“Cyler, kung ako naman ang dahilan kung ba’t ka nagkakaganito, mas mabuti na ngang maghiwalay na tayo. Ayokong pakialaman mo pa ang buhay ko. Gusto kong mag-focus ka sa buhay mo. Don’t live your life for my sake. Love yourself, too. But don’t think that because I’m breaking up with you, I never loved you or that I love you less now. Because I’ll always love you, Cyler. Gusto ko lang na magkaroon tayo ng space at saka ayokong hindi ka makapag-graduate nang tuluyan nang dahil sa ‘kin. Naiintindihan mo ba ako? Ha, Cyler?” naluluhang anang dalaga.
“Bae-beau…” Lalong napaluha ang binata sa narinig, yumugyog ang dalawang balikat. Parang piniga ang puso nito. Napalunok ito nang pilit. Sa nanlalabong mga mata dahil sa luha, nagsalita itong muli, “Okay lang na bibigyan kita ng space, but don’t break up with me please…” pagmamakaawa nito sa kanya.
Hinawakan niya ang pisngi ng binata at hinalikan ang mainit na luha nito. “I love you, Cyler. But this is goodbye for us both,” mahinang tugon niya.
“No, Fiona… Huwag mo naman akong hiwalayan, o.” Patuloy na umiiyak si Cyler nang tumalikod na siya at iniwan ito. “Bae-beau, please!” pagmamakaawa nito pero hindi niya ito nilingon dahil baka magbago ang isip niya. Kailangan niya lang na magpakatatag sa naging desisyon niya.
Naghiwalay ang kanilang mga kaklase nang lumabas siya ng silid na parang dinaanan ng bagyo. Nilampasan na nga lang niya ang guro nilang napamaang dahil sa nakitang eksena.
***
Pabalyang binuksan ni Cyler ang pinto ng clinic ni Dr. Solis. Nagulat ito sa kanyang pagpasok doon at lalo na may pasyente pa itong kaharap. Hindi iyon oras ng kanilang session.
“I need your help now!” sigaw ni Cyler.
Napatingin ang therapist sa babaeng kliyente nito. “I’m sorry, I think it’s better to cancel our session for today. Please come back tomorrow, Miss Prado,” pakiusap ng doktor dito.
Tumayo ang naka-semi formal na babae na nasa thirties na edad nito. Buti na lang maunawain ito. Umalis ito at isinara ang pinto habang paikot-ikot sa silid si Cyler at pinatakbo ang mga daliri sa buhok.
“I didn’t mean to barge in like that. I just…” He paused pacing and talking. “It’s not our schedule either. But I just want to talk to you about my problem or I’ll explode!” aniyang hinarap ang therapist na nanatiling nakaupo sa couch.
“Okay, Cyler. You can tell me and let’s think about the solution together.”
“I thought I got better. I thought I could control it finally, because Fiona was always beside me. But… no!” He gritted his teeth, looking at his therapist with blazing eyes. “It was just piled up day after day. My pent-up anger just grows as time goes by, and I couldn’t hold it any longer. I had to release it!”
“So what did you do, Cyler?”
He explained everything, what happened at school and until their breakup. Then, he added, “People are just… cruel… malevolent… unkind, and downright horrible! How could they be so mean to a person who has a good heart and didn’t do anything bad to them? How could they be so… vile to another human being?” Pagkasabi ay pabalik-balik naman siyang naglakad sa harap ng therapist.
“As I have already told you, people have different way of thinking—”
“Right. We can’t control it. But what am I supposed to do now, huh? I can’t just let go of my girlfriend because of those mean people!”
Bumuga ng hangin si Dr. Solis. “Cyler, you can let her go. You can give her space and time. And you, you focus on how to get better. Huwag lang ‘yong nakapagpigil ka nang dahil nasa tabi mo siya. You have to do it on your own. Why don’t we do it this way? Instead of a weekly session, which you skipped numerous times already, why don’t you and I spend some time after your every class? I’ll talk to your parents and your sister, too.”
“What?”
Tumayo ang therapist at nilapitan siya para tapikin siya sa balikat. “I’m glad you came to me, Cyler. That means a lot. That means you’re willing to change for the better.”
Kahit paano ay kumalma ang pakiramdam ni Cyler. Sa tingin niya, kahit na ayaw niyang makipag-usap sa therapist kada araw, ayos lang iyon. Gagawin niya ito para kay Fiona. Gagawin niya ang lahat para lang mapabuti at nang hindi niya rin mabigyan pa ng sakit ng loob si Fiona. Alam niyang nahihirapan din ito sa sitwasyon nila at nagawa nitong hiwalayan siya nang dahil sa mas lalong grumabe ang panlalait dito. At nasagad na silang pareho. Ang akala niya ay kung balewalain ang mga iyon at magtimpi lang ay okay na. Pero heto na nga sila. It was a total disaster. At ayaw na niyang maging ganoon. Ayaw na niyang ipakita kay Fiona ang side niyang iyon.
Sure, she was not afraid of him, but she took pity on him. And it was not right. Nakakalungkot iyon. He just wanted to be loved by her. Iyon lang ang kailangan niya sa dalaga at nang magiging masaya silang pareho. Hindi ba at iyon ang layunin nila para sa isa’t isa? Ang pasayahin ang isa’t isa? So, he had to do this to achieve it in the end.