“Hindi ba ang unfair naman? Wala akong balita sa ‘yo kundi ‘yong sinabi lang ng kapatid mong nandoon ka sa US para mag-aral. Ni hindi ko man lang alam na bumalik ka na pala,” nakangusong marahang kompronta ni Fiona sa lalaki.
“I wanted to surprise you, though. And guess what? Nagselos pa ako kay Benjie dahil kausap mo siya kanina at hinawakan ka pa. Uminit ang ulo ko. Buti na lang naunahan ako ni Keith dahil kung hindi, mas matindi pa ang inabot niya sa ‘kin.”
“What? Ba’t ka naman nagseselos kay Benjie?” sabay irap niya.
“Hinahalay ka na nga niya sa tingin pa lang, eh!” inis na anitong magkadikit ang mga kilay.
Napatawa siya nang marahan lalo na nang marinig ang pagmura nito.
“Hindi ka talaga nagbabago, ‘no? Mainitin pa rin ang ulo mo. Hay!” Inismiran niya ito.
“Don’t worry, I’ve changed, bae-beau. I’m more level-headed now. Dr. Solis somehow fixed me, while I endured the pain for not being with you.”
“I’m so sorry for that, Cyler.” Tagos sa puso niya ang hinanakit nito. Pareho lang silang nagtiis at nasaktan noon.
“It’s all right, bae-beau. The important thing is you’re now here with me. Ang ayoko lang ay ang agawin ng iba ang matagal nang sa ‘kin.” Seryoso itong nakatitig sa kanyang mukha at hinawakan ang kanyang baba. “But I think I’m still in trouble because of you.”
“Huh?” litong aniya.
“Kung ganito ba kasi kaganda at kaseksi ang nobya ko, I know men will ogle you. Malamang mapapaaway na naman ako nito,” pabirong anito pero seryoso ang mukha.
“Hep! Akala ko ba nagbago ka na?”
Ngumiti ito sa kanya. “I was just jesting. But I think you know what I mean.”
“Hmm… At ano? Nobya mo?” Napatawa siya rito nang pagak pero kinilig naman ang puso niya. Panay ang tumbling nito sa loob ng kanyang dibdib.
“Nag-cool off lang tayo, bae-beau. Hindi talaga tayo nag-break. Sinabi ko ba sa ‘yong nakipag-break ako sa ‘yo? ‘Di ba ang sabi ko, bibigyan kita ng space?”
“Huwaw! Space, huh? Sampung taon din ‘yon, ah!” Napamaang ang mala-rosas niyang labi.
“Pinagbigyan lang naman kita. Nang hindi ka pa rin nakibalita sa ‘kin after ten years, hindi ko na talaga kinaya kaya umuwi na ako rito para balikan ka. Quotang-quota na kaya ako sa space and time na ibinigay ko sa ‘yo, bae-beau. Ba’t hindi mo ‘ko kinontak man lang kahit minsan, ha? You could’ve asked Keith.”
“Hoy, may matino bang babae na nakipaghiwalay, ta’s gustong kumontak sa ex niya? Wala, ‘no?” pagtataray niya. Inirapan niya pa ito.
Napabuga ito ng hininga. “So, nag-move on kang hindi mo alam na hindi talaga ako nakipaghiwalay sa ‘yo? Gano’n? Ngayon, alam mo na.”
Napaismid siya rito. “Iba ka talaga, ano?” Napahagikhik siya. Pero bigla itong nawala at tinantiya ang mukha ng lalaki. “So, what does this mean, Cyler? Wala kang ibang babae sa America kahit isa? Naging loyal ka ba talaga sa ‘kin, ha? All these years?”
“Gusto mong marinig at panoorin ang daily log ko? May record ako, bae-beau. Isa pa may mga saksi ako,” anitong bumaba ang tono ng boses at kinagat ang ibabang labi.
Napamaang siya sa narinig. And well, hindi lang iyon. Napako sa pulang labi nito ang mga mata niya.
“Ano? Daily log?” Kumurap-kurap siya. Hindi na importanteng magtanong kung sino ang saksi dahil alam na niya.
“Yeah. You heard it right. In my daily log, I said, ‘I love you, bae-beau. I miss you so much. I really wish I am beside you and support you on whatever it is that you do today.’ Tapos, sinasabi ko roon kung anu-ano ang mga ginagawa ko sa araw na iyon. In detail.” Hinaplos nito ang kanyang baywang nang marahan at ang lagkit ng tingin nito sa kanya lalo na sa kanyang labi. “Will you come home with me? I’ll let you listen and watch my daily log.”
