Napahagod ng tingin kay Fiona si Benjie, mula ulo hanggang paa at pabalik. Hindi niya alam kung nakikilala siya nito dahil siya ay hindi niya ito nakalilimutan.
“You look familiar,” sabi ng lalaki. Ininom nito ang red wine na nasa kopita.
Kasalukuyang nasa isang social function sila ng pribadong ospital na pinagtatrabahuhan niya. Sa function hall ang party kasama ang ilang investors at ilang partners ng may-ari. Bilang registered dietitian ay natural lang na kasama siya roon.
“Is that a pick-up line?” Tumikwas ang kanyang magandang nakaarkong kilay. Sa suot niyang pulang cocktail dress ay alam na alam niyang litaw ang magandang hubog ng kanyang katawan na ilang taon niya ring pinaghirapan at pinanatili nang ganito. Takaw-pansin nga ang suot niya dahil strapless ito at sweetheart ang disenyo. Litaw rin ang maganda niyang kutis na mala-porselana na pinatingkad din ng suot niyang set na calla lily na alahas na regalo sa kanya ni Cyler noon.
“Sorry, best! I’m so, so late, I know!” Biglang dumating si Jenna na may suot ding cocktail dress pero beige ito at hanggang tuhod naman, hindi katulad ng sa kanya na hanggang mid-thigh.
Napalingon dito ang napamanghang si Benjie. “Jenna?” Saka nanlaki ang mga mata nitong napabaling muli kay Fiona. Parang namutla itong bigla at saka namula ang tainga.
Hini-head to foot ni Jenna ang naka-three-piece suit na itim na si Benjie. “What the hell? Ano’ng ginagawa mo rito, Benjie?” inis na sita ni Jenna sa lalaking ‘di nakikita sa loob ng sampung taon.
Parang matawa ni Fiona. Plus one niya bale si Jenna sa party at tinatanong nito ang anak ng isa sa mga investors ng ospital.
“F-Fiona?” anang Benjie na bumaling sa kanya. Namilog ang mga mata nito. Hindi pa rin ito makapaniwala sa nakikitang pagbabago sa kanya.
Binigyan niya lang ito ng isang nanunuyang ngiti at tinalikuran na. Bigla siya nitong hinawakan sa braso.
“Hey! We’re not done talking here,” demand ni Benjie.
Nagbawi si Fiona ng braso. “I never gave you the right to touch me, Benjie, so sod off!” Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin dito.
Napatawa nang mapakla si Benjie at hinagod siya ulit ng tingin. “You should’ve looked like this, way back in our senior high school year, and I would’ve courted you. Hindi mo—”
Bago pa man makatapos sa pagsasalita si Benjie ay isang kamao ang lumagapak sa mukha nito. Napabagsak ito sa sahig at sapo ang panga. Duguan pa ang sulok ng labi nito. Napamaang siyang tumingin sa may gawa at nandilat ang mga mata nang makitang si Keith pala iyon. He shook his fist.
“Hayst! Ang kapal ng mukha mo, Benjie. Ang sakit tuloy ng kamao ko, o.” Ngumisi naman ito sa kanya at kumindat kay Jenna.
Napatingin siya sa kasama nito at biglang sumikdo ang puso niya nang makita si Cyler. Hindi na niya alintana ang atensyong nakuha nila mula sa ibang bisita dahil sa eksenang iyon ni Keith.
Cyler looked down at Benjie. May mapanuya sa ngiti nitong iginawad sa lalaking marahang napatayo pero inignora nito iyon pagkatapos.
“Can we talk somewhere quiet?” banayad na tanong ni Cyler nang bumaling kay Fiona.
Parang gusto niyang sugurin ng yakap si Cyler. Ang guwapo nito sa suot na navy blue three-piece suit. His hair was short and perfectly gelled. Namanguhan pa ito at parang hindi mapuknat ang tingin niya rito.
After ten years, he looked even more better. Mas tumangkad at lalong gumanda ang pangangatawan. Obviously, she fell in love with him all over again. Right on the spot. Para na iyong program. She was sure that Shiloh would have felt the same if she would see him right now dahil patay na patay rin iyon kay Cyler. Sa pagkakarinig niya ay pumasok ito bilang stewardess sa isang sikat na airline. Ewan niya lang kung naka-move on na iyon sa dating nobyo niya at sana hindi magka-crash ang eroplano nito.
Pagkatapos ng kanilang graduation ay nabalitaan na lang kasi niyang umalis ng bansa ang binata para mag-aral ng business course. Hindi na ito nagpaalam sa kanya dahil nirespeto nito ang desisyon niyang makipaghiwalay kaya hindi na lang nagpakita at kapwa sila lalong masaktan. Si Courtney pa ang nagbalita sa kanya kahit hindi siya nagtanong. She thought it was one way of saying sorry to her, for saying those horrible things to her. She did not even expect it.
Bago pa man makasagot ang dalaga ay bahagya na siyang itinulak ni Jenna papalapit kay Cyler. Humakbang na nga siya papalabas ng function hall patungo sa may hagdan kung saan hindi matao. Doon ay napasandal siya sa pader nang dumipa si Cyler at ikinulong siya sa pagitan ng dingding at ng katawan nito pagkatukod ng kamay sa pader, pinagitnaan ang ulo niya. Ramdam niya ang init ng katawan nitong bahagyang nakadikit sa kanya. At wow naman! Parang ito lang ang naaamoy niya at nagkakagulo na ang mga paru-parong nasa tiyan niya. Akala niya ay umalis na ang mga ito pero ngayong bumalik si Cyler, napagtanto niyang natulog lang ang mga ito at ngayon ay nagising na.
“P-paano mo ako nakilala agad? Hindi tayo nagkita nang maraming taon,” inosenteng tanong niya. Tiningnan niya ito sa mga mata. She was almost breathless.
Nilaru-laro ng daliri nito ang kanyang buhok na medyo kinulot sa dulo. “I’d know even the tip of your hair in a crowd filled with people. And if I can’t see you, I can just rely on my sense of smell,” anitong nilanghap ang kanyang leeg at naging erratic pang lalo ang pagpintig ng puso niya. “Because I know very well this unique scent you have… bae-beau.” Naramdaman niya ang pagdampi ng labi nito sa gilid ng kanyang leeg at naghatid iyon ng kakaibang pananabik at kilig sa buong sistema niya.
Umangat ang kamay niya at dumapo sa malapad nitong dibdib.
“Cyler…”
“I so missed you, my bae-beau!” anitong sinakop ang mga labi niya, pagkasalita nito.
Namilog man ang mga mata at napasinghap dahil sa hindi inasahang gagawin ng lalaki, marahan naman siyang napaungol habang tinugon ang marubdob na halik nito. Nandilat pa ang mga mata niya nang maramdamang ipinasok ng binata ang panlasa sa bibig niya pero ang sarap naman kasi ng halik nito na nagpapahina sa mga tuhod niya kaya napakapit siya sa lapel ng jacket nito at napipikit ng mga mata. Mas ninamnam ang nakakalokang halik nito na nagpapainit sa buo niyang pagkatao.
Para siyang natauhan pagkatapos ng maraming saglit na halikan nilang dalawa. Nakahapit na ang isa nitong kamay sa baywang niya habang ang isa ay nakatukod sa dingding. Nawala talaga siya sa huwisyo nang maglapat ang mga labi nila at halatang nananabik sila sa isa’t isa.
“I missed you, too, Cyler!” bulong niyang medyo hinihingal pagkatapos ng maalab at puno ng pangungulilang halik na iyon. Nakatitig siya sa mga mata ng binata.
“I thought I was going crazy for missing you this much! Akala ko ay hindi ko makakaya ang sampung taong hindi kita nasisilayan sa malapitan, Fiona. Pero tiniis ko dahil sa ‘yo. Alam kong ginawa mo ang lahat para sa akin at para sa sarili mo. I kept tabs on you through Jenna,” kumpisal nito. The back of his fingers traced her jawline and her cheeks. Then, his thumb slightly caressed the outline of her lips.
Hindi siya makapaniwala sa narinig. Ni hindi man lang iyon sinabi ng kaibigan niya.
Bahagya siyang napapikit ng mata nang hinaplos ng hinlalaki nito ang ibabang labi niya habang nagtaas-baba ang kanyang dibdib.