“OMG! Hindi mo sinabi sa ‘king kayo na nga!” sumbat ni Jenna kay Fiona nang dumalo ito sa mesa nila ni Cyler sa canteen. “Wala ring kuwenta ang tinanong ko kasi wala rin palang alam.”
Napangisi ang binata dahil dito. Tiningnan niya ang girlfriend na parang matutunaw na sa hiya at gusto nang magtago sa kung saang cupboard o kaya ay sa ilalim ng mesa. He thought it was so cute of her. At ang saya niya na alam na ngayon ng lahat, siguro ng buong campus, na sila na nga. He should know that their relationship was filled with unnecessary and maybe incorrect information. But he did not care. Basta nasa tabi niya lang ang dalaga at malaya na siyang ipakita rito ang damdamin niya. It was all that mattered.
“Best, bunganga mo!” mariing saway ni Fiona rito.
Tumabi sa kaibigan nito si Keith na nakangisi pa rin sa kanya at sinuntok siya sa braso. Hindi niya ito pinatulan, kundi ay nginisihan lang din.
“Don’t mind them. Come on, just eat, Fiona,” ang sabi niya sa dalaga. Iniabot niya pa rito ang burger na gustong-gusto nito. Hindi na niya alintana ang nanlilisik na tingin ni Shiloh kay Fiona at ng iba pang may gusto sa kanya. They did not matter to him anyway.
***
Araw ng Sabado. Kausap na naman ni Cyler si Dr. Solis para sa kanilang session.
“That’s good. I think it’s a progress that you haven’t had any misconduct this week, according to your story,” nakangiting sabi ni Dr. Solis sa kanya.
Napasimangot siya. “Right. I haven’t used my fists and kicks, but I still don’t like the way they treat her. She’s my girlfriend now, and I’m trying so hard not to show her my bad side. Isn’t it still bad?”
Napatitig sa kanya ang doktor. “As long as you don’t behave in a violent manner, it’s a progress, Cyler. Just keep that in mind.”
“What if I’ll lose control of my temper? What if I can’t hold it anymore, Dr. Solis?”
Nagtama ang paningin nilang dalawa. “I hope you don’t lose your cool, Cyler.”
Tumayo si Cyler at napailing-iling. “You’re supposed to tell me what to do!”
“What you do is your choice, basically. But try to recall the mantra I taught you.”
“What? Telling myself ‘I am in control, not my anger’ over and over again? Or should I sing ‘I Feel Pretty’ like in Adam Sandler’s movie? It’s not going to help! Right now, when she’s beside me, I am able to control it. But what if… what if one day I’ll just blow up and she happens to be there?”
Tumayo na rin ang therapist mula sa kinauupuan nito. “Don’t think of negative things, Cyler. You were able to do it well this past week, I’m sure you’ll be able to do it from now on. Find it within yourself that you’re getting better. You’re a strong person that you can ever be.”
Napabuga na lang ng hangin ang binata. “I don’t think you’re helping at all.” Tinalikuran na niya ito. “Don’t expect me to come back!”
“I’ll be glad if you don’t, because that means you’re okay, based on our session today. But you have to ensure for your benefit and for the others around you that you don’t lose yourself then.”
Marahang napakurap si Cyler at napalunok bago tuluyan nang umalis sa clinic ng therapist niya. Well, he just hoped that Dr. Solis was right about him.
***
Nakatitig kay Cyler ang mga magulang ni Fiona pagkatapos nitong ipakilala siya nang pormal. It was a bit uncomfortable for him, but he did not mind. After all, they were his girlfriend’s parents.
Hindi malaki ang bahay ng mga ito pero masinop naman. Nakita niya pa ang isang family portrait ng mga itong nakasabit sa isang dingding. Hindi masyadong kalakihan iyon pero kitang-kita ang masayang awra ng pamilya. How he wished he had the same. But it was all a wish. Wala silang family portrait man lang ng sariling pamilya niya.
“Uh, for you po,” ang sabi niyang binigyan ng regalo ang ina at ama ng dalaga. Tig-iisang paper bag ang mga ito at binigyan niya rin ng purple calla lily ang dalaga, isang box ng dark chocolates na paborito nito, at isang set ng earrings, necklace, at bracelet na may calla lily design.
Tinanggap ng mga ito ang kanyang regalo nang nakangiti, puwera na ang ama ni Fiona na mistulang tinatantiya pa rin siya. Kaya naman ang ina na nito ang tumanggap niyon at nagpasalamat sa kanya.
“Hindi ka na sana nag-abala pa, Cyler,” sabi ni Fiona sa kanya na napahiya. Napangiwi ito nang masilip ang regalo niyang alahas.
“It’s nothing. Anything for you and your parents,” nakangiting tugon niya sa kasintahan. Malagkit ang pagkatingin niya rito nang tumikhim ang ama nito.
“Ito ‘kamo ang minsang bumukol sa ‘yo, Nana?” anang ama ng dalaga.
‘Nana. Ang cute pala ng palayaw ni Fiona,’ naisip niya habang nakangiti na parang gago. At hindi siya makapaniwalang naikuwento pala nito sa mga magulang ang aksidenteng nangyari noon sa ball field. Ibig lang sabihin ay kilala na siya ng mga ito.
Paupo na sana siya nang magsalita ito kaya bumalik siya sa pagkakatayo nang matuwid at hinarap ito.