Napakunot-noo si Cyler habang nakamasid sa video ng mga pinaggagawa ni Fiona. Videos iyon mula kay Jenna. Parang pinarusahan ng Ate Cynthia nito ang mahal niyang babae.
“Kawawa ka naman bae-beau. Ba’t ka ba nila ginaganyan?” kausap niya pa sa video, sa cell phone na hawak niya habang umiinom ng gatas. Kasalukuyang nasa apartment niya siya sa San Diego, California. Dito siya nag-aaral para makalayo-layo muna sa lahat.
Until now, he was keeping tabs on his beloved bae-beau. So, either si Keith o kaya si Jenna ang nagbabalita sa kanya nang lingid kay Fiona.
“Hindi ba niya ako itinanong sa ‘yo, Jenna? Kasi kayo naman ni Keith ang palaging magkausap, ‘di ba?” naitanong niya habang kausap ito sa cell phone pagkatapos nitong mai-forward sa kanya ang video clip ng mahal niya na nasa gym.
“Hindi, eh. Pasensiya ka na. Mukhang… igi-give up ka na talaga ng kaibigan ko, Cyler.”
Parang hiniwa ang puso niya sa narinig. Tinapos niya ang tawag na iyon at napapikit nang mariin. Itinapon niya ang carton na wala nang lamang gatas sa may basurahan.
“Fiona, please don’t. Please don’t do this to me, bae-beau!” nausal niya sa sarili at saka paulit-ulit na pini-play ang pagtakbo ni Fiona sa treadmill. Pinagpapawisan ito at hinihingal na at napansin niyang umiiyak ito habang tumatakbo. Hindi lang pawis ang tumakbo sa mukha nito.
Napamura siya at saka itinapon ang cell phone sa ibabaw ng dining table. Napasapo siya sa kanyang noo at napahilamos ng kamay sa kanyang mukha.
“You all right?” tanong ni Courtney na kararating lang at pumasok nang hindi niya napansin.
“Leave me alone. Go to your own apartment!”
Courtney gave him a slicing look. “Don’t be such a baby, Cyler! Huwag ka ngang magta-tantrum ng ganyan! Suck it up like a real man!” Tinalikuran na siya nito.
Right. Nagpakalayo-layo siya sa mga magulang pero heto naman ang kanyang kapatid na nagbabantay sa kanya na parang isang lawin. Sigurado siyang ipinadala rin ito ng mga magulang para bantayan siya sa mga ginagawa niya rito.
Madalang na lang ang sessions nila ni Dr. Solis via Skype. Kahit papaano ay natutuwang nakikipag-usap pa rin siya sa kanyang therapist kahit na nasa Amerika na siya.
“Just don’t give up on your destination, Cyler. You’ll get there in time,” paalala pa nito sa kanya palagi.
***
Napakislot ng kanyang mukha si Fiona. Nakapatong siya sa electronic weighing scale sa bahay ng kanyang pinsan. Kada umaga paggising niya ay iyon ang una niyang ginagawa para makita kung may pagbabago sa kanya.
“Hindi!” sigaw niya.
Tarantang pumasok sa silid niya ang kanyang Ate Cynthia. Nakapantulog lang ito at aninag ang magandang hubog ng katawan nito.
“What happened?” usisa nitong inilibot ang paningin sa kuwarto niya at baka may intruder.
She got off from the weighing scale and moved to the bed to sit down heavily. She bounced on it, with matching pag-ingit ng kama na parang dumaing dahil sa bigat niya. Lumapit naman sa kanya ang pinsan.
“Ate, ba’t hindi bumaba ang timbang ko hanggang ngayon? It’s already a year!”
Hinahaplos nito ang kanyang likod. “It really takes some time for some people. At siguro isa ka na roon, Fiona. Just don’t give up, okay? Kaya natin ‘to. I’ll check again another routine for you, and we’ll try another diet. Just don’t get upset. Kaya mo ‘to.”
“Paano kung hindi pa rin magwo-work, Ate? Paano kung may problema talaga ako sa katawan ko?”
“No. We already ran some tests, and you are normal as you can be. Not all obese people are unhealthy. Your sugar level is good, and your blood pressure is normal. You just need more discipline, we’ll control your food intake, your drinks. And let’s not forget your exercise. So, dahil hindi ka komportable sa gym, kaya binilhan na kita ng ilang equipment na kailangan mo kaya dito ka lang sa bahay. And, of course, Jenna and I will be cheering you on!” nakangiting anang pinsan niya. “Alam mo namang hindi ka namin susukuan dito.”
Napalabi na lang ang dalaga.
***
Malungkot na pinagmamasdan ni Fiona ang pictures nila ni Cyler habang nakahiga sa kama isang gabi. May kuha sila noon sa Valentine’s Day date nila sa Tagaytay Highlands, sa monthsary dates, pati na sa senior prom kasi napilit din siya nitong magpa-picture sa photo booth. Kasama na rin ang ilang pictures na nasa restoran sila pagkatapos noong manalo ng championship ang team nina Cyler, nasa cellphone niya pa rin. Hindi niya binura. At hinding-hindi niya iyon ide-delete.
Hindi pa niya nakalimutan ang paghawak nito sa kamay niya habang sinusubuan siya ng baklava, ang Greek dessert, na miss na miss na niyang kainin. Iyon ang sekreto niyang kinakain sa tuwing napapaisip siya kay Cyler. Palagi pa naman niyang naiisip ang binata. Siguro ito rin ang dahilan kung bakit hindi siya pumapayat kahit anong gawin niya. Lamon din naman kasi siya nang lamon sa sekretong biniling baklava sa restorang iyon. Kilala na nga siya roon ng staff at laging may naka-set aside na malaking serving para sa kanya sa tuwing pumupunta siya roon.
“I have to let you go, Cyler. For now. Dahil gusto ko rin namang ma-achieve ang gusto ko. Para sa sarili ko ito, ‘di ba? Hindi ka naman siguro magagalit kung pakakawalan kita, ano? Sabagay, hiwalay na nga naman na tayo, ‘di ba? So… siguro… you won’t mind.” Hinalikan niya ang litrato nitong naka-focus sa mukha ng guwapong nobyo at naka-zoom in. “I love you, Cyler. Hindi ito magbabago kahit kailan. Sana nga lang ay magbabago na ang katawan ko, ano?”
Napangiti siya sa sarili. She had made a new determination, a new deal, with herself. She had to try and try, even if it would take years. It was for her own good anyway.