Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

Chapter 37

Nakita ni Cyler ang panunubig sa mga mata ni Fiona. Parang kinuyumos ang puso niya nang makita itong umiiyak. Marahan niya itong kinabig at niyakap. Hinalikan niya ang buhok ng dalaga habang nakadikit ang pisngi nito sa kanyang dibdib at naririnig ang malakas na pagkabog ng kanyang puso.

“What’s with your brain, Cyler? Is it in the size of a peanut?” anitong bahagyang kumalas sa kanya.

He chuckled softly. “What about your heart? Is it in the size of a pea?”

Nagkatawanan na lang sila na parang sira. Pinahid niya ang luha nito.

“Will you give me a chance to occupy your heart, Fiona?” pagsumamo ni Cyler.

May dalawa na namang butil na kumalas sa mga mata nito at binigyan siya ng isang matipid na ngiti sabay tango. Lumundag ang puso ni Cyler sa sayang hindi niya maipaliwanag. Hindi pa siya ganito kasaya sa tanang buhay niya. Parang walang mapagsisidlan ang galak niya.

Unti-unting inilapit niya ang mukha sa mukha ng dalaga habang hawak ito sa magkabilang pisngi. Wala na talagang mas maganda pa sa paningin niya kundi si Fiona lang. Wala nang iba pang nagpapasaya at magpapasaya sa kanya nang ganito kundi ang may magandang puso na babaeng ito. Ipinangako na niya sa sariling iingatan niya ito palagi… kahit na anumang mangyari.

“Cyler?” mahina at marahang untag nito sa kanya.

Natigil siya sa maaari niya sanang gagawin. “Yeah?”

“A-ano’ng gagawin mo?”

“H-huh?”

Napangiti ito nang matipid sa kanya, hinawakan ang kanyang pulsuhan habang nakatitig sa mga mata niya. “Alam ko na ang gagawin mo pero hindi puwede!” anang Fiona.

Napakagat-labi siyang nanggigigil nang nakangiti rito.

“Hala! Ano’ng ginagawa n’yo diyan?” usisa ni Jenna kasama si Keith.

Nagkatinginan silang dalawa ni Fiona. Agad na lumayo sa kanya ang huli at binalaan siya.

“H-huh? Wala, best!” deny ng babae.

Hindi na lang nakapalag si Cyler at napakamot sa kanyang batok.

Pinasingkit ni Jenna ang mga mata habang tinatantiya silang dalawa at nakangising nanunudyo ang mga mata ng buddy niya.

Agad na nagbawi si Fiona ng kamay mula sa kanya. Gusto man niya ang pakiramdam na hawak siya nito, na parang hinaplos at mabining hinawakan ang puso niya, hinayaan na lang niya ito para hindi mapahiya. Pero pansin na niya ang pagkalat ng tinge of pink sa cute nitong pisngi.

“Wala, ah! Tara na nga sa classroom!” anang Fiona sa kaibigan nito. Nagmamadali na itong kinaladkad si Jenna pababa habang nakangisi na ngayon nang pilyo si Keith.

“Buds…”

“Zip it!” aniya bago pa man ito makapagsalita ng kahit na ano. Nilampasan niya ang nakangising parang asong ulol na kaibigan upang sumunod kina Fiona.

***

Nakapangalumbaba si Fiona at nagdo-doodle ng hearts sa kanyang notebook habang may idini-discuss ang kanilang guro sa Biology. Napatikom siya ng kanyang bibig habang pilit na itinatago ang ngiti.

Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwalang sila na ni Cyler. Napaka-sweet nito sa kanya. Kada gabi bago matulog ay nate-text ito sa kanya o kaya ay nag-uusap sila at nagkukuwentuhan nang matagal hanggang sa mag-lowbat o kaya ay umiinit ang cell phone na kanyang hawak. Kapag umaga naman ay lagi itong nauunang bumabati sa kanya para pagandahin daw ang araw niya. Sa katunayan nga ay nag-message ito sa kanya kaninang umaga ng sobrang corny pero ang sweet naman: “The sun rises again for another day just to see your smile. Good morning, my beloved Fiona!” Sino ba naman ang hindi kikiligin kapag ganitong araw-araw ay pinapangiti siya ng kanyang nobyo?

“Uy, best! Ano ‘yan? Hearts? Cyler?” untag ni Jenna na sinilip ang sinusulat niya sa kanyang notebook. May ngiti itong nanunukso sa kanya. “Kayo na ba talaga, ha? Aminin mo na!”

