“Before Anyone Else. BAE. And it’s you, Fiona. You’re above anyone else, even above myself,” madamdaming turan ni Cyler. Yumuko ito at ginawaran si Fiona ng halik sa tungki ng kanyang ilong.
Napakunot siya ng ilong at napahagikhik. Sobrang kilig naman kasi siya. Hindi na niya pinansin ang nagbabagang mga tingin sa kanya mula sa mga admirers ng binata. Bahala na nga sila. Palagi na lang ganyan naman kasi. Parang inagawan niya ng laruang Barbie ang mga ito. Pero siyempre, higit pa sa Barbie ang nasa kamay niya. Knight pa nga.
Si Cyler ang Knight in Shining Armor niya. Lagi siya nitong pinoprotektahan laban sa mga witches na kaklase niya, lalo na sa nagngangalang Shiloh. Hindi niya alam kung ano ang nagawa niyang magandang bagay kay Cyler para iingatan siya at mamahalin ng ganito. Pakiramdam niya ay hindi niya deserve ito. Gayunpaman ay laking pasasalamat ang kaligayahan niyang may isang lalaking tulad nito ang uma-appreciate sa kanya sa kabila ng kanyang body size.
“O, ano? Magse-celebrate pa raw ang team n’yo. Mauna na kami?” singit ni Jenna.
“Hindi ako sasama. Si buds na lang,” ani Cyler na siniko si Keith.
“Ba’t ayaw mong sumama, buds?” reklamo nito sa kaibigan nang nakasimangot.
“Me and my bae are going to celebrate somewhere else!” Hindi na nagpaliwanag pa nang mas mahaba ang binata. Hinawakan na nito ang kamay ng dalaga at saka iginiya papalabas ng ball field at patungo sa kotse nito.
“Keith, pakihatid na lang ng friend ko, ah!” pakiusap niya sa lalaki na nag-thumbs up na lang sa kanya.
Nakangiti siya nang pinapasok siya ng binata sa kotse nito, sa may passenger seat. Wala na itong paki sa ibang estudyante. Tinanguan lang nito ang ilang teammates at mga kakilala at agad na pumuwesto sa driver’s seat. Luminga muna ito sa kanya bago siya nginitian habang pinapaandar ang makina.
“Teka, magbihis ka muna. Huwag mong patuyuin ‘yang pawis mo, Cyler,” payo ni Fiona na inabot dito ang fresh shirt na may blue and white stripes. Kinalkal niya iyon mula sa backpack mismo ng binata na siya ang may dala.
Agad namang hinubad ng lalaki ang uniform na may pula, berde, at puting stripes na ikinalaki ng mata ng dalaga.
“Hoy! Wala ka talagang hiya, ano?”
“Eh, sabi mo magbihis muna. ‘Eto, magbibihis na nga ako, bae,” ngumising anito at saka kumindat pa sa kanya nang nakakatunaw-panty… este nakakatunaw-taba. Ang ganda-ganda niya naman kasi! Initsa pa nito ang basa sa pawis na uniform sa backseat.
“Diyos ko! Pinapakilig mo naman ako. O, magpunas ka muna,” aniyang ibinigay rito ang isang towel pero umiling ito kaya napataas siya ng kilay. “Ano? Isusuot mo lang ba ang shirt nang hindi nagpupunas? Ini-on mo pa nga ang aircon, o! Hindi maganda sa—”
Kinagat muna nito ang ibabang labi bago nagsalita. Nahila roon ang paningin niya. Talk about sexy distraction. Ito na iyon si Cyler, biting his lower lip like a pro seducer.
“Pakipunas sa ‘kin, bae,” lambing nito sa kanya.
Ngumiti ito sa kanya na siyang nagpalipad ng mga paru-parong nakaupa sa kanyang tiyan at taba. Uminit pa ang pisngi niya dahil kumindat na naman ito sa kanya.
“Ewan ko sa ‘yo! Sobrang pabebe mo!” aniyang napatawa nang marahan at saka pinunasan ang dibdib ng binata. Biglang nanunuyo ang kanyang lalamunan habang naglandas ang tuwalya sa balat nito. She was already ogling. She knew it. And he knew it. Pero parang okay lang dito ang ginagawa niya. “Ano ba? Bakit ko ba ‘to ginagawa?” aniya sa lalaki.
He laughed and held her hand. “Minsan lang naman ako naglalambing sa ‘yo, ‘di ba?” anito. Dinampian nito ng halik ang knuckles niya pati na ang likod kamay niya at saka pataas sa braso.
Nagbawi siya tuloy ng kamay. Para kasi siyang kinikiliti na kung ano dahil sa ginagawa nito. Pero in fairness, ang sarap damhin ng medyo mainit nitong labi sa balat niya.
“Hoy! Tumigil ka na nga! Likod mo na please,” ang aniya sa lalaki na bahagya namang pumihit para sundin siya. Nahuli niya pa ang nakakaloko nitong ngiti at tingin. Tinikom na lang niya nang mariin ang bibig para pigilan ang ngiti habang pinunasan ang likod ng kanyang mahal na kasintahan. “O, tapos na. Bihis ka na po.”
“Okay, bae!” anitong kumindat sa kanya at isinuot na ang shirt na bigay niya. Kinuha nito ang bag at saka itinapon sa backseat.
“Saan nga pala tayo pupunta?” tanong niya habang tumatakbo na ang kotse ng binata.
“Sa hotel restaurant ng parents ko. They have good food there, and I booked it for just the two of us tonight. Ayoko kasing mahiya ka sa mga tao na kasama ako. Although I don’t mind it, I’m just thinking how you would feel in a public place like that. So… is it okay, bae?”
Bigla siyang kinabahan. “T-tayong dalawa lang?”
“Why not? If you’d think about it, palagi nating kasama sina Keith at Jenna. Why don’t we have some time together, alone?”
Napangiti siya sa lalaki. Kung wala lang siyang tiwala rito ay sigurado siyang hindi talaga siya sasama. But this was Cyler. He would not do anything to hurt her, would he?