Napatili si Fiona nang mahulog siya sa gusali. Napaiyak siya dahil sa pagtulak sa kanya ni Cyler habang ang kamay niya ay gusto pa sanang abutin ang binata…
Hanggang sa magising siya ay napatili pa rin at nakataas ang kamay.
“Huy! Ano’ng nangyayari sa ‘yo at sumisigaw ka riyan?” sita ng ina niyang may dala pang sandok.
Nandilat ang mga mata ni Fiona nang makita ang ina. “Ma? Buhay pa ako?” Parang tangang tanong niya sa ina.
Umasim ang mukha ng ina. “Kukurutin kita para malaman mo. Gusto mo, ‘nak?”
Napabalikwas na siya ng higaan at naiiling ang ina.
“Maligo ka na at baka ma-late ka pa, o.” Tumalikod na ito at lumabas ng kanyang silid.
Napasapo naman si Fiona sa kanyang dibdib.
‘Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip ko? Dapat kayang ‘wag ko siyang sagutin?’ sa loob-loob niya.
***
Napansin ni Cyler na iniiwasan siya ni Fiona sa mga sumunod na araw. Napaisip siya kung tungkol ito sa nangyari sa gym nina Orwin o tungkol sa pinagtalunan nila o kaya sa mga rumors noong tungkol sa naabutan sila ng guard na magkayakap sa AVR na kesyo nag-fornicate daw sila roon.
He just blew a deep breath as he watched her from a distance. Gusto man niya itong lapitan ay nagpigil lang siya sa sarili. Gusto niyang bigyan ito ng space and time at iyon ang ginawa niya nitong mga nakaraang araw. Baka kasi nasasakal na rin ito dahil sa pangungulit niya dahil sa panliligaw niya. At hindi nga rin nagbago ang pambu-bully rito ng mga schoolmates at pati kaklase nila. Siyempre umandar din ang pagiging hero in the dark niya at binigyan ng leksyon ang mga iyon nang lingid sa lahat, lalo na kay Fiona.
“I don’t wanna wait in vain for your love…” kanta pa ni Keith nang dumaan si Fiona kasama si Jenna. Gardening time nila iyon.
Napangisi naman ang huli habang napaiwas ng tingin si Fiona. Hindi man lang siya nito tinapunan ng kahit isang sulyap. Nang tuluyan nang nakalampas ang dalaga ay sinundot ni Cyler sa sentido ang kaibigan at itinulak.
“Diligan mo na nga ‘tong halaman!” aniya sa kaibigang parang baliw. Naisip niyang siguro naman ay kailangan niyang kausapin si Fiona mamaya. Baka naman ay tama na iyong time and space na ibinigay niya rito at dapat hindi na ito mag-aalala dahil hindi naman nagreklamo si Orwin at hindi pinalaki ang nangyari sa gym.
***
Hindi napansin ni Fiona na nakatitig sa kanya si Courtney. Nasa canteen sila habang may binibili ang huli. Pagkatapos ay umalis din ito nang pumasok si Cyler. Nagtataka ang binata kung bakit dumaan doon ang kapatid pero hindi na lang niya pinansin nang nilampasan siya nitong tila hindi siya kilala.
His sister was acting weird again. Maybe she was just checking up on him lalo na nang malaman nitong sinugod niya ng sparring si Orwin. Hindi niya rin alam kung bakit tila natahimik lang si Orwin. Baka nga ay tanggap na nitong kailanman ay hindi siya nito matatalo at ang pagpapapulis sa kanya o pagre-report sa school niya ay wala nang kuwenta at kahihiyan lang din ang mapapala dahil talunan ito. The guy had his pride, after all.
Pagka-order ni Cyler ay umupo siya sa may mesa nina Jenna at Fiona. Inilapag niya ang tray doon at sumunod na rin si Keith sa kanya.
Nag-angat ng mukha ang dalawang babae. Agad na napalinga-linga si Fiona sa paligid pero wala siyang pakialam. Tahimik na lang itong nagpatuloy sa pagkain at binalewala lang siya.
“Why can’t I free your doubtful heart and melt your cold cold heart?” Bigla na namang kumanta si Keith sa kanta ni Norah Jones na “Cold Cold Heart.”
Napatingin silang tatlo sa kaibigan niyang nasa kanan niya nakaupo. Nag-peace sign ito.
“I’m just trying to break the ice,” anitong nakangisi, katulad ng dati.
“Mauna na ako sa inyo,” nakayukong pahayag ni Fiona at umalis nang hindi man lang natapos ang pagkain.
Mabilis siyang sumunod sa dalaga. Naramdaman naman niyang may humawak sa kanyang braso. Nilingon niya ito at nakita si Shiloh na nakangiti.
“Do you remember what day is today?” wika nito.
“Of course, it’s Wednesday,” malamig niyang tanong. Paki ba niya kung anong araw ngayon?
Nagbawi na siya sa kanyang braso at iniwan ito.
“It’s my birthday, Cyler!” pahabol na anang babae. “You didn’t even greet me!” Ngumuso ang babae, nagpabebe.
Bahagya siyang napapikit ng mga mata at hindi na ito pinansin. Nakikinita na lang niyang nakasimangot ito at nag-pout. Kailangan niyang maabutan si Fiona at kausapin bago pa matapos ang kanilang lunch break.
Hinanap niya ang dalaga pero wala ito sa locker room o classroom nila. Naisip niyang baka nandoon ito sa rooftop. Pumunta na siya roon at hindi nga siya nagkamali. Nakasandal itong paharap sa guard rail at tila lumalanghap ng sariwang hangin. Nakapikit ang mga mata. Hindi masyadong mainit dahil sa ilang malalaki at makakapal na ulap na nakaharang sa araw.
“Fiona,” mahinang tawag niya sa babae.
Marahan itong napalingon sa kanya. Nag-iwas naman ng mukha pagkatapos.
“I’m sorry, okay?”
Hindi ito umimik.
“I know what I did was wrong. Hindi sana ako sumugod kay Orwin para bugbugin siya. I know I may sound insincere right now for doing something that shouldn’t have been done in the first place, like I contradict my own principle… but I think it’s different, and it was worth it.”
Napailing ang babae. “Worth it? Paano kung iba ang kinalabasan ng ginawa mo, Cyler?”
“I don’t care. Kung para sa ‘yo, gagawin ko ang kahit na ano, Fiona.”
Napakurap ang babaeng nakatitig sa kanyang mukha. Lumunok ito at nag-iwas ng paningin.
“Ayokong gumawa ka ng masama nang dahil sa ‘kin, Cyler. It’s not worth it, and I’m not worth it, okay?”
“What? Kaya mo ba ako iniiwasan ng ganito dahil ‘yan ang iniisip mo?” naitanong niya rin. Mas lumapit pa siya sa dalaga.
“Hindi ka dapat na lumapit sa ‘kin, kaya tumigil ka na, Cyler. Tigilan mo na kung anuman ‘tong gusto mong… Ewan ko! Ewan ko kung ano ang gusto mo!”
“What? Didn’t I make it clear enough for you? I’m serious about you, Fiona.” Yes, he had never been serious in his life as he was with her… with this girl.
Scratch that. He was always serious with his life. Nandiyan man ang mga magulang niya o wala. Dahil gusto niya naman kasing patunayan na nagagawa niya ang kahit na ano kahit wala ang mga itong gumabay sa kanya. And to this girl, hindi niya lang gustong patunayan sa sariling seryoso siya sa buhay. Gusto niyang ipakita ritong totoo siya. Totoo ang nararamdaman niya para rito. Ano pa ba ang gusto nitong patunayan niya? Paano niya pa ba iyon patutunayan nang walang halong panlilinlang ang intensyon niya para rito kung hindi naman siya nito bibigyan ng tsansa?
“Why is it so hard for you to believe me? Why don’t you trust me, Fiona? You should feel it in your heart that I’m different from Orwin.”
“Seryoso ka ba talaga? Wala ka bang pakialam sa bigat ko, ha? I’m almost eighty kilos, FYI!” balik nitong nakatitig sa kanya nang husto.
Nagdikit ang mga kilay niya. “I don’t care about your weight, Fiona. All I care is your heart! What it feels about me!”
“And… and what if I’m really falling…? Will you catch me, Cyler? Kaya mo ba akong saluhin?” Her eyes desperately searched his.
He, too, held hers and cupped her round face. “I’ve already fallen for you, so I’m waiting for you to fall, too. And if you do… if you really are falling… I’m already there, ready to catch you, Fiona!” madamdaming tugon niya sa dalaga.