Agad niyang itiniklop ang kanyang notebook. Hindi man lang niya napansing tapos na pala ang klase nila at iilan na lang silang naiwan sa classroom.

Tumayo siyang iniligpit ang mga gamit at nakitang ganoon din ang ginagawa ni Cyler na nasa panghulihang island table, kasama si Keith. Pasimple siyang kinindatan ng kanyang nobyo at may misteryoso pang ngiti. Biglang nangisay ang puso niya sa kilig. Parang gusto niyang sumigaw nang paimpit kaya ay mariin na lang niyang itinikom ang bibig at saka nagbawi ng paningin.

Napagkasunduan nilang itago muna nila ang kanilang relasyon.

Well, it was more like her request to be exact. Sumang-ayon na lang ang binata.

Nang matagpuan sila nina Jenna at Keith sa rooftop ay agad niyang itinulak si Cyler at lihim na binalaang huwag ipagkakalat na sila na nga. Umalma pa ang lalaki pero pinandilatan niya ito. Hindi na lang ito umimik at napakamot ng batok.

“Fine. You’re my girl and you’re the boss,” anito sa kanya sa phone nang gabing iyon.

Hanggang ngayon ay natatawa siya sa reaksyon nito at wala nang nagawa ang binata kundi ang pagbigyan siya. Siguro nga ay mahal na mahal siya nito kaya sumang-ayon ito sa nais niya.

“Uy, best! Walang ganyanan.” Humabol sa kanya si Jenna at kinukulit na naman siya. “Tatanungin ko na lang kaya si Keith, ha?”

Nag-aabang pala sa kanila sa labas ang dalawang mokong at lumundag ang puso niya nang magtama ang paningin nila ni Cyler.

“Ano’ng maipaglilingkod ko sa ‘yo, Jenna girl? Yo!” tanong ni Keith na ni-rap ang mga salita.

“Haay! Halika nga! May itatanong ako sa ‘yo,” ani Jenna na kinaladkad si Keith at inirapan sina Fiona at Cyler.

Sabay na naglalakad ang bagong magkasintahan. Pangiti-ngiti si Cyler sa kanya na parang nagpapatunaw sa puso ng dalaga.

“Puwede bang lumayo ka?” Itinulak niya ang binatang dikit nang dikit sa kanya.

“Isang linggo naman na tayo. Bakit hindi pa natin ipapaalam sa kanila na tayo na nga?” anang binata na pasimpleng bumulong sa kanya. Kinagat nito ang ibabang labi at nagpapa-cute sa kanya.

Napatikom naman siya ng bibig at iniwas ang paningin mula sa mapanuksong labing iyon. Hay, ewan niya ba pero parang mina-magnet nito ang mga mata niya kaya lalo lang itong ngumiti sa kanya nang pilyo.

“Eh… alam mo naman na ang dahilan. Baka sabihin nilang ginayuma kita o kaya naman—” pag-uulit na naman niya sa paksang iyon.

Humarang sa harap niya si Cyler at nagsalubong ang mga kilay habang nakatitig sa kanyang mukha.

“So what? Pakialam ba nila? I know it’s not true. That’s the important thing here. Kita rin naman nilang habol ako nang habol sa ‘yo at umiiwas ka noon, ‘di ba?”

Napangiwi siya. Ang haba ng hair niya. “Eh… ano kasi… Cyler⸺”

“Basta! Tama na ‘yong one week! Gusto ko nang alam ng lahat na girlfriend na kita at walang gagalaw sa ‘yo. Okay?” Sabay hawak nito sa kanyang kamay nang mahigpit. Nakita iyon ng mga kaklase nila at schoolmates habang naglalakad sa pasilyo at sa pathway.

Napatakip ng kanyang mukha si Fiona sa hiya. Parang gusto na niyang sumiksik kay Cyler dahil sa pagkahiya. Inakbayan pa siya nito na lalong ikinalaki ng mga mata niya. Hindi naman niya magawang ipagtulakan ito dahil kilig na kilig naman kasi ang puso niya. Sino ba siya para aarte pa? Ang suwerte-suwerte na nga niya kay Cyler. Ang bait at walang paki sa kapwa nila estudyante na ngayon ay na-shookt dahil sa ipinakita nito. Ladlaran ba naman at sobrang PDA.

“Enebey! Huwag kang maharot,” pasutsot na aniya sa kasintahan.

Tumawa lang ito sa kanya nang mahina. Sumasayaw ang mga mata nitong magiliw na nakatunghay sa kanya. Wala na nga yata siyang mahihiling pa sa mga sandaling ito.

Chương trướcChương sau