Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

Chapter 33

“Look who’s here!” sabi ng isa sa mga kasamahan ni Orwin na matangkad at medyo payat, kasing-edad nila.

Kasalukuyang nasa isang private practice gym sila kung saan madalas nagpa-practice si Orwin. May ring sa gitna niyon at may punching bags sa kaliwang banda nito samantalang ang malawak na area sa kanan ay may mat at may nagpa-practice ng kata o kaya ay may nag-ii-spar at nag-sha-shadow fight.

Tiningnan ni Cyler si Orwin. Kilala niya ito siyempre dahil muntik na siyang matalo noong labanan nila noon dahil pasimple itong nag-cheat. Buti na lang nakabawi siya at malaki ang puntos niya nang tamaan ito sa mukha. Muntik pa itong nakatulog kung hindi lang sa head gear na nagpadaplis ng sipa niya.

Ngumisi ang may boyish looks na si Orwin. “Cyler de Guzman! Nandito ka ba para sumali sa ‘min?” ngising usisa ni Orwin na nasa ring. Ipinatong nito ang isang paa sa lubid at nag-lean. Medyo pawisan ito dahil sa kapa-practice.

“Actually, gusto kong sapakin ka sa mukha, eh.” Pagkatapos ay nanlilisik ang mga mata niya bago ngumisi nang malamig. Humakbang siyang papalapit sa ring habang tahimik lang si Keith sa tabi niya.

Orwin was a bit taken aback by it. Nalilito kung bakit umaakto si Cyler ng ganito. Wala itong maisip na dahilan para sapakin ni Cyler.

“Hmm. I don’t know why you’re acting up, Cyler. Naging basagulero ka na nga sa pagkakarinig ko pagkatapos mong mag-transfer ng school. Naisip ko lang na ginawa mo ‘yon dahil ayaw mong humiwalay kay Courtney.” Medyo napakiling ng ulo si Orwin pagkasalita at ngumisi naman.

Kilala pala nito ang kapatid niya. Sabagay, may marami ngang nakakakilala rito dahil maganda ito at parang nang-eenganyo ng mga lalaki kahit wala naman itong ginagawa. It was like his sister was kind of a challenge, a quest. Pero hanggang ngayon ay wala pang nakatibag sa matibay na pader na itinayo nito para protektahan ang sarili sa mundo at sa mga walang kuwentang bagay.

Kumaway si Orwin sa kanya nang nanghahamon. “Come on! Get in the ring. Baka masabi mong hindi ako hospitable at natatakot ako sa ‘yo. I’ll make you kiss the floor, Cyler!” ngising anitong nanunuya.

Napatawa nang mahina si Cyler sa narinig. He did not wait to be persuaded by him any longer, since he did not need it. After all, siya naman ang pumunta roon para bigyan ng leksyon si Orwin.

He could feel the rush in his system. His adrenalin pumped furiously.

Inalis ni Cyler ang kanyang shirt nang makatuntong na sa loob ng ring. Initsa niya iyon kay Keith na natamaan sa mukha. Hindi man lang nito nasalag dahil sa bilis at hindi nito yaon inasahan.

“Whoa! Dude, don’t tell me you won’t need a body protector and a head gear?” anang Orwin sa tenor na boses. Nakasuot pa rin ito ng pulang body protector, shin guard, at head gear. Hinigpitan nito ang pagkakatali ng black belt. Tila ba ipinagmamalaki nito yaon.

“Huh! You’re the only one who needs the gear, Orwin. With your wimpy kicks and sloppy moves? Nah! I don’t need any. I won’t even bother to use one,” Cyler mocked. Nakatagilid na siya at pumosisyon habang palundag-lundag para maka-warm up nang kaunti. He stretched his neck side to side and shrugged his shoulders.

Tinantiya niya si Orwin. Halos dalawang taon na rin ang nakalipas noong huli silang naglaban sa Taekwondo. Magkasing-tangkad sila at halos pareho ang pangangatawan. Sa tingin niya ay kaya naman niya ito dahil kahit nasa baseball team na siya nang mag-SHS ay hindi pa rin naman siya uma-absent sa pagpa-practice ng martial arts. Hindi lang kasi Taekwondo ang pina-practice niya kada gabi kundi street fighting din, mapasa-gym man o sa bahay nila.

