Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

Chapter 48

“How could you turn me into this? After you just taught me how to kiss you? I told you I’d never say—”

Binatukan ni Cyler ang kaibigang si Keith nang kinanta nito ang “That’s What I Get” ng Nine Inch Nails kaya natigil ito. Dumaan kasi si Fiona sa harap nila sa may hallway kasama si Jenna. Nakatungo lang ito. Hindi siya sinulyapan man lang. Pero alam niyang nakita na sila ni Keith sa may hindi kalayuan. Tanging si Jenna lang ang bumati sa kanila nang nakangiti nang matipid.

Simula noong pagwawala niya sa cooking class ay wala na siyang narinig na pangungutya mula sa mga kaklase nila. Takot lang ng mga itong masaktan talaga.

Dahil sa pakiusap⸺or more like a demand⸺ng mga magulang niya kasama ang kanyang therapist sa taga-school admin ay nakabalik na siya sa campus at makakasali rin siya sa prom. Nalaman na ng lahat ang tungkol sa bullies at si Fiona ang target ng mga ito.

Ipinatawag na ang lahat ng mga nam-bully kay Fiona at binigyan ng warning. Ito ay ayon sa suwestiyon ng mga magulang niya na nalaman ang dahilan ng pagwawala niya. It would not have been triggered in the first place if there were no bullies, like those people. And since the admin would not condone it, thus the warning.

It was a bit of consolation on his part, but it was already too late for him and Fiona. Wala nang kuwenta dahil hindi niya kasama si Fiona ngayon kaya hindi man lang siya natutuwa. Gayunpaman, kahit papaano ay iyon ang naging daan para magkaroon ng masinsinang pag-uusap ang pamilya niya at medyo nagkaayos na rin sila. Well, not to mention, sa tulong ni Dr. Solis.

Cyler was still under therapy, ayon sa kagustuhan ng mga magulang. Wala siyang nagawa kundi sundin ang mga ito.

Initially, he was looking forward to it when they were still together. Pero ngayong hindi na sila ni Fiona, wala na siyang gana. Wala na siyang prom date kasi at lumayo ang dalagang sa kanya na sana.

‘Fate has a funny way of tearing lovers apart. It’s just too cruel,’ sa isip niya.

Humigpit ang kanyang bagang habang nakatitig sa dalagang abot-kamay naman sana pero hindi niya maabot. Nakapakuyom tuloy siya ng palad habang sinundan ng tingin ang babaeng nagmamay-ari ng kanyang puso.

“Tayo na lang ang mag-partners sa prom. Ako nang bahala sa ‘yo, buds,” ani Keith, nabasa ang isip niya at siniko siya sa tagiliran.

Napasingasing siya rito.

Maraming araw ding hindi niya kinibo si Courtney dahil nalaman niyang pinagsabihan nito nang masama si Fiona ayon pa kay Keith na nagkataon palang nandoon sa student lounge noon. Ang gago niyang kaibigan ay ini-record sa phone ang nangyari kaya alam na alam niya kung anu-ano ang pinagsasabi ng kapatid niya sa kawawang nobya niya. Gusto niyang komprontahin ang kapatid pero naisip niyang huwag na lang dahil naisip niyang kaya hindi iyon ipinaalam ni Fiona sa kanya ay dahil ayaw niyang magkagalit silang magkakapatid at inirespeto niya iyon.

Hindi man niya ito kinumpronta, alam na ni Courtney ang kasalanan sa kanya.

***

Hindi na nga nilapitan ni Cyler si Fiona, ayon sa kagustuhan nito. Nalaman niyang blocked ang numero niya sa phone ng dalaga, iyon ang sabi ni Jenna kay Keith kaya hindi makalusot ang tawag niya sa kasintahan. Kaya naman ay nag-iiwan siya ng mga notes sa locker nito, sinasabi niya rito kung gaano niya ito ka-miss kahit na natatanaw niya ito araw-araw sa campus. Wala siyang sagot na natanggap mula rito.

It crushed his heart, really. But here he was, trying to make it through.

‘Yeah, I’ll give you the space you want, bae-beau. Kahit masakit para sa ‘kin. Kahit na parang hindi na ako makahinga. Maybe someday… and I hope one day, you’ll not push me away again…’

But now… he was just someone who is in love with a girl he could not seem to ever hold or kiss anymore.

***

“Hayan! Mabuti at nakapagpasya ka na rin sa wakas, Fiona!” natutuwang anang Cynthia sa dalaga. “I’ll give you the routine and daily menu para sundin mo. It’s from my dietitian friend. It’s specially for you. Tapos, si Jenna na ang kasama mo sa gym kapag hindi ako makakasama, okay?”

“Thank you, Ate.” Nakangiti siya sa doktora pero may bahid na lungkot sa mga mata. Wala naman na talagang saya na nakasalamin doon magmula nang makipaghiwalay siya kay Cyler.

“Kung ginawa mo pa ito noon pa, eh, baka naman hindi na kailangang maghiwalay pa kayo ng guwapong-guwapo mong boyfriend, ano?” dagdag ng pinsan.

Hindi siya umimik. Nagbesi-besihan na lang siyang magpakli ng pahina sa hawak na magazine. Bumisita siya sa klinika nito para kausapin tungkol sa kanyang napagpasyahan. She knew it was inevitable, if she wanted a change in her life. At kailangan niya itong gawin para kay Cyler at para sa sarili.

“Sorry. I shouldn’t have mentioned him,” hinging-despensa ng pinsan at napalingon ito nang may pumasok na pasyente sa klinika. Tinalikuran na siya para asikasuhin nito at siya ay napatingin sa mga seksing babae sa magazine at napaisip pa nang mas malalim.

‘Talaga bang achievable ang ganitong katawan? Kaya ko kayang magbago?’

Napasulyap siya sa kanyang malaking bilbil at napabuga ng hangin. Duda kasi siyang hindi niya iyon kaya. Ang takaw-takaw pa naman niya at wala siyang disiplina sa katawan.

Chương trướcChương sau