Parang gusto na niyang mangisay sa kilig. Alam na alam niyang nagsasabi ito ng totoo sa kanya. She could feel it deep in her heart at tagos iyon sa buto!
“Ano? Iuuwi mo ‘ko sa inyo?”
“Ahuh.” He caressed her temple and cheeks with his fingertips. “Don’t worry, my parents are out of the country, and so is Courtney. Manang Kiki is out for the night to visit a relative kaya… walang istorbo sa ‘tin. Besides, we can also go to my own place, if you want. I bought it with you in mind.”
Napakagat-labi na naman siya at kinilig dahil sa tinuran nito. “Eii…”
Ngumisi sa kanya ang binata nang nang-eengganyo.
“Eh… Sige, watch lang, ah! Kailangan ko pang magpaalam sa bahay. Baka magtataka sina Mama at Papa—”
Bigla siyang napahinto sa pagsasalita nang hinalikan ni Cyler ang tungki ng ilong niya.
“Really? You’re going to come and stay with me tonight?” His voice became husky, more than ever. “I now actually live in my own house. Doon na lang tayo para siguradong walang iistorbo sa ‘tin, bae-beau, kung ayaw mo sa bahay ng mga magulang ko.”
Napatikom siya ng kanyang bibig. Biglang uminit ang kanyang pisngi. Ano ba kasi ang iniisip niya? Sobrang fast forward na.
“Kapag iuuwi ka ng lalaki, Fiona, ‘yon na ‘yon! Maghanda-handa ka na. Isipin mong mabuti kung sasama ka ba talaga sa kanya, ah?”
Naalala niya ang sinabi sa kanya ng Ate Cynthia niya noon, bago pa ito ikinasal kay Dr. Sandoval five years ago. Hindi niya akalaing nagkasundo na pala ang dalawang iyon at napaibig sa isa’t isa. For the second time.
‘Oh, God. Mahihindian ko ba si Cyler?’
‘Hay, Fiona, ‘wag kang marupok, ah. Sumama ka lang. Manood lang ng daily log niya, ‘di ba? Iyon ang usapan at hindi harutan!’
Ginawaran siya ulit ni Cyler ng halik sa labi. “Fiona, my bae-beau!” lambing nito na may panggigigil.
“Hmm?” aniya.
“Will you really come and stay with me tonight, bae-beau?” anas nito sa pagitan ng paghalik sa kanyang labi. Sinipsip nito ang ibabang labi niya at pinanggigilan iyon. Ay, kay sarap sa pakiramdam niya ngayong kasama niyang muli ang lalaking pinakamamahal niya.
“Kailangan mo pa bang itanong sa ‘kin ‘yan nang paulit-ulit kung alam ko namang lumalaki na ang tubo ng iniipon mong pagmamahal sa ‘kin na love bank mo?”
Napatitig sa kanya nang husto si Cyler at lumapad ang pagkakangiti nito sa kanya. Kita niya ang kasiyahan sa mga mata nitong kay tagal nang hindi niya nasilayan man lang.
“Oh, my love bank! Hindi ka talaga maba-bankrupt sa ‘kin, bae-beau. I promise you that!” Puno ng pangako ang tono ng lalaki at napahagikhik si Fiona.
Inilingkis niya ang mga braso sa leeg ng binata. “Naniniwala ako sa ‘yo. Ang laki kaya ng investment ng puso ko sa ‘yo kaya amanos lang tayo.”
He smiled gingerly.
“Just so you know, you’re my love bank too, Cyler. Habang lumilipas ang mga taon, lalo lang lumalaki ang pagmamahal ko sa ‘yo. At hinding-hindi ako magwi-withdraw!” She tiptoed and kissed his lips, which made him groan. She giggled at that.
“Alalahanin mong ako ang nagtayo ng bangko natin, bae-beau. Dadagdagan na ba natin ang ipon natin sa gabing ito?” sabay kindat sa kanya nang makahulugan at mapanukso.
Napatawa na lang siya sa lalaki. Wala na siyang ibang mahihiling pa sa ngayon at nagpasalamat sa Maykapal na dininig ang kanyang dalaganging hindi magbabago ang pagmamahal sa kanya ng lalaki. Bagaman ay lalo lang siya nitong minahal sa paglipas ng mga taon. May interes pang ibinigay, naramdaman niya iyon.
-- Wakas --