Napansin niyang naaasar si Orwin sa sinabi niya. He hurt and insulted the other guy’s pride. Pero kulang pa nga itong sinasabi niya kapag naiisip niyang pinaglaruan pala nito ang damdamin ni Fiona noon. Lalo lang siya ngayong nag-iinit at naiinis. Humigpit pang lalo ang kamao niya, gusto nang sapakin ang lalaking nasa harap, samantalang inalis ni Orwin ang lahat ng gear sa katawan at Taekwondo uniform na lang ang natira para patas sila. Sinuklay nito ang medyo mahabang buhok.

“Ako ba ang referee?” tanong ng kasama nitong nasa ring din, ang sparring partner nito kanina.

Sinenyasan ito ni Orwin na bumaba na ng ring. “Hindi namin kailangan ng referee,” pagtataboy nito. “’Di ba, Cyler?” ngising baling nito sa binata.

Hindi niya ito sinagot. Sa halip ay binigyan niya ito ng isang malamig na ngisi.

Napunta naman sa kanila ang atensyon ng lahat ng mga naroroon. Nagsimula nang palibutan ang ring para manood sa laban nila. Dahil wala naman ang master ng mga ito dahil may personal na inasikaso kaya parang nakikiayon ang pagkakataong ito kay Cyler. He could thank his lucky stars later.

Inihampas ng isa sa mga kasamahan nito ang kicking pad sa sahig ng ring, hudyat para magsimula na silang maglaban. Sabay silang sumugod sa isa’t isa ng high kick pero kapwa nakasalag. Binirahan ito ni Cyler ng isang back kick na hindi napansin ni Orwin kaya natamaan ito sa dibdib at napasadsad sa lubid. Sapo nito ang dibdib na natamaan at galit na tiningnan si Cyler habang napahugot ng hininga. Nakita niya ang pagkislot ng mukha nito. Ibig sabihin ay malakas ang pagkakatama niya rito.

Hindi pa natutuwa ang binata sa nagawa kahit alam niyang masakit ang pagkakatama niyon. Kulang pa iyon. Gusto niya itong gumapang sa sahig.

Nag-bluff siya ng jab sa kaliwa at kanan na naiwasan nito. Sinundan niya iyon ng roundhouse kick pero nakaatras ito at hindi tumama sa mukha. Kaya naman ay lumipad siya at binigyan ito ng side kick. Natamaan niya rin ito sa mukha sa wakas kaya napasandal ulit ito sa lubid. Napakapit ito roon bago pa man ito mawalan ng panimbang. Hula niya ay nakakita na ito ng mga bituin.

“You’re the one who’s going to kiss the floor, Orwin,” aniya nang marahan. Hindi pa man siya pinagpapawisan. Binigyan niya ito nang ilang segundo para makabawi man lang.

Inis siyang umungol ng pagprotesta nang niyakap siya ni Orwin bago pa man siya makaatake rito.

“The fuck?” inis na aniya at nagpumiglas. Tinamaan siya nito ng suntok sa kaliwa at kanang tadyang. Hindi man lang siya umungol kundi ay nagtatagis lang ang kanyang mga bagang sa ginagawa nito. Mapagtiisan naman niya ang atake nito.

Nang makakalas siya rito ay binanatan na niya ng suntok ang kalaban gamit ang magkaibang kombinasyon—straight punch, jab, hook, at uppercut. Sapul ito sa sentido at panga. Sinundan niya pa iyon ng tadyak sa sikmura, umikot siyang palundag sa ere, at nag-double back kick. Bumagsak ito sa sahig nang padapa at lumagapak talaga nang malakas.

Narinig niya ang pag-ungol nito kasabay ng pag-oh ng mga nanonood. Ang mukha ng kalaban ay nakasubsob sa sahig. Natahimik ang buong paligid nang makita si Orwin na ganoon ang ayos. Hindi na ito makagalaw.

“Cyler!”

Chương trướcChương sau