Umigkas ang ulo ni Cyler nang marinig ang boses ni Fiona. Tumakbo ito papalapit sa kanila pero nilingon niya si Orwin.
“Now, you know why I want you to kiss the floor, bastard! But don’t even think it’s enough. It’s never enough!” Saka tumalikod na siya sa kaengkuwentro para bumaba ng ring.
Napansin niya ang pagsinghap ni Fiona na nakatingin sa likuran niya. Noon niya lang napansing tumayo na pala si Orwin at babanatan siyang nakatalikod pero nakailag siyang nag-sidestep sa tadyak nito. Malamang na napuruhan ang spine niya kung hindi siya maliksing nakaiwas.
Nag-turning back kick siya at sapul na si Orwin sa kanang tadyang. Bumagsak na naman ito sa sahig nang malakas. Para itong basahang nalukot doon habang umuungol at tuluyan na niya itong iniwan.
Umalis sa kanyang daanan ang mga kasamahan ni Orwin sa gym at napasunod na lang ng tingin sa kanya. Sa pagkakarinig niya ay si Orwin ang pinakamalakas sa mga ito rito. He just smirked at that. Hindi man lang siya pinagpapawisang masyado.
“O-okay ka lang ba?” tanong ni Fiona sa kanya at napahagod ito ng tingin sa kanyang katawan.
Biglang sumikdo ang puso niya dahil sa pag-ikot nito sa kanya para tingnan kung may sugat siya o pasa. Nakita naman nito ang pamumula ng magkabilang gilid niya dahil sa suntok kanina ni Orwin nang niyakap siya para banatan.
Napatutop ng bibig ang babae at saka akmang hawakan ang bahaging iyon.
“Hey, Fiona! Hindi ba pangha-harass na ‘yang ginagawa mo kay Cyler?” panunudyo ni Keith na lumapit sa kanila at initsa pabalik sa kanya ang kanyang shirt at nasalo niya ito.
Umurong naman ang kamay ni Fiona at napansin niya ang pamumula ng pisngi nito. Napangiti siya nang lihim nang napaiwas ito ng mukha dahil sa pagkapahiya.
“Tumawag kaya kayo ng ambulansya!” mungkahi ni Jenna na sinilip-silip si Orwin na nakakapit sa may lubid ng ring.
Pagkasuot ni Cyler ng shirt ay hinila siyang bigla ni Fiona sa kamay.
“Halika na! Baka pagtutulungan ka pa ng mga iyan!” Nasa labas na sila at hinayaan niya lang itong humawak sa kanya. “’Tsaka hindi ka ba nag-iisip? Baka ipapupulis ka dahil nanghamon ka pa ng laban dito! ‘Di mo ba naisip na baka ma-kick out ka rin sa school dahil sa gulong ‘to, ha? Bakit mo ba kasi ‘to ginagawa, Cyler?” Humarap sa kanya ang dalaga nang may bahid na pag-aalala sa mga mata nito, kahit galit ito.
Nakatitig siya rito na parang nahipnotismo. “I don’t care if I get expelled from school. You’re worth it. Walang ibang mahalaga sa ‘kin kundi ikaw at ang damdamin mo, Fiona,” mahinang sagot niya. Nagsusumamo ang mga mata niyang nakatitig dito.
She was speechless and just gaped at him. Umangat ang kanyang kanang kamay para hawakan ito sa pisngi pero parang natauhan ito at aligagang napatalikod.
“Jenna! Best, may first aid kit ka ba sa kotse mo?”
Bumagsak ang kamay niya at napatikom na lang siya ng bibig.
“Oo. Teka, kukunin ko lang, best,” tugon ni Jenna.
Nang ibigay ni Jenna kay Fiona ang first aid kit, bahagya siyang itinulak ng babae sa sarili niyang kotse para makaupo roon at nang mabigyan siyang paunang lunas na cooling cream para at least lalamig ang parteng iyon ng injury niya. Alam niyang hindi naman siya nabalian ng tadyang kaya mamaya ay magko-cold compress siya.
Napatitig siya kay Fiona habang ina-apply nito ang cooling cream sa pasa niya. Nakapokus lang ito sa area na iyon.
“I think you’re going to be an awesome mother someday, Fiona,” nakangiting aniya. Inipit niya ang ilang strand ng buhok nito sa tainga.
Natigil ang daliri nitong umikot-ikot sa injury niya nang marahan habang ina-apply ang cream. Nag-angat ito ng tingin sa kanya at nagtama ang kanilang paningin. Hindi na nila alintana ang dalawang kaibigan nilang nanonood lang habang si Keith ay palinga-linga sa gym kung sakaling may susunod man sa kanila sa labas.
Napalunok si Fiona dahil sa sinabi niya at pinagsalubong ang dalawang magagandang kilay. “Huwag mo nga akong bolahin ng ganyan at nagkaka-goosebumps ako. Awesome mother ka riyan!” Tumuwid na ito at napaangat siya ng tingin sa dalaga. “Huwag mo nang uulitin ‘yon, ha? Para kang tanga!” Inirapan siya nito at saka inayos ang first aid kit saka tatalikod na sana nang magsalita siya.
“I assure you, hindi ito pagpapakatanga. Ipinaglaban lang kita. Gusto ko lang na makabawi ka sa ginawa ng gagong ‘yon sa ‘yo noon.”
Humarap ito ulit sa kanya. “At sa tingin mo natutuwa ako sa ginawa mong ‘yon para sa ‘kin, Cyler?” Umiling ito. “Sa tingin mo ba kasagutan ang pagiging barumbado mo, ha? At sa tingin mo ba kailangan ko pang makabawi sa ginawa ni Orwin?” Umiling itong muli na may seryoso pa ring ekspresyon sa mukha. “Hindi, eh. Hindi na Cyler dahil tapos na ‘yon. Naka-move on na ako. I don’t want to have anything to do with him anymore. Sa ginawa mong ito, para mo lang kinalkal ang isang bagay na nakabaon na at dapat nanatiling nakabaon at ayokong makita pa kahit kailan! Hindi ako natutuwa roon. Hindi ako natutuwa sa ginawa mo, Cyler!”
Her words were like daggers that pierced into his heart one by one. Ang sakit. Ginawa naman niya lang naman iyon para rito. Hindi naman pala naa-appreciate.
‘Mali ba talaga ‘yong ginawa ko para sa kanya?’