita..." sambit ko at buong puso ko siyang hinagkan sa kanyang labi.
Hindi nagtagal ay umahon na kami sa pagkakababad sa tubig. Inilapag niya ako sa kanyang may kalakihang kama at kinumutan. Tumabi sa akin si Mattheaus at niyakap ako ng marahan, tipong 'di ako masasaktan. Napangiti ako at ipinikit na lamang ang aking mga